Share

13

Author: Sunmaru
last update publish date: 2026-10-12 20:51:43

Third's POV

Dahan-dahang ibinaba ni Caleb ang kanyang mga kamay at isa-isang tinanggal ang mga daliri ni Lea na nakakapit sa kanyang damit. Walang pagmamadali, walang galit, ngunit may malamig at pinal na awtoridad na hindi na pwedeng baliin pa.

Bahagyang napaatras si Lea nang tuluyan siyang ilayo ni Caleb.

"I'm sorry, Lea..." mahinang usal ni Caleb. Ang kanyang boses ay patag, walang bahid ng pag-aalinlangan. "Don't lower yourself just to beg for attention. I have nothing left to give you."

S
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Rizza Macaraig
Ms A bkit parang hate ni catalina ang mga severino parang ayaw ko sa kanya haha di naman ganun si mommy nya
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • My Favorite Bad Decision    22

    Avianna's POV Napatingin ako sa matagal na nagdilim na screen ng telepono. Hawak-hawak ko pa rin ito nang mahigpit habang mabilis na tumatambol ang puso ko sa loob ng aking dibdib.Alam mo naman kung saan ako pupuntahan, 'di ba?Wala siyang binanggit na lugar, pero pareho naming alam kung saan yun. Sa suite. Ang lugar kung saan niya ako hinintay kagabi... at ang lugar kung saan kami tumira sa loob ng limang taon."Puntahan mo na," gulat akong napatingin sa gilid, Hindi ko man lang napansin ang paglapit ni Ayumi.May hawak siyang susi ng kotse at mabilis na lumapit sa akin para iabot iyon."Coding ang kotse mo diba? Gamitin mo muna itong sakin Mamaya...""Ayumi..." alanganin kong bulong."Ito na 'yun, Via," marahang sabi ni Ayumi, habang seryoso ang kanyang mga mata."Huwag ka nang tumakbo. Huwag mo nang sabihing huli na ang lahat dahil lang sa isang headline sa balita. Pumunta ka roon at sabihin mo sa kanya ang totoo. Hayaan mong siya ang magdesisyon para sa sarili niya."Tumingin ak

  • My Favorite Bad Decision    21

    Avianna's POV Hindi ko na talaga kaya. Tumayo ako at napatakbo paakyat sa aking kwarto habang patuloy na bumubuhos ang mga luha ko. Ramdam ko ang mabilis na mga hakbang ni Ayumi na sumusunod sa akin."Not now, Ayumi... please," nanginginig kong pakiusap nang mapaupo ako sa gilid ng aking kama, hawak ang panginginig ng sarili kong mga kamay.Nanatiling nakatayo at nakatingin lang si Ayumi sa akin nang ilang sandali. Pero maya-maya pa, dahan-dahan siyang lumapit at umupo sa tabi ko. Kinuha niya ang nanginginig kong kamay at mahigpit iyon na hinawakan."Alam mo... kambal nga tayo, pero hindi ko pa rin talaga ma-gets kung ano 'yang punto mo," mahinang simula niya, punong-puno ng pag-aalala at lungkot ang boses.Dahan-dahan akong tumingin sa kanya. Wala rin siyang alam sa matagal ko nang pinapasan. Wala ni isa sa kanila ang nakakaalam ng tunay na dahilan."Please, Avianna... ano ba talaga 'yun?" pakiusap niya muli.Umiling lang ako, pilit na humihinga nang malalim.Saglit siyang tumitig s

  • My Favorite Bad Decision    20

    Third's POV Kinabukasan, dahan-dahang idinilat ni Caleb ang kanyang mga mata. tumama agad sa ulo niya ang matinding kirot at antok dahil sa apat na bote ng matatapang na alak na inubos niya kagabi.Walang Avianna na dumating.Mabigat ang mga kilos na umayos siya ng upo sa couch, napansin niya ang frame sa ibabaw ng maliit na mesa ang larawan nilang dalawa ni Avianna maayos nang nakatayo roon.Napatitig si Caleb sa larawan. Matagal. Ilang minutong tahimik ang buong suite habang nakatitig siya sa mga ngiti nilang dalawa noong mga panahong masaya pa sila. Isang mabigat na buntong-hininga ang pakawalan niya bago dahan-dahang tumayo, kinuha ang picture frame, naglakad patungo sa basurahan, at walang pag-aalinlangan itong itinapon sa loob.Naglakad siya palapit sa malaking glass wall ng suite. Tahimik ang buong lungsod mula sa taas ng building, pero mas tahimik at mas malamig ang pakiramdam sa loob ng dibdib niya. Napasapo siya sa kanyang ulo habang pilit na inilalaban ang matinding hangov

  • My Favorite Bad Decision    19

    Third's POV Tahimik at nakasandal sa sofa ang mga kalalakihan ng pamilya Severino habang malayang nag-uusap sa malawak na sala ng mansyon."Tsk, lupit din, 'no? Kung ako kay Caleb... at mahal niya pa pala si Avianna, dapat binuntis na niya," komento ni Ariz habang nakasuot pa ng kanyang coat. Dito siya diretso na pumunta nang malaman ang gulong nangyari sa Zenith Lounge kagabi.Matapos kasi nitong manggaling sa resort na pinamamahalaan niya ay agad siyang umuwi rito."Ewan ko ba kay Caleb, tsk, mahina," dagdag naman ni Blaze na nakangisi habang umiinom mula sa kanyang baso."Kung sa akin 'yun... kulong na agad 'yun sa mga bisig ko," natatawang sabi ni Ariz habang patuloy na napapangisi.Saktong pumasok si Avianna sa sala. Bitbit niya ang brown folder na naglalaman ng dokumentong pinarmahan ni Caleb, balak na pumasok sa study room ng kanyang lolo upang iabot ito. Agad na nanahimik sina Ariz at Blaze nang mapansin ang kanyang pagpasok, ngunit hindi nawala ang mga pilyong ngisi sa kani

  • My Favorite Bad Decision    18

    Avianna's POV Ilang minuto lang matapos tuluyang tumalikod at umalis si Caleb, nagpasya na rin akong umuwi.Hindi na pinansin ang mga may magtanong.Ayokong ipaliwanag kung bakit ako umiiyak. Ayokong marinig ang kahit anong tanong tungkol sa nangyari.Paglapit ni Ayumi sa akin, agad akong umiwas ng tingin."Not now, Ayumi..."Nanginginig ang boses ko habang pilit kong pinipigilan ang patuloy na pagbuhos ng aking mga luha.Hindi ko na hinintay pa ang sasabihin niya. Mabilis akong tumakbo palabas ng Zenith Lounge, hanggang sa marating ko ang kalsada at mabilis na pumara ng dumaang taxi.Pagkasakay na pagkasakay ko, agad kong sinabi ang address sa driver. Nang makarating sa bahay, pumasok ako nang halos patakbo hanggang sa marating ang kwarto ko.Diretso ako sa loob.Pagkasara at pagkalock ko ng pinto, doon na tuluyang bumigay ang lahat.Napahawak ako sa dibdib ko habang sunod-sunod na pumapatak ang mga luha sa aking mga pisngi.Tahimik akong humagulgol.Wala nang kailangang magtanong.

  • My Favorite Bad Decision    17

    Avianna's POV Napaatras ako dahil sa lakas ng hila ni Caleb sa braso ko, halos mawalan ako ng balanse bago tuluyang naisandal ang katawan ko sa dibdib niya. Nanginginig ang buong katawan ko sa halo-halong galit, gulat, at takot habang nakatitig sa duguang labi ni Morris na pilit na bumabangon mula sa pagkakasubsob sa mesa."Caleb! Nababaliw ka na ba?!" hysterical kong sigaw sabay padyak at pilit na kumawala sa higpit ng hawak niya.Pero mas lalo lamang niyang hinigpitan ang kapit sa pulso ko, parang bakal na nakakulong sa kamay niya habang nananatiling pader ang tindig at halos dumidilim ang buong aura niya.Nagsimula nang manood Ang ibang taong nasa paligid. Ang mga tao sa VIP area ay napahinto sa pagsasayaw at pag-inom, habang ang mga Severino girls at ang mga Ashwood boys gaya nina Dustin at Liam ay agad na pumagitna upang harangan ang posibleng ganti ni Morris."Bro, kalma!" hawak ni Liam sa balikat ni Caleb, pero halos hindi man lang ito nagalaw sa kinaroroonan niya.Bumangon si

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status