Share

Kabanata 4

KABANATA 4

IZARIA'S POV

Nanatili akong nakapikit kahit na naramdaman ko ang pagbuhat sa akin ng kung sino. Nalaman kong si daddy iyon nang marinig ang natatarantang boses ni mommy na sinasabihan itong dalhin ako agad sa kotse para madala sa hospital. Pero narinig ko ang kalmadong boses ni lolo na sinasabing sa kwarto na ako ituloy. Kung tutuusin siya pa ang unang magsasabi talaga na malayo iyon sa bituka para sa akin. Pero ineexpect ko pa naman siyang sasang-ayon siya kay mommy dahil itinatago niya naman sa kanila na tinuruan niya ako ng martial arts at na malakas naman talaga ang katawan ko.

"Sa loob mo na siya dalhin, Erwin. May mga bisita pa tayo," sambit ni lolo kay daddy.

I tried to peek at them. At nakita ko ang nakataas-kilay na si lolo habang mariing nakatitig sa akin. Mukhang binabantayan ako nang maigi. Mukhang alam na niya na nagpapanggap lamang ako. Agad kong naipikit ang aking mga mata. Oh my god! He'd always use that expression whenever he is disappointed or in a foul mood.

"Ayos lang ba siya, Don Fuego? Mas mabuti siguro na patingnan niyo siya sa doktor," sambit ng kung sino.

Nagsimulang maglakad si daddy. I calmed myself to maintain my breathing. Medyo nararamdaman ko na ang pagsakit ng katawan ko pero ayos lang naman sa akin. Hindi ko na nasundan pa ang usapan nina lolo dahil nakapasok na kami sa mansion. Namalayan ko na lang na pinapahiga na ako ni daddy sa kama.

"Estella, call Dr. Vander," utos ni mommy sa mayordomo ng mansion.

"Mas mabuting ikaw na muna ang bumaba roon. Ako na muna ang mag-aasikaso kay Zaria," ani daddy.

"Mas alam mo ang pag-uusapan nila. Ako na rito," apila naman ni mommy.

I think they have something important to discuss together with the Bernaville Group's chairman. Tungkol kaya ito sa kompanya?

"Sige. Balitaan mo na lang ako kapag gising na ang anak natin," ani daddy.

Tumahimik ang buong paligid. I can feel the urge to open my eyes and act as if I just woke up with a bodyache but I feel guilty already. Isang malakas na buntong-hininga ang narinig ko kay mommy. Saka ko naramdaman ang paglapat ng mga palad niya sa aking balat. She tried to check some parts of my body to probably see if I have bruises or something.

Nang biglang mahawakan ni mommy ang baba ng kilikili ko ay bigla akong napasigaw at napabalikwas ng higa. I sat with my fighting stance as my other hand shields my body. Goodness! She just touched my soft spot! Pareho kaming gulat na nagkatinginan ni mommy.

"Ayos ka lang ba?" tanong ni mommy at tumayo sa pagkakaupo sa gilid ng kama para lapitan ako.

"I am fine! D-Don't touch my body!" I said almost hysterically.

"Papunta na rito ang family doctor natin. Mas mabuting mapatingnan ka para makasigurado tayong hindi ka nalumpo o nabalian ng buto."

Paulit-ulit akong umiling. Wala iyon sa mga training na pinagdaanan ko. Hindi nga lang maganda ang pagkakabagsak ko dahil gulat pa ako nun kaya masakit ang katawan ko pero hindi naman ganoon kasakit.

"Wala namang masakit sa akin. Nawalan lang ako ng malay pero maayos ang pakiramdam ko," mabilis kong sambit.

Hindi makapaniwalang tingin ang iginawad sa akin ni mommy. She then tried to touch me again the reason why I almost jumped out of the bed just to stay away from her. Napaawang ang bibig ni mommy. I positioned myself as if I am preparing myself for my enemy's attack. Mommy's eyes widened.

"Don't come any closer. I hate it when someone touches my body," I calmly explained.

Though the reason is that this is a normal reaction from my body. Dahil nasanay akong laging alerto. Bumukas ang pinto ng kwarto ko. Napatingin kami roon. Bumungad sa amin ang pare-parehong gulat na ekspresyon nina daddy, lolo, isang matandang lalaki, si Grand, isang lalaki na mukhang doktor, at dalawang kasambahay.

"W-What is happening here?" hindi makapaniwalang untag ni lolo at sa akin dumiretso para lang ayusin ang aking pagkakatayo.

Agad akong nahiya lalo na nang makita ko ang pagpipigil ni Grand na tumawa. Pati ang dalawa pang lalaki na kasama nila.

"What are you doing?" mariing bulong ni lolo habang pinapaayos ako ng tayo.

"Mommy tickled me. You know how much my body hates that the reason why I always respond this way," I replied with my low tone.

"Act like a weak woman, Zari. The former chairman of the Bernaville Group wants to see you."

Agad akong napatingin sa matandang lalaki na katabi ni Grand. The old man is smiling from ear to ear. Nakikipag-usap na siya kay daddy ngayon.

"Bakit naman ako gustong makita ng matandang iyan?" nagtataka kong tanong.

"Izaria, watch your mouth." Now lolo sounds like he is warning me.

Agad kong naitikom ang aking bibig. Akala ko ba ay ang kompanya ang pag-uusapan nila? Why would someone like him wants to see me? Do I have something to do with that matter?

Tinalikuran ako ni lolo at humarap sa doktor. "Dr. Vander, you can now check my granddaughter."

"Mabuti nga. Para makasigurado tayong maayos lang ang apo mo, Don Fuego," natutuwang singit ng matandang katabi ni Grand at sa akin na ngayon ibinaling ang kanyang tingin.

I find it really awkward. I don't know why. Tahimik na lamang akong sumunod sa mga sinabi ng doktor na gagawin ko para simulan ang pag-check niya sa akin. I almost cursed the doctor when he tried to stretch my arms. Nang mapatingin ako kay lolo na nambabanta ang kanyang mga mata ay agad akong ngumiti nang malapad at tiniis na huwag paliparin ang doktor papalabas ng kwarto ko.

"It's a miracle that she didn't have any bone fracture or injury," the doctor said.

"I am good!" agad kong singit para kumbinsehin sila.

"Hindi na ba kailangan ng x-rays para mas makasiguro tayo?" tanong naman ni Mr. Bernaville.

"I've been a doctor for almost forty-five years. At masasabi ko na bihasa na ako pagdating sa mga ganito."

I glanced at my mother. She's whispering something to daddy. Nagkatitigan kami ni daddy. Umawang ang bibig niya para sana magsalita pero agad na nakasingit si lolo.

"Do you feel any pain, Zari?" tanong sa akin ni lolo.

I shook my head. "Maayos naman ako."

"Bakit ka pala nandoon sa punong iyon, hija?" tanong naman ni mommy.

"I was just… w-wandering around a-and then I saw a beautiful bird… above the tree!" Hindi ko na alam kung saan patungo ang palusot kong ito.

Lahat sila ay nakikinig na para bang kuryoso na malaman nga ang nangyari. I was then determined to continue lying but then Grand caught my attention! He is trying to suppress his smile and laughter as if he is witnessing something hilarious. Sinamaan ko siya ng tingin. He just raised his brow before smirking at me. Agad akong nag-iwas ng tingin sa kanya. Those black hooded eyes are dangerous.

"Mas mabuting pagpahingahin na muna natin siya. I'll try to check up on her later so we can be sure about her condition," saad ni Dr. Vander.

Tahimik akong sumang-ayon sa kanya. I want Grand out of my sight! Pakiramdam ko ay ako ang gusto niyang pagtawanan. Does he find my excuse funny?

"That would be better," magkasabay na sang-ayon nina mommy at lolo.

Kaya mabuti talaga dahil pagkatapos nun ay iniwan nila ako para makapagpahinga ako. Pero bumalik din si mommy para manatili roon. Mukha siyang masaya habang inaayos ang kumot ko.

"Something good happened?" I asked her.

"I guess. It's worth mentioning, Zaria. Alam mo naman kung gaano namin kagustong makuha ulit ang kompanya natin, hindi ba? Nakahanap ng paraan ang lolo mo dahil magkababata sila ni Senyor Aguncillio Bernaville."

"Really? That's great! Kamusta naman ang tungkol doon? Pumayag na ba ang mga Bernaville na makuha ulit natin ang kompanya?"

"Actually, they are here to talk about some conditions."

Some conditions? Ano naman kaya iyon?

"Isa pa, mabait naman ang mga Bernaville kaya sa tingin ko ay walang problema sa gustong mangyari ng lolo mo at ni Senyor Aguncillio," dagdag pa ni mommy.

She brushed my hair with her fingers. Somehow, I feel at ease and relaxed.

"Ano bang gusto nilang mangyari?" kuryoso kong tanong.

Hindi ako sinagot ni mommy. She just smiled at me and continued brushing my hair. Medyo nakaramdam ako ng kaba. Nanindig ang balahibo ko bigla at pakiramdam ko ay para akong nahuhulog sa isang makamandag na patibong.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status