Share

Chapter 4

Malalaki ang hakbang na sumunod agad si Serenity sa binatang may dala ng mga labahin niya.

"Bakit mo ba ako laging sinisermunan tapos sa huli tutulong kadin naman." mataray na tanong niya rito.

"Alam mo bata naaawa lang ako saiyo kaya kita tinulungan kita mo pilay ka pa."

"Hindi bata ang pangalan ko at hindi na ako bata ha malaki na ako!." 

"Stanley" at inilahad nito ang kamay matapos ibaba ang batya sa lapag.

Tinitigan naman ito ni Serenity parang nagtatanong ang kanyang mga mata at madali naman iyong naintindihan ng kaharap.

"Stanley ang pangalan ko, ikaw anong pangalan mo?" 

"Serenity, siguro ikaw yung kuya nung cute na lalaki teka ano nga bang pangalan noon" tila nag iisip na napatingin sa itaas na wika ni Serenity.

"Kapatid na bunso yun si Simon, cute na iyon para saiyo? Eh ano pa ako gwapo?" natatawang tanong niyansa dalagita na tila naman masusuka ang itsura habang nakatingin sa kanya.

"Alam mo kuya, umuwi ka na at ng maumpisahan ko na iyang labahin hindi ka pa ata nag aalmusal mukhang nalipasan ka ng gutom eh." iiling iling pang wika nito at inumpisahan na ang labahin.

"Tsskk siguro crush mo yung kapatid ko ano?" pang iinis naman ni Stanley dito.

Agad namang nanlaki ang mga mata ni Serenity dahil sa sinabi ng kaharap. Tinulak niya ito at ipinagtabuyan. "Umuwi ka na masyado kang maingay." inis na tulak tulak niya ito.

"Ano ba huwag mo akong itulak aalis na nga eh!" sigaw naman ni Stanley at patakbong umuwi habang tumatawa, nakasalubong naman nito si Savannah ang pangalawa nitong kapatid.

"OH anong itinatawa tawa mo diyan?" tanong nito.

"Wala inaasar ko lamang yung batang may crush kay Simon, ayun galit na galit sa akin." tumatawang sagot niya rito.

Pinagkurot naman siya ng kapatid. "Sira ulo ka talaga at pinag trip-an mo pa si Seren, alam mo bang napakabait ng batang yun kaya ako na ang nakikiusap saiyo huwag mo nag kulitin baka umiyak pa." at lumabas ito  ng bahay dala ang ilang damit nag tungo siya sa kinaroroonan ni Serenity.

"Seren! pakisama naman nitong uniform ko oh please." 

"Oo naman ate Annah."

"Pagpasensyahan mo na ang kapatid ko ha kinukulit ka daw eh, mabait yun isip bata lang talaga alam no naman panganay kaya bully."

"Ate Annah naman eh panganay din naman ako pero hindi po ako bully, hehehe."

"Ay sorry, oo naman kasi mas mukha kang may isip kung ikukumpara sa kuya ko. Huwag mo nalang pansinin ha, teka ikaw lang ba mag lalaba mag isa niyan?" biglang tanong nito ng makita ang maraming labahin.

"Hindi po tutulungan po ako ni mama, pinakakain ko lamang po siya medyo hirap narin po kasi siyang kumilos dahil masyadong malaki ang ntiyan niya."

"Okay sige iwanan na kita riyan ha."

"Sige po ate."

Matulin dumaan ang mga araw isang linggo nalamang at kaarawan na ni Serenity. Patuloy ang pag aasaran nila ni Stanley habang si Simon naman ay hindi siya napapansin dahil busy ito sa pakikipag laro ng basketball sa mga kaibigan nito.

Isang gabi muling naupo si Serenity sa sementong upuan sa terrace at tiningala niya ang mga kumikinang na bituin. Gabi gabi niya itong ginagawa at habang nakikipag usap sa mga bituin lingid sa kaalaman niya ay pinakikinggan siya ni Stanley.

"Heto nanaman ako kaibigang mga bituin, natapos muli ang aking araw ng ganito lamang alam nyo ba na pinagalitan ako ng teacher ko kanina." tila nag susumbong na wika pa niya sa mga bituin. "Kasi naman yung exam ko halos bumagsak na eh pano ko ba naman masasagutan iyon eh lagi akong absent kaya hindi ko alam yung napag aralan nila. Pagnagtatanong naman ako ayaw sagutin ng mga kaklase ko hayyyy... kailan kaya ako mawawalan ng problema. Alam mo bang pagod na pagod ako pag uwi kmo kasi nilakad ko mula school namin pauwi dito wala kasi akong pamasahe eh buti nalang nakasalubong ko si Simon kanina kaya yun nawala ang pagod ko. Sige na kaibigan tutulog na ako marami pa akong kailangang gawin bukas eh." muli siyang pumasok sa loob at natulog sa tabi ng mga kapatid.

 Hanggang sa padalawang gabi nang hindi lumalabas sa terrace nila si Serenity at hindi rin ito nakikita kahit sa labas ng bakuran kaya naman nagtaka si Stanley at tinanong na sa kanyang ina.

"Mama, napansin mo bang lumabas yung batang mataray?"

"Si Seren, ba naku eh dalawang araw nang may sakit inaapoy raw ng lagnat tapos hindi pa nauwi yung asawa ng ina niya kaya ayun di nalabas ang mag iina. Kanina ay dinalhan ko ng isang kilong bigas at limang pirasong itlog dahil narinig kong nag iiyakan na yung dalawang kapatid na maliit hindi pala kumakain kahapon pa. Hay... nakakaawa naman ang mga batang iyon hindi nko rin naman masisisi ang ina at buntis kaya di makagawa ng paraan.

Hindi maintindihan ni Stanley ang mararamdaman niya ng marinig yun sa kanyang ina. Kaya naman ng sumapit ang oras na alam niyang pagpunta ni Serenity sa terrace upang makipag usap sa mga bituin ay muli niyang inabangan ito at muling nakinig ng palihim.

"Kumusta na kayo mga kaibigan, pasensya na kayo ha dalawang gabi ko kayong hindi nalabas. Nilalagnat kasi ako at hindi kayang bumangon akala ko nga mamamatay na ako eh, pero nisip ko paano kung mawawala ako kawawa naman ang mama ko, wala siyang karamay papaano narin ang mga kapatid ko. Alam nyo bang nagtatampo ako kay God, kasi hindi ko maintindihan kung bakit binigyan niya ako ng mga pasanin sa balikat. Ang bata bata ko pa pero puro hirap na ang dinaranas ko, minsan naitatanong ko kay God kung masamang anak ba ako. May kulang pa ba sa ginagawa ko mabait naman akong bata eh, pero bakit niya ako pinahihirapan. Siguro hindi totoong mahal ni God ang lahat ng tao, siguro gaya ng papa ko ay may pinipili lang siyang pakinggan." at pinahid niya ang luhang umaagos sa kanyang mga mata.

Hindi na pigilan ni Stanley at marahan siyang nagsalita. " Alam mo bang dahil mabait kang bata ay pinadalhan ka ng Diyos ng isang anghel na tutulong saiyo?" nagulat si Serenity at dahan dahan niyang idinungaw ang ulo niya sa kabilang terrace, hindi siya agad nakapag salita ng makita si Stanley na nakaupo at unti unting tumayo lumakd ito papalapit sa kanya ibinalabal sa kanya ang jacket na hawak nito. "Hindi maganda ang pakiramdam mo dapat dika muna bumangon malamig pa dito sa labas." at naupo siya sa tabi nito.

"Nagsesermon ka nanaman ba?" mahinang tanong niya rito.

"Hindi naman, gusto ko lang sagutin yung mga tanong mo dahil hindi namn sasagot yung mga bituin sayo eh. Kung okay lang sayo kahit ngayon lang hayaan mo akong makinig sa mga sasabihin mo sa mga hinanaing mo."

At tinitigan siya ng dalagita, bakas na bakas ang lungkot sa mukha nito. Kahit malamlam ang ilaw ay makikita mo ang kislap ng luha sa mga mata nito.

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status