Share

Chapter 17 - Sa akin ka lang

Rhian's Point of View

"Ako ba ang pinag-uusapan nyo?" Isang mabigat na boses ang aming narinig na ikinalingon naming lahat.

Halos kumabog ang aking dibdib nang makita ko ang lalaki. Ngayon ko lang napagmasdan na mas lalo itong gumawapo sa simpleng suot nitong kulay puting longsleeve na polo at itim na pantalon.

Halos malukot naman ang aking mukha nang mapansin kong kasama nito si Vera. Para itong aagawan kung makalingkis sa lalaki. Halos lumuwa na rin ang malalaking dibdib nito na sinasadyang idikit sa katawan ng lalaki.

"Bro, Kanina ka pa namin hinahanap. Akala namin inuwi mo na sa'yong mansyon itong si Vera." Nakangiting saad ni Drew.

"Ano ka ba Drew, masyado pang maaga para umuwi sila." Masayang nilapitan ng asawa ni Alisha si Logan. "Mahaba pa naman ang gabi kaya may oras pa sila para makapagsolo."

Nakita kong napailing na lang si Logan sa sinabi ng mga pinsan. Samantala, si Vera naman ay halos magkulay kamatis ang mukha. Tila nahihiyang ngumiti ito sa mga pinsan ni Logan.

"So,
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP
Comments (2)
goodnovel comment avatar
Maria Orosco Ferna
maganda kaya lng para my ron nman. magiging marter sa kuwento...
goodnovel comment avatar
michrose1382453
ang ganda ng story nkakakilig,,,
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status