Share

Chapter 4

Napahinto ako at tinitigan ko lang si Great.

Parang ang bait-bait niya kapag ganyan, pero for sure pag dumilat na yan, manlilisik na ulit yung mga mata niya habang tinitignan ako ng masama.

Hindi ko makakalimutan yung huli naming pagkikita. Hindi ako madaling matakot sa tao, but this guy in front of me gave me chills when he glared at me last time. Para siyang devil! Kulang na lang, umilaw yung mga mata niya ng kulay pula.

"Wag na kaya akong tumuloy?" bulong ko sa sarili ko.

Nagsign of the cross muna ako at humingi ng guidance kay Lord bago ako lumapit sa kanya.

Habang umiiksi yung distansya namin, lalong bumibilis yung tibok ng puso ko at hindi ko alam kung bakit. It must be his presence. Alam kong gising siya at nakikiramdam lang at siguro natatakot akong baka bigla na lang niya akong hilahin at itulak sa baba. Ang taas pa naman nito, pretty sure deads agad ako if ever malaglag ako dito sa rooftop.

I shivered at that morbid thought.

Huminga muna ako nang malalim bago tumigil sa tapat niya at malakas na loob na nagsalita.

"E-excuse me.."

Shit. Kinakabahan talaga ako!

I held my breath when he opened his eyes. Naningkit pa ito habang tinititigan ako, na parang kinikilala pa kung sino yung nasa harapan niya. Then, he looked at me from head-to-toe at saka pumikit ulit na parang hindi ako nakita!

So much for getting scared over nothing! Bakit nga ba ako natakot sa lalaking to kung dapat mas matakot ako sa sarili ko sa magagawa ko sa kanya?

Hindi talaga ako madaling magalit pero para siya talaga yung trigger ko na sa konting kilos lang niya, naiinis na agad ako.

Pumikit ako at humingi ulit nang malalim. Saka ako naupo ako sa kabilang side na medyo malayo sa tapat niya, para kahit malayo magkaharap naman kami and most importantly, safe kami sa isa't isa.

"I thought you're saying something? What is it?" tanong ko habang pinagmamasdan siyang nakapikit.

Malaki talaga resemblance nila ni Britanny. Parehong matangos ang ilong, red luscious lips, pair skin. In short, gwapo. Sayang nga lang kasi masama talaga ugali unlike his sister na super friendly. Pwede na nga siyang awardan ng Miss Congeniality.

It was a long silence hanggang sa nainip ako sa paghihintay na magsalita siya o tumingin man lang.

"Are you deaf?" kunot noong tanong ko pero hindi pa rin siya sumagot.

Nainis na 'ko kaya binato ko siya ng bago kong sapatos para makuha ko yung atensyon niya.

"Bull's eye!"

I gasped in surprise dahil hindi ko naman sinadya na tamaan siya sa ulo. Sa paa lang sana..

Nakagat ko yung ibabang labi ko nung makita ko siyang masamang masama na ang tingin sakin.

"BAKIT MO KO BINATO! BALIW KA BA HA!" sigaw niya.

This time, hawak na niya yung sapatos ko at akmang babatuhin din ako.

Bumilog yung mga mata ko habang malakas na napasinghap sa gulat habang tinitignan yung sapatos ko sa kamay niya.

Devil talaga!

Akala naman niya matatakot ako? Tumayo ako at nagcross arms.

"Pag tinatanong ka kasi, sumagot ka! Hindi yung para akong tanga dito na salita ng salita nang walang kausap!" I shouted back.

Binaba niya yung kamay niyang nakaambang magbato sakin, pero hindi pa rin niya binibitawan yung sapatos ko.

"Huwag kang assuming. Wala akong sasabihin sayo. Get out" tapos sumandal ulit siya sa pader at pumikit.

Yung sapatos ko naman, nilagay niya sa may likuran niya.

"Amina sapatos ko"

He opened his eyes to look at me then smirked wickedly.

"Ano ka sinuswerte?" sabi niya bago tumayo at humarap sa deck, inangat niya yung kamay niya na may hawak ng sapatos ko at inistretched ang braso sa ere.

"H-hoy!" napatakbo ako papalapit sa kanya para agawin yung sapatos, pero matangkad siya kaya hindi ko maabot.

Tapos bigla niyang binitawan yung sapatos ko at nahulog na nang tuluyan sa talahiban.

"Shit!"

Restricted area yun, kasi may ahas daw kaya bawal na bawal kaming pumasok!

I gave him a deadly glare pero parang mas tuwang-tuwa pa siya dahil sa nakakainis na ngisi niya.

"Walanghiya ka! Yung sapatos ko! kakabili lang kahapon dahil dinumihan mo na yung una! Bakit mo hinulog! Kunin mo yun! Kunin mo!" pinagpapalo ko siya sa dibdib.

He held my wrists firmly to stop me. Sobrang higpit nito kaya napangiwi ako.

"Aray! Bitiwan mo ko!"

"We're even now" he stated then let go of me and left.

Pero hindi ako papayag na ako yung talo. I had enough. Papagalitan na ko ni Mommy dahil wala pang isang linggo pero thrice na akong magpapabili ng sapatos. He should pay for it!

Dali-dali kong hinubad yung ka-pair ng sapatos ko. Tutal wala na yung isa, hindi ko na need yung isa pa. So, binato ko ulit sa kanya since siya naman yung nagwala ng isa.

"Bull's eye ulit!" I screamed triumphantly with a huge satisfied grin.

Sapul ulit sa ulo. Lintik lang ang walang ganti Great Perkins slash devil.

Galit na galit siyang humarap at mabilis na humakbang palapit sakin, "You're really asking for a fvcking war huh?"

Hinawakan niya ko sa kwelyo at tiningnan ng masama. I gasped at the force and quite scared na baka masira yung uniform ko. Pero hindi ako natatakot sa kanya!

So, what if I ask for a war? He started it!

Nilabanan ko siya ng titigan. Syempre hindi ako papatalo. His sharp glares were piercing through me. Akala ko iaangat niya ako at ilalambitin sa ere sa sobrang gigil niya, but I was relieved nang marahas niya akong binitawan at mabilis na umalis.

Grabe! Ngayon lang ako naka encounter ng bayolenteng tao! Hindi niya nga ako sinaktan pero inambahan niya ko ng ilang beses, which is considered na as violence maliban pa sa pagsigaw at pang-iinsulto niya sakin.

Kung kasing sama niya lang ugali ko, baka nasumbong ko na siya sa parents ko at nagdemanda. Pasalamat na lang siya mabait akong tao at sasabihan ko na lang si Britanny na ilayo niya sakin yung Kuya niya at wag na wag hahayaan na magkrus pa ang landas namin. Tss.

"Bakit ngayon ka lang?" tanong ni Marc pag-uwi ko.

Bakit nandito tong mokong na to? Napairap ako. Hindi naman sa ayaw ko na nandito siya, wrong timing lang kasi wala ako sa mood makipagkwentuhan ng nangyari sakin ngayon. Tsk.

"Bakit nandito ka? Anong meron?' ganting tanong ko din sa kanya.

"Masama ka bang dalawin ngayon? Bakit ngayon ka lang? Kanina pa tapos yung klase mo a?" he interrogated.

"May kinausap lang" I shrugged saka siya nilagpasan.

"Teka, bakit wala kang suot na sapatos? Hindi ba binili ka ulit ni Tita ng bago?"

Napahinto ako napatingin sa mga paa ko. I winced. For sure magkakakalyo na tong magagandang mga paa ko dahil sa nilakad ko! Bwisit kasi na Great Perkins na yan! "

"Bwisit! Bwisit! Ugh!" nagulo ko ang buhok ko at tuloy tuloy akong umupo sa sofa sa salas.

"Ano'ng nangyari sayo? May nangharass ba sayo?" Marc's voice laced with concern.

Hindi lang harass ginawa niya!

Hindi ko makalimutan kung paano niyang walang pusong hinulog yung sapatos ko sa rooftop!

I gritted my teeth.

"Wala! May aso kasing nakaharang sa may kanto, natakot ako kaya binato ko ng sapatos" I lied.

There's no way I'd admit to him what happened. Baka isumbong niya kina Mommy at sumugod pa sa university. I can handle it alone, basta ba wag lang akong hahawakan ng lalaking devil na yon at walang demandahan na mangyayari.

"You threw both pairs?"

"Of course! Hindi yun madidistract sa isa lang"

I clicked my tongue. So lame! Gagawa na lang ako ng excuse ganito pa! Galing mo talaga Honey Samonte.

"Bakit hindi mo kinuha pagkabato mo?"

Bakit ba ang dami niyang tanong?

Nakagat ko yung dila ko. Ayoko nang magsalita pa. Pero alam kong hindi titigil si Marc hanggang sa makuntento sa sagot ko kaya wala akong choice.

"Tumakbo na kasi ako pagkabato ko kaya hindi ko na nagawang kunin yung sapatos ko.." more lies more reasons para hindi makaakyat sa langit.

I sighed. Napapikit ako at hinilot yung sintido ko.

Ramdam ko yung tigtig niya na parang pinag-iisipan pa kung maniniwala sakin o hindi. Sana maniwala siya. Ayoko nang dagdagan pa kasinungalingan ko.

"Nagkita ba kayo ni Great?" hindi ko inaasahang tanong niya.

Mabilis akong napadilat at napatingin sa kanya. My heart pounded hard at hindi agad ako nakasagot.

He scowled at me, "Nagkita kayo?" ulit niya.

I blinked a few times bago ako umiwas ng tingin, "Hindi" lies.

Hindi agad siya sumagot. He just stared at me intently kaya medyo naconscious ako.

"Sinabi mo last time, you're befriending him.."

Napakunot yung noo ko at ako naman ang tumititig sa kanya ngayon. I don't remember saying it. Bakit ko naman kakaibiganin yung lalaking yun? Ayoko sa masama ang ugali.

"Wag kang imbento. Wala akong sinabing ganyan!"

"Sa kotse, pagkatapos nyong mag-away. Sinabi mong kakaibiganin mo siya at hahalikan"

I gasped so loud.

"Bakit ko naman hahalikan ang devil na yon! Yuck ha!” I said hysterically.

Pinanood lang ako ni Marc kaya alam kong hindi niya ko niloloko. "Sinabi ko talaga yon?!"

He nodded, "You want to make a point about Samantha's action that day" dagdag nito.

"Sino naman si Samantha?"

"Yung friend ko na pinagselosan mo," ngisi niya.

Wala na akong ibang ginawa ngayon kundi suminghap. Baka mamaya maubusan na ako ng hininga. Alam kong nagbibiro na siya ngayon, pero hindi ako mapakali dahil totoong nagselos ako that day. Tsk!

So, Samantha pala name ng babaeng yon?

Sinamaan ko si Marc ng tingin, "Bakit naman ako magseselos sa girlfriend mo?" I retaliated.

Inirapan ko siya nang tawa lang yung sagot niya.

So, hindi niya talaga itatanggi? Ouch ha! Masakit. Hanggang bestfriend na lang talaga ako.

Lumapit siya sakin at naupo sa tabi ko. He pinched my nose and chuckled.

"Wala akong girlfriend. Huwag kang mag-alala, ikaw yung una kong sasabihan kapag nainlove na ko"

Kung meron pang isasakit tong nararamdaman ko, sana.. mamanhid na lang ako.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status