LOGIN“If I touch you the way I've been wanting to, will you tell me to stop?” Isang tanong na kayang gumising sa mga pagnanasang matagal nang ikinukubli ni Elara, at sa damdaming ilang taon nang pilit na itinatago ni Kyzer Smith, ang lalaking laging nasa kaniyang tabi nang mahabang panahon. Ngunit bago pa man niya matikman ang pag-ibig na matagal nang naghihintay, muling susulpot ang lalaking minsan nang sumira sa kaniyang buhay, si Lazaro Gadiola, ang makapangyarihang bilyonaryo ng Gadiola Group. Sa pagbabalik ni Lazaro, mabubunyag ang mga lihim na matagal nang ibinaon ni Elara, kabilang na ang anak na hindi kailanman nakilala ng ama. At habang lalong nagiging mapanganib ang bawat pagtatagpo, mas susubukin ang pag-ibig ni Kyzer at ang tapang ni Elara na ipaglaban ang pamilyang binuo niya mula sa mga labi ng kaniyang nakaraan. Sa pagitan ng mga halik na matagal nang ipinagkait, mga pagnanasang pilit itinatago, at isang nakaraang hindi makalimutan, will Elara finally surrender to Kyzer's love, or will Lazaro turn their burning desire into a deadly game of possession?
View More“Sagutin mo nga ako, Vanessa. Bakit ko naman papakasalan ang katulad ni Elara na kumakanta lang para sa pera? Ginagamit ko lang siya para umangat pa lalo ang Gadiola Group. Kung hindi siya isang sikat na singer at hindi ko mapapakinabangan, bakit ako mag-aaksaya ng oras kasama siya? Mas madaling pasunurin at kontrolin ang babaeng akala niya ay siya lang ang aking mundo."
Napatigil si Elara sa kalagitnaan ng madilim na hallway. Ang malamig at kalkuladong boses ng kaniyang fiancé na si Lazaro ay parang patalim na dumeretso sa kaniyang dibdib.
"Seryoso, Lazaro?" Narinig niya ang mahinang tawa ng kasama nitong babae sa loob ng kuwarto. "Paano kung malaman niyang ginag*go mo lang pala siya at itong beachfront resthouse ninyo ang paborito mong tambayan kapag naiirita ka sa kaniya? Paano kung umiyak 'yang Queen of Heartbreak mo kapag nalaman niyang habang busy siya sa paghahanda para sa kasal ninyo bukas, nandito ka ngayon kasama ko?”
"Let her cry. Magaling naman siyang umiyak, 'di ba? Doon siya sumikat," malamig na sagot ni Lazaro. "Business is business at para sa akin, si Elara ay isang magandang investment lang. Wala siyang halaga sa akin kapag wala na siyang pakinabang sa mga kumpanya ko."
"Napakasama mo talaga, Lazaro. Pero sabagay, iyan ang gusto ko sa 'yo. Wala ka talagang puso." Tumawa si Vanessa habang nakahawak sa dibdib ni Lazaro.
"Puso? Sa mundong ginagalawan ko, ang puso ay para lamang sa mga taong mahihina. At si Elara? Napakahina niya. Napakadaling utuin,” tugon ni Lazaro.
‘Inakala kong ako ang himig na bumubuo sa buhay mo, 'yon pala, isa lang akong numero sa mga kontrata mo. Ang sakit malaman na ang lalakeng inakala kong magtatanggol sa akin, ay itinuturing lang ako bilang kasangkapan para sa negosyo. Hindi ako isang bagay na ginagamit lang ng kung sino-sino. Tao rin ako, nagmamahal, nasasaktan.’
Napahawak si Elara sa saradong p***o sa kaniyang harap habang pilit na pinipigil ang pagpatak ng mga luha at ang panginginig ng sariling katawan.
‘Hindi ako isang bagay na ginagamit lang ng kung sino-sino. Tao rin ako, nagmamahal, nasasaktan.’
"Ah… Lazaro… ang tigas naman niyan…" Biglang nabalot ang silid ng mga malalalim na paghinga ni Vanessa, kasabay ng paulit-ulit na lagutok ng kama. "Ang sarap mo, Lazaro… sige pa. Ganiyan din ba ang ginagawa mo… ah… sa Queen of Heartbreak mo kapag nandito siya?"
"Don't mention her name," malamig at tila paos na utos ni Lazaro kasunod ng nagmamadaling paghinga at ang tunog ng halik. "Wala siya rito… at hindi ka dapat nag-aaksaya ng panahon sa kaniya."
"Sabagay... ah... sige pa, bilisan mo pa, Lazaro..." maarteng daing ni Vanessa.
"F*ck you, Vanessa! Lal*b*san na ako... F*ck!" tugon ni Lazaro sa kaniya.
‘Ang boses na 'yan... 'yan ang parehong boses na bumubulong sa akin gabi-gabi kung gaano niya ako kailangan. Ibinigay ko ang lahat para maramdaman mong espesyal ka, pero mas pipiliin mo palang magpakasasa sa kama kasama ang ibang babae kaysa sa tapat na pagmamahal na ipinaparamdam ko sa 'yo.’
"Napakasarap mo talaga, Lazaro..." muling daing ni Vanessa sa gitna ng mabilis na ingay ng kama. "Sana bukas, bago ka humarap sa altar, dumaan ka muna sa akin..."
"Baka hindi na ako umabot sa altar kapag ipinagpatuloy mo 'yan," sagot ni Lazaro kasabay ng isang bahagyang tawa at ang mas lalong pagbilis ng kanilang pag-ungol.
Mabilis na napapikit si Elara at tinakpan ang kaniyang bibig gamit ang dalawang kamay. Nanlamig ang kaniyang buong katawan. Hindi na niya kailangang buksan ang p***o, bawat salita at ingay sa loob ay sapat na para durugin ang apat na buwang ilusyon ng kaniyang pagmamahal.
‘Ginawa mong entablado ng kasinungalingan ang kama kung saan ako nangangarap na makasama ka habangbuhay.’
Mabilis siyang bumaba ng hagdan at patakbong lumabas patungo sa madilim na dalampasigan. Sa gitna ng ugong ng mga alon at ng malamig na hangin, doon pa lamang tuluyang sumabog at pumatak ang kaniyang mga luha.
‘Sabi nila, ang totoong pag-ibig daw ay parang musika. Hindi mo kailangang makita ang bawat nota, kailangan mo lang maramdaman ang himig para malaman mong iyon na. Pero mali ako… hindi pala pag-ibig ang naramdaman ko, kundi isang napakalaking kasinungalingan.’
Tinitigan niya ang gintong singsing sa kaniyang daliri na kumikislap sa ilalim ng buwan habang umaagos ang luha at bumabalik sa kaniyang isip ang mga huwad na alaala nila ni Lazaro.
‘Hindi lahat ng kumikislap, pag-asa. Minsan, ang bagay na pinakamaganda sa tingin mo, iyon pa ang mag-iiwan ng pinakamalalim na sugat.’
"Mali ako ng minahal," pabulong na daing ni Elara sa gitna ng hangin. "Inakala kong ikaw ang himig na bubuo sa akin, Lazaro. Pero hindi… hindi mo lang ako ginamit, sinaktan mo rin ako nang sobra-sobra!”
Inalis niya ang gintong simbolo ng kasinungalingan mula sa kaniyang daliri at nakipagtitigan sa resthouse sa malayo. Buong lakas niyang ibinato ang gintong singsing sa gitna ng nagngangalit na alon.
Tinalikuran niya ang nakaraan at nagsimulang maglakad sa gilid ng dalampasigan habang namumula ang mga mata at tuyo na ang luha sa kaniyang pisngi.
"Ibinigay ko sa 'yo ang pinakamagandang himig ng buhay ko, Lazaro. Pero simula ngayong gabi, tapos na ang kanta," wika ni Elara sa gitna ng dilim. "Tandaan mo ang gabing ito. Dahil ang bawat patak ng luhang itinapon ko sa buhangin na 'to… ang magiging huling notang aawitin ko na wawasak sa kumpanya at sa buong buhay mo."
Tahimik si Elara habang nasa biyahe sila pauwi mula sa grand reunion ng pamilya Smith. Paulit-ulit na bumabalik sa kaniyang isipan ang masasakit na salitang binitiwan ni Señora Remedios. “Bakit parang gusto mo yatang manapak ng tao?” tanong ni Kyzer habang nakatingin sa kalsada. Napalingon siya. “Hindi ah.” “Talaga? Kanina pa nakakunot ang noo mo. Baka pati manibela, awayin mo na rin," wika ni Kyzer habang nakatingin nang diretso sa kalsada. Napatawa nang bahagya si Elara. “Ikaw talaga! Hindi mo ba kayang maging seryoso kahit sandali?” “Kaya naman. Pero kapag nakikita kitang malungkot, parang gusto kong gumawa ng paraan para ngumiti ka," sagot ni Kyzer sa kaniya. Kaagad na natigilan si Elara. “Patawad." Humigpit ang hawak ni Kyzer sa manibela. “Makinig ka sa akin, Elara. Hindi nakakahiya ang mawalan ng pera. Hindi rin nakakahiya ang ipaglaban ang mga taong mahal mo. Ang nakakahiya ay ang magkaroon ng lahat ng bagay pero wala namang puso. At saka, kung pulubi na ako, baka
"Magandang umaga, Kyzer! Sandali, dala mo pa rin ba ang 'emergency preparation kit' mo? Huwag mong kalimutan, baka kailanganin mo nga 'yan mamaya," paalala ni Elara.Biglang napabuga ng kape si Kyzer sa ibabaw ng maliit na mesa na nasa tapat. Mabilis siyang napaubo habang nagmamadaling kumuha ng tissue para punasan ang kaniyang bibig at ang nabasang gilid ng kaniyang polo shirt."Elara... pakiusap, 'wag mo nang ipapaalala 'yan habang umiinom ako ng kape," sabi ni Kyzer matapos siyang maka-recover. Itinulak niya ang kaniyang salamin sa mata pataas gamit ang hintuturo, habang mabilis na namumula ang kaniyang mga tainga. Bahagyang napatawa si Elara."Bakit? Sabi mo kagabi, handa ka sa lahat ng uri ng giyera, 'di ba?" panunukso ni Elara habang pinalilibutan ng tingin si Kyzer na nakasuot ng pormal na suit.Dahan-dahang tumayo si Kyzer at itinulak niya nang bahagya ang kaniyang salamin bago maglakad palapit kay Elara. May kakaibang kislap sa kaniyang mga mata, isang lihim, pilyo, at tila h
Isang malakas na sampal ang bumaliktad sa mukha ni Elara, nanginginig ang kaniyang pisngi sa matinding hapdi habang sumasabog ang lasa ng dugo sa kaniyang labi hanggang sa tuluyan na siyang bumagsak sa malamig na sahig."Sumunod ka sa rules dito, huwag kang umarteng parang sikat ka pa rin ngayon!" sigaw ng babaeng guwardiya bago padabog na isinarado ang bakal na pinto ng selda.Marahan niyang pinunasan ang dugo sa labi at bahagyang ngumiti. Tatlong taon na siyang nasa kulungan habang si Lazaro Gadiola ay malayang nagpapakasasa sa pera, kapangyarihan, at sa kaniyang mga kasinungalingan.‘Ibinigay ko sa 'yo ang lahat, Lazaro. Ang boses ko. Ang buhay ko. Ang pagmamahal ko. Pero ginawa mo akong tuntungan para lang makarating sa tuktok! Pinalabas mo akong kriminal, inagaw mo ang dangal ko, at hinayaan mo akong manganak sa loob ng lugar na 'to. Isumpa man ako ng mundo, sisiguraduhin kong babayaran mo ang bawat patak ng luha at dugo na nawala sa akin.’"Elara Monteverde!" biglang sigaw ng is
Nakatayo si Lazaro sa harap ng dambuhalang glass window ng kaniyang opisina habang nakatitig sa buong syudad. Inalis niya ang itim na bowtie sa kaniyang leeg bago ito itinapon sa ibabaw ng kaniyang mahogany desk. Pagkatapos ay umupo siya sa kaniyang executive chair bago tumingin sa tv sa loob ng opisina.‘Queen of Heartbreak, nagretiro sa gitna ng concert at kinansela ang kasal sa CEO ng Gadiola Group!’Sa ilalim ng screen, tahimik na pinagmamasdan ni Lazaro ang mabilis na pagbaba ng mga numero sa stock market ng Gadiola Group. "Tingin mo ba talaga ay magagawa mo akong patumbahin nang ganito kadali, Elara? Nakalimutan mo ata kung kanino ka nakikipaglaban," sabi ni Lazaro.“Mr. Gadiola! Natapos na ng internal security ang paghahanap sa lahat ng mga primary address ni Elara. Walang nakakita sa kaniya sa condo o sa bahay ng pamilya niya, at pinalagyan na rin namin ng travel alert list ang pangalan niya sa lahat ng exit points ng bansa. Siguradong hindi siya nakakaalis ng bansa.” ulat ng






Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.