Share

My Gay Best Friend Impregnate Me (Impregnate Series 1)
My Gay Best Friend Impregnate Me (Impregnate Series 1)
Author: Edmingard

Chapter One

Matagal ng magkapitbahay ang pamilyang Armstrong at Valdemor. Kaya naman malapit na ang mga ito sa isa’t-isa. Nang lumipat ang mag-asawa sa America ay naging malungkot si Luna Valdemor. Naging kaibigan na kasi niya ang mag-asawang Armstrong, at naging ninang pa nga siya ng anak ng mag-asawa.

Kaya nang mabalitaan niyang babalik na ang mag-asawa sa Pilipinas at titira ulit sa dati nilang bahay ay naghanda si Luna ng pagkain para sa mag-asawa. Makikita niya na rin ang kaibigan at ang inaanak nito.

“Mga anak! Bilisan niyo na nga ang kilos niyo! Magluluto pa ako para dadalhin ko sa kabilang bahay!” malakas na sigaw ni Luna sa dalawang anak nito na sina Deimos na nasa apat na taong gulang at si Celeste na nasa tatlong taong gulang. Lumabas naman si Celeste dala-dala ang gatas nito na nakalagay sa bote. Mabilis na kinuha ni Luna ang hawak ng anak.

“Very good at naubos mo kaagad ang milk mo. Deimos, did you finish your food?” tanong nito sa panganay na anak. Tumango naman ang bata sa kanya.

“Okay, halina kayo at papaliguan ko muna kayong dalawa. At ikaw Deimos, bantayan mo ang kapatid mo okay? Sa playroom lang kayo at pababantayan ko kayo sa yaya niyo, huwag masyadong malikot at matigas ang ulo. ‘Kay?” bilin nito sa anak na lalaki. Hindi ito nagsalita at tumango lang sa sinasabi ng ina. Napangiti na lang si Luna sa pagiging tahimik ng kanyang panganay.

Habang ang pamilya Armstrong ay kalalapag palang ng eroplanong sinasakyan nila. Napangiti si Karylle nang ilibot nito ang paligid. Masaya siyang nakabalik na siya sa Pilipinas matapos ang apat na taong pananatili sa America. Mas gusto niya talagang dito sa bansang pinagmulan manirahan.

“Anak, you are going to meet your Ninang Luna. Hindi ba at panay ang tanong mo kung sino siya?” kausap nito sa kanyang anak habang karga-karga ito ng kanyang asawa. Ngumiti si Nizar sa kanyang ina.

“I am excited, Momma.” Sagot ng bata. Mas lalong lumapad ang ngiti ni Karylle.

“Hon, balita ko may dalawang anak na si Luna. Uunahan pa yata tayo sa padamihan ng anak,” nakangiting kwento ni Karylle sa asawa. Pilyo namang nginitian ni Ignaz ang maybahay nito.

“Gusto mo bang gumawa ulit tayo?” tanong nito. Napairap si Karylle sa asawa.

“Parati naman tayong gumagawa, pero wala talaga eh,” malungkot nitong ani. Hinalikan na lang ito ng asawa sa pisngi.

“At least, we have our son, Nizar. Ang anak na lang natin ang magbibigay sa atin ng maraming apo. I’m sure of it.” Nakangiting ani ni Ignaz na nginitian lang ng asawa.

-

Sa bahay naman ng Valdemor ay tapos ng maghanda ng pagkain si Luna. Naliligo na ito at nag-aayos ng sarili. Nagulat pa ito nang biglang may mga kamay na pumulupot sa kanyang baywang.

“Ang bango talaga ng asawa ko.” Komento ni Celestino kay Luna. Mahinang natawa si Luna.

“Parati naman akong mabango sa paningin mo eh,” wika nito. Ngumiti lang ang mister nito at kinintalan ng halik sa pisngi ang asawa.

Nakasuot ng baby pink dress na may desenyong paru-paro si Celeste. May headband din itong suot na kakulay ng kanyang damit. Habang si Deimos ay kulay blue ang t-shirt na suot at naka-shorts lang ito.

Bitbit ang mga pagkain para sa pagdating ng kaibigan ay sabay-sabay na silang mag-anak na lumabas ng kanilang bahay at naglakad lang papunta sa kabilang bahay. Isang beses na nag-doorbell si Luna bago may magbukas ng gate sa kanila. Katulong ang unang sumalubong sa pamilyang Valdemor.

“Magandang tanghali po! Pasok po kayo!” magalang na paanyaya ng katulong sa kanila. Hinawakan ni Luna ang kamay ni Celeste papasok ng bahay.

Pagpasok pa lang sa mansion ng Armstrong ay mabilis na sinalubong ni Karylle ang kaibigang si Luna.

“Mare! Kumusta ka na?” bati kaagad ni Karylle kay Luna. Nagyakapan ang dalawa.

“Mabuti lang naman ako. Ikaw? Kayo? Kumusta na?” masaya ring tanong ni Luna sa kaibigan.

“Heto, maganda pa rin. Naku! Ang inaanak mo pala, malaki na! Tayo na sa dining room at doon tayo mag-usap na dalawa!” excited na yaya ni Karylle kay Luna na mabilis namang pinaunlakan ng huli.

Nagtungo nga ang mag-anak sa dining room at sabay-sabay na kumain. Pagkatapos kumain ay nagtungo sila sa living room.

Habang ang batang si Nizar ay sinusundan ng tingin ang batang si Celeste. Wala namang pakialam ang batang babae at panay lang ang hawak nito sa kanyang suot na headband.

“Mare, heto na pala ang anak ko, si Nizar Kale, ang inaanak mo.” Pinakilala ni Karylle ang anak nito sa kanyang ninang Luna. Natuwa naman si Luna at agad na niyakap ang batang lalaki.

“Ang laki-laki mo na! At ang gwapo-gwapo pa! Naku, marami itong paiiyaking babae!” wika ni Luna. Nagmano naman si Nizar sa kanya.

“Heto naman ang dalawa kong anak, Mare. At hindi na ako magkakaanak pa, swerte na nga ako at nabuhay si Celeste eh. . . Mga anak, lapit muna kayo rito!” tawag ni Luna sa dalawang bata. Sumunod naman ang dalawa.

“Ito ang mga anak ko, ang panganay ko si Deimos, at ang bunso ko si Celeste.” Pakilala nito sa mga anak.

“Naku! Ang gwapo at ganda naman ng mga anak mo. Manang-mana sa ‘yo!” masayang komento ni Karylle.

“Para mo namang sinabing ang pangit ko.” Nakangusong wika ni Celestino na ikinatawa ng lahat.

Kaya simula noon ay mas naging malapit pa ang dalawang pamilya, hanggang sa paglipas ng ilang taon.

-

“Mama, where’s my favorite headband?” tanong ni Celeste sa kanyang ina.

“Anak, hanapin mo sa drawer mo. At saka, bakit ba ‘yon ang parati mong suot ha?” tanong ni Luna sa anak na babae. Biglang ngumuso si Celeste sa tanong ng ina. Sa edad na siyam na taon ay may itinatangi na ang batang puso ni Celeste. Kaya mahalaga ang headband na ‘yon ay dahil sa bigay ‘yon ng gusto niyang lalaki. Malakas na bumuntonghininga si Luna.

“Anak, may hindi ka ba sinasabi sa akin?” tanong ni Luna sa anak. Nahihiyang tumingin si Celeste sa ina at saka tumango.

“I’m sorry Mama, pero bigay po ‘yon ng crush ko eh.” Honest na sagot ni Celeste.

Ngumiti naman si Luna rito. Hinila ang anak at pinaupo sa kanyang kandungan. Celeste is a miracle baby, kaya mahal na mahal siya ng kanyang mga magulang.

“Pwede ko bang malaman kung sino ang crush mo?” tanong ni Luna. Napa-pout naman si Celeste. Nahihiya siyang sabihin kung sino ang kanyang nagugustuhan. Tumango si Celeste at ibinulong sa ina ang pangalan ng crush nito. Nanlaki ang mga mata ni Luna. Hindi makapaniwala sa sinabi ng anak. Pero kalaunan ay napangiti na rin.

“Ito ang tandaan mo. Sa ngayon, okay lang naman ang crush, basta laging tandaan, bawal ang mag-nobyo muna. Okay?” bilin ni Luna sa anak. Tumango naman ang batang babae sa sinabi ng ina.

-

Nag-aaral si Nizar nang may magtakip ng kanyang mga mata. Amoy pa lang ay alam na alam na niyang si Celeste ang may-ari ng kamay na nakatakip sa kanyang mga mata.

“Celeste, I know it’s you.” Kalmado nitong wika. Tinaggal naman kaagad ni Celeste ang kamay nitong nakatakip sa mata ng kaibigan. Umupo ito kaharap ni Nizar. Nakasimangot ang mukha dahil mabilis itong nabisto ng kaibigan.

“Nakakainis ka naman eh! Parati mo na lang akong nakikilala!” inis nitong pahayag. Nakahalukipkip ito habang nakatingin sa kaibigan. Mahinang natawa si Nizar sa sinabi ni Celeste.

“Eh sa naamoy kita.” Maikli nitong sagot.

“Ano ka aso?” naiinis pa rin ang boses nito. Mas malakas na natawa ang kaibigan.

“Sa gwapo kong ito, mukha akong aso? Hindi no!” ani ni Nizar. Tinaasan niya ito ng kilay.

“Walang kagwapo-gwapo sa mukha mo! Nakakainis ka!” wika ni Celeste sabay tayo.

“Aalis ka na?” tanong ni Nizar. Inis na nilingon ni Celeste ang kaibigan.

“Oo! Naaalibadbaran ako sa mukha mo!” inis na pahayag ni Celeste sabay talikod at mabilis na lumabas ng silid ni Nizar.

Napailing na lang ang labing-isang taong gulang na batang lalaki sa inasta ng kaibigan. Kungsabagay ay sanay na sanay naman ito sa mga tantrums ng kaibigan kaya hinahayaan na lang nito.

Kinuha nito sa drawer ang isang bagay na gustong-gusto niyang makita. Napangiti siya at isinuot ang headband sa kanyang ulo. Mas lumapad ang ngiti nito nang may maalala siya sa kanyang hitsura. Mabilis niyang tinanggal ang suot na kulay pink na headband at itinago ‘yon.

-

“Mama! Pupunta muna ako sa bahay nina Tita Karylle! Magpapaturo ako ng mathematics kay Nizar!” paalam ni Celeste sa kanyang ina.

“Sige anak, mag-iingat ka ha.” Pagpayag ni Luna sabay bilin dito.

“Okay po! Kapag natagalan ako ay baka sa kanila na ako maghapunan!” sigaw ulit ni Celeste. Napailing na lang si Luna sa sinabi ng anak. Parang hindi naman assignment ang ipinunta ng anak doon, kundi pagkain. Masarap naman kasing magluto si Karylle kaya gustong-gusto ni Celeste na doon kumain.

Pagpasok pa lang ni Celeste sa bahay ng pamilyang Armstrong ay agad nitong naamoy ang niluluto ng kanyang Tita Karylle. Excited nitong tinungo ang kusina at hindi nga siya nagkamali, may niluluto nga ang Tita Karylle nito.

“Hi Tita!” magiliw na bati ni Celeste sa ginang.

“Hija! Tamang-tama at nandito ka. May bago akong recipe, peanut butter cake. Wanna try it?” masayang tanong ni Karylle kay Celeste. Sunod-sunod na tumango ito. Umupo si Celeste sa bakanteng upuan at sabik na hinintay ang bagong recipe ng Tita Karylle nito.

“Tita! It’s so delicious!” bulalas ni Celeste. Malapad na napangiti si Karylle sa sinabi nito.

“O, siya. Hatiran mo na lang si Nizar ng cake sa silid nito. Paniguradong gutom na ito ngayon, pero panay pa rin ang pag-aaral.” Sabi ni Karylle.

“Sige po, Tita. Magpapaturo rin po ako ng assignment sa kanya.” Imporma nito.

“Mas mabuti pa nga. Heto, dahan-dahan lang at baka mahulog ka.” Bilin pa nito na tinanguan lang ni Celeste.

Dahan-dahan ngang tinungo ni Celeste ang daan papunta sa silid ng kaibigan. Hindi na siya kumatok at binuksan na lang ang pintoan ng silid ni Nizar. Nang makapasok ay hindi niya nakita ang kaibigan. Marahan niyang inilagay sa ibabaw ng mesa ang tray ng pagkaing dala.

Inilibot niya ang paningin sa loob ng silid. Nagulat pa ito nang bumukas ang walk-in closet ni Nizar at lumabas ang kaibigan. Halos manlaki ang mga mata nilang dalawa nang magkatitigan sila. Parang na-estatwa si Nizar nang makita ang kaibigan. Ilang beses itong napamura sa kanyang isipan.

Habang si Celeste naman ay halos himatayin sa nakitang ayos ni Nizar. Hindi siya makapaniwala na isang binabae pala ang anak ni Tita Karylle. Hindi halata sa hitsura nito. Ilang minuto silang nakatulala lang sa isa’t-isa.

“A-ano. . . B-bakit ganyan ang a-ayos m-mo?” nauutal na tanong ni Celeste kay Nizar. Panay ang iwas ng tingin ni Nizar sa kaibigan. Ilang beses itong napalunok. Hindi malaman ang gagawin.

Nilapitan ito ni Celeste at bahagyang niyakap.

“Huwag kang mag-alala. Safe na safe ang sekreto mo sa akin. Hinding-hindi malalaman ng sinoman ang tungkol sa tunay na ikaw. Pinapangako kong poprotektahan kita. Nandito lang ako, at simula ngayon ay matalik na tayong magkaibigan, dahil alam ko na ang itinatago mo. Tanggap din naman kita, kahit sino at ano ka pa.” Pahayag ni Celeste kay Nizar. Habang ang huli ay hindi malaman ang gagawin o sasabihin sa kaibigan.

Matapos ang nakakahiyang tagpong ‘yon ay umalis kaagad si Celeste at sinabing may nakalimutan lang sa bahay nila. Ngunit hindi na bumalik pa ang kaibigan. Malalim siyang napahugot ng hangin.

Tinawagan ni Nizar ang kaibigan, si Deimos na kapatid ni Celeste. He needs to talk to him.

“O, anong sabi ni Celeste sa nakitang hitsura mo?” kuryosong tanong ni Deimos sa kaibigan. Nagkibit-balikat si Nizar.

“She said that, she accepts me for who I am and that she will keep my secrets being a gay. At mag-best friend na raw kami.” Kwento nito ni Nizar. Tumango naman si Deimos sa sinabi nito.

“And what is your plan now?” tanong ni Deimos.

“Be myself, of course. And can you do me a favor?” pakiusap nito sa kaibigan. Tumango ulit si Deimos. Inilapit ni Nizar ang kanyang bibig sa tenga ni Deimos at sinabi ang gustong mangyari.

Nanlalaki ang mga matang tiningnan ito ng kaibigan.

“What the hell! Are you sure about it?” paniniguradong tanong ni Deimos. Tumango-tango si Nizar.

“Yes. I’m sure of it.” Makahulugang sagot ni Nizar. Walang nagawa si Deimos kundi ang sumang-ayon sa mga binabalak ng kaibigan.

Comments (2)
goodnovel comment avatar
Fizz Jhyane
wow ganda naman nito miss A love it so much..
goodnovel comment avatar
Eloisa Pesimo Ladi
............ thanks otor...my bago ulit aabangan
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status