Share

Kabanata 3

KABANATA 3

IZARIA’S POV

Agad akong nag-iwas ng tingin kay Grand. Ipinanalangin ko na sana ay hindi talaga ako ang nakita niya kanina. Hindi na ako ulit tumingin pa sa gawi niya dahil natatakot ako na kapag lumingon ako roon ay magkatinginan kami at baka masindak lamang ako sa mga titig niyang nakakatakot. Nakinig na lamang ako sa usapan ng ibang katabi namin.

“I proudly present to you, the new chairman of the Bernaville Group, Architect Grandeur Vermillion Bernaville.”

Pangalan niya pa lang ay parang ayaw ko ng marinig ulit. I did everything to divert my attention because just by thinking about that man makes me tremble from fear. Hindi ako nakinig sa kung anong mga pinagsasabi nila basta ay nililibang ko ang sarili ko sa pagsusuri sa mga taong nakatayo sa kabilang gilid. Hanggang sa kalabitin ako ni lolo at pilit itinuturo sa akin ang isang taong nasa bandang likod ko. Hindi ako lumingon dahil doon nakatayo kanina si Grand.

“Zari, that’s their new chairman. Kailangan ay maipakilala kita sa kanya para alam mo na kung sino ba ang dapat mong kilalanin at pakisamahan,” ani lolo at inginuso pa ang kung sinong nasa likod.

Dumagundong na ang puso ko sa kaba. Hindi ko na lamang pinansin ang sinabi ni lolo at ipinanalangin na sana ay magbago na agad ang kanyang isip. Pero sumang-ayon pa sina mommy at daddy sa nais gawin ni lolo.

“Narinig ko na hindi na bago sa lalaking iyan ang mamahala ng kompanya. Ang totoo niyan ay hindi ko kilala ang Grand na iyan. I haven’t seen him here. Baka mailap lang talaga sa mga tao kaya kahit na palagi akong dumadalo sa conference meeting ng kompanya ay hindi ko siya nakakasalamuha,” sambit ni mommy sa mababang tono at pananalita.

“I think he is active in international projects the reason why he is always abroad. Narinig mo naman kanina ang sinabi ni Senyora Ammara na galing pa siya sa Singapore,” ani daddy.

“Zaria, you should introduce yourself to him. Mukha namang mabait siyang tao,” baling sa akin ni mommy.

Gusto kong isigaw kung saang parte ng mukha ng lalaking iyon ang mukha siyang mabait. Napabuntong hininga ako. I can’t blame them. Hindi naman nila nakita ang tattoo ng lalaking iyon. I really feel that his dragon tattoo is real and it will swallow anyone who dares to defy the rules and the authority of Grand Bernaville. Wala akong nagawa nang higitin ako ni lolo papunta sa isang grupo. Sumunod sa amin sina mommy at daddy. Para akong mahihimatay nang makalapit kami sa pwesto nina Grand. He is surrounded by great people. At lahat ay pilit na nagpapabango sa kanya para lamang bigyan sila nito ng atensyon.

“I am working on a big project abroad. Pero kung papayag ka na makipagcollaboration sa kompanya ko ay maaari kong ipagpaliban na muna ito para masimulan natin ang proyekto nating dalawa,” nangungumbinseng sambit ng isang lalaking may katandaan na.

Grand laughed without humor in it. He shook his head and put his hands on his pockets before he replied, “That would be a waste. It’s better if you continue with that one. I have no plan of joining any project collaboration since I need to maintain the retention rate of my company in Singapore.”

Napangiti na lamang ng hilaw ang matandang lalaki at napakamot sa kanyang ulo. Sumunod namang nagsalita ang isang babaeng mukha pang dalaga.

“I heard, you are also running a rice mill in every part of Luzon, Visayas, and Mindanao. I am planning to establish my own rice mill. If only you could share your secrets and knowledge in expanding your business, it would be a great help to me,” ani babae.

Kumunot ang noo ni Grand na tila gusto ng kumawala sa posisyon niya. His jaw clenched. May mga sumang-ayon sa sinabi ng babae. Tila gusto ring malaman ang sekretong itinatago ni Grand. Pero sumingit na si lolo sa kumpulan kaya sa kanya naman napunta ang atensyon ni Grand. Hinigit ako ni lolo at pinatayo sa kanyang tabi. Agad akong nahiya sa ibang taong nandoon na napaawat na lang sa gilid dahil napalitan sila sa pwesto nila.

“My pleasure to meet you, hijo. I heard from my daughter that you are also the new chairman of the Asunscion Company,” agarang sambit ni lolo.

Grand scanned lolo before he nodded slowly as if he is not yet sure if his answer is a yes or no. After a while, he extended his hand to ask for a handshake.

“Nice to meet you too, Mr. Asunscion,” malalim ang boses na bati pabalik ni Grand, tila kilala na si lolo.

Nakipagkamay sa kanya si lolo. Somehow, I feel relieved that he didn’t ignore my grandfather. Akala ko kasi ay iignorahin niya lamang ito. Tumawa si lolo at mukha siyang tuwang-tuwa ngayon.

“Mana ka sa papa mo. I can see the full resemblance," natutuwang untag ni lolo.

“And so I’ve been told. Thank you.”

Mabilis na dumako sa akin ang mga mata ni Grand. Napaatras ako bigla. His black hooded eyes looked at me with total coldness. I can see no emotion at all as if he is trained to hide his feelings. Napalunok ako. Napatingin sa akin si lolo nang mapansing nagtagal ang mga titig sa akin ni Grand.

“Syanga pala, this is my granddaughter, Izaria Mauve. Kagagaling lang namin sa Kyoto dahil doon kami namamalagi kaya hindi pa siya sanay na makisalamuha sa ibang tao,” ani lolo.

Hindi nagsalita si Grand. Nakipagsukatan siya ng tingin sa akin bago niya suriin ang kabuuan ng aking katawan. I felt my legs tremble. Humigpit ang hawak ko sa kabilang kamay ni lolo.

“Are you okay, Lady Asunscion?” Grand asked me and I saw a ghost of smile crept on his lips.

Nanlaki ang mga mata ko. Pakiramdam ko ay bigla akong namutla. He is just asking but he looks like he is about to devour me!

“Masyado na siyang namumutla. Siguro hindi talaga sanay ang apo mo na makisalamuha sa iba,” namamanghang baling ni Grand kay lolo.

Pati si lolo ay namutla nang makita ang reaksyon ko. Because of my pale skin, I probably look like I am on the verge of death. Dahil sinabayan pa iyon ng pamumutla ko mula sa takot na nararamdaman ko kanina. Agad na nagpaalam si lolo at hinigit ako papalayo roon. Bumalik kami kung nasaan ang table namin at sinubukan akong paupuin ni lolo.

“Ayos ka lang ba? Bakit sobrang putla mo?” nag-aalalang sambit ni lolo.

Hindi ako makasagot.

“Mas mabuting iuwi na kita. You are not yet ready to intermingle with lots of people.”

Dahil doon ay hindi na tinapos ni lolo ang party at nagpaalam na kina mommy at daddy na iuuwi na niya ako. At umuwi nga kami agad. Nagkulong ako sa kwarto ko para sarilinin ang aking nararamdaman. Lolo thought I got culture shock or something. Natakot pa siya na baka ay iba ang maging epekto nun sa aking utak at katawan kaya naman ay lumipas ang tatlong araw na hinahayaan nila akong magkulong lang ako sa kwarto ko. But then I was really happy being alone on my room. Mas narelax pa ako dahil sa wala nga akong ibang nakakasakamuhang tao.

Sa araw na ito ay lumabas ako ng kwarto ko. Wala sa mansion sina mommy dahil may meeting sila sa kompanya. Si lolo naman ay may importanteng pinuntahan. Kaya pagbaba ko ay wala akong ibang makitang tao. I think the housemaids are on their day off that is why I feel confident as I strut my way on the huge entrance of the mansion. Paglabas ko ay nasilaw na agad ako sa lakas ng sinag ng araw. Napapikit ako. Nang makabawi at makaadjust ang aking paningin ay nilibot ko ang buong mansion. Hanggang sa napadpad ako sa kanang bahagi ng mansion namin. Malapit lang iyon sa entrance ng mansion kaya kita ang labas ng aming compound. May malaking puno ang nakatayo roon kaya naexcite ako bigla. I stretched for a bit and warmed up a little. Pagkatapos ay inakyat ko iyon para roon muna tumambay.

“Hooo! The breeze is so refreshing.” I giggled as I look for a better spot to position myself.

Malakas ang ihip ng hangin dahil mataas ang punong ito. Malalaki ang sanga kaya magandang upuan. After positioning myself, I decided to meditate for a while and maintain my breathing pattern. Ito na ang nakagawian ko bago magsimula sa practice para sa aking martial arts kaya naman ay narelax agad ang aking utak at katawan. Nanatili ako roon ng ilang minuto. Napakaganda na sana ng katahimikan ng paligid kung hindi ko lamang narinig ang sunod-sunod na ingay galing sa isang kotse. I was distracted by a loud warning sound of a vehicle horn which made me open my eyes. Nagulat ako nang makita ang tatlong kotse na nakatigil na ngayon sa harapan nitong malaking puno. Lumabas sa unang kotse si mommy at daddy.

“Dios mio, Zaria! Papaano ka napunta riyan?! Bumaba ka riyan!” natatarantang sigaw ni mommy nang makababa sa kotse namin habang nakatingala sa akin.

Nanlaki ang mga mata ko dahil sa gulat. Akala ko ay mamayang gabi pa sila darating. At hindi lamang iyon, nawalan ako ng balanse nang makita kung sino ang sunod na lumabas sa ikalawang kotse. Agad akong nataranta nang magtama ang paningin namin ni Grand. Bumagsak ako sa lupa pero napadaing lang ako nang mahina. What is he doing here? Nahulog na nga ako sa puno pero hindi sakit sa katawan ang pinagtuunan ko ng pansin kundi si Grand mismo!

“My God! Zaria!” narinig kong sigaw ni mommy papalapit sa akin.

I closed my eyes and stayed still on the ground. Nagpanggap akong nawalan ng malay para lamang isalbi ang sarili ko sa kahihiyan. Hindi ako mahuhulog at mawawalan ng balanse kung hindi ko lang nakita ang nakakatakot na pagmumukha ng lalaking iyon!

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status