PAULINE
Pinakinggan nga ng Panginoon ang panalangin ko ng ilang mga gabi dahil tinupad nga niya 'yon. Wala akong ibang pinagdasal kundi ang payagan ako ng mga magulang ko na mag-aral ng kolehiyo sa Maynila. Makalipas nga ang ilang araw ay kinausap nila akong dalawa at sinabi na pumapayag na sila na mag-aral ako sa Maynila ng kolehiyo. Hindi ako makapaniwala sa una ngunit naniwala naman ako makalipas ang ilang segundo dahil sa mga sinasabi nila sa harapan ko. Tuwang-tuwa ako matapos 'yon at nagawa ko pa ngang yakapin sila nang napakahigpit. Pinasalamatan ko naman sina mama at papa sa pagpayag nila sa akin na mag-aral sa Maynila. Nahirapan silang magdesisyon ngunit sa wakas ay nakapagdesisyon pa rin sila na payagan ako na mag-aral ng kolehiyo sa Maynila. Hindi naman nila ako matitiis, eh. Mahal nila ako at gagawin nila 'yon para hindi ako maging malungkot o ano pa sa buhay. Susuportahan na lang raw nila ako sa nais kong mangyari kahit mahirap. Pinangakuan nila ako na bibigyan nila ako ng pera na babaunin ko papunta sa Maynila kapag aalis na ako. Gusto ko sana silang tanggihan sa bagay na 'yon dahil ayaw ko na obligahin pa sila na bigyan ako ng pera ngunit wala naman na akong nagawa kundi ang hayaan sila sa nais nilang 'yon. Ang sabi kasi nila sa akin ay responsibilidad pa raw nila 'yon bilang mga magulang ko kaya nararapat lang nila na gawin. Sinabi ko naman na kaagad 'yon sa dalawa kong mga kaibigan na sina Leslie at Jasmin na pumayag ang mga magulang ko na mag-aral ako ng kolehiyo sa Maynila. Natuwa naman nga sila matapos kong sabihin 'yon sa kanila. Nakahinga na talaga ako nang maluwag matapos na payagan ako ng mga magulang ko na mag-aral sa Maynila ng kolehiyo. Wala na akong kailangan na isipin pa o ipangamba. Ang iisipin ko na lang talaga ngayon ay kung paano at saan ako kukuha ng pera na idadagdag ko sa pag-alis ko patungong Maynila. Hindi naman puwedeng asahan ko lang ang ibibigay nina mama at papa sa akin na pera. Kailangan ay may diskarte rin akong gawin kung paano magkakaroon ng pera na hindi na sa kanila galing pa. Sumunod nga na araw ay umalis ako sa bahay namin. Nagpaalaman naman ako kay mama na aalis ako ngunit hindi ko sinabi sa kanya kung saan talaga ako pupunta. Ang sinabi ko lang talaga ay pupuntahan ko ang dalawa kong mga kaibigan na sina Leslie at Jasmin kahit hindi naman. "Bakit ka nandito sa bahay?" tanong ni Miguel sa akin pagkapasok ko sa bahay nila. Mag-isa lang siya ngayon sa bahay nila. May pinuntahan na pagtitipon ang mga magulang at kapatid niya kaya wala sila sa bahay nila. Si Miguel nga pala ay ang ex-boyfriend ko. Matagal na kaming dalawa na hiwalay. May kaya ang pamilya niya. Kaya ako pumunta sa kanya dahil may kailangan ako. Siya kasi ang madalas kong lapitan sa tuwing may kailangan ako lalo na pagdating sa pera. Pinasadahan niya ako ng tingin mula paa hanggang ulo. Nagpakawala siya nang malalim na buntong-hininga at saka muling nagsalita sa harapan ko. "May kailangan ka na naman sa akin, 'no? Tama ba ako sa sinasabi ko, Pauline?" tanong niya sa akin na dahan-dahan ko naman ngang tinanguan. "Oo. Tama ka sa sinasabi mo sa akin. May kailangan nga ako sa 'yo. Hindi naman ako pumupunta sa 'yo kung walang kailangan, 'di ba?" sagot ko sa kanya. Tinanguan niya ako pagkasabi ko. "Okay." I licked my lips and sighed deeply before I speak to him again. "Kailangan ko ng pera," sabi ko sa kanya. "Pera?" I nodded immediately. "Oo. Kailangan ko ng pera," sabi ko pa nga sa kanya na pera ang kailangan ko. "Ano'ng gagawin mo sa pera, Pauline? Bakasyon naman na, 'di ba? Saan mo gagamitin ang pera, huh?" usisa niya sa akin. "Gagamitin ko sa pag-alis ko patungong Maynila, Miguel. Kailangan ko ng pera sa pag-alis ko," sabi ko sa kanya. "A-Ano? Pupunta ka ng Maynila? Ano'ng gagawin mo doon, huh? Magtatrabaho ka ba doon?" tanong pa nga niya sa akin. I let out a sigh. "Hindi. Hindi ako magtatrabaho doon sa Maynila. Kaya ako pupunta doon para—" "Para ano, huh?" I licked my lips again before I answer him. "Para mag-aral ng kolehiyo. Doon ako mag-aaral ng kolehiyo sa Maynila dahil nakapasa ako sa college entrance exam. Hindi ka ba nagtake, huh?" sagot ko sa kanya. "Hindi. I didn't take the exam. Mag-aaral ka pala sa Maynila. I didn't know that. Congratulations for passing the exam, Pauline," sabi niya sa akin at nagawa naman nga niya na i-congratulate ako sa pagkakapasa ko ng exam. Nginitian ko siya at nagsalita, "Salamat, Miguel." "Walang anuman 'yon, Pauline," sabi niya. "Bago ako pumunta ng Maynila para doon mag-aral ng kolehiyo ay kailangan ay may pera akong babaunin. Hindi puwedeng wala. Bibigyan naman nga ako ng mga magulang ko ngunit hindi naman siguro sapat 'yon. Dapat ay may pangdagdag ako. Maghahanap kaagad ako ng trabaho doon para may panggastos o pang-tuition ako sa pag-aaral ko. Ayaw ko naman na umasa sa mga magulang ko, eh. Alam mo naman na kinakapos kami, 'di ba? Hindi naman kami mayaman," sabi ko sa kanya na may kasamang paliwanag para malaman niya. "Kailangan ko ng pera, Miguel. Ikaw lang ang makakatulong sa akin." He nodded again. "Ilan ba ang kailangan mo, Pauline?" tanong niya sa akin kung ilan ang kailangan ko na pera. Lumunok muna ako ng aking laway at saka nagawang sabihin sa kanya kung ilan ang kailangan ko. "Siguro kailangan ko ng kahit five thousand pesos, Miguel. Sapat na siguro 'yon," sabi ko sa kanya. "Talaga ba, Pauline? Sigurado ka?" tanong pa niya sa akin na mabilis ko naman ngang tinanguan. "Oo. Ayaw ko naman magsabi sa 'yo ng malaki pa doon dahil nakakahiya naman. Sapat na siguro ang limang libo, 'di ba? Maghahanap naman ako ng pagtatrabauhan ko doon," saad ko pa sa kanya. "A, okay. Kung 'yon ang nais mo ay ibibigay ko," sabi niya sa akin at napangiti muli ako pagkasabi niya. "Salamat sa 'yo, Miguel," pasalamat ko pa sa kanya. Ang pera na kailangan ko sa kanya ay hindi ko uutangin o babayaran pagkatapos kundi 'yon ang kapalit sa gagawin niya sa akin na ginagawa niya sa tuwing kailangan ko talaga ng pera. Hindi naman niya ako tinatanggihan kahit wala na kaming dalawa na relasyon ay ginagawa pa rin namin 'yon bilang kapalit sa kailangan ko.PAULINE Kumain kami ng lunch kasama siya. Hindi ako masyadong nagsasalita sa kanya. Nawawalan na naman kasi ako ng gana dahil sa nakita ko. Nagsasalita lang ako sa kanya kapag may itatanong siya at kapag wala naman ay hindi naman. Mabuti nga ay hindi niya pinupuna 'yon na sigurado ako na napapansin niya. Kahit napapansin man nga niya 'yon ay huwag na siyang magtanong o pumuna pa. At saka kumakain kami ng lunch, hindi dapat panay pag-uusap ang inaatupag namin.Pagkatapos namin na kumain ng lunch ay hindi naman na kami nagtagal pa na nagsasama-sama na tatlo dahil may kailangan pa kaming gawin ng kaibigan ko na si Angeline.Hinayaan naman nga niya kami at hindi naman niya pinigilan. Ba't naman niya kami kailangan na pigilan? Siya nga ay hindi ko pinipigilan sa gusto niya, 'di ba? Nagpasya kaming dalawa ng kaibigan ko na doon muna tumambay sa paboritong tambayan namin kapag tanghali kung saan marami ring mga estudyante ang tumatambay dahil hindi mainit at saka tahimik. Puwede kang mag-st
MACYSa wakas ay pinatawad na rin ako ni Matthew sa mga kasalanan na nagawa ko sa kanya. Akala mo matatagalan pa ako bago ko makuha ang pagpapatawad niya sa akin ngunit hindi naman pala. Siguro binigyan siya ng kalinawan ng Panginoon ng kanyang isip para patawarin ako. Palagi ko kasing pinagdarasal 'yon na sana patawarin na niya ako sa mga kasalanan na nagawa ko sa kanya. Hindi naman nga ako binigo ng ating Panginoon kahit malaki ang kasalanan na nagawa ko. Actually, bago talaga ako humingi ng tawad kay Matthew ay sa Kanya na muna. Nagkasala rin naman ako sa Kanya at hindi lang kay Matthew. Ramdam ko naman na pinatawad na ako ng ating Panginoon.Walang paglagyan ang tuwa na naramdaman ko dahil sa pagpapatawad niya sa akin. Kulang na lang ay tumalon ako sa sobrang tuwa. Ang totoo nga n'yan ay hindi ako makapaniwala na pinatawad na nga niya ako. Ang madalas pa naman niyang sabihin sa akin ay kailanma'y hindi niya ako patatawarin ngunit hanggang salita lang pala 'yon. Hindi naman pala ni
PAULINE Walang training si Matthew sa mga football players ngayong araw ng Lunes kaya ang gagawin niya ay pupunta siya sa bangko para magwithdraw ng pera. Didiretso rin siya sa opisina niya dahil may aasikasuhin raw siya. Sabay lang naman kaming dalawa umalis sa bahay niya. Magkaiba lang talaga ang aming pupuntahan.Nag-iisip-isip ako kung sasabihin ko ba 'yon kay Angeline na kaibigan ko. Sa bandang huli ay napagpasyahan ko na hindi sabihin 'yon sa kanya. Sa akin na muna 'yon. Hindi naman importanteng malaman niya ang tungkol doon tutal hindi naman siya involved at saka sasabihin ko lang naman sa kanya 'yon. Hindi muna sa ngayon pero kapag nangyari na ay saka ko lang sasabihin. Bago kami kumain ng lunch ni Angeline ay tumawag sa akin si Matthew. Tamang-tama nasa labas na kami kaya nasagot ko kaagad ang tawag niya. Sinabi kaagad niya sa akin na naka-withdraw na raw siya ng six million pesos. Tinatanong niya ako kung kumain na kami ng lunch at ang sagot ko naman kaagad sa kanya ay hin
PAULINE He gave me a quick nod after I answered him. I'm hopping for good. Magtagumpay sana ang plano ko bago pa niya ako maunahan. He breathes deeply before he speaks to me again. "Huwag mo nang problemahin pa 'yon, Pauline," wika niya sa akin. "Ano'ng ibig mong sabihin, huh?" tanong ko sa kanya na kunwari ay wala akong ideya o hindi ko alam ang puwedeng gawin niya. He'll give me money. Syempre ay hindi ako puwedeng magpakita ng mga bagay na magiging dahilan para malaman niya ang totoong binabalak o pinaplano ko. I have to pretend. "Bibigyan kita ng pera, Pauline," sabi niya sa akin. Nilakihan ko ang aking mga mata sa sinabi niyang 'yon, nagkukunwari na hindi ako makapaniwala."Talaga ba, Matthew?" tanong ko sa kanya.He nodded immediately."Oo, Pauline. Bibigyan kita ng pera. I'll give you six million pesos, okay?" sabi niya sa akin na ikinagulat ko matapos na sabihin niya na bibigyan niya ako ng six million pesos na hindi ko naman inaasahan na ibibigay niya 'yon. Five million
PAULINE "Ayos ka lang ba, Pauline?" tanong sa akin ni Matthew pagkapasok namin sa loob ng kuwarto niya. We're going to sleep now. Napangiwi ako sa tanong niyang 'yon kahit may ideya na ako kung bakit ganoon ang tanong niya sa akin. Napansin siguro niya ang kinikilos ko kanina. I wasn't surprised with that. Inaasahan ko naman na 'yon kahit papaano na mapapansin niya lalo na ang pag-iwas ko sa kanya. Sigurado ako na napansin rin niya 'yon kaya nga siya nagtatanong sa akin kung ayos lang ba ako. Kung hindi niya napansin ay hindi siya magtatanong sa akin nito, 'di ba?Nagpakawala muna ako nang malalim na buntong-hininga bago sumagot sa kanya. Dahan-dahan lang ang pagsasalita ko sa harapan niya."Oo. Ayos lang naman ako, Matthew. Halata ba na hindi ako okay, huh?" sinunggaling kong sagot sa kanya. I have to lie with him, right? Hindi puwedeng magsabi ako ng totoo sa kanya kaya nagsisinungaling ako na ayos lang ako.Kumunot ang noo niya sa sagot ko. "Talaga ba?" tanong niya sa akin na
PAULINE Pagkarating ko sa bahay ni Matthew ay kinausap ko 'yong tatlong kasambahay niya na huwag sasabihin sa kanya na lumabas ako. Just in case na tanungin sila kung lumabas ako ay sabihin nila na hindi naman ako lumabas. Dito lang ako sa bahay niya. Nangako naman nga sila na hindi sasabihin ang totoo kay Matthew kahit ito pa ang amo nila. Natuwa naman nga ako sa kanila kahit papaano. Nakakaasa ako na hindi nila ako isusumbong kay Matthew na lumabas sa bahay niya. Kapag kasi nalaman niya na lumabas ako ay magtatanong siya sa akin kung saan ako pumunta. Ayaw ko na magtanong pa siya ng kung anu-ano kaya mas mabuti na huwag na sabihin sa kanya ang totoo. Magsinunggaling na lang sa kanya tutal 'yon naman ang ginawa niya sa akin. I'm so disappointed with him. I was hurt because of what he did to me. Tumaas kaagad ako sa kuwarto niya at hindi ko na naman tuloy napigilan ang mga luha ko sa pagbuhos kaya lumuluha muli ako. Oras na para kumain ng lunch ngunit hindi pa rin ako kumakain. L