เข้าสู่ระบบNakailang ikot ako sa kama dahil di ako mapakali sa sinabi ni Noah, gusto ko siyang sakalin sa pagpasok ng kung ano ano ang isip ko, pasado alas dose na gising pa din ako.Napaupo ako sa kama, himbing na himbing na tulog ng bebe gurl ko. Napahilamos ako ng mukha buti na lang at weekend bukas.Tumayo ako at lumabas, nagtimpla ako ng gatas at naupo sa sala, natingin ako sa picture namin, yung buhay pa ang tatay at kapatid ko, napalingon ako sa kalendaryo, birthday ng nanay ko ngayon, biglang bumango ang galit ko sa babaeng umiwan sa amin, ang babae na umalis sa buhay namin ng mismong birthday ko.Napabuntong hininga ako, napapikit na lang, bakit ko siya iisipin di niya kami naisip, matapos kong uminom ng gatas at bumalik sa kama para matulog na.Dinalaw ko ang tatay ay kapatid ko ng araw na yun, nilapag ko ang dala kong bulaklak at nagsindi ng kandila, nakatitig lang ako sa nakaukit ng pangalan nila sa lapida nila, biglang bumuhos ang luha ko, tahimik akong umiiyak, namimiss ko na naman
Pinilit ko na yung pag lagay ng boundaries ko pero di na cold and distant, yung boss and employee, yung professional. Umiiwas ako respeto yung kay Aries at lalo na kay Zyline, inisip ko na kung ako yung nasa posisyon ako matutuwa na malapit yung boyfriend mo sa ibang babae, kaya may boundaries na talaga ako.Alam ko na napapansin yun ni Aries pero di na ito iniiwasan, pero di na tulad ng dati. Ilang beses ko itong nahuhuli na nakatingin sa akin.Pero deadma na lang ako, ginagawa ko yung work ko tapos.Pasado alas sais na natapos ang meeting niya, kaya nagmamadali akong mag ayos dahil mag go grocery pa ako para sa baon ng bebe ko at ibang mga kailangan sa bahay."Sir uuna na po ako" nagpaalam ako dito habang nakasilip sa loob ng office niya. "Sabay ka na, idadaan kita, gabi na" sabi nito sa akin, "Naku wag na po, nakakahiya" pangtanggi ko, iniiwasan ko nga siya e."Akala ko ba okay na tayo?" tanong nito sa akin, "Sir una po wala naman talagang problema, pangalawa po may dadaanan pa a
Nakukonsensiya na ako kaya tinigil ko na yung silent treatment era namin, didistansya na lang ako, yun yung naisip ko kaninang umaga, wala naman talaga siyang kasalanan sa akin, nahurt ako kahit wala akong karapatan.Nag iinarte ako kahit wala akong karapatan, napabuntong hininga na lang ako at tipid na umiling, at binalik ang atensyon sa ginagawa ko.Napapitlag ako ng marinig ko na lumabas si Aries, may bitbit itong maliit ng cake, nilapag niya yun sa table ko, napatingin ako dun at binalik ang tingin sa kanya nagtatanong ako gamit ang mata ko."This is a peace offering" sabi nito at agad na bumalik sa loob ng office niya.Ilang segundo akong natigilan at di nakakibo, napangiti ako ng tipid dito, wala siyang kasalanan maarte lang ako, pero may peace offering pero yung guilt ko kinakain ako.Agad ko yung hiniwa at kumuha para sa ibibigay ko sa boss kong masungit, ilang segundo akong nakatayo sa harap ng pinto ng office niya, nagdadalawang isip ako kung papasok ba ako or hindi.Nagulat
Tahimik ako habang nagdadrive, ilang araw na akong iniiwasan nito, wala akong maisip na dahilan para magkaganto siya, it's really bothering me.Kwentuhan lang ng kwentuhan yung mga kapatid ko pero wala ako sa mood makipag usap. Naiinis ako sa sarili ko, dahil di naman siya magiging cold and distance kung wala akong nagawa. You're a bastard, sigaw ng utak ko sa akin.Napapadiin ang hawak ko sa manibela, "Bro" tapik ni Aidan sa akin, "What's wrong?" tanong nito sa akin, umuling lang ako."E bakit parang mananapak itsura mo" natatawang sabi ni Aidan, napailing na lang ako."You're grumpy again, kuya" sagot ni Austin pero di ko ito pinansin, di na nila ulit ako pinansin dahil alam nila na wala silang mapapala, kaya sila na lang ulit nagkwentuhan.Hanggang makarating ng bahay ay wala akong kibo, matapos kong makaligo agad kong binagsak ang katawan ko sa kama, I'm physically and mentally tired.Napapapikit ako but Florence kept hunting me, I'm hurt because the way she treats me, I don't rea
Nagkatinginan kami ni Anne, di ko alam paano tatanggi, pero nauna nag salita si Anne, "Okay lang po kami, alam namin pagod din po kayo" pagtanggi ni Anne, agad naman tumango sa kanila, di talaga ako tumitingin kay Aries, iwas malala talaga."Come on, iisang way lang naman" sabi ni Aidan, napalunok ako, bakit makukulit kayo iniiwasan ko nga kuya niyo, gusto ko isigaw.Nagkatinginan lang kami ni Anne, na parang nag uusap kami dalawa, "Nakakahiya po kasi" sagot ni Anne, ewan ko napipi ata ako."Sus ito naman parang others, tara na" pag aaya ni Austin sa amin, napakamot ulo na lang kami at walang nagawa kundi sumunod.Naupo sa dulo si Austin at Axel, nasa passenger at drivers seat naman si Aries at Austin, nasa likod kami, para daw mabilis kami makababa.Nag uusap sila at nakikihalo bilo naman si Anne, pero ako hindi nag sasalita, nakatingin lang ako sa bintana, pagod na din kasi ako gusto ko ng mahiga."Florence" nagising ako ng tapikin ako ni Austin, "Ha, sorry ano yun?" nahihiya kong t
Halos mabilaukan ako sa tanong sa akin, nagpanic ako ng slight kasi nasa akin yung atensyon nilang lahat. Umiling ako dito, "Sino?" parang kinikilig na tanong ni Anne sa officemate namin."Secret muna, nahihiya yung tropa namin" sagot nun isa sa kanila.Napalingon ako sa mga boss ko, nakangiti sila Austin, Axel at Aidan, napasulyap ako kay Aries, nakasimangot ito napalingon ito sa akin, kaya nabawi ko yung tingin ko."Sus, mahina pala yan bata niyo e di makalapit dito kay Florence" pang aalaska ni Austin.“Pakilala mo sa akin, ako kakaliskis" biro ni Austin at tinaas baba pa ang kilay, ngumiti ako dito at binalik ang pansin ko sa pagkain.Ito naman kaibigan ko e di tumitigil kahit sinasaway ko na. May mga nakakantahan na din dahil may stage at pwedeng kumanta.“Kanta ka naman Florence" sabi ng mga officemate namin, umiiling ako dahil nahihiya din ako."Dali na sissy, kanta ka na, miss ko na yung boses mo" sabi ni Anne, nagsisigawan pa yung iba ng sample at Florence, napailing na lang







