Share

KABANATA 25

PAGKAGALING sa kanilang apartment ay tumuloy si Alessandra sa ospital. Mabuti nalang at may mabait silang kapitbahay na siyang nagbulontaryong bantayan si AC habang wala siya. Alam ng ginang na nasa ospital si Ady kaya nagmagandang loob itong tumulong.

Pagdating sa ward ay kinabahan siya ng hindi na madatnan doon ang kapatid. Napawi lang ang kanyang pangamba nang magtanong siya sa may information desk at sabihin nitong inilipat sa isang private room si Adeline.

Halos maiyak siya nang malaman kung sino ang may gawa niyon, nalaman niyang kinausap ni Alex ang ospital at sinagot ang lahat ng kanilang bayarin, pagkatapos ay ipinalipat si Adeline sa mas komportableng silid.

Kinabukasan naman ay may dumating na abogado sa apartment nila na padala ni Alessandro Sanford. Nang matapos siyang makipag-usap sa abogado ay muli na namang napaluha ang dalaga. Akala niya ay wala na siyang mailuluha pa ngunit sa kaalamang may ginagawang hakbang ang lalaking kilala niya bilang kan

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status