Share

C-6

Author: alyn14
last update publish date: 2026-06-27 23:22:31

Hindi ko alam kung anong nangyari sa kanila ni James noon, nagsimula yan noong dinala siya ni James sa ibang bansa upang ipakilala sa kanyang mga magulang pero ang nangyari, iba ang pinakilala ni James. Ang malala pa nito nag pa press pa siya at pinakilala sa buong mundo na si Ivy ang kanyang girlfriend at may balak na daw silang magpakasal.

Doon na windang ang mundo ng aming kaibigan. Iniyakan niya to ng matagal, hinabol pa nga niya si James sa Italy noon pero pinag taboy lang siya ng lalaking yon. Umuwi siyang luhaan at simula noon nag iba na ang kanyang ugali.

Naging tahimik na siya kaya nang pumasa siya bilang isang designer, sinabihan siya ng kanyang mga kapatid na pumunta na lang sa america at doon mag aral. 

Umiiyak siyang umalis noon, ayaw niya sana at gusto pa daw hintayin si James pero sinabihan namin na wala na siyang hihintayin pa. Pinagsabihan namin siyang kaylangan niya nang mag move on, "mag aral ka at ipakita mong mas deserving ka kaysa sa babaeng yun diba sabi mo kaya ka tinaboy dahil mahina ka daw. Hindi ka karapat dapat na maging kasintahan niya or asawa dahil isa ka lang na mahinang babae," ani namin sa kanya para lalo siyang magalit at pag tuunan niya ng pansin ang kanyang sarili.

"Aalis ako at ipapakita sa kanilang lahat na hindi ako mahina, na kaya ko ring lumaban...I will improve myself at pag uwi ko hindi na ako magiging kagaya ng dati," nanlilisik na matang sabi niya.

Niyakap namin siya sa airport at sinabihang mag ingat doon. Nang siya's makaalis doon kami nag iyakan ni Jenny, awang awa kami sa kanya. Hindi ko akalain na sasaktan siya ni james ng ganon kaya simula noon iniwasan ko na rin tong si Kevin. Mabuti na lang at nagpa inject ako noon para hindi mabuntis di sana isa rin ako sa kanila na umiiyak dahil sa magbabarkadang yun.

Napapamahal na nga siya sa akin that time pero ako na ang unang lumayo sa kanya at sinabing may boyfriend na ako para tumigil na siya. Nag hanap pa ako ng props kong boyfriend para tigilan niya na ako, effective naman dahil simula ng makita niya kami sa aking condo dati na magkasama hindi niya na ulit inulit na bumalik pa.

Isa lang ang ibig sabihin non, hindi malalim ang kanyang pagkakagusto sa akin. Nagpapatunay lang na isa talaga siyang babaero at walang sineseryoso. Hinintay ko siyang bumalik noon at ako naman si tanga naniniwala din sa mga matatamis niyang salita pero hanggang doon lang pala yun.

Hindi man lang niya inalam kung tunay ko bang boyfriend ang kasama ko dati. Mabuti na lang at nalipat ako ng ibang branch ng PNB(philippine national bank) to where I am working. Actually kami ni Jenny, yun nga lang naghiwalay kami ng branch.

Kaysa naman sa magmukmok ako sa aking condo, sinara ko na lang to at lumipat sa malapit lang sa aking pinag tratrabahuan. Bumabalik balik naman ako sa condo ko sa tuwing namimiss ko si Kevin pero ni anino niya hindi na nagpakita sa akin kaya simula noon hindi na rin ako nag hangad pa na siya'y babalik.

Binenta ko ang aking condo para mawala na siya sa akin ng tuluyan at bumili ng bago kaysa naman sa umupa ako ng apartment dito sa aking pinag tratrabahuan ngayon. Simula noon nagkawatak watak na kaming tatlo, naging busy na kami sa kanya kanya naming mga trabaho.

Wala na din akong nabalitaan sa mga magkakaibigan na yun pero kahit na ganoon naging maganda naman ang kinahinatnan naming magkakaibigan. Nagtatawagan pa rin kami kahit na papano naman pero hindi na katulad dati, itong si Jenny lalo pang naging busy dahil kahit na sa gabi nagtratrabaho siya.

Binili nila kasi ang bahay na isa sa kakilala ng pamilya ni Jeyjey at doon na lumipat ang kanyang mga magulang. Maganda ang bahay at malaki, ayaw niyang bilhin sana pero pinilit namin dahil nakiusap naman si Jeyjey sa may ari kung pwedeng bayaran na lang ng pautay utay yung iba. Kulang na kulang kasi yung pera ng gaga. 

Nagbigay din kami ni Jeyjey ng kanyang pandagdag pero kulang talaga, mabuti na lang at mabait yung may ari kaya ngayon todo kayod ang bruha. Siya pa ang bumibili ng gamot ng kanyang ina kaya hirap din siya, tumutulong naman kami pero ayaw ng tanggapin ni Jenny dahil masyado na daw kaming maraming naitulong.

Ayaw niyang tanggapin ang tulong namin na kahit na ano pang paliwanag ang sabihin namin wala pa rin. Kaya kinakuntsaba namin ang kanyang dalawang kapatid, sa kanila kami nagpapadala ng pang gamot ng kanilang ina.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • My Hot Obsession EX   C-60

    Dahil sa nagmamadali akong makauwi na at dahil din sa isang bus na lang ang alam kong kaylangan kong abutan kaya kahit na malakas ang ulan tinakbo ko na lang.Basang basa ako at hingal na hingal ng makarating sa bus stop, mabuti na lang at saktong nandoon na pala ang bus kaya dali dali akong sumakay. Nanginginig ako ng makasakay dahil sa lakas ng aircon nito tapos basa pa ang buo kong katawan."Naku, ineng basang basa ka na. Heto magpunas ka kung ok lang sayo," ani ng mamang driver saka nito inabot ang isang bagong tuwalya na alam kong bago pa dahil may tag pa ito."Salamat ho," ani ko sabay ngiti dito."Walang anuman...siya umupo ka na at ng hindi ka mangawit. Papatayin ko na lang ang aircon tutal malamig naman ang panahon at iilan lang naman kayong sakay ko," ani pa nito."Maraming maraming salamat po talaga," saad ko bago umupo sa bakanteng upuan malapit sa harapan.Tumango naman ang driver bago tumutok sa daan ang tingin nito. Nanlalamig ako kaya ang tuwalyang binigay sa akin ng m

  • My Hot Obsession EX   C-59

    Napipi ako sa kaniyang harapan hindi ko alam ang aking isasagot sa babaeng ito. Ibang iba na siya ngayon, nakakagulat siya na nakakatuwa. "Have you eaten already," mga katagang lumabas sa aking bibig. Imbes na magalit ako dito dahil sa na late siyang umuwi pero ibang kataga ang lumabas sa bibig ko."It's almost 2 in the morning so yeah I ate already duhhhh.... Ikaw bakit gising ka pa," pahayag nito habang nakatingin sa kaniyang relo."Kakauwi ko lang din," wala sa sariling sagot ko."Ok...Siya sige at kaylangan ko ng matulog," paalam nito. Tumango ako sa kaniya at hinayaan na itong pumasok sa kwarto niya. Kahit na gusto ko pa siyang kausapin pero wala namang katagang gustong lumabas sa bibig ko kaya kahit labag sa loob ko hinayaan ko na lang siya.Hindi ko alam kung ano bang nangyayari sa akin sa ngayon, baka nga kaylangan ko na talagang maghanap din ng girlfriend para maibaling ko sa iba ang pagkakahumaling ko sa kaniya. Aminin ko man o hindi pero yun ang katotohanan.Kinabukasan n

  • My Hot Obsession EX   C-58

    Naka tanga ako ng biglang may bumusina sa akin kaya nagulantang ako at nabalik sa kasalukuyan. Bumaling ako sa bumusina sa akin at susungitan sana ng inunahan ako nito."Nagpapakamatay ka ba?" Bulyaw nito sa akin kaya nagpanting ang aking tenga. Susugurin ko na sana ng biglang pinaharurot nito ang kaniyang sasakyan ng mabilisan."Fuck shit!!! "Sigaw ko sabay pikit ng mata saka tumingala. Bumuntong hininga ako, saka ko hinamig ang aking sarili. Makita lang kita makita mong hayop ka sa isip isip ko. Biglang nawala ang kalasingan ko, tumingin ako sa paligid at nakita kong may pa isa isa pang lumalabas sa bar."Makauwi na nga," bulong ko ng wala naman akong makitang kakaiba sa paligid. Wala namang nakapansin kanina at mukhang mga lasing na ang mga taong lumalabas.Pag uwi ko napansin kong madilim ang buong paligid. Hindi ba sinisindi ng babaeng yun ang mga ilaw sa isip isip ko. Nang lumiwanag ang buong kapaligiran nakita kong walang bakas na dumating dito. Lahat ng mga gamit ganoon pa ri

  • My Hot Obsession EX   C-57

    Simula ng mangyari ang tagpong yun hindi na kami muling nagkita pa. Nagalit din ako sa aking sarili kaya mas pinili ko na lang na lumayo. Tutal ginusto ko namang iwanan siya at balikan si Ivy kaya yun na lang ang pinandindigan ko.Nagalit ang aking mga magulang sa akin dahil sa mga pinaggagawa kong yun. Si lola halos hindi na ako kausapin ng mabalitaan niyang nagkahiwalay na kami ni Jenny ng dahil kay Ivy. Ayaw na ayaw nila si Ivy dahil sa ginawa nito sa akin noon pero mahal ko siya kaya kahit ano kaya kong isakripisyo.Napabuntong hininga ako ng bumalik na naman sa nakaraan ang aking alaala. I did so many mistakes at ngayon ko lang narealized na halos mali pala lahat ng mga pinaggagawa ko. Masyadong magulo pa ang utak ko noon at dahil sa nakakulong pa rin kay Ivy ang aking presensya kaya kahit na nakakasakit na ako parang wala pa rin yun sa akin.Nagbukas akong muli ng aking inumin at tinungga ko ito ng deretso. Hindi ko alam pero magulong magulo ang utak ko ngayon. Simula ng makita

  • My Hot Obsession EX   C-56

    Hindi ko nga lang maipaliwanag kung bakit hanggang ngayon ganoon pa rin ang estado nito samantalang ang kaniyang mga kaibigan malayo na ang narating ng mga ito. Hindi naman ako nagtatanong tungkol sa kanila pero nalalaman ko lang dahil kay Kevin at James. Alam ko hindi pa rin nakaka move on ang mga kaibigan kong ito lalo na itong si James. May malalim lang siyang problema na ayaw nitong masangkot si Jeyjey at pati kaming mga kaibigan niya.Hindi ko rin alam ang exact na dahilan kung bakit sila nagkahiwalay pero I know my friend. Hindi naman yan gagawa ng isang desisyon na walang malalim na dahilan. Hindi ko naman natanong noon kung bakit niya nagawang saktan si Jeyjey at ipagpalit ito sa babaeng pinagsawaan na ng iba't ibang lalaki.Gusto ko man itong kausapin noon pero hindi ko na nagawa dahil nahaharap din ako sa problema ko kay Jenny at kay Ivy. Bumalik sa piling ko si Ivy noon kaya nabalewala si Jenny.Noong una litong lito ako, hindi ko alam kung paano ko ito sasabihin kay Jenn

  • My Hot Obsession EX   C-55

    Nawala talaga sa aking isipan na hindi ko na dapat gawin ito pero yun naman ang gusto ng aking katawan. Niyakap ko siya ng mahigpit saka nagpasalamat na siya ang naging roommate ko. Alam ko naman na nagdududa siya sa akin kung bakit ako nandito ngayon. I mean sa kung bakit ako nag rent at siya pa ang naging ka roommate ko.Maganda naman itong lugar na ito sa makati maraming mga mayayaman din ang nakabili ng bahay dito or should I say penth house. Isa itong pent house na binili ko pero hindi alam ni Jenny. Pinaki usapan ko lang ang isa sa kakilala ko na lapitan ang kaniyang mga kakilala sa lugar na yun para mapalapit si Jenny dito at mapatira.Supposed to be wala na akong pakealam sa kaniya pa, kaniya kaniya na kami noon pa pero ng dahil sa kalagayan ko ngayon kaya ko siya nilapitang muli.Sa paglapit kong ito nalaman ko ang kaniyang sitwasyon, doon ako naglakas loob para mapalapit na muli sa kaniya.Habang tumatagal na nakakasama ko siya, nasasaktan ako sa tuwing nakikita siyang binab

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status