“You can send us the sample photos, Miss Altamirano. Kapag magustuhan namin at pasado sa nakararami, pwede na tayo magpirmahan ng kontrata,” wika ng nakaharap nila ni Alex sa kanilang transaksyon sa eskwelahan.
“Wala pong problema, Mrs. Santos. May dala po akong iilan dito pwede niyo pong tingnan,” tugon ni Sabrina sabay kuha ng brown envelope na naglalaman ng ilang kuha niya sa mga nakaraan niyang proyekto. Inabot niya ito kay Mrs. Santos at tiningnan naman ito ng huli. Nagpatango-tango ito na may paghanga sa bawat larawang tinitingnan. Sekreto siyang kinindatan ni Alex at napa-thumbs up pa ito kaya napahiling siyang sana ay sila na ang kukunin ng pamunuan ng eskwelahan para sa kanilang promotional photography.
“Well, maganda ang mga kuha mo, Miss Altamirano. Para sa akin, sadya nga’ng magaling ka pero hindi sa akin ang huling desisyon,” wika ni Mrs. Santos pagkatapos pasadahan ang mga sample photos na dala nila. “Tatawagan ka namin kung makapagdesisyon na ang lahat. Kung papayag ka, mas maigi kung iwanan mo dito itong mga larawan para maipakita ko sa meeting namin ng committee para sa nalalapit na foundation day ng paaralan,” pagpatuloy ni Mrs. Santos.
“Ah, sige po. Wala po’ng problema. Mas mainam nga ang ganon para may maipakita ka po na sample sa kanila,” masayang tugon ni Sabrina.
“Iyan po talaga ang nararapat, Mrs. Santos para po may patunay po kayo na hindi niyo lang nakita ang magagandang larawan na ‘yan kung ‘di may bitbit pa po kayong para sila mismo ang makapagpatunay,” magiliw namang singit ni Alex na tuwang-tuwa sa positibong puna ni Mrs. Santos.
“Maraming salamat, Miss Altamirano. Nakakatiyak akong magkikita pa ulit tayo sa susunod na linggo,” muling wika ni Mrs. Santos sabay tayo at inilahad ang kamay una kay Sabrina at sumunod kay Alex.
“Maraming-maraming salamat din po, Mrs. Santos. Ikinagagalak ka po naming makilala at makausap,” halos sabay na wika ng magkaibigan na nakangiti.
“Walang anuman sa inyo.”
Pagkatapos ng meeting nina Sabrina kay Mrs. Santos ay gumayak na rin sila para umalis.
“Girl, sana makuha ka sa raket na ‘to,” wika ni Alex habang naglalakad sila papuntang elevator.
“Sana nga, Alex.”
Dalawang araw ang nakalipas, nakatanggap ng tawag si Sabrina mula sa pamunuan ng St. Martin Institute of Science and Discovery at masayang-masaya siya sa balitang pasado siya bilang official photographer para sa nalalapit na foundation day ng institusyon.
“Congratulations, Miss Altamirano!” Bati ni Mrs. Santos kay Sabrina pagkatapos nilang magpirmahan ng kontrata ng mga opisyal na lupon ng nalalapit na okasyon ng eskwelahan.
“Maraming salamat po, Mrs. Santos. Napakalaking tulong po ng rekomendasyon ninyo sa grupo para po matanggap ang proposal ko,” tugon ni Sabrina. Isang matamis na ngiti ang iginawad niya sa lahat na naroroon para saksihan ang kanilang kasunduan.
Masayang umalis si Sabrina bitbit ang napakagandang resulta ng kanyang pagsisikap.
“Finally!” Kulang na lang ay magsisigaw siya sa sobrang tuwa. Halos maluha-luha pa siya sa tuwing naisip na kailangang-kailangan niya ang pera para sa maysakit niyang ama. Kahit papaano, malaki rin ang kikitain niya sa magiging trabaho niya sa eskwelahan. Katunayan, bitbit na niya ang halos kalahati ng kabuuang kabayaran para sa kanyang serbisyo gayong ilang linggo pa bago ang naturang okasyon.
Lakad-takbo siya patungong gate nang mamataan niya ang sasakyan ni Adrian palapit sa direksyon niya.
“Prof. Reyes!” Tawag niya dito at kumaway pa sakaling makita siya ng binata ngunit nilagpasan lang siya nito na parang hindi siya nakita.
Napangisi si Sabrina dahil bigla siyang may naisip para pansinin ng batang professor. Binilisan niya ang lakad para maabutan ito malapit sa gate kahit na halos natatapilok na siya dahil sa taas ng takong ng kanyang sapatos.
Agad niyang kinatok ang bintana ng sasakyan nang maabutan niya ito. Agad naman itong bumukas ng bahagya kaya kita niya ang seryosong mukha ni Adrian na nasa maneho. Matiim lang itong nakatingin sa kanya, walang maaninag na kung anong emosyon; naghihintay siguro ng kanyang sasabihin.
“Adrian. . . I mean, Prof. Reyes, pwede bang makisakay kahit hanggang sa sakayan lang? Ang sakit na kasi ng paa ko eh,” malambing niyang pakiusap dito. Sinadya niyang akitin ito gamit ang kanyang boses at napakagandang ngiti bakasakaling may epekto ito sa binata.
Lalong ibinaba ni Adrian ang bintana ng kotse kaya tumambad sa kanya ang nakayukong si Sabrina. Maluwang ang neckline ng suot nitong blusa kaya lumantad ang maputi at makinis nitong dibdib na may bakas pa ng mga pantal na si Adrian mismo ang may gawa ilang araw ang nakalipas.
“Please. . .” Pinapungay ni Sabrina ang mga mata na muling nakiusap kay Adrian at bahagya pang binabaan ang pagkakayuko para lalong pang lumantad dito ang dibdib. Ito naman talaga ang pakay niya–ang akitin ang binata.
Napabuntonghininga si Adrian at ibinaling ang tingin sa harapan ng kotse na lihim namang ikinatuwa ni Sabrina dahil alam niyang apektado ito sa panunukso na kanyang ginawa. Bato na ang binata kung walang epekto sa kanya ang pasimple niyang panunukso.
“Nakakaabala ka lang!” Wika ni Adrian makaraan ang ilang sandali. Tila sumabog ang lahat ng lakas ng loob na inipon ni Sabrina sa oras na ‘yon. Another rejection from Adrian. Naalala niya ang gabing isinuko niya ang sarili dito. Kulang na lang ay sabihin nitong napakarumi niyang babae pagkatapos galugarin ang buo niyang katawan na animo’y memoryado niya ang bawat parte nito.
Hindi pa rin sumuko si Sabrina kaya muling naglakas-loob na magtanong, “paano akong nakaabala, Prof. Reyes?”
Akmang isasara na ni Adrian ang bintana ng kotse nang may nagsalita. Boses ng isang babae.
“Sino siya, Adrian?”
Napasilip si Sabrina sa pinanggalingan ng boses. Lumantad sa kanya ang isang malaking laso na kulay pula hanggang bahagya niyang maaninag ang mukha.
Isang bata at napakagandang babae ang nakaupo sa passenger seat.
“Adrian?!”Hinabol ni Sabrina si Adrian na mabilis naglakad palabas ng bulwagan. May mga bisitang nakaharang sa kanyang daraan pero mabilis naman niya naiwasan ito. Pagdating sa labas ay agad niyakap ni Sabrina si Adrian mula sa likuran nang maabutan niya itong nakatayo sa harapan.“Adrian, huwag ka ng magalit. Hayaan mo muna akong magpaliwanag,” pakiusap ni Sabrina sa binata at niyakap lalo ito nang mahigpit.“Bitiwan mo ako Sabrina.” Madiin nitong wika. “Wala ka na bang natitirang pagpapahalaga sa pagkababae?”“Adrian, please don’t get me wrong.” May mga dumadaan ng mga tao kaya nag-alala si Adrian na baka maintriga sila dahil ang alam nilang lahat ay wala siyang kasintahan at mailap siya sa mga babae. Baka maging tampulan pa sila ng tsismis. Dinala ni Adrian si Sabrina sa isang maliit na garden sa bandang gilid ng gusali kung saan idinadaos ang okasyon. Madalang ang tao roon kaya makakapag-usap sila ng maayos at walang inaalala si Adrian na maaring may makakita sa kanila at pagm
Kinakabahan si Sabrina sa pakikipagharap kay Mr. Black pero sinisikap niyang mawala ito alang-alang sa kapatid niya. Mas pinangibabaw niya ang determinasyong makita ito para naman hindi masayang ang kanyang pagpunta sa lupang banyaga. Marami na siyang pinagdaanan at ayaw niyang umuwing bigo sa paghahanap dito. Matagal na ang panahong lumipas mula nang malugi ang kanilang negosyo at matanggal sa listahan ng mga elites pero may katiting pa namang naalala at natutunan si Sabrina sa pakikihalo muli sa mga ito kagaya nitong magarang salo-salo pagkatapos ng pormal na pagbibigay-pugay sa mga awardees. “Ayon si Mr. Black, ikaw na ang bahala dumiskarte kung paano mo siya malapitan at makuha ang iyong pakay,” pabulong na sabi ni Adrian kay Sabrina. Pareho silang nakaupo sa bar stools sa isang sulok ng bulwagan. “Kinakabahan ako pero kakayanin ko.” “Do it like how you did it to me before.” Hindi tumitingin kay Sabrina na nagwika ang binata. “Is it necessary to remind me what I did before?”
Kinabukasan, maagang nagising sina Adrian at Sabrina para magpaalam sa mga kasamahan nilang mauunang uuwi. Naiintindihan naman ng mga ito kung bakit maiwan si Sabrina at nakisimpatya sa nangyari sa kanya at nagbigay ng suporta at panalangin na sana matagpuan niya ang kanyang kapatid. “So, you’re going home with Prof. Reyes?” Tanong ni Bernard nang mapagsolo sila ni Sabrina sa isang tabi habang abala pa ang iba sa pag-checkout. “Yes! Pakisabi kay Alex na wala akong pasalubong. Alam naman niya ang nangyari sa akin,” tugon ni Sabrina. “Huwag mag-alala si Alex pa ba kukulangin ng pag-unawa sa ‘yo?” Mahinang napatawa si Sabrina. Totoo nga naman ang sinabi nito tungkol sa kanyang kaibigan. Si Alex na yata ang kaibigang hindi niya kayang ipagpalit o mawala. Mula nang magkakilala silang dalawa, ni minsan hindi sila nag-away na ikakasira ng kanilang samahan. Nagtatalo sila sa ibang bagay pero naayos din naman kaagad lalo na kung tungkol sa kanyang lovelife. “Oh, Bernard. Tapos ka na ba?”
“Ayaw mo ng bag mo?”Magkasalubong ang kilay na tanong ni Adrian kay Sabrina. Kahit ang mga pulis na naghatid ng kanyang bag ay napailing na lamang.“I mean, huwag mo na akong bayaran kasi hindi naman ikaw ang dahilan kaya nawala ang mga ‘yon. Ang unfair naman na ikaw ang mag-compensate sa mga bagay na hindi mo naman kinuha.” paliwanag ni Sabrina.“Just take it as a gift.”“Adrian, huwag na. If this happens for a reason, then let it be. Okay lang kung hindi ko mahanap ang kapatid ko,” tugon ni Sabrina na nanghihinayang sa perang nawala sa kanya“Speaking of your brother, may dadaluhan akong forum at pwede kitang isama roon.”Sasagot na sana si Sabrina nang muling lumapit ang dalawang pulis para magpaalam na sa kanila.“Are eveything fine now, Sir?”“Yes, Sir! Thank you so much for your help.”“No worries, Sir!” tugon ng dalawang pulis. “We have to go.” paalam pa ng mga ito.Pagkaalis ng mga pulis ay kinausap ni Sabrina si Adrian.“So, hindi ka sasabay ng uwi sa iba?”“Hindi! Extended
“Two hours?” Parang nabigla pang ulit ni Adrian ng naging tugon ni Sabrina sa kanya. “Hmm. . .” Tumango lamang ang dalaga para kumpirmahin sa binata na hindi ito nagkamali ng dinig. “Tumawag ako kay Alex para humingi ng tulong. Kailangan ko ng passport para hindi ako mahuli dito kapag lalabas ako.” dagdag pa ni Sabrina. “Hoping that the authorities will retrieve your belongings from those gangsters. Kung bakit kasi nakipagmatigasan ka pa sa kanila? Kung kusa mong ibinigay kahit ‘yung pera na lang, eh hindi sana umabot sa ganito,” saad ni Adrian na walang ekspresyon ng kung anong emosyon ang kanyang mukha. “Sinisisi mo ba ako? Eh, nandon nga ang passport ko at ang perang gagamitin ko sa paghahanap ng kapatid ko,” tugon ng dalaga na bumalatay ang lungkot sa mukha. “Hindi naman sa sinisisi kita pero kapag ganoong sitwasyon mas mahalaga pa rin ang buhay natin. Mabuti na lang at nandoon ako. Paano kung wala?”“Gaya nga ng sabi ko passport at pera ko ang laman ng bag kaya ayaw kong ibig
Passport at lahat ng perang pinaghirapang ipunin ni Sabrina ang laman ng bag kaya nang marinig ang sinabi ng isa sa mga naka-motorsiklo ay niyakap niya ang bag para hindi makuha ng mga ito mula sa kanya. Panay pa rebolusyon ng mga ito ng motor habang pinaiikutan si Sabrina kaya nakadagdag ito ng takot sa dalaga. Bagay na nagdulot ng pagkahilo sa dalaga na humigpit ang pagyakap sa bag na tila doon kumukuha ng lakas.“Dude, look at her, she seems not willing to give the bag,” wika ng isa sa mga lalaki na kinausap ang nasa kanan nito. Nagtawanan ang mga ito kasama ang iba pa. Palingon-lingon naman si Sabrina sa pagbabakasakaling may isa sa mga dumadaan na tutulong sa kanya para sawayin ang mga kalalakihan pero ni isa wala yatang may balak na gawin iyon. Umiwas pa nga ang mga ito at tila ayaw nang makialam sa nangyayari. Nang makitang walang balak ang mga kalalakihan na umalis, ibinaba ni Sabrina ang isang kamay sa bahagi ng kanyang tiyan kung saan hindi pa tuluyang naghilom ang kanyang