Miley’s POV.
MAAGA AKONG pumasok sa opisina kinabukasan dahil gusto kong mauna sa bagong CEO. Bitbit ko ang sling bag at tablet sa isang kamay ko at kape naman sa kabilang kamay na binili ko sa coffee shop. Papasok na ako sa lobby nang makasalubong ko si Chelsea. Muntik ko ng makalimutan na iisa nga lang pala kami ng kompanya na pinapasukan. Siya ay sa HR Department at ako naman sa higher ups.
“Miley, can we talk?” tanong niya at sinabayan ako sa paglalakad.
“I can’t Chel. Kailangan kong pumunta agad sa office,” pagdadahilan ko.
“The new CEO is not here yet. It’s too early so clearly, you have time,” sabi niya at hinarangan ang daraanan ko.
“Clearly, I don’t want to talk to you, Chelsea. Why can’t you understand that?” hindi napigilang sikmat ko. If she thinks she still can overpower me then she’s wrong.
Parang tinakasan ng kulay ang mukha niyang kasing puti ng labanos. “I just want to clear some things about my relationship with Jack—” hindi na niya naituloy ang sasabihin niya nang sampalin ko siya.
“Your relationship? Akala ko kahit papaano may kahihiyan kang nararamdaman diyan sa katawan mo pero nagkamali pala ako. You can’t call what you have with him a relationship dahil alam mo sa sarili mo kung ano ka,” mariin at mahina kong sabi sa kanya. Napatingin si Chelsea sa paligid dahil alam kong sa mga oras na ‘to ay nakakuha na kami ng atensyon.
Hindi ko na siya hinintay magsalita at nilampasan ko na siya. Pinindot ko ang top floor sa Excutive elevator at nang bumukas ‘yon ay nagmamadali akong pumasok. Ramdam ko ang pagtaas-baba ng dibdib ko dahil sa inis pero kasabay no’n ang pagtulo na naman ng mga luha ko. Pasara na ang elevator nang may pumigil no’n.
Napayuko ako dahil sa hiya na baka makita ng kung sino man ito ang mga luha niya. Pero tinraydor ako ng hikbing kumawala sa lalamunan ko. Agad kong pinunasan ang luha ko dahil paniguradong mabubura ang makeup ko.
Suminghot-singhot ako nang biglang may panyo na bumungad sa harapan ko. Tiningnan ko lang ‘to at pagkaraan ay ang lalaking nag-aabot nito.
“I can hold your things so you can get your hankie but I also have things I am holding. So, please, accept mine,” sabi niya sa baritonong tinig. Masyado itong manly pero masarap para sa tainga ko ang dating ng boses niya.
Napakurap-kurap ako nang iwasiwas niya sa mukha ko ang panyo. Saka ko lang napagtanto na nakatitig ako sa kanya. Agad kong kinuha ang panyo sa kamay niya at ipinunas ‘to sa mukha ko. Pero ang totoo ay para na rin itago ang kahihiyan na nararamdaman ko. It’s rude to stare at someone’s face and I didn’t even know him.
“T-Thank you,” tipid kong sabi. Hindi ko na ibinalik ang panyo niya dahil nadumihan na ito.
“It’s not in my nature to meddle in someone’s business but I would like to ask why are you crying?” Napataas ang kilay ko sa naging tanong niya. Pero nang tingnan ko ang mukha niya ay puno iyon ng kaseryosohan. Tila naghihintay siya sa sagot ko.
Bumuntong hininga ako at pinaikli ko lang ang sagot ko. “N-Niloko ako ng boyfriend at bestfriend ko. K-Kaya nakipaghiwalay na ako sa kanya,” tugon ko. Sakto naman ang pagtunog ng elevator at nasa top floor building na kami kung nasaan ang opisina. Nagulat ako nang bumaba rin ang lalaki roon. Dahan-dahan pa akong lumabas at sinundan siya ng tingin ng pumasok siya sa opisina ng CEO.
Nagmamadali akong sumunod sa kanya at pinanood siya nang ibaba niya ang briefcase sa ibabaw ng desk. “I-Ikaw si Clifford Alfonso?” hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya.
Marahan lang siyang tumango at inilabas na ang mga papeles sa dala niyang briefcase. Napalunok ako dahil sa pagkapahiya. What did just happen in the elevator? Dahan-dahan akong lumapit sa desk niya.
“I-I want to apologize about what happened in the elevator S-Sir,” lakas-loob na sabi ko.
“What do you mean?” tanong niya na nag-angat ng tingin sa ‘kin. Mayamaya ay naupo na siya sa swivel chair niya at nagsimulang mag-review ng mga papeles.
Hindi ko maitago ang ngiti sa labi ko at marahan akong tumango. Mukhang mabait rin ang bago kong boss. “Is that coffee mine?” narinig kong tanong niya habang nakatingin sa hawak kong kape.
Atubili akong tumango. “Y-Yes, Sir. I bought Espresso and Americano so you can choose which one you like,” wika ko at inilapag sa desk niya ang kape.
Tumango lang siya at basta na lang kumuha ng kape. Ni hindi man lang niya tiningnan kung ano ‘yon. Pinanoood ko lang nang higupin niya ang kape mula sa cup at nang mapansin siguro niya na nakatayo pa rin ako do’n ay nag-angat siya ng tingin.
“You can go back to your post. Give me my agenda’s for today,” utos niya.
Sunod-sunod ang ginawa kong pagtango at nagpunta na sa desk ko. Pag-upo ko ay saka ko lang napansin ang hitsura ko nang mapatapat ako sa maliit na salamin na nakalagay sa desk. Kalat-kalat ang mascara sa mata ko kaya nahalata ang pamumugto no’n.
Napangiwi ako dahil sa kahihiyan. Unang araw palang ng pagkikita namin ay ang pangit pa ng impression na ipinakita ko sa kanya. Bumuga ako ng hangin at dali-dali kong inayos ang makeup ko.
“Hey, secretary,” napatayo ako nang marinig ang baritonong boses ni Sir Clifford. Nagmamadali akong lumapit sa kanya. Inayos ko pa ang pagkakasuot ng reading glass ko at gano’n din ang ginawa niya nang mag-angat siya ng tingin.
“Y-yes, Sir?” Hindi ko alam kung bakit tuwing nasa harapan niya ‘ko ay nauutal ako. Lumunok pa ako para tanggalin ang bara sa lalamunan ko.
“I need the copies from last month progress report,” utos niya.
Tumango naman ako at tinalikuran na siya. Pero agad din akong napatigil nang magsalita ulit siya. “Hindi ko pa natatanong ang pangalan mo,” pakli niya.
Muli akong humarap sa kanya at may sumilay na ngiti sa labi ko. “A-ang pangalan ko po, Sir?” pag-uulit ko pa. Bakit pakiramdam ko ay may mga paru-parong lumilipad sa tiyan ko.
“Yes, ayokong tawagin ka ng tawagin sa pangalang secretary dahil hindi naman ‘yon ang pangalan mo hindi ba?” sabi niya na nakataas pa ang dalawang kilay.
Nawala ang ngiti sa labi ko. Bakit ba kung saan-saan na ako dinadala ng isip ko? “O-okay. I-I’m Millicent Evangelista, Sir. But you can call me Miley…”
Miley’s POV.“SO, THE secretary of the CEO is here? What brings you here, Millicent?” mapang-uyam na tanong ni Chelsea nang magkita kami sa HR Department. May mga papeles na ipinapakuha si Sir Clifford kaya napilitan akong magpunta sa lungga ng kaaway.Napairap ako at nilampasan lang siya. “Dahil ba sa ginawa ni Jackson kaya naging bastos ka na?” tanong niya.Tumaas ang isang kilay ko at napalingon sa kanya. “Talaga ba? Hindi ba deserve mo naman dahil kabastos-bastos ka?”Bago pa siya makapagsalita ulit ay narinig na naming ang tumitiling si Kendi, ang HR Head. “Millicent, is that you?” tuwang-tuwang sabi niya at lumapit sa ‘kin para makipag-beso.“It’s been a while, Kendi,” nakangiti ring salubong ko.Biglang nawala ang ngiti niya nang makita si Chelses na naka-cross arms at kulang na lang ay tumirik na ang mata sa pag-irap. “Anong ginagawa mo dito, Guanzon? Hindi ba’t inutusan kitang mag-lead sa interview ng mga applicant? Iniaasa mo na naman ba kay Bubbles at Vana ang trabaho mo?”
Miley’s POV.HINDI ko magawang tumingin kay Sir Clifford dahil sa kalokohang pinagsasabi ko kaninang tanghali. Magkatabi kami ngayon sa loob ng sasakyan niya at pupunta kami sa meeting sa isang dating investor na nagnanais bumalik.“Have you talk to Cara?” mula sa kawalan ay tanong niya.Sinulyapan ko siya at nakita kong abala siya sa telepono niya. “W-what do you mean, Sir?” nagmaang-maangan na tanong ko. Iniisip kong baka tungkol sa trabaho ang itinatanong niya at sana nga ay tungkol doon.“The one where you mistook us fo a couple? Did she clear your assumptions?” tanong niya at sinulyapan ako. There’s that playful smile forming his lips.Biglang nanginit ang mukha ko at ang ibig sabihin lang no’n ay nagba-blush ako. Shems! Naging malikot ang mga mata ko dahil hindi ko alam kung saan babaling. Ni hindi ko magawang umiwas dahil nasa loob kami ng umaandar na sasakyan.“I gave her a job because she needs experience,” pagbibigay alam niya.Tumango-tango ako. “She’s a fast learner and sh
Miley’s POV.NAGDADALAWANG-ISIP ako kung ibibigay ko ang niluto kong pagkain kay Sir Clifford dahil sa nakita ko noong nakaraang araw. Oras na ng tanghalian at wala pang umaakyat galing sa cafeteria para magdala ng pagkain.“Anong niluto mo ngayon, Ate Miles?” tanong ni Cara nang lumapit sa desk ko.“H-ha? A-ah, kasi—” hindi ko naituloy ang sasabihin ko nang tawagin ako ni Sir Clifford.Agad akong tumayo para lumapit. “Y-yes, Sir?” tanong ko.“It’s lunch time,” pagbibigay alam niya. Tumango lang ako bilang tugon. “Where’s my lunch?” tanong niya.Napalunok ako. Para akong matutunaw sa titig niya. Pero hind inga pala pwede dahil kay Cara. Inayos ko ang reading glass ko bago nagsalita. “Do you want me to call the chef to bring you some food?”Hindi siya nakapagsalita at hinubad ang suot na salamin. Lalo tuloy siyang gumwapo sa paningin ko. May mga hibla ng buhok ang nalaglag sa noo niya at si Superman ang una kong naisip. “You didn’t cook for me?” tanong niya na hindi tinatanggal ang tin
Miley’s POV.PAGKATAPOS kong ipagluto si Sir Clifford pakiramdam ko ay bumait siya sa ‘kin. Balik na ulit sa dati na ako ang tinatawag niya kapag may iuutos siya. Ipinagluluto ko pa rin siya at pati na rin si Cara. Pero kasabay no’n ay napansin kong nagiging close din sila lalo ng intern assistant. Pakiramdam ko minsan ay may relasyon sila.“Cara, may sarili ka bang sasakyan? Gusto mo bang isabay na kita pauwi?” tanong ko nang magkasabay kami sa elevator ng hapong ‘yon.Banayad siyang ngumiti kasabay ng pag-iling. “Salamat sa alok, Ate. Pero may maghahatid na sa ‘kin. Saka mapapalayo ka pa kung ihahatid mo ako,” tugon niya.“May sundo ka ba?” tanong ko pa.“Wala, Ate,” tipid na sagot niya.Napakunot na ang noo ko. Kung wala siyang sundo sino ang maghahatid sa kanya? Bago pa ako makapagtanong ulit ay bumukas na ang elevator sa basement parking lot.“Sige, Ate bukas ulit!” Paalam niya at tumakbo na palayo.Sinundan ko siya ng tingin habang naglalakad ako papunta sa kotse ko. Mayamaya ay
Miley’s POV.SECOND day ni Cara as intern assistant at hindi ko maitatangging malaki ang naitutulong niya sa ‘kin. Close na rin kami at para akong may nakababatang kapatid. Ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit si Cara ang madalas tawagin at utusan ni Sir Clifford imbes na ako. Iniiwasan kaya niya ako? Though, ayokong maging assuming. Pero sa tuwing may iuutos siya sa ‘kin ay pinapadaan pa niya kay Cara.“Ate Miles, pinapasabi ni Sir na dito na tayo mag-lunch sa loob ng office. Um-order na siya ng food,” sabi niya.“Ha? Paano ‘yan? Um-order na rin ako ng para sa lunch natin? Paakyat na nga ang delivery guy dito e,” nakangiwing sabi ko.Hindi pa man nakakapagsalita si Cara ay bumukas na ang elevator at iniluwa no’n ang delivery guy na may bitbit ng order ko. Tumayo ako para salubungin siya.“Thank you, Kuya. ‘Yan dinagdagan ko na ang bayad para sa pagod mo,” nakangiting sabi ko sa kanya at iniabot ang bayad ko. Ngumiti siya at nakita ko ang suot niyang brace. In fairness, gwapo
Miley’s POV.ILANG beses kong sinipat ang sarili ko sa salamin. Tinitingnan ko kung natakpan ba ang eyebag. Bukod pa ro’n ay ang damit na suot ko. Hindi naman ako naiilang dati sa mga damit na sinusuot ko sa office. Pero ngayon ay nakailang palit na ako ng damit bago ako na-satisfied. Isang pencil skirt na above the knee cut at sleeveless blouse na may ruffles sa bandang dibdib na pinatungan ng cream blazer ang suot ko. Kung dati ay 1-inch lang ang taas ng heels ng sinusuot ko ngayon ay mas mataas na. Medyo inayos ko rin ang pag-aapply ng makeup para maitago ang eyebags ko.Pagkatapos no’n ay umalis na ako ng apartment. Bago palang sumisikat ang araw pero kailangan kong agahan ang pasok sa opisina. Ayokong magkasabay kami ni Sir Clifford dahil hanggang ngayon ay nahihiya pa rin ako sa inasal ko kagabi. Ito nga at halos hindi ako nakatulog dahil kahit sa panaginip ko ay naroon siya.Napapangiwi ako habang nagmamaneho dahil sa naalala kong nangyari kagabi. I’m physically and sexually at