Gusto sanang samahan ni Lance si Freeshia sa photoshoot niya para sa isang magazine na magfe-feature ng LDV Residences at siya bilang modelo at brand ambassador na din ng korporasyon ng mga Villavicencio.Hindi lang talaga pumwede si Lance dahil may kailangan itong puntahan sa site ng bagong pinapatayong condominiums niya.Sinabihan pa niya si Freeshia sa i-reschedule na lang ito para masamahan siya pero tumanggi na ang babae lalo pa at nakapagset- up na din ang mga tauhan ni Lance.Kaya naman kahit labag sa kalooban ni Lance ay napilitan siyang payagan si Freeshia matapos niyang bigyan ng instructions si Kelly over the phone, pati na ang security na kinuha nito para kay Freeshia.Hinatid na lang niya ito sa venue at sinalubong naman ni Troy si Freeshia sa labas ng studio.“Keep an eye on Freeshia! Kapag may kahina-hinala, ireport mo agad sa akin!” bilin pa ni Lance sa head ng security“Ako na ang bahala dito!” sabi pa ni Troy kay Lance sabay tapik sa ballikat ng kaibiganUmalis naman
It was a Sunday evening at nandito ngayon si Freeshia at Lance sa mansion ng mga Altamonte para sa isang family dinner na hinanda ng mga Altamonte para sa kanilang dalawa.Walang pagsidlan ang kaligayahan nilang dalawa dahil taliwas sa mommy ni Lance, tanggap na ng mga Altamonte ang pagbabalikan nila.“So anong plano ninyo?” tanong ni Mr. Altamonte sa dalawa habang kumakain na sila ng hapunan“Kung ako lang po dad, gusto ko na talagang magpakasal na kami ni Freeshia. Pero ang gusto po kasi niya, tapusin muna ang projects niya.” sagot ni Lance sa daddy ni Freeshia na tila nagsusumbong“Sabagay mas mabuti na yun, iho. Para mas makapag focus kayo sa prepararation ng wedding!” Masayang sangayon naman ng mommy ni Freeshia sa pasya ng anak niya“Of course mommy! Gusto ko pong bigyan ng magarbong kasal si Freeshia. Just the way she deserves it!” sabi pa ni Lance kay Mrs. Altamonte at nagustuhan naman iyon ng ginang“Lance, ayoko naman ng magarbo! I just want it to be intimate and memorable
May interview ngayon si Freeshia sa isang TV network para sa promotion ng LDV Residences as the brand ambassador of the company.The program is more of a business program, kaya lahat ng may kinalaman sa business ay featured dito sa programang ito.Kasama ni Freeshia si Troy at dahil nasa Cebu si Lance for an ocular inspection ay hindi ito nakasama sa studio ng sikat na TV network.Nasa loob din ng studio ang security ni Freeshia at hinayaan naman ito ng network since kilala din si Freeshia hindi lang bilang si Malaya Esprit’ kung hindi na rin bilang heredera ng mga Altamonte.After the cue ay sinimulan na ang interview kay Freeshia dahil chineck din ni Troy ang mga questionnaires na gagamitin ng host for the said feature.“And of course I am Shayne Antiporda and this Business, Life and Glam. And for today’s guest, we would like to welcome a fast rising model in the US and a proud Filipino who is starting to make a name in the modelling world. She is none other than Ms. Freeshia Natal
Halos ibato ni Celestine ang hawak niyang tablet kung saan siya nanunuod ng live broadcast ng interview ni Freeshia sa isang Business oriented show.Nakagawa ng paraan si Abby na masabotahe ang mga questions na itatanong kay Freeshia pero imbes na masiraan ng loob, ay buong tapang itong sinagot ni Freeshia.And now, she is flodded with comments at lahat, pabor sa kanya. “Damn that bitch! Kailan ba mauubusan ng swerte ang babaeng yan?!” halos mapatid ang litid ni Celestine sa galit na nararamdaman niya patungkol kay Freeshia“Will you relax ate! Ano ka ba?” saway naman ng kapatid ni Celestine sa kanya“Paano ako magre-relax!? Aba’y kahit anong gawin ninyo, nakakalusot at nakakalusot ang babaing yan!” tila paninisi ng ate niya sa kanya“Tsk! Let her enjoy her taste of happiness and success, ate! Hayaan mo muna siyang magdiwang!” cool na sagot ng kapatid ni Celestine sa kabila ng panggagalaiti niya“Naiinip na ako!” “Ito naman! Diba sinabi ko naman sayo, sit back and relax! Kami na an
Pauwi na si Lance ngayong hapon mula sa biyahe niya sa Cebu. Hindi nga niya nasamahan si Freeshia sa interview nito sa isang TV station dahil hindi niya pwedeng ipagpaliban ang ocular inspection sa site.Nalaman din niya ang tungkol sa pagpapalit ng questions kay Freeshia at labis niya itong ikinabahala. Talagang desido ang kung sino mang tao na saktan si Freeshia.Napanuod ni Lance ang interview and he couldn’t help but to be proud of Freeshia dahil naitawid nito ang interview sa kabila ng lahat.Maraming nagbigay ng magandang komento sa kanya at sa pagiging malakas niya despite being broken.Marami ang pumuri kay Freeshia dahil sa kabila ng pinagdaanan nito, naging matatag siya at nabuong muli ang sarili niya. Idagdag pang naging sikat na modelo ito sa New York.Ang alam ni Freeshia , bukas pa siya uuwi kaya naman excited siya na surpresahin ito.Dumaan muna siya sa isang flower shop para bumili ng bulaklak and of course, hindi niya nakalimutan ang paborito ni Freeshia na ripe mango
Ngayon ang schedue ni Freeshia para sa shoot ng LDV residences. Hindi niya mapigilan ang sayang nararamdaman niya dahil na rin sa mga magagandang nangyayari sa buhay niya.Maganda ang takbo ng career niya at sobra ang saya niya dahil na rin sa maayos na takbo ng relasyon nila ni Lance ngayon. At ipinapakita talaga nito sa kanya ang pagmamahal at pag-aalaga na hinahanap niya noon.Even Troy is happy dahil nakikita niya na masaya ang kaibigan niya. At alam ni Freeshia na yun lang ang gusto nito para sa kanya. At masaya din siya for him dahil nakikita niya na going strong sila ni Herea.“So anong plano mo pagkatapos nito?” tanong ni Troy habang nagpapahinga sila dito sa studio since inaayos pa ang susunod na setNakabantay naman sa paligid ang security ni Freeshia lalo na si Angel na siyang naging personal assistant niya.“Gusto ni Lance na magpakasal na kami after ng projects ko sa corporation.” sagot naman ni Freeshia sa kaibigan Lumapit naman si Angel at inabot kay Freeshia ang wate
Nasa penthouse na sila Lance at Troy and Freeshia is already sleeping matapos nila itong maiuwi.Habang palabas sila ng studio ay nagsimula na naman ang tantrums ni Freeshia nang makita ang mga tao sa paligid.Pinagtatawanan daw kasi siya ng mga ito ayon kay Freeshia at sinenyasan na lang ni Lance ang mga tauhan niya na huwag na itong pansinin.“Bro, hindi na maganda itong nangyayari kay Freeshia!” nag-aalalang sabi ni Lance kay Troy at ganun din naman ang nararamdaman niyaKanina, habang nakikita niya si Freeshia ay naaawa siya dito lalo pa at para na itong may diprensya sa isip dahil sa paghehele niya sa baby na nakikita niya.“Alam ko Lance! Bakit ba nangyayari ito kay Freeshia? Hindi naman siya ganito dati? Isa pa, wala naman siyang problema! In fact, ang saya-saya niya kanina dahi pinaguusapan namin ang tungkol sa kasal niyo.” “Kailangan na ba natin siyang patignan sa doktor?” tanong pa ni Troy kay Lance kaya nasapo nito ang batok niya habang nakatingin siya sa sahig“Hindi ko
Maagang nagising si Lance kinabukasan o mas tamang sabihin na hindi siya nakatulog agad sa labis na pag-aalala para kay Freeshia.Hindi din niya maintindihan kung ano ang nangyayari dito at kung bakit pabago-bago ang ugali nito.Nagkakape na siya since magluluto siya ng almusal para kay Freeshia at nandoon ang panalangin niya na sana maging maayos na siya ngayong umaga.He was scrolling his socials at naagaw ang pansin niya sa isang post na sangkot si Freeshia.IS MALAYA ESPRIT’ GOING NUTS???Kalakip ng post ang isang amateur video na kuha noong magsimula ang tantrums ni Freeshia.At kahit maaga pa, tinawagan niya ang contact niya para utusang tanggalin ang kumakalat na post online.Mabuti na lang ay sumagot ito at sinabing gagawan niya ng paraan ang problema.“Do everything para matanggal yan! Ayokong mas madepress si Freeshia!” utos ni Lance dito“I’ll do my best sir lalo pa at marami ng nag-share ng video! Mahirap na din i-trace ang account ng nagpost.” paliwanag ng kausap ni Lanc
Pagkalabas nila sa department store ay dumaan muna si Herea sa isang grocery store na loob din ng mall. Hindi niya inaasahn na sa lolo pala niya ang mall na ito at gaya kanina, hindi niya ulit binayaran ang mga pinamili niya.Naiayos na ni Adam sa kotse ang mga pinamili niya at pagkatapos noon ay sumakay na sila sa kotse.“Gusto mo bang kumain muna bago umuwi?” tanong sa kanya ni Adam pero umiling lang siya“Sa bahay na lang siguro! Para may kasabay si lolo tutal maaga pa naman!” sagot niya habang nakatingin sa bintana“Wala ang lolo mo sa mansyon, Herea. May meeting siya!” napalingon siya kay Adam as she heard his words“Meeting? Kakagaling lang niya sa sakit!” ani Herea pero nagkibit balikat lang si Adam“Ganun ang lolo mo, Herea! Masyadong subsob sa trabaho! Kaya nga makakabuti kung matututunan mo ang pagpapalakad ng kumpanya para may makatuwang na siya.” sabi pa ni Adam“Bakit hindi ikaw ang tumulong sa kanya? Gaya ng sabi ko, magtatrabaho ako pero bilang empleyado!” mataray na sa
Inis na sumakay si Herea ng taxi sa kabila ng paghabol sa kanya ni Adam. Hindi talaga niya mapigilan ang sarili na hindi patulan ang lalaking iyon dahil sa pagiging antipatiko niya.Nagpahatid siya sa bangko para gawin ang business niya doon. Inasikaso naman siya ng clerk at nakita niya naman niya ang updates ng deposits as soon as maibalik sa kanya ang bank book niya.Her credit cards are also activated kaya naman nag widraw lang siya ng konting cash para sa kanyang pangangailangan.Paalis na sana siya njng makita niya si Adam na pumasok ng bangko. She rolled her eyes at balak niyang lagpasan ito pero hinaklit agad ni Adam ang kamay niya.“Let me go!” banta niya dito habang matalim ang tingin na ipinukol niya dito“No one dares to turn her back on me, woman!” galit din si Adam pero hindi naman papadaig sa kanya si HereaPilit niyang binaklas ang kamay ni Adam at nakita naman ito ng gwardya kaya agad itong lumapit sa kanila.“May problema ba Ma’am?” tanong nito sa kanya“Opo! Palabasi
Namangha si Herea nung makarating sila sa mansion ng mga Jennings at doon palang, masasabi na niya na mayaman talaga ang lolo niya. Well, ayaw naman niyang ipasok ang mga nakikita niya sa kanyang sistema dahil hindi naman siya isang tunay na Jennings. Maaring tinanggap niya ang pagtira dito pero magtatrabaho siya sa kumpanya para naman makabawi siya sa kabutihan sa kanya ng matanda.Malugod siyang ipinakilala ng kanyang lolo sa mga nakahilerang kasambahay sa mansion. “Siya ang senyorita Herea ninyo! Kaisa-isang apo ko siya at kung ano man ang ibinibigay ninyong respeto at pagsisilbi sa akin ay ganun din sana ang gawin ninyo sa kanya.”“Magandang araw po, senyorita! Maligayang pagdating po. Ako po si Pilar, ang mayordoma dito at kung may kailangan po kayo, huwag kayong majiyang mag-utos sa amin!” magalang sa sabi nito “Maraming salamat po!” ani Herea at sa totoo lang, hindi na nga yata siya sanay na tinatawag siyang senyorita o ma’am. Palibhasa, limang taon siya sa kulungan at hind
Labis ang saya ni Stanley nung pagmulat ng mata niya ay nandoon ang kanyang apo na si Herea. Siya na lang ang natitirang alaala ni Maristela at gusto niyang makasama ito lalo pa at matanda na din siya.“Gusto na po ba ninyong kumain?” tanong sa kanya ni Herea at nung tumango siya ay sinimulan na siyang pakainin nito“Masaya ako at nagbago ang isip mo, apo! Sana huwag ka ng aalis sa tabi ko.” sabi nito sa kanyaTumango lang si Herea at ipinagpatuloy nito ang pagpapakain sa kanya.“Kamag-anak niyo po ba si Adam?” naisipan niyang itanong lalo na at nakikita niya na malapit siya dito“Parang anak na ang turing ko sa batang yan! Abogado ko ang kanyang ama at nagtatrabaho naman siya sa kumpanya. Mapagkakatiwalaan si Adam at sa palagay ko, magkakasundo kayo!” sabi pa nito kay Herea“Parang hindi din!” sagot niya saka siya tumayo pa dalhin sa mesa ang plato “Hindi pa lang kasi kayo nagkakakilala, apo! Mabait na bata si Adam! Seryoso lang siyang masyado minsan!” paliwanag sa kanya ng matanda
Panay ang lakad ni Adam sa pasilyo ng ospital kung saan isinugod si Stanley Jennings matapos sumama ang pakiramdam nito.Nakaupo lang naman si Herea na takot na takot naman sa maaring mangyari sa matandang nagpakilalang lolo niya.Nagdarasal siya na sana ay walang mangyaring masama dito sa dahil alam niya na siya ang sisisihin ni Adam.Napaangat ang ulo niya nung marinig niya ang pagbukas ng Emergency Room at mula doon ay lumabas ang doktor na agad nilapitan ni Adam.“How is he?” “He is fine! Nothing to worry about but please, iwasan na sana ang stress because the next attack might be fatal for him lalo at may edad na si Stanley!” narinig ni Herea na sabi ng doktor kaya kahit papano, nakahinga siya ng maluwag“Thanks tito!” sabi ni Adam nung magpaalam na ang doktor at sabihing nasa private suite ng matanda Sinabi na din nito kay Adam na hayaan muna ito na maconfine overnight for monitoring.Napapitlag si Herea nung magsalita si Adam at halata ang galit sa tinig nito.“Magpasalamat k
BOOK 3HEREA’S REDEMPTIONNapahinga ng malalim si Herea nung tuluyan ng tumuntong ang paa niya sa labas ng correctional kung saan siya nakulong.Sa loob ng limang taon, nanatiling tahimik ang buhay niya habang pinagdurusahan ang sintensya niya. At dahil sa ipinakita niyang pagbabago sa loob ay nabigyan siya ng parole ng Pangulo ng bansa kaya naman bumaba ang sintensya niya at ngayon nga ay tuluyan siyang nakalaya.Naputol ang pagmumuni-muni niya nung may kotseng huminto sa harap niya. Nahawakan pa niya ng mahigpit ang bag niya habang pilit sinisilip ang taong nasa loobb ng sasakyan.Mula sa kotse ay bumaba ang isang lalake na nakasuot ng tuxedo. His hair neatly brushed up at nakasuot din ito ng shades. “Herea Sevilla?” tanong nito kay Herea kaya naman nagtaka pa siya kung sino ito“Ako nga! Sino ka?” balik tanong niya din dito“Adam Policarpio! Anak ako ng abogado mo and he instructed me to pick you up dahil may meeting pa siya.” sagot naman nito pero nagdalawang-isip pa siya“Oo
Ngayon na ang araw na pinakahihintay ni Troy dahil matapos ang ilang buwang paghihintay, ikakasal na sila ni Isa, ang babaeng nagpabago sa buhay niya.Sa resort siya natulog noong gabing nagdaan at dito na din siya manggagaling papunta sa simbahan for their wedding.Nakahanda na din ang resort dahil pinili ni Isa na dito na lang gawin ang reception lalo at malalapit na kaibigan lang nila ang imbitado sa kasal.Nagpadala si Isa ng invitation sa kanyang mga pamilya last month pero nabalitaan na lang niya na umalis daw ang mga ito, one week before the wedding.At masakit iyon para sa kanya dahil ibig sabihin, hindi pa rin siya napapatawa ng mga ito.Nakalipat na din sila sa bahay na pinagawa ni Troy at maganda naman ang naging ayos nito lalo at katuwang ni Isa si Freeshia.Naging close ni Isa si Freeshia at si Mint dahil talaga namang mababait sila pati na din ang mga asawa nito.And of course, kasama sa wedding entourage ang mga ito.“Tara na bro! Nakakahiya namang mauna pa si Isa sa s
Kinabukasan after their lunch ay dumating naman ang yaya na nirequest ni Troy sa isang kilalang agency dito sa Cebu. Mukha naman itong mabait at magiliw din sa bata kaya naman nakasundo agad ito ni Basty. Taga-Cebu din siya at bente-tres anyos na din ito.“Dati ka na bang nag-alaga ng bata?” tanong ni Isa kay Lily habang hinihintay nito si Troy“Opo Ma’am! Dalawang taon din po akong naging Yaya kaso po umalis na sila dito.” kwento naman ni Lily“Hindi naman mahirap alagaan si Basty, Lily! Yun nga lang, medyo malikot na siya ngayon! Gusto niya lakad ng lakad!” masayang sabi ni Isa habang nakatingin kay Basty na naglalaro sa carpeted na sahig“Talagang ganun po basta ganyang edad, Ma’am! Pero mukha naman nga pong mabait si Basty at mukhang magkakasundo po kami!” pahayag naman ni LilyNakita niya na palabas na si Troy sa kwarto kaya naman tumayo na asiya at nagpaalam sa kanyang anak.“Basty, mommy and Daddy is going out okay! You behave while you are with Yaya!” sabi niya sa kanyang ana
“So paano ba yan, Cassie? Maiiwan ka na ba talaga dito?” tanong ni Marge dito nung makarating sila sa resort para ihatid si BastyAlam na nila na nakakaalala na ang kanilang kaibigan at dahil nadakip na si Mayor Arthur ay tila alam na nila ang susunod na mangyayari.“Nag-usap na kami ni Troy, Marge! Gusto ko namang mabuo ang pamilya ko at maranasan ni Basty na magkaroon ng ama!” pahayag ni Isa“Well, kung yan ang gusto mo, igagalang namin yan. Just always take care of yourself okay! At kung may kailangan kayo, huwag kang magalinlangang tumawag sa amin!” sagot naman ni Greg na noon ay kausap naman si Troy“Thank you for everything! Sa pagliligtas ninyo sa amin and of course sa pagbabantay kay Isa!” ani Troy sa mga kasamahan ni Isa“Oo naman! Parte ng grupo si Cassie kaya kailangan naming gawin yun! Nakakalungkot nga lang kasi mawawalan na kami ng magaling at matinik na tauhan.” ani Greg sa kanya“Noon ko pa naman gusto na magbagong buhay na, Greg! At si Carlitos nga ang huling misyon k