Share

Chapter 2

"Type mo?" biglang tanong ni Marc pagkaandar ng sasakyan.

Napalingon akong bigla sa kanya habang nakakunot ang noo.

"Yung lalaki kanina, type mo?" tanong niya ulit dahilan kung bakit lalong kumunot ang noo ko.

At maya maya nanlaki ang mga mata ko nang marealize ko kung sino ang tinutukoy niya.

"No way! Anong tingin mo sakin walang taste?" I exclaimed then folded my arms acrossed my chest.

Sabihin na natin na gwapo talaga siya pero sa sama ng ugali niya, thank you na lang. Baka magmadre ako ng wala sa oras kung siya nalang ang nasa choices.

I heard Marc chuckled kaya naman sinamaan ko siya ng tingin. Naiiling pa siya habang natawa.

"Gwapo naman yun a, pero mas gwapo ako" nakangiting sambit niya sabay tingin sakin kaya napaiwas ako ng tingin.

"Kapal!" kunwaring sabi ko.

"Bakit? Hindi ka ba nagagwapuhan sakin?"

'Ikaw kaya pinakagwapo sa paningin ko!' Pero syempre, hindi ko sasabihin nang malakas yan. As in never! Kahit lamunin na ako ng lupa ngayon.

"Hindi! Wala akong makitang kagwapuhan kahit saang anggulo ng pagmumukha mo" pagsisinungaling ko.

Ako na, ako na ang in denial queen.

Tumingin ako sa bintana para hindi niya malaman na nagsisinungaling ako.

"Sinabi mo e" sabi na lang niya.

Hindi na ko nakapagsalita dahil napako na ang mga mata ko sa katabing kotse na nakapark. Hindi naman ako naiimpress sa mga kotse pero itong isang to, agaw pansin dahil sa kulay nitong bloody red.

"Marc, anong kotse yun?" tanong ko sabay turo sa katabi naming sasakyan.

Saglit na sinulyapan ni Marc ang kotse saka ngumiwi at umiling.

"Mustang" sagot nito bago binalik ang tingin sa daan na parang normal na kotse lang ang nakita.

I nodded my head and stared at the car again. Super tinted ang salamin nito kaya hindi makikita ang tao sa loob. Nawala na ito sa paningin ko nang mag green na yung signal at pinaandar na ni Marc ang sasakyan niya.

Hinatid ako ni Marc sa bahay. Since, we're best of friends na mula pa nung four years old kami, Marc's already been part of the family. Meron siyang kakambal pero sa states nakabase kasama ng mother niya tapos dito naman sila ng father niya. Hindi ko naging kasundo yung kakambal niya dahil palagi akong binubully at si Marc ang naging savior ko.

And yes, just like in any other stories, kapag magbest friends ang babae at lalaki may isang nafafall at ako yun. I don't know when it was exactly happened, basta naramdaman ko na lang na iba na yung tingin ko sa kanya simula nung maghiwalay kami ng university na pinasukan.

“Nga pala sabay na tayo pumasok bukas. Anong oras ba ang start ng klase mo?” tanong ni Marc.

My face lit up in excitement.

"Sure! Hhm, 7AM” I answered.

He frowned, “Ang aga pala! I’ve changed my mind,” umiling siya saka ngumisi.

Sinamaan ko siya ng tingin.

Ang mokong na to, mag-ooffer na sabay tapos nalaman na maaga ang klase ko biglang nagbago ang isip! Hindi pwede sakin yun!

"Sapak you want?"

Pinakita ko sa kanya ang kamao ko.

“Oo na! Kahit kailan ang brutal mo talaga” sabi niya habang nakapoker face.

"Psh. Manhid ka naman" bulong ko.

"Anong sinabi mo?"

"Wala! May narinig ka ba?"

"Sungit"

Hindi ko na siya pinansin at tumingin na lang sa paligid.

Kakatransfer ko lang this semester. Fourth year college na ko, graduating na. Ayoko talagang magtransfer since one year na lang naman at panibagong pakikisama na naman. Pero ang kulit nila Mommy, at sino ba naman ako para hindian sila? Lalo na nung na-guilt trip nila ako na pangarap daw nilang makagraduate ako sa alma mater nila. Hindi na lang ako umapila since makakasama ko naman si Marc, pabor na din sakin yun.

First day of class, stress agad ako. Feeling ko mauubusan ako ng boses mamaya dahil sa walang katapusang introduce yourself lalo na't transferee ako.

“Kumusta ang first day of class? Ayos ba?” salubong sakin ni Marc.

Hinintay niya ko sa labas ng classroom ko. Oo, kinikilig ako pero hindi ko pinahalata. Pinanatili kong naiinis ang expression ko habang nakatingin sa kanya.

I instantly rolled my eyes, "One word, if that's even a word but.. Urg!"I responded.

Sino ba naman kasi yung umimbento ng introduce yourself pag first day of class? Nakakaumay na kasi, every semester nalang kasi ganyan kahit nung elementary ako pati ba naman ngayong college? Lalo ako dahil transferee.

I sighed dramatically.

“Let me guess, infinite introduce yourself?” tatawa-tawa tanong ni Marc tapos pinat niya ang ulo ko na parang aso.

Hinawi ko agad ang kamay niya at binigyan siya ng aking deadly glare.

“Eew! Hindi ako isang aso para no! Don't do that again!”

Pero tinawanan niya lang ako ng malakas kaya lalo akong nainis.

“Sungit” then he pinched my nose.

Well, sabihin na nating marupok ako dahil sa nakukiha niya ako sa ganun lang. Honestly, that gesture is my favorite he's doing for me. At nawala na talaga yung inis ko nung sinabi niya to..

“Tara.. the usual”

I smiled instantly.

“Sure! Hindi ko tatanggihan yan!” sagot ko then I clung my arms on his.

"Sana may cookie monster ulit" I mumbled.

But then instantaneously, out of nowhere, I remembered that freaking guy. That Great Perkins and his annoying handsome face.

I cringed at the memory of him, that's how I also remembered na tapos na pala yung limited offer ng cookie monster dahil sa kanya.

Nakarating kami sa ice cream parlor. Occupied lahat ng seats sa loob kaya pagka-order namin ng ice cream, lumabas kami para maghanap ng vacant na table.

Nag-usap lang kami ng kung anu-ano until some disturbing sound caught our attention.

Nilingon ko yung table sa may bandang dulo, at nakita ko yung babae na umiiyak na nakaluhod sa harap ng lalaking prenteng nakaupo at walang pakialam sa paligid habang kumakain ng ice cream.

Pero imbis na yun ang pagtuonan ko ng pansin, isang matinis at nakakairitang boses ang tumawag kay Marc at walang pasabing hinalikan ito sa labi.

That shocked the heck out of me! Nanigas ako sa kinatatayuan ko sa sobrang gulat na di kalaunan napalitan ng galit.

That's my man over there! Sino siya para halikan ito sa harapan ko?!

Lalapitan ko na sana siya para hilahin palayo kay Marc pero hindi ako nakagalaw nang makitang hinayaan lang ito ni Marc at niyakap pa.

"Nakauwi ka na pala!" sabi nito na mukhang excited pa.

Umiwas ako ng tingin. Gusto kong umiyak pero ano namang idadahilan ko sa kanila kung bakit bigla akong umiiyak? Hindi naman kami ni Marc at wala akong karapatan para makaramdam ng ganito dahil single naman siya, o.. baka sila na?

Huminga ako nang malalim at sinubukan kong tumingin sa paligid para idivert ang atensyon ko. Pero parang wrong move dahil ang una kong nakita ay yung eksena kanina bago dumating yung babaeng lumalandi kay Marc ngayon.

The girl was still there, kneeling as she cleans something on the floor. Naningkit ang mga mata nang mapadpad ang tingin ko sa lalaking nakaupo lang habang tahimik na kumakain na parang walang babaeng umiiyak na nakaluhod sa harapan niya.

I then gasped as my eyes widened in shock when I recognized him.

As if sensing someone was watching him, he suddenly stopped from eating, looked up and met my gaze. Matagal kaming nagkatinginan bago ko napansin yung mapang-asar na ngisi niya.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status