Share

Kabanata 7

KABANATA 7

IZARIA’S POV

Sometimes we feel like we are devoid of love, spirit, energy, and luck. It’s as if we are living but not truly alive. Pero nangyayari lang din ito kapag may malalim tayong pinagdadaanan o di kaya kapag may nawalang isang pinakamahalagang tao o bagay sa ating buhay. Pakiramdam ko ay hindi mawawala ang sama ng loob ko kahit lumuha man ako ng dugo. Kaya kahit na nakatayo man ako sa harap ng puntod ni lolo ay walang luhang lumalabas sa aking mga mata. Mukhang naubos na ang luha ko bago pa lang matapos ang libing. Pakiramdam ko ay lumulutang ako, para akong kaluluwang naligaw sa mundong ito. Walang nararamdaman, walang patutunguhan, at pawang naliligaw lamang.

“Zari, uulan nang malakas. Umalis na tayo,” paalala ulit sa akin ni mommy.

Umiling ako. Parang nakapako ang aking mga paa sa aking kinatatayuan. Hindi ko maigalaw ang aking katawan. Pero ayaw ko rin namang umalis dito. Kasi alam ko na kapag umalis ako rito ay hindi ko na alam kung makakabangon pa ba ako bukas.
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status