Nang makarating sa gate ay binalingan ni Serenity ang binata. "Dito na ako salamat sa pagbili ng ulam at salamat sa paghatid." wika niya sa mababang tinig at nakayuko.
"A--anong hatid? Hoi! Para sabihin ko saiyo tagarito ako ano? Hwag mong sabihing tagarito karin?" takang tanong pa ni Stanley rito."O---Oo diyan kami sa gitna." sagot niya at napalingon ng marinig ang malaks na sigaw ng tito niya."Serenity! ano bat nakikipag chismisan ka pa riyan gabi na at gutom na gutom na ako hindi ka pa nakakapag luto!" sigaw nitong halata ang galit sa mukha.Hindi na nilingon ni Serenity ang binatang kausap bagkus ay npaika ika siyang tumakbo patungo sa loob ng bahay upang magluto.Nakaramdam naman ng awa si Stanley, para sa kanya ay masyado pang bata si Serenity bakit kailangang ito pa ang maghanda ng hapunan. Pailing iling siyang pumasok sa bahay nila."Napaano naman iyang tuhod mong bata ka?" tanong ng ina ni Serenity."Nadapa lang ito mama, huwag kapong mag alala at ayos lang ako hindi naman masakit." naluluhang sagot niya sa ina. dahil lingid sa kaalaman ng ina ay hindi lamang basta masakit ang sugat niya kung hindi masakit rin ang dibdib niya dahil napatama ito sa batong nakausbong sa kalsada. Ayaw lamang talaga ni Serenity na nag aalala ang ina kaya ayaw niyang ipahalata.Magkakasalo silang kumain ng hapunan at gaya ng dati ay naiwan nanaman si Serenity sa lamesa upang ligpitin ang mga iyon. Matapos mag hugas ng kinainan ay nagwalis naman siya ng sahig bat naglatag ng tutulugan nilang magkakapatid. Dahil iisa ang silid ng apartment na iyon at ayaw ng tito nila na kasama sila sa kwarto kaya naman sa sala namang siya naglatag. Pinatulog niya ang mga kapatid bago nag disisyong lumabas sa terrace nila at naupo siya sa upuang semento sumandal siya dingding nitong samentado din na siyang nagsisilbing dibisyon ng mga terrace ng apartment.Wala sa sariling tumingala siya sa kalangitan at saka tila nakipag usap sa mga bituin."Mabuti pa kayong mga bituin kahit madilim ay makikitang masaya sa pamamagitan ng inyong mga kislap. Sana naging isa nalamang ako sa inyo, hindi ko kasi alam kung bakit sa batang edad kong ito ay para nakong pinagdamutan ng kabataan. Mahal ko ang mama at mga kapatid ko pero napapagod rin ako ngunit bakit parang walang nakakakita nuon. Walang nagtatanong kung pagod na ako, sana balang araw malampasan ko ang lahat ng ito. Alang alang sa mga kapayid ko kakayanin ko ang lahat. Sige na mga mahal kong bituin kailangan ko pang magpahinga dahil bukas ay panibagong hamon ng buhay nanaman ang kailangan kong harapin bukas ulit ha, huwag kayong masasawa sa mga hinaing ko." pumasok siya sa bahay at isinara ang pintuan saka tumabi sa mga kapatid niya at nagpahinga.Lingid sa kaalaman ni Serenity ay nakaupo rin sa likuran niya ang binatang tumulong sa kanya kanina at rinig na rinig nito ang mga sinabi niya."Nakakaawang bata naman ito akala ko ako na ang may pinaka malalang problema sa mundo mas malala pa pala siya." bulong niya sa isip at saka pumasok na muli sa bahay at natulog.Kinabukasan ay maagang nagising si Stanley dahil sa mga tinig na nag uusap sa terrace nila."Tama na iyan Serenity, halika rito at inumin mo itong milo na tinimpla ko para saiyo." rinig ni Stanley ang pagtawag ng kanyang ina sa pangalan ng dalagitang tinulungan niya kagabi. Marahan siyang dumungaw sa bintana at nakita niya ang pawisang si Serenity na nagwawalis ng harapan nila."Naku salamat po tita Gina nakapag kape na po ako eh." sagot nito na sige sa pagwawalis."Sige na at walang iinom nito." pilit ng mama ni Stanley."EH tita pwede ko po bang iuwi nalamang iyan ipapainom ko nalamang po sa dalawa kong kapatid." nahihiyang sabi niya rito."Oo naman halika, ito o iuwi mo na muna habang mainit pa." abot nito sa tasa. "Ito pang pandesal ipakain mo sa mga kapatid mo. Ikaw na bata ka talaga inuuna mo talaga ang mga kapatid mo kesa sa sarili mo." at bahagya pang ginulo ni tita Gina ang buhok ni Serenity.Agad namang nagpasalamat si Serenity rito at nagmamadaling umuwi. Nakaalis na ang tito nila na walang iniwanang pera kaya naman wala silang pambili ng almusal o kung sasamain ay maghapon silang hindi kakain dahil aantayin pa nila ang paguwi nito sa gabi.Samantalang sa kabilang bahay ay masaganang kumakain sina Stanley ng almusal. Hindi niya naiwasang mag usisa sa ina."Ma, yung batang binigyan mo ng almusal kanina bagong naupa ba diyan sa kabila?" tanong niya sa ina."Oo, matagal ko ng kilala ang mag iinang iyon dahil mula sa dati nilang tinitirhan sa kabilang subdibisyon ay nakaaabot sila rito pag lalako ng kakanin. Pinalayas sila sa tirahan nila dahil apat na buwan ng hindi nakakabayad naawa naman ako kaya kahit kulang ang pangbayad nila ay tinanggap mo na sila. Nangako rin naman sila na sila na ang mag lalaba at maglilinis ng paligid para sa atin kesa bumayad pa tayo sa iba eh pumayag na ako at least nakatulong ako sa kanila nakakaawa kasi talaga ang kalalagayan ng mag iina. Gaya ngayon kwento ni Serenity ay umalis ang tiyuhin niya ng walang iniwanan kahit piso kaya alam kong nag sisinungaling siya ng sinabi niyang nag almusal na siya eh." kwento ng ina niya."Hindi ba siya pumapasok Lunes ngayon ah?""Mas malimit pa ang pagliban ng batang iyon kesa pag pasok kita mo na ngang walang makain eh maipamasahe pa ba pagpasok sa paaralan. Kaya magpasalamat kayo kasi kahit minsan hindi ninyo naranasan ang hirap na dinaranas nila. Sige na tapusin mo na yang pagkain mo at mamamalengke muna ako." sabi pa nito na tuluyan ng tumayo upang maghanda sa pamamalengke."Tita Gina, nasan na po ang mga labahin ninyo at ng maumpisahan ko na habang maaga sayang po kasi ang sikat ng araw eh." salubong rito ng nakangiting si Serenity."Nasa banyo ineng, naka handa na iyon pati ang mga sabon naroon din ang pagpapaandar ng washing machine ay naituro ko na saiyo kanina kung may nakalimutan ka itanong mo nalang sa aking anak na dyan lamang sila sa loob.""Sige po!" at pumasok na si Serenity sa kabahayan ni Tita Gina. Kumatok siya sa banyo at walang tumugon kaya naman kinuha na niya ang mga maruruming damit na lalabhan niya. Bitbit ang malaking palanggana na puno ng maruruming damit ay lumabas siya ng banyo at muntik nanaman siyang nakabangga kung hindi kito naiwas."HIindi ba sinabihan na kitang huwag mag bubuhat ng mabigat pa sa timbang mo kaya ka nadidisgrasya eh. Akin nga yan." At kinuha nito ang dala niyang batya at dirediretsong dinala iyon sa isang bahagi ng compound nila kung saan duon nag lalaba at nag sasampay ang lahat ng naupa sa apartment.Kumakanta at sumasyaw na si Serenity kasama ng mga kaklase at ng mga barkada ni Drake. Para silang nasa diskuhan na sayaw dito at hiyaw duon ng bigla nalamang siyang natigilan dahil hinila siya ni Drake sa beywang niya at saka inilapit sa katawan nito saka ng sasayaw. Itinulak niya ito ngunit mahigpit ang pagkakahawak nito at amoy na amoy na niya ang alak sa hininga nito na halos usang dangkal nalamang ang layo sa kanyang mukha."D--Drake a--ano ba bitawan mo ko!" sigaw niya na umagaw ng atensyon sa iba nilang kasamahan na nag kakasiyahan."Drake pare, lasing ka na wala namang bastusan." pigil dito ng isang kaklase ni Serenity."Eh bakit ba na ngingialam ka eh kursunada ko eto eh." sigaw ni Drake na itinulak pa ang lalaking kakalapit lamang."Eh sira ulo ka pala eh anong palagay mo kay Serenity?" pasigaw na tanong ni Amara."Eh magkano ba ang kailangan mo Serenity para mag hubad ka sa harapan ko? Eh di ba nagllantad ka ng katawan para manalo sa pageant eh di babayaran nalamang kita pa
"Who's this?" tanong ni Stanley sa kabilang linya. Hindi naman umaalis si Serenity at tila ba nakikinig ng biglang may babaeng naglambitin sa leeg nito at basta na lamang ito humalik rito. Gulat na gulat naman si Serenity at bahagya pang napaurong."Oh My God! It's really you! I missed you so much finally after a long time you came back." ani Stanley na hindi mawaglit ang tingin sa kababatang si Camella. Napakaganda nito at napaka sexy hapit na hapit ang suot nitong dress na nagpalitaw sa hubog ng katawan nito. Tila naman nakalimutan na ni Stanley si Serenity at inakay na ang kababata papasok sa kanilang bahay. Tila napahiya naman sa sarili niya si Serenity kaya minabuti nalamang niyang dumiretso papasok ng bahay niya at saka dumiretso sa cr upang maghilamos ng tumunig ang cellphone niya, tiningnan niya kung sino ang natawag sa screen nito at napangiti siya ng makitang ang kaklase niyang si Amara.Agad niya itong sinagot. "Hello Amara?" bungad niya dito."Beshy tara dito dali mag pa
Masaya silang nakarating sa paaralan kung saan idaraos ang pagtatapos sa sekondarya ni Serenity. Nakapagtapos siyang may gintong medalya sapagkatnsiya ang nangunguna sa kanilang klase. Mababakas ang saya sa kanyang mukha dahil kasama niya ang lalaking lihim na minamahal."Ang galing galing ng ate ninyo diba kaya yan ang manahin ninyong dalawa ha." sabi pa nito sa mga kapatid ni Serenity."Opo kuya." sabay namang tugon ng mga kapatid ni Seren.Nangmatapos ang graduation ay tumuloy sila sa isang restaurant at duon nag celebrate."Anong plano mo ngayon? Saan ka mag ka college?" tanong ni Stanley habang nag babalat ng malalaking sugpo at inilalagay sa pinggan ni Serenity."Bakit kailangan pang mag aral ni ate ng college eh pwede namang hindi na dahil mag aasawa narin naman kayong dalawa diba kuya." sabat ni Renilyn kaya naman naibuga ni Stanley ang laman ng kanyang bibig at nagmamadaling tumakbo sa cr upang ayusin ang sarili."Ano bang pinag sasasabi mo diyan Ren ha?" kunwaring galit na t
Nag aayos si Serenity ng sarili niya sa harap ng salamin ng biglang pumasok ng kanyang ina sa silid nilang mag kakapatid.Naupo ito sa tabi niya atbhinawakan ang kanyang kamay. "Napaka ganda mo anak, hindi lang yun napakantalino mo pa." anito sabay yukobat pinunasan angbsariling luha na kusang lumaglag. "Nagpapasalamat ako sa diyos na ikaw yung binigay niya sa akin dahil napaka responsable mong kapatid at anak. Wala na akong mahihiling pa sa diyos kung hindi ang magtagumpay ka sa lahat ng plano at pangarap mo sa buhay. Pasensya ka na kung naging pabigat ako saiyo at wala manlamang maitulong upang makapag aral ka.""Ma, okay lang ako huwag mong isipin ang lahat ng iyan dahil pangako ko po sayo na patatapusin ko sa pag aaral ang mga kapatid ko kahit high school lang. Para may maganda naman silang makuhang trabaho pag lumaki na sila at para makatulong rin sila sa iyo.""Napakabuti mo anak, alam mo ba yun napaka linis ng puso mo. Sa edad mong yan hindi kanpa dapat nagdurusa ng ganyan per
Madilim pa ay agad nang bumangon si Stanley at marahang binihisan ng dalagang mahimbing na natutulog, nakita niya ang mantsa na palatandaang wala na ang pinaka iingatan nitong dangal. Nakangiti niyang hinalikan ang noo nito bago umalis at umuwi sa kanilang bahay. Ayaw niyang malaman ng kanyang ina na hindi siya natulog sa kanyang silid dahil paniguradong sermon nanaman ang aabutin niya.Habang nalahiga sa sariling kama ay hindi matanggal sa isipan ni Stan ang nangyari sa kanila ni Serenity. Mahal na mahal niyang talaga ang dalaga ayaw niyang masira ang buhay nito ngunit natukso na rin siya hindi naman siya nag sisisi ngunit naaawa siya na hindi niya maintindihan. Natatakot rin siyang baka dumating ang oras na pagsisihan niya ang nangyari kung hindi man siya ay natatakot siyang makitang nagsisisi si Serenity sa ginawang pagpapaubaya ng sarili sa kanya. Mahal niya ito at handa siyang panindigan ang ano mang nangyari sa kanila ngunit pano kung masira ang kinabukasan ng babaeng mahal niy
Marahang itinaas ni Kiara ang damit ni Stanley hanggang sa maalis niya ito. Wala na siyang pakialam kung mawala ang dangal na pinaka iingatan niya dahil iisang tao lamang naman ang pinag lalaanan niya nito. At ito ay walang iba kung hindi ang lalaking simula bata siya ay kaagapay na niya. Alam niyang hindi pa ito ang tamang panahon ngunit natatakot siyang baka dumating na ang babaeng magmamahal at mamahalin rin nito. Alam niyang hindi siya kayang mahalin nito dahil kapatid lamang ang tingin nito sa kanya pero ano bang magagawa niya, simula ng matuto siyang umibig ay ang lalaking ito angad ang itinibok ng kanyang puso.Naramdaman niya ang pagtulak sa kanya ni Stanley, "S---sorry Serenity s--sorry alam kong mali ito. Sorry...." Nagmamadali itong inalis siya sa kandungan nito at tumayo kaya naman ng akmang bubuksan nito ang pintuan ay nakaisip na agad siy ng paraan upang mabago ang isip nito."Paglumabas ka ng pintong iyan, huwag ka ng aasa na papansinin pa kita kahit kailan. Dahil ito