Miley’s POV.
NAGMADALI ako sa pagpasok sa lobby bitbit ang paper bag na naglalaman ng pagkain na binili ko para kay Mr. Clifford. Almost twelve na at sigurado akong nagugutom na siya. Muntik na akong maipit sa traffic dahil malay-layo ang restaurant na pinagbilhan ko ng pagkain. Iyon ang resto na lagi kong ino-order-an ng pagkain para sa dati kong boss. I just thought Mr. Clifford might like their salad and soups.
Malapit na ako sa elevator nang biglang may dalawang babaeng humarang sa daraanan ko. Ang isa ay kamukh ng sikat na komedyante dahil ang haba ng baba niya at ang isa naman ay kamukha ni Valak dahil sa sobrang puti ng mukha. Nagtataka ako siguro wala siyang totoong friend dahil wala man lang nagsasabi sa kanya na hindi angkop sa balat niya ang gamit niyang foundation. Pati ang contact lens na gamit niya ay hindi bagay sa kanya. Nakataas ang drawing nilang kilay nang suyurin nila ako ng tingin mula ulo hanggang paa.
“So, you are Millicent Evangelista?” mataray na tanong ni babalu at pinagsalikop ang mga braso sa tapat ng dibdib niya.
“Oo, ako nga. Pwede bang tumabi kayo at dadaan ako?” hindi ko gusting magtaray dahil nagmamadali ako kaya inayos ko ang pagsasalita ko.
“Anong gagawin mo kung ayaw naming tumabi?” tanong naman ni Valak.
“Wala akong panahon sa inyo kaya pwede ba sabihin niyo na kung ano ang pakay niyo sa ‘kin at lumayas na kayo sa harapan ko?” nagpalitan sila ng tingin at nginisihan ako.
Napairap ako at nilampasan na lang sila pero bigla nila akong hinigit na naging dahilan para malaglag ang dala kong paper bag. Lumabas mula roon ang pagkain at kumalat pa iyon sa sahig.
“Oops, sorry,” kapwa sila tumawa at nagtakip pa ng bibig kunwa’y nagulat sa ginawa nila.
Nagmamadali akong lumuhod sa sahig para linisin ‘yon habang mura ako ng mura sa isip ko. “Hindi niyo baa lam kung kaninong pagkain ‘to? Kay Mr. Clifford ‘to. Mga boba!” Singhal ko.
“Ma’am Miley, ako na po ang maglilinis niyan,” sabi ni Kuya Rommel, ang janitor sa ground floor. Inalalayan niya akong tumayo at mula sa peripheral ay natanawan ko ang bulto ni Chelsea na nakatingin sa ‘kin.
Matalim ang tinging ipinukol ko sa kanya. Ngayon ay alam ko na kung bakit hina-harass ako ng dalawang bruha na ‘to. Ibinaling ko ang tingin ko kay Valak at babalu.
“Kung pipili kayo ng papanigan siguraduhin niyo munang anghel ang kinakampihan niyo?” pagkasabi no’n ay tinalikuran ko na sila.
Tumuloy ako sa elevator at nang magsara ‘yon ay nanghihina akong napasandal. Bakit ba napakaraming masasama sa mundo? Sunod-sunod ang ginawa kong paghugot ng malalim na hininga. Ngayon ay kailangan kong sabihin kay Mr. Clifford na hindi ako nakabili ng lunch niya.
Nang marating ko ang top floor ay agad akong dumiretso sa office ni Mr. Clifford at nakita kong abala siya sa harap ng laptop niya. Tumikhim ako para kunin ang atensyon niya.
“E-excuse me, Mr. Clifford? Can I talk to you for a second?” nahihiyang sabi ko nang lumapit ako sa kanya.Alanganin akong ngumiti nang tingnan niya ako. Those hazel eyes made my heart race but I need to calm myself or he will notice my uneasiness.
“Say it,” sabi ni Clifford na siyang nakapagpabalik sa katinuan ko.
“S-Sir, I want to apologize I didn’t get you food for lunch. I accidentally spilled it on m way here,” binilisan ko ang pagsasalita dahil sa sobrang kahihiyan na nararamdaman ko ngayon.
Tumango-tango siya. Napaawang naman ang labi ko. Bakit parang hindi man lang siya nagagalit?
“Th-thank you, Sir,” sabi ko habang tumatango at tinalikuran ko na siya para bumalik sa desk ko nang magsalita ulit siya.
“Miley, we are taking an overtime later,” sabi niya.
M-Miley… Ito ang unang beses na tinawag niya ako sa pangalan ko.
“Are you okay?” tanong pa niya.
“Y-yes, Sir. Overtime. Later,” sabi ko at alanganing ngumiti saka nagpunta na sa desk ko.
“Oh my god! Ano bang nangyayari sa ‘yo, Millicent? Kahihiwalay mo lang. Bakit parang lumalandi ka na?” mahinang pagkausap ko sa sarili ko. Isinubsob ko pa ang mukha ko sa mga palad ko.
IT’S 7PM, at nasa office pa rin kami ni Sir Clifford. Tapos na ang office hours pero dahil maraming hinahabol na deadline ay kailangan naming mag-overtime. Ikalawang araw palang ni Sir Clifford at marami pa siyang kailangang tapusin. Mga trabaho na naiwan ng pinalitan niyang CEO.
Panaka-naka ay sinisilip ko si Sir Clifford na abala pa rin sa harap ng laptop niya. Napapangiti ako kapag nakikita kong kumukunot ang noo niya sa ilalim ng suot niyang reading glass. Lalo lang siyang gumagwapo sa paningin ko.
Matangkad at moreno si Sir Clifford. Matangos ang ilong at mukhang malaki ang katawan niya na natatakpan lang ng suit at slacks. Sa ugali hindi ko pa alam dahil dalawang araw palang kaming magkasama. Hindi naman siya mukhang snob remembering what happened yesterday inside the elevator. Though, mukha siyang mysterious. I didn’t see him smile yet. Palaging seryoso, nakakunot ang noo, pero gwapo pa rin.
“Miley,”
And the way he calls my name. Parang may kakaibang kapilyahan ang pumapasok sa isip ko kapag naririnig ko siyang binabanggit ang pangalan ko.
“Millicent Evangelista…” Bigla akong nagising sa pagpapantasya ko nang marinig ko ang boses ni Sir Clifford malapit sa ‘kin. Napatingin ako sa gilid ko at napapitlag ako nang makita siyang nakatayo roon.
“S-Sir spank me—” natutop ko ang bibig ko at napatalikod ako. Oh my God! Sana lamunin na ako ng lupa.
“I-I was calling you repeatedly. I want you to print some copies from last month’s financial reports,” sabi niya at narinig ko ang yabag niya na papalayo.
Impit akong tumili para alisin ang pagkapahiyang nararamdaman ko at ilang beses kong pinalo ang bibig ko. Ano ba, Miley?!
Sinubukan kong tumayo pero bumalik lang ulit ako sa pagkakaupo dahil nanghihina ang mga tuhod ko. Pakiramdam ko sasabog ang mukha ko sa sobrang init nito. Sunod-sunod ang ginawa kong paghugot ng malalim na hininga para kalmahin ang mga laman-loob ko. Hindi ko alam kung sisisihin ko si Sir Clifford dahil ginulat niya ako o ang sarili ko dahil nag-iisip ako ng kamunduhan tungkol sa kanya.
Nag-inhale-exhale ako bago ulit tumayo at lumapit sa copying machine. Wala sa sariling napalingon ako sa kinaroroonan ni Sir Clifford dahil sa pakiramdam na may nakatitig sa ‘kin at tama nga. Nakatingin siya sa ‘kin pero agad din siyang umiwas.
Now, everything feels awkward. Sana lang makalimutan niya agad ang sinabi ko.
Miley’s POV.Nanginginig ang mga palad ko habang hawak ang pregnancy test kit sa palad ko. Ni hindi ko ito magawang tingnan dahil sa takot na lumulukob sa ‘kin sa mga oras na ‘to. Bumalik sa ‘kin ang mga salitang sinabi ng doktor matapos ko siyang tawagan.“D-Doc, I-I think…I-I’m p-pregnant…” usal ko.Narinig ko pa ang paghugot ng malalim na hininga ng doktor. Hindi ko alam kung galit siya dahil dis oras na ng gabi ako tumawag.“Are you with your husband, Miss Alfonso?” tanong niya.“N-No, I-I… I’m alone. P-Pasensya na kayo, doc, kung tumawag ako ng ganitong oras. Hindi lang ako mapakali. Ayokong sabihin sa asawa ko ang hinala ko hangga’t hindi pa ako nakakasiguro. Alam kong alam mo ang naging case ko. But this time, I think I’m really pregnant,” litanya ko. Ang tinutukoy ko ay ang nangyaring phantom pregnancy na naranasan ko.“I understand you, Miss Alfonso… It’s difficult when you are stressed—”“Hindi ako stressed!” Hindi ko napigilang magtaas ng boses. Pero agad din akong nagsisi.
Miley’s POV.“Millicent…!” napalingon ako sa pinanggalingan nang tinig at nakita ko ang nagmamadaling si Clifford. Nasa mukha niya ang takot habang nakatingin sa lalaking kaaalis lang sa mesang kinaroroonan ko.Binitawan niya ang cold-compress sa mesa at sinapo ang magkabilang pisngi ko. Naroon ang kakaibang takot sa mga mata niya na noon ko lang nakita.“K-Kumusta? M-May ginawa ba ang taong ‘yon sa ‘yo? Sinaktan ka ba niya?” sunod-sunod na tanong niya kasabay nang pag-eksamin niya sa buong katawan ko.“A-Ayos lang ako. S-Sino ba ang taong ‘yon?” puno ng pagtatakang tanong ko.Nagtaas-baba ang dibdib niya, tila naghahabol ng hininga. Naupo siya sa silyang nasa harapan ko at humugot ng malalim na hininga.“Clifford, sino ba ‘yon? Kilala mob a siya?” pag-uulit ko sa tanong ko. Marahan siyang umiling.“Hindi ko siya kilala. Dapat hindi ka kumakausap ng mga taong hindi mo kilala,” turan niya.“Ayokong maging bastos kaya hindi ko siya nagawang itaboy,” pag-amin ko.Ilang segundong katahimi
Miley’s POV.We are getting ready for the despedida party na gaganapin sa New Coast Hotel. Hindi namin namalayan ang oras at kasalanan itong lahat ni Clifford. Sa tuwing bumabalik sa isip ko ang ginawa namin ay mariin akong napapapikit. Nakaka-cringe at para akong bulate na nilagyan ng asin.“Are you done?” natigil ako sa pag-iisip nang marinig ang boses niya mula sa likuran ko. Tiningnan ko siya mula sa full length mirror, papalapit siya sa ‘kin. Nakasuot na siya ng tuxedo but he’s having a hard time fixing his tie.Hinarap ko siya at ako na ang nag-ayos ng tie niya. Nang matapos ay nginitian ko siya. “Ang gwapo naman ng asawa ko,” hindi napigilang komento ko nang suyurin siya ng tingin. He’s breathtakingly handsome and sexy. The tuxedo is just perfect as it’s emphasizing his muscles.“And you’re gorgeous like a goddess,” tugon niya at hinalikan ako sa labi.“Oops, stop… Baka kung saan na naman ‘to mauwi. Late na tayo,” pigil ko sa kanya at tinakpan ang labi niya saka marahan itong i
Miley’s POV.Makalipas ang ilang araw ay muli ng gumanda ang pakiramdam ko. Balik na rin kami ni Clifford sa kompanya. May mga inaasikaso siya para sa transfer ng shares dahil magreretiro na ang isa sa matandang shareholders at anak na nito ang papalit.Mamaya ay may dadaluhan kaming party para sa despidida ng nasabing shareholder. Pero ngayon ay puro trabaho muna ang hinaharap namin.Kasalukuyang akong nasa harap ng computer ko at tinatapos ang monthly report na isa-submit ko kay Clifford. Habang nagti-type ay bigla akong nakaramdam ng hillo kaya panandalian akong tumigil at kumurap-kurap. Baka napagod na ang mga mata ko sa maghapong pagtitig sa monitor.Hinubad ko ang eyeglass ko at pinunasan ito saka kinusot-kusot ang mga mata ko.“Hey, are you okay?” tanong ni Clifford na hindi ko namalayang nakalapit na sa ‘kin.Muli kong sinuot ang salamin at tiningala siya saka ako tipid na ngumiti. “Oo naman. Napagod lang siguro ang mata ko,” tugon ko.“Itigil mo na muna ang ginagawa mo at mag
Chanda’s POV.Humugot ako ng malalim na hininga matapos kong lumabas sa silid ni Millicent. She’s really sick I can tell it by how horrible she looks right now. Hindi ko gustong awayin siya pero ito lang ang nakikita kong paraan para malaman kung handa na ba siya sa magulong mundo na sinuungan niya mula ng maging asawa niya si Clifford.Naglakad na ako palayo sa silid niya at nagtungo sa silid ko. Nang makapasok ay ini-lock ko ang pintuan sa likuran ko at agad na tinawagan si Clifford.“Hey, what’s wrong?” agad na bungad niya nang sagutin ang telepono.“She’s really sick, Cliff. But I can tell she’s ready to face to enemy,” seryosong tugon ko. “Anyway, don’t worry about her. I will take care of her while you are gone,” dagdag ko pa.“Thanks, Chan. Malaki na ang utang na loob ko sa ‘yo,” turan niya at pinatay na niya ang tawag.“Yeah, malaki na nga. Pero paano ko pa makukuha ang sukli sa mga pinagpaguran ko?” pagkausap ko sa sarili ko.Nagtungo ako sa may bintana ng kwarto ko at nagsin
Miley’s POV.Hindi ako nakapasok sa opisina dahil sa sobrang sama ng katawan ko. Daig ko pa ang binugbog ng sampung tao. Ni hindi ko magawang bumangon dahil pakiramdam ko ay umiikot ang paligid ko.Wala si Clifford dahil marami siyang gagawin sa opisina. Ayaw niya sanang pumasok para asikasuhin ako pero pinilit ko siya dahil ayokong magkaroon na naman ng pangit na impression ang board sa kanya.“Ugh,” napangiwi ako nang biglang umikot ang paningin ko sa simpleng paggalaw ko lang. Umupo ako dahil kailangan kong pumunta sa banyo.Hindi ako alam kung bakit biglan sumama ang pakiramdam ko. Basta nagising na lang ako na parang binibiyak ang ulo ko. Dahan-dahan akong bumaba ng kama at tumayo. Pero agad kong naramdaman ang pag-ikot ng tiyan ko.Kahit hilong-hilo ay tumakbo ako sa loob ng banyo at dumiretso sa sink. Doon ay pinilit kong sumuka para mabawasan ang nararamdaman ko. Pero wala namang lumabas marahil ay dahil wala pang laman ang tiyan ko.Naghilamos ako at lumabas saka dumiretso sa