Third's POV Kinaumagahan, napuno ng sigla at ingay ang Severino Mansion para sa ikawalumpung limang kaarawan ni Don Azrael. Sunod-sunod na pumasok ang kanyang mga apo sa napakalawak niyang silid upang bumati at magbigay ng kanilang pagmamahal sa patriarch ng pamilya."Happy Birthday, Lolo!" bati ng mga apo habang nakapalibot sa malaking kama ni Azrael katabi Ang Asawa nitong si Sienna.Inilibot ni Don Azrael ang kanyang mga mata sa paligid at agad na nakitang kulang ang mga naroon."Nasaan sina Ayumi at Avianna?" maawtoridad ngunit may halong lambing nitong tanong habang hinahanap ang dalawa niyang apo.Bahagyang nagpanggap na nagtampo ang ibang mga apo sa narinig na tanong ni Azrael. Sina Raze, Red, Ariz, Blaze, Samuel, Zayn, Zade, Maddox, Adex, Cairo, at ang iba pang mga kalalakihan sa pamilya na nakatayo sa gilid ay napapangisi na lamang sa nakikitang eksena."Lolo, grabe ka! Eh sino namang paborito mong apo sa tuhod? Don't tell me mga apo ni Tita Ara... Unfair na!" kunwaring nag
Zuletzt aktualisiert : 2026-10-11 Mehr lesen