Share

Chapter 58

“Kumain naman tayo sa labas!” aya ni Anica sa apat n’yang kaibigan.

“Oh, baka kung saang weird na restaurant mo naman kami dadalhin! Tumataba na ako Anica sa ginagawa mo sa akin ha!” angal ni Baron.

“Parang gusto ko kasing kumain ng mga inihaw! Lalo na ‘yung sunog na barbecue! ‘Yung mapait-pait pa!” wika ni Anica.

Napatingin si Ella sa kanyang relo, maaga pa naman at malapit na ang oras ng uwian. “Sige, mamaya ko pa naman susunduin si mama.”

Napalingon ang lahat sa sinabi ni Ella.

“Talaga! Yehey!” Napatalon si Anica mula sa kanyang pwesto at niyakap ang kaibigan. “Super saya ko! Nako.”

“Oy! Dahan dahan ka lang naman kumilos!” pabulong na sinaway ni Ella si Anica sa kanyang magagaslaw na pagkilos.

“Opo, na-excite lang ako, sorry na,” wika ni Anica at kumalas na sa pagkakayakap kay Ella.

“Dala ko naman ‘yung sasakyan ko, doon na lang tayo gusto mo?” alok ni Ella kay Anica.

Tumango tango naman si Anica at halatang nasasabik sa kanilang paglabas.

“Sige, dala ko naman ‘yung motor ni Anica,
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status