Hindi na nagpumilit pa si Sabrina na makisakay sa sasakyan ni Adrian kaya hinayaan niyang umalis ito kasama ang babaeng sakay nito sa passenger seat ng kanyang kotse.
‘Hindi naman ako ganon kakapal no!’ Usal niya sa sarili habang hinahatid ng tanaw ang papalayong sasakyan ng nakaniig na binata. Pero sa kaloob-looban niya, nausal niya iyon para pagtakpan ang kahihiyang naramdaman nang tanggihan siya ng binata at ang masaklap may nakarinig at nakakita sa kanyang ginawang panunukso sa binata.
Kinahapunan ng araw na ‘yon, tumungo si Sabrina para kunin ang kanyang mga gamit sa apartment ng nobyo. Para sa kanya wala ng dahilan pa para manatili ang kanyang mga gamit doon kagaya ng wala na ring dahilan pa para ituloy ang kanilang relasyon kung hindi man lang siya kayang intindhin ng nobyo. Itinaon niyang nasa trabaho pa ang nobyo at pumunta sa inuupahan nito. Iyon ang akala niya dahil pagkabukas ng pintuan ay nakatambad sa kanya ang nobyong kandong ang kababatang si Pia. Halatang kakarating lang nito galing sa trabaho dahil sa suot nito. Magkahawak-kamay pa ang mga ito na kung hindi sila kilala ay mapagkamalang magnobyo ang dalawa.
“Ikaw?” Wika ni Pia sabay alis sa pagkakandong kay Seth na akala mo’y sinilaban ang puwet pero wala na siyang pakialam kahit pa maglampungan ang mga ito. Tinapos na niya ang lahat sa kanila ni Seth. Ngayon niya naramdaman ang kawalan nito ng respeto sa kanilang relasyon. Mas pinahalagahan pa nito ang kababata kaysa sa kanyang damdamin. Naiintindihan niyang malapit ang loob nila sa isa’t isa ni Pia dahil simula bata pa sila ay ganoon na ang kanilang relasyon pero habang iniintindi niya ang nga ito lalo naman siyang naabuso. They crossed over the line na at nagiging dahilan na ng kanilang hindi pag-uunawaan. Naging toxic na ang kanilang relasyon mula dumating si Pia sa syudad kung saan sila nagtatrabaho. Dito na halos nabuhos ang oras ng nobyo dahil sa mga paglalambing nitong minsan ay wala na sa lugar. Parang sinasadya nitong agawin ang atensyon ni Seth sa kanya. Mas madalas pa nga ito ang magkasama na kumain sa labas at mag-isa siyang maghintay sa apartment.
Hindi niya pinansin ang dalawa pero hindi nawaglit sa mapanuri niyang mata ang kalat sa harapan ng mga ito. Nagkalat na sitsirya sa sahig at sofa, ilang pack ng iba pang klaseng snacks na sadyang binuksan pero hindi naman kinain, at mga bote ng softdrinks na nasa coffee table. Basa ang sahig dahil sa mga natapong sofrdrinks kaya kahit sino siguro ay hindi magawang dumaan o makiupo dahil sa rumi ng sala. Pati ang kakabili niyang inumin at sitsirya ay puro packaging na lang ang natira.
“Sabi ni Kuya Seth okay lang daw na kainin at inumin ko ang mga ‘yan,” wika ni Pia na parang nang-uuyam. Sa tono nito parang ipinagmamayabang pa niya na pinagbigyan siya ni Seth. “Mula bata pa kami ganito na si Kuya Seth sa akin, ini-i-spoil ako. Sabi niya parang bahay ko na rin daw dito kaya gawin ko ang gusto ko.” Taas noo pang dagdag nito.
‘Ang kapal ng mukha.’ Sa isip-isip ni Sabrina.
“Wala akong pakialam. I-spoil niya kung sino ang gusto niyang i-spoil. It’s none of my business,” tugon ni Sabrina.
Pagkatapos magsalita ay agad niyang tinungo ang silid ni Seth para kunin ang kaunti niyang gamit doon. Iilang aklat at kaunting damit lang ang gamit niya roon. Kahit pa kasi engaged na sila, hindi pa rin siya pumayag na manirahan sila sa iisang bubong. Kanya-kanya pa rin sila ng tirahan dahil para sa kanya manatili siyang malinis kapag ihaharap na siya nito sa altar. Blessing in disguise na rin siguro dahil kung pumayag siya noon na tumira sila sa iisang bubong, tiyak mahihirapan siyang lumipat dahil sa kinahinatnan ng kanilang relasyon ngayon.
Hindi namalayan ni Sabrina na sinundan pala siya ni Pia sa silid ng nobyo. Akma niyang damputin ang isang notebook nang mamataan niya itong nakahalukipkip habang nakasandal sa hamba ng pintuan na animo’y supervisor na nagmamasid sa kanyang subordinate at naghihintay kung kailan ito magkakamali para kanyang pagalitan.
“Sabrina, pasensiya ka na kung hindi kita inimbita sa birthday ko noong nakaraan ha. Hindi kasi tayo close, isa pa kahit pupunta ka hindi ka rin belong. Ma-out of place ka lang at baka masira mo lang ang kasiyahan namin. So bakit pa kita iimbitahin, ‘di ba?” Sarkastikong wika ni Pia patungkol sa kanya. Hindi niya ito pinatulan. Para ano pa? Tama ito, hindi sila close kaya wala siyang pakialam sa mga sinasabi nito. Nagpatuloy siya sa pagliligpit na hindi man lang ito tinapunan ng tingin at parang hindi narinig.
“Pero ang babaw mo ha para makipagtalo kay Kuya Seth dahil lang sa isang mababaw na dahilan.” Patuloy pa ni Pia. Hindi nakuntento sa pang-uuyam sa kanya.
Nang nailagay sa loob ng dala niyang bag ang lahat ng mga gamit, binitbit na ito ni Sabrina at deretsong tinungo ang pintuan. Bahagya pang binangga ang balikat ng nakaharang na si Pia at nilagpasan pero bago pa man siya makarating ng pintuan ay nilingon niya ito. Nginitian niya ito na may kasamang pang-uuyam.
“Alam mo ba kung bakit hindi man lang nainis o nagalit sa ‘yo si Seth?”
Napatigil sa paghakbang si Pia at iniintindi ang sinabi sa kanya ni Sabrina.
“Anong ibig mong sabihin?”
“Sino ba kasi ang magagalit sa isang libangan lang? Katulad mo ay isang pusa o tuta na kailangan lambingin kung wala ng pagpipilian?”
Pagkatapos bitiwan ang mga salita ay walang lingon-likod na lumabas si Sabrina sabay malakas na isinara ang pintuan. Gigil na gigil namang naiwan si Pia na hindi man lang nagawang gumanti sa pang-iinsulto ni Sabrina sa kanya.
“Adrian?!”Hinabol ni Sabrina si Adrian na mabilis naglakad palabas ng bulwagan. May mga bisitang nakaharang sa kanyang daraan pero mabilis naman niya naiwasan ito. Pagdating sa labas ay agad niyakap ni Sabrina si Adrian mula sa likuran nang maabutan niya itong nakatayo sa harapan.“Adrian, huwag ka ng magalit. Hayaan mo muna akong magpaliwanag,” pakiusap ni Sabrina sa binata at niyakap lalo ito nang mahigpit.“Bitiwan mo ako Sabrina.” Madiin nitong wika. “Wala ka na bang natitirang pagpapahalaga sa pagkababae?”“Adrian, please don’t get me wrong.” May mga dumadaan ng mga tao kaya nag-alala si Adrian na baka maintriga sila dahil ang alam nilang lahat ay wala siyang kasintahan at mailap siya sa mga babae. Baka maging tampulan pa sila ng tsismis. Dinala ni Adrian si Sabrina sa isang maliit na garden sa bandang gilid ng gusali kung saan idinadaos ang okasyon. Madalang ang tao roon kaya makakapag-usap sila ng maayos at walang inaalala si Adrian na maaring may makakita sa kanila at pagm
Kinakabahan si Sabrina sa pakikipagharap kay Mr. Black pero sinisikap niyang mawala ito alang-alang sa kapatid niya. Mas pinangibabaw niya ang determinasyong makita ito para naman hindi masayang ang kanyang pagpunta sa lupang banyaga. Marami na siyang pinagdaanan at ayaw niyang umuwing bigo sa paghahanap dito. Matagal na ang panahong lumipas mula nang malugi ang kanilang negosyo at matanggal sa listahan ng mga elites pero may katiting pa namang naalala at natutunan si Sabrina sa pakikihalo muli sa mga ito kagaya nitong magarang salo-salo pagkatapos ng pormal na pagbibigay-pugay sa mga awardees. “Ayon si Mr. Black, ikaw na ang bahala dumiskarte kung paano mo siya malapitan at makuha ang iyong pakay,” pabulong na sabi ni Adrian kay Sabrina. Pareho silang nakaupo sa bar stools sa isang sulok ng bulwagan. “Kinakabahan ako pero kakayanin ko.” “Do it like how you did it to me before.” Hindi tumitingin kay Sabrina na nagwika ang binata. “Is it necessary to remind me what I did before?”
Kinabukasan, maagang nagising sina Adrian at Sabrina para magpaalam sa mga kasamahan nilang mauunang uuwi. Naiintindihan naman ng mga ito kung bakit maiwan si Sabrina at nakisimpatya sa nangyari sa kanya at nagbigay ng suporta at panalangin na sana matagpuan niya ang kanyang kapatid. “So, you’re going home with Prof. Reyes?” Tanong ni Bernard nang mapagsolo sila ni Sabrina sa isang tabi habang abala pa ang iba sa pag-checkout. “Yes! Pakisabi kay Alex na wala akong pasalubong. Alam naman niya ang nangyari sa akin,” tugon ni Sabrina. “Huwag mag-alala si Alex pa ba kukulangin ng pag-unawa sa ‘yo?” Mahinang napatawa si Sabrina. Totoo nga naman ang sinabi nito tungkol sa kanyang kaibigan. Si Alex na yata ang kaibigang hindi niya kayang ipagpalit o mawala. Mula nang magkakilala silang dalawa, ni minsan hindi sila nag-away na ikakasira ng kanilang samahan. Nagtatalo sila sa ibang bagay pero naayos din naman kaagad lalo na kung tungkol sa kanyang lovelife. “Oh, Bernard. Tapos ka na ba?”
“Ayaw mo ng bag mo?”Magkasalubong ang kilay na tanong ni Adrian kay Sabrina. Kahit ang mga pulis na naghatid ng kanyang bag ay napailing na lamang.“I mean, huwag mo na akong bayaran kasi hindi naman ikaw ang dahilan kaya nawala ang mga ‘yon. Ang unfair naman na ikaw ang mag-compensate sa mga bagay na hindi mo naman kinuha.” paliwanag ni Sabrina.“Just take it as a gift.”“Adrian, huwag na. If this happens for a reason, then let it be. Okay lang kung hindi ko mahanap ang kapatid ko,” tugon ni Sabrina na nanghihinayang sa perang nawala sa kanya“Speaking of your brother, may dadaluhan akong forum at pwede kitang isama roon.”Sasagot na sana si Sabrina nang muling lumapit ang dalawang pulis para magpaalam na sa kanila.“Are eveything fine now, Sir?”“Yes, Sir! Thank you so much for your help.”“No worries, Sir!” tugon ng dalawang pulis. “We have to go.” paalam pa ng mga ito.Pagkaalis ng mga pulis ay kinausap ni Sabrina si Adrian.“So, hindi ka sasabay ng uwi sa iba?”“Hindi! Extended
“Two hours?” Parang nabigla pang ulit ni Adrian ng naging tugon ni Sabrina sa kanya. “Hmm. . .” Tumango lamang ang dalaga para kumpirmahin sa binata na hindi ito nagkamali ng dinig. “Tumawag ako kay Alex para humingi ng tulong. Kailangan ko ng passport para hindi ako mahuli dito kapag lalabas ako.” dagdag pa ni Sabrina. “Hoping that the authorities will retrieve your belongings from those gangsters. Kung bakit kasi nakipagmatigasan ka pa sa kanila? Kung kusa mong ibinigay kahit ‘yung pera na lang, eh hindi sana umabot sa ganito,” saad ni Adrian na walang ekspresyon ng kung anong emosyon ang kanyang mukha. “Sinisisi mo ba ako? Eh, nandon nga ang passport ko at ang perang gagamitin ko sa paghahanap ng kapatid ko,” tugon ng dalaga na bumalatay ang lungkot sa mukha. “Hindi naman sa sinisisi kita pero kapag ganoong sitwasyon mas mahalaga pa rin ang buhay natin. Mabuti na lang at nandoon ako. Paano kung wala?”“Gaya nga ng sabi ko passport at pera ko ang laman ng bag kaya ayaw kong ibig
Passport at lahat ng perang pinaghirapang ipunin ni Sabrina ang laman ng bag kaya nang marinig ang sinabi ng isa sa mga naka-motorsiklo ay niyakap niya ang bag para hindi makuha ng mga ito mula sa kanya. Panay pa rebolusyon ng mga ito ng motor habang pinaiikutan si Sabrina kaya nakadagdag ito ng takot sa dalaga. Bagay na nagdulot ng pagkahilo sa dalaga na humigpit ang pagyakap sa bag na tila doon kumukuha ng lakas.“Dude, look at her, she seems not willing to give the bag,” wika ng isa sa mga lalaki na kinausap ang nasa kanan nito. Nagtawanan ang mga ito kasama ang iba pa. Palingon-lingon naman si Sabrina sa pagbabakasakaling may isa sa mga dumadaan na tutulong sa kanya para sawayin ang mga kalalakihan pero ni isa wala yatang may balak na gawin iyon. Umiwas pa nga ang mga ito at tila ayaw nang makialam sa nangyayari. Nang makitang walang balak ang mga kalalakihan na umalis, ibinaba ni Sabrina ang isang kamay sa bahagi ng kanyang tiyan kung saan hindi pa tuluyang naghilom ang kanyang