Alexes POV
Nasa huling bahagi na ako ng skitch plan ko para sa ginagawa ko na blueprint nang biglang bumukas ang pintuan ng opisina ko.
"Aloha, magandang Pilipina!" sigaw nito at patakbo na pumunta at yumakap sa akin.
"Oy, Mitch, akala ko nasa Canada ka pa!" masaya ko na sabi.
"Oo nga, nang magka-usap pa tayo last day ay nasa Canada pa ako. Kakarating ko lang. Since daanan naman itong office mo pauwi sa bahay namin i decided na bisitahin ka. Kumusta ka na girl?" masaya nitong tanong.
"Ito si Alexes, pa rin," malungkot na sagot ko.
"And still si Kenny, pa rin!" makahulugang sabi nito.
Tiningnan ko lang ito.
"Girl, sobra na sa isang decade ang nakaraan hindi mo pa rin siya ma-forget!" sabi nito at pinanlakihan ako nang mga mata.
"Bakit ka nandito. I mean bakit ka napauwi dito sa Pilipinas. Akala ko ba sabi mo doon ka na lang sa boyfriend mo na white skin!" nagtatampo ko na sabi.
"Asus huwag ka na magtampo girl, ikaw pa rin 'yong favorite friend ko," sabi nito.
"Ah gano'n favorite friend pero hindi mo man lamang dinalhan nang chocolate from Canada!" sabi ko habang pigil ang ngiti.
"Haha, alam ko naman na afford mo ang bumili nang mga imported chocolate kaya hindi na kita binilhan. Pero may chika ako na alam ko na maging interested ka," sabi nito na kumikindat pa sa akin.
"Oh, ano naman 'yon?" tanong ko saka inililigpit ang aking mga drawing skitch.
"Alam mo girl, nagugutom ako wala bang coffee shopes dito," sabi nito.
"Kahit kailan hindi ka talaga nagbabago, pagkain pa rin na sa isip mo palagi. Sa baba meron, doon tayo," sabi ko habang tumatawa saka hinila siya palabas ng office ko.
"Oh ano ba 'yong chika na sinasabi mo?" tanong ko nang matapos naming mag order nang mga pagkain.
"Pwede ba mamaya na lang iyon, nagugutom na talaga ako girl!" sabi nito at nilantakan ang pagkain na kakalapag lang nang waiter sa aming mesa dito sa loob nang isang restaurant sa ground floor ng construction firm namin.
"Oy Mitch, dahan-dahan lang sa pagkain baka mabulunan ka. Wala ka pa ring pinagbago pagdating sa pagkain ang siba mo pa rin!" sabi ko habang nakatawa.
"Oh, kumain ka na baka maubos ko ang mga ito," sabi nito na halos hindi ko na maintindihan ang sinasabi dahil sa puno na nang pagkain ang bunganga nito.
Kumain na rin ako kasi nakaramdam na rin ako nang gutom. Kanina pa ako nagugutom. Plano ko na tatapusin na rin 'yong mga ginagawang drawing ko bago pa man dumating itong kaibigan kong bigla-bigla na lang sumusulpot.
Tapos na kaming kumain ni Mitch, at ngayon ay nandito na kami sa loob ng opisina ko.
May tinitingnan ako sa aking mga skitch plan nang magsalita ito.
"Talaga ba na hindi mo pa rin siya nakakalimutan girl?" basag ni Mitch, sa katahimikan naming dalawa sa loob ng opisina ko.
"Ha, sino?" maang-maangan ko. Kunyari hindi ko alam ang tinutukoy nito.
"Ay, pa as if girl na hindi alam. Syempre si, Kenny!" diretso nitong sabi.
"Now alam ko na kung ano 'yong chika mo na kanina ko pa tinatanong na hindi mo sinasabi kasi binibitin mo ako. It is all about him!" sabi ko.
"Oo, kaya pala pumunta sila nang family n'ya sa America kasi, doon siya nagpatuloy sa pagpagamot hanggang sa gumaling ito," sabi nito.
"Nagpagamot, wala naman siyang sakit ah!" nagtataka ko na sabi.
"Naaksidente siya noon sa araw mismo nang kayo ay maghiwalay," malungkot na sabi nito.
"Ano! Naaksidente. Bakit?" gulat na gulat kong tanong.
"Hindi ko na alam kung bakit. Siguro 'yong family n'ya or si Kenny, mismo ang makakasagot niyan. Basta iyan lang ang alam ko," sabi nito.
"Kaya pala hindi na siya nagpakita pa. Pero sana man lamang ay nag paalam siya nang umalis sila," malungkot na sabi ko.
Sobra ang lungkot na nararamdaman ko. Sinisisi ko ang aking sarili kasi pakiramdam ko ang pakikipaghiwalay ko sa kaniya ang dahilan kung bakit naaksidente ito.
"Mitch, selfish ba ako?" tanong ko habang hindi ko mapigilan ang umiyak.
"Ha, hindi ka mukhang isda. Bakit mo naman nasabi?" nakangisi nitong tanong.
Alam ko na gusto n'ya lang pagaanin ang loob ko.
"I'm serious, makasarili ba ako?" ulit kong tanong habang pinupunasan ko ang aking mga luha.
"Friend hindi ah. Mabait kang tao at masunurin sa mga magulang. Kaya huwag mong isipin na makasarili ka. Wala kang kasalanan. Hindi mo iyon ginusto kaya huwag mong isipin na ikaw ang may mali. Saka pwede ba huwag ka kasi basta-basta nalang iiyak kapag kaharap ako napapaiyak mo na rin ako eh!" sabi nito habang maarting pinupunasan ng isang daliri nito ang sariling mga luha at pilit na ngumiti sa akin.
"I'm sorry hindi ko lang mapigilan ang mga luha ko sa tuwing maalala si Kenny. Napakasakit lang isipin na dahil sa akin ay kusang lumayo sa akin ang taong mahal na mahal ko. Ako ang gumawa nang dahilan kung bakit siya nasasaktan. Sinaktan ko siya to the point na nalagay na sa alanganin ang buhay niya at siya na mismo ang bumitiw. Napaka selfish ko Mitch, ang selfish selfish ko. Huhuhu!" sabi ko na humahagolgol na naman sa pag-iyak.
"Shh, tama na 'yan girl. Huwag mong sisihin sarili mo. Wala kang kasalanan. Sinunod at ginawa mo lang kung ano ang dapat at tama," sabi nito at niyakap ako.
Hinayaan na lamang ako ni Mitch na umiyak nang umiyak hanggang sa tumahan na ako.
"Are you sure na okay ka na?" paninigurado na tanong ni Mitch, sa akin.
"Oo, " sabi ko habang tumatango-tango.
"Okay, sige huwag ka nang umiyak. Sira na ang beautiful face mo oh," pangungulit pa rin nito.
"Opo, hindi na po madam. Sige na umuwi ka na. Kanina ka pa hinihintay nila Tita," sabi ko at itinulak ko ito papuntang pintuan.
"Kita mo ang babaeng ito matapos akong iyakan papaalisin na naman kaagad ang sama nang ugali mo girl," pagbibiro nito.
"Oo na, bumalik ka na lang bukas. May mga blue print pa ako na tatapusin," sabi ko.
Nang makalabas na ito ng opisina ko ay isinarado ko ang pintuan at pumasok sa paborito kong lugar sa tuwing nakakaramdam ako ng upset at regration sa buhay at doon ko ibinubuhos ang lahat na sama nang loob ko. Ang Comfort Room.
Pagpasok ko nang comfort room dito sa opisina ay tiningnan ko ang aking sarili sa malaking salamin mula ulo hanggang paa.
"Ang ganda mo. Halos lahat ay na sa iyo na pero bakit hindi ka masaya. Bakit hanggang ngayon ay dala-dala mo pa rin ang mga masasakit mo na nakaraan. Bakit hindi mo makalimutan ang isang tao na wala nang pakialam sa iyo. Tinagurian ka na isang matalinong tao at magaling sa halos lahat na bagay pero bakit pagdating sa sarili mo wala ka nang makukuhang sagot sa mga tanong mo. Bakit sobrang sakit pa rin?" mga katanungan ko sa aking isipan habang tinitingnan ang sarili sa salamin at nakikita ko ang pag-uunahan nang paglandas ng mga luha sa aking mata.
Alexes POV Lumipas ang oras na puno nang kasayahan ang buong paligid ng masion. Masayang-masaya ako dahil hindi ko akalain na darating pa ang mga oras at pagkakataon na ito sa amin ni Kenny. Nakaramdam ako ng pagod kaya nagpasya akong pumasok sa loob ng mansion at puntahan ang mga anak ko. Hinanap ko ng aking paningin si Kenny. Nagpaalam kasi ito na may pupuntahan lang at kakausapin na kan'yang kamag-anak. Nakita ko itong masayang nakikipag-usap kina Zion, Xander at sa isa pang lalaki na nakatalikod sa akin. Sa tingin ko ay magkasing-edad lang sila ni Kenny. Tumingin sa akin si Kenny. Suminyas ako na papasok muna sa loob ng mansion. "Excuse me mga Bro, sasamahan ko muna ang Babyhoney ko baka inaantok na 'to!" malakas nitong sabi sa kasamahan at lumapit sa akin. "Oh bakit mo naman sila iniwan. Okay lang naman sa akin kung sasamahan mo sila. Magpapahinga lang ako sandali kaya papasok ako sa loob," sabi ko na nakak
Alexes POV Abala ang lahat sa paghahanda para sa binyag ng dalawa kong anak na kambal. They are almost One month old na at naging masaya ang buong mansion dahil sa kanilang pagdating sa buhay namin. At ngayon ay ang araw ng kanilang paghahandog/binyag. Kakarating lang namin mula sa simbahan at napagpas'yahan ko na ipaakyat muna ang kambal sa kanilang nursary room. "Yaya Marie, at Yaya Lyn, iakyat n'yo muna sina Kenjie at Kurt sa taas para makapagpahinga sila ng maayos," sabi ko sa mga tagapag-alaga ng kambal. Tulog na tulog kasi ang mga ito dahil siguro sa pagod kaya nakatulog ang dalawa mula pa kanina sa simbahan. Tiningnan ko muna ang dalawang kambal at hindi ko mapigilan ang aking sarili na halikan ang mga ito sa noo. Bigla namang umiyak si Kenjie nagising ko yata sa paghalik ko ngunit si Kurt naman ay mahimbing pa rin sa pagtulog na para bang nananaginip pa ito dahil sa parang masaya itong napapangiti sa kan'yang pagtulog.
Alexes POV "Mommy Isabel, salamat at nahanap at nagkatagpo na tayo. Alam mo ba na nang malaman ko na ampon ako nila Mommy Ellen at Daddy Albert ay naisip ko na ayaw mo sa akin. Na ayaw sa akin ng totoo kong mga magulang dahil akala ko si Yaya Mercy ang Ina ko. Nagalit ako dahil nais akong patayin ng totoong magulang ko sa pagkaka-akala ko na siya ang totoo kong Ina," nalulungkot kong sabi. "Alisa anak, hindi ka gustong patayin ng Yaya Mercy mo. Siguro may dahilan siya kung bakit niya ginawa iyon. Pero alam ko na hindi niya iyon gagawin sa iyo. Kitang-kita ko kung gaano ka niya alagaan at mahalin bilang isang totoong kapatid o anak man. Napakabait niyang tao siguro may dahilan siya pero maniwala ka mahal na mahal ka ng Yaya Mercy mo," pagpapaliwanag ni Mommy Isabel. I nooded my head at nagpatuloy sa pagsasalita. "Opo! Siguro po! Mommy, tama po kayo. Pero ngayong alam ko na ang lahat, nagpapasalamat ako at ikaw ang naging Ina ko. Naging kayo ang totoong
Doc. Isabel POV Hindi ko akalain na sa silid kami ni Sandy hahantong. Ang Alexes na anak na hinahanap nila Mr. Albert ay si Sandy pala. Hindi ko alam ang gagawin ko nang mga oras na iyon. Si Sandy at Alisa ay iisa. Matagal ko na palang natagpuan ang anak kong matagal ko nang hinahanap. Kasa-kasama ko na pala siya. Kaya pala ang gaan-gaan ng loob ko sa kan'ya ay siya pala ang hinahanap kong anak na nawawala sa akin noon. Salamat at ligtas siya. Salamat at napunta siya sa mga mabubuting tao. Umiiyak ako habang nakatingin kay Alisa na niyayakap nito ang kinikilalang mga magulang. Nakita ko kung gaano nila kamahal ang anak ko. At mas lalo akong nagdamdam nang marinig ko ang sinabi nito na hindi niya kailangan pang hanapin o makita ang kanyang totoong mga magulang dahil sapat na sa kan'ya ang mga magulang na kanyang kinamulatan. Masakit iyon sa aking pandinig, ngunit tama siya. Sapat na ang kan'yang mga kinikilal
Alexes POV Walang tigil sa pag-agos ang mga luha ko habang nagpapaliwanag si Kenny hanggang sa matapos nitong sabihin ang lahat-lahat sa akin. Hindi ko inakala na gano'n pala ang nangyari. Kung sana hindi ako nagpadala sa aking emosyon at hindi ako umalis ng mansion. Hindi na sana ako nahiwalay sa mga magulang ko. "I'm so sorry Kenny, nagkamali ako ng inisip at inakala. Hindi na sana umabot sa ganito ang lahat kung noong una palang ay nakinig na ako sa'yo. Noong gusto mong magpaliwanag sa akin sa loob ng kotse bago mo ako dalhin sa mansion n'yo sa Isla. Wala na sanang nasaktan at nadamay na mga tao," sabi ko habang nakayakap ako dito. "Honey, makinig ka. Wala kang kasalanan. Maraming magagandang dahilan kung bakit itinulot ito ng Dios na mangyari ang lahat ng ito at isa sa magandang dahilan na iyon ay ang tungkol sa iyong totoong mga magulang," sabi ni Kenny sa akin. "Huh! Totoo kong magulang?" nagtatakang tanong ko. "Yes! Gusto mong m
Alexes POV "Ano? Ano 'yong sinabi mo? Totoo ba 'yang sinasabi mo? Tama ba yong naririnig ko?" hindi makapaniwalang tanong ko. "Yes! Honey, tama ang narinig mo," sabi nito at kumalas ito sa pagkakayakap sa akin. May dinukot ito sa bulsa ng pantalon n'ya. Isang maliit na box ang nakikita ko na hawak niya at hinila ako nito sa harapan ng crib ng kambal. Nagulat ako nang lumuhod ito sa aking harapan at binuksan ang box na kulay pula at nagsalita. "Architect Alexes Sandria Viera, Will you marry me," naiiyak na sabi nito. Tumambad sa akin ang isang pamilyar na singsing. Napahagulgol ako nang makita ko ito dahil hindi ako makapaniwala na nasa kan'ya ito. Ang singsing na iningatan ko sa loob nang mahigit 11 years na itinapon ko na, ay heto na ngayon ibinibigay muli sa akin ng lalaki na s'ya ring nagbigay sa akin noon. "Kenny, sambit ko sa pangalan nito kasi wala akong masabing salita sa kasiyahan na nadarama ko.