PAULINE
Nagkatinginan ang mga magulang ko matapos kong sabihin 'yon sa kanila. Tumahimik lang ako sa harapan nila. Nasabi ko na ang puwede kong sabihin sa kanila tungkol sa bagay na 'yon kaya wala na akong kailangan na sabihin muna. Hinihintay ko na lang sila sa maaaring sabihin nila sa akin. Umalis si papa sa harapan ko na walang sinasabi na kung ano. Akala ko ay ganoon rin si mama ngunit hindi naman niya ginawa 'yon. Nanatili pa rin siya sa harapan ko na nakanguso. "Gustong-gusto ko po talaga na mag-aral, ma. Sana po ay payagan n'yo ako na mag-aral sa Maynila. Hindi ko naman po kayo ino-obliga na magbayad ng tuition o ano pa po dahil ako naman po ang gagawa ng bagay na 'yon. Kapag pinayagan n'yo po ako at nandoon na nga ako sa Maynila ay maghahanap kaagad ako ng puwedeng mapagtrabauhan ko doon. Wala po akong sasayangin na oras sa Maynila. Bawat oras po ay mahalaga, ma. Pag-aaral at pagtatrabaho lang po ang aatupagin ko doon dahil gusto ko po makatapos ng pag-aaral at makatulong sa inyo. Iyon lang naman po ang gagawin ko, ma. Mag-iingat naman po ako doon at hindi ko pababayaan ang aking sarili habang nandoon po ako. Kaya wala po talaga kayong kailangan na ikatakot o ipag-alala sa akin habang nandoon ako sa Maynila. Hindi naman na po ako bata, eh. Alam ko naman po ang nararapat kong gawin at hindi," sabi ko pa sa harapan ni mama baka sakaling makumbinsi ko siya na pumayag na mag-aral ako sa Maynila na ako lang mag-isa at hindi ko sila kasama doon. Naiintindihan ko naman sila kahit papaano kung bakit ayaw nila akong payagan o ano pa. Ayaw lang naman nila na may mangyaring masama sa akin habang nandoon ako lalo na hindi ko sila kasama ngunit hindi ko naman hahayaan na may mangyaring ganoon sa akin. Umihip muna si mama ng hangin bago nagawang magsalita sa harapan ko. Ilang segundo muna ang lumipas bago siya nagsalita sa akin. "Anak, naiintindihan ko naman kung gaano mo kaguso na makapagtapos ng pag-aaral. Alam naman namin 'yon ng papa mo, eh. Hindi mo na kailangan na sabihin pa sa amin. Gusto mo makatapos sa pag-aaral hindi lang para sa sarili mo kundi para na rin sa amin na pamilya mo. Kahit sino naman sigurong mga magulang ay matutuwa sa hangarin mong 'yon, eh. Natutuwa kami na ganoon ang nais mong mangyari ngunit natatakot kami para sa 'yo kapag nandoon ka na lalo na hindi mo kami kasama. Mag-isa ka lang doon, eh. Kung kailangan mo kami ay hindi mo kami kaagad mapupuntahan o kaya ay hindi ka namin mapupuntahan doon. At isa pa ay hindi madali ang buhay sa Maynila kahit na may trabaho ka, anak. Saan ka tutuloy pagdating mo doon, huh? Wala tayong kamag-anak na nandoon," sabi ni mama sa akin. I gasped for air before I answer her. Binasa ko pa nga ang aking mga labi gamit ang dila ko at nagkibit-balikat ako. "Hindi ko po alam pero maghahanap po ako ng puwedeng matuluyan ko doon. Hindi po ako papayag na matulog sa kalsada, ma. Hindi lang po trabaho ang hahanapin ko kaagad doon kundi kung saan ako tutuloy habang nandoon ako. Wala po akong ibang matutuluyan nang mabilis nito kundi ang maghanap ng boarding house," sabi ko kay mama kung ano ang nasa isip ko. "Iyan ang plano mo ngunit ang problema mo talaga d'yan ay pera, anak. Madali lang makakagalaw kung may pera ka at kung wala ay hindi ka makakagawa ng mga bagay na gusto mo. Walang mangyayari d'yan, anak. Saan ka kukuha ng pera kung sakali ngang pumayag kami na mag-aral ka sa Maynila?" sagot ni mama sa akin at tinatanong niya ako kung saan ako kukuha ng pera kung halimbawa nga na pumayag sila na mag-aral ako sa Maynila ng kolehiyo. Natahimik ako matapos na magsalita ni mama at tanungin niya ako kung saan ako kukuha ng pera kung halimbawa nga na payagan ako nila na mag-aral sa Maynila. Hindi ko alam kung saan ako kukuha lalo na wala akong trabaho pa. Ayaw ko naman sabihin sa kanila na bigyan nila ako ng pera dahil nakakahiya naman lalo na kapos kami sa pera. "Sa pag-alis mo dito sa amin ay syempre kailangan mo ng pera, 'di ba? Hindi puwedeng umalis ka dito na wala kang pera, anak. Kailangan ay may pera. Saan ka kukuha ng pamasahe papunta ng Maynila? Pa-prangkahin na kita, anak. Wala kaming maibibigay sa 'yo ng papa mo na pera. Alam mo naman 'yon. Iyong ibibigay namin sa 'yo na pera ay ibibili na lang namin ng pagkain dahil 'yon ang importante sa pang-araw-araw. Saan naman kami kukuha ng maraming pera n'yan?" tanong pa nga ni mama sa akin dahil hindi pa ako sumasagot sa tanong niya. Huminga muli ako nang malalim bago nagsalita sa kanya. "Ma, hindi naman po ako umaasa na bibigyan n'yo ako ni papa ng pera kung sakali man nga na payagan n'yo ako na umalis dito sa probinsiya para tumungo sa Maynila upang tuparin ko po ang pangarap ko na makapagtapos ng pag-aaral. Wala po akong trabaho ngunit gagawa po ako ng paraan para magkaroon ng pera. Gagawa po ako ng paraan. 'Di ba sabi po nila kung gusto ay maraming paraan? Naniniwala po ako na kapag gusto mo ang isang bagay ay palaging may paraan. Maraming paraan para mapangyari mo 'yon. Ayaw ko po na mamroblema po kayo sa bagay na 'yon kaya ako po ang gagawa ng paraan upang magkaroon po ako ng pera sakali man nga po na pumayag kayo ni papa. Wala po akong ibang nais sa inyo ni papa kundi ang payagan n'yo po ako na mag-aral sa Maynila. Kapag pumayag po kayo ay ako na po ang bahala na dumiskarte ng kailangan ko para makapunta ng Maynila at makapag-aral doon. Sinabi ko naman po sa inyo ni papa na hindi na ako bata, 'di ba? Kaya ko naman po tumayo sa sarili kong mga paa, eh. Sana po talaga ay payagan n'yo po ako," seryosong sagot ko kay mama. Pumayag lang talaga silang dalawa ni papa ay magiging panatag na ang loob ko na makakapag-aral ako sa kolehiyo at matutupad ko ang aking mga pangarap hindi lang para sa sarili ko kundi sa pamilya ko rin. Kung aasenso o magtatagumpay ako sa buhay ay gusto ko ay ganoon rin sila. Hindi puwedeng ako lang ang umasenso o magtagumpay. Dapat sila rin dahil kung hindi naman sa kanila ay hindi ko maaabot ang kung ano man ang aabutin ko sa mga susunod na panahon. Sumunod na araw ay nagkita-kita kaming tatlo ng mga kaibigan ko na sina Leslie at Jasmin. Alam na rin nila ang naging resulta ng pagtake namin ng entrance exam na 'yon. Alam nila na hindi sila nakapasa samantalang ako ay naipasa 'yon nang hindi inaasahan. Hindi ko naman talaga inaasahan na makakapasa ako. Masaya sila para sa akin dahil nakapasa ako kahit sila ay hindi. Bahala na raw kung ano ang tahakin nilang landas. Baka dito na lang sila sa probinsiya mag-aral ng kolehiyo o kaya ay magtrabaho na lang upang makatulong sa kanilang pamilya. "Sinabi mo na ba sa mga magulang mo na nakapasa ka?" tanong ni Jasmin sa akin. Tumango ako. "Oo. Sinabi ko kaagad 'yon sa kanila," mahinang sagot ko. "O, tapos? Pumayag ba sila na mag-aral ka sa Maynila?" tanong naman ni Leslie sa akin at doon ako nagsimulang sumimangot sa harapan nila. Sinabi ko sa kanilang dalawa na kaibigan ko ang totoo para malaman nila 'yon. They understand me when it comes to that. Umaasa sila na papayag ang mga magulang ko na mag-aral ako sa Maynila. Pinasalamatan ko naman nga sila sa sinabi nilang 'yon sa akin. "Sana talaga ay pumayag sila na mag-aral ako ng kolehiyo doon sa Maynila. Wala akong ibang panalangin sa Panginoon kundi 'yon lang talaga. Alam naman ng ating Panginoon kung bakit gustong-gusto ko na makapagtapos ng pag-aaral, eh. Hindi naman ako umaasa sa kanila. Ako naman ang magdi-diskarte para maka-survive ako doon sa Maynila lalo na sa pag-aaral ko sa kolehiyo. Kahit mahirap ay titiisin ko para lang matupad ko ang mga pangarap ko sa buhay. Kung hindi tayo magtitiis ay wala minsan mangyayari sa buhay natin. Naniniwala naman ako na sa kabila ng bawat pagtitiis natin ay may kapalit na ligaya at tagumpay sa bandang huli," sabi ko sa kanilang dalawa na tumatango-tango matapos marinig ang sinabi kong 'yon. Nagkatinginan pa nga silang dalawa pagkasabi ko. "Umaasa kami na papayag silang dalawa na mag-asawa para sa 'yo. Hindi ka bibiguin ng ating Panginoon sa 'yong panalangin. He knows how much you want it that's why He will give it to you. Maniwala ka lang," sabi ni Leslie sa akin. I nodded immediately. "I know. I believe on that. Salamat sa sinabi mong 'yon sa akin," sabi ko sa kaibigan ko na si Leslie. She smiled at me. "Walang anuman 'yon." "'Wag kang mag-alala dahil ipagdarasal ka rin namin mamaya para tuparin talaga ng ating Panginoon ang nais mong mangyari na alam naman natin na hindi naman masama ang nais mo. You want it not only for yourself but for your beloved family. Maniwala ka lang talaga. You'll have it," sabi naman nga ni Jasmin sa akin at napangiti ako. "Salamat talaga. Salamat sa inyong dalawa. Mahal na mahal ko kayo." Niyakap ko silang dalawa matapos 'yon nang napakahigpit. Dahil sa kanila ay nagkaroon ako ng pag-asa na papayagan ako ng mga magulang ko na mag-aral sa Maynila ng kolehiyo.PAULINE Kumain kami ng lunch kasama siya. Hindi ako masyadong nagsasalita sa kanya. Nawawalan na naman kasi ako ng gana dahil sa nakita ko. Nagsasalita lang ako sa kanya kapag may itatanong siya at kapag wala naman ay hindi naman. Mabuti nga ay hindi niya pinupuna 'yon na sigurado ako na napapansin niya. Kahit napapansin man nga niya 'yon ay huwag na siyang magtanong o pumuna pa. At saka kumakain kami ng lunch, hindi dapat panay pag-uusap ang inaatupag namin.Pagkatapos namin na kumain ng lunch ay hindi naman na kami nagtagal pa na nagsasama-sama na tatlo dahil may kailangan pa kaming gawin ng kaibigan ko na si Angeline.Hinayaan naman nga niya kami at hindi naman niya pinigilan. Ba't naman niya kami kailangan na pigilan? Siya nga ay hindi ko pinipigilan sa gusto niya, 'di ba? Nagpasya kaming dalawa ng kaibigan ko na doon muna tumambay sa paboritong tambayan namin kapag tanghali kung saan marami ring mga estudyante ang tumatambay dahil hindi mainit at saka tahimik. Puwede kang mag-st
MACYSa wakas ay pinatawad na rin ako ni Matthew sa mga kasalanan na nagawa ko sa kanya. Akala mo matatagalan pa ako bago ko makuha ang pagpapatawad niya sa akin ngunit hindi naman pala. Siguro binigyan siya ng kalinawan ng Panginoon ng kanyang isip para patawarin ako. Palagi ko kasing pinagdarasal 'yon na sana patawarin na niya ako sa mga kasalanan na nagawa ko sa kanya. Hindi naman nga ako binigo ng ating Panginoon kahit malaki ang kasalanan na nagawa ko. Actually, bago talaga ako humingi ng tawad kay Matthew ay sa Kanya na muna. Nagkasala rin naman ako sa Kanya at hindi lang kay Matthew. Ramdam ko naman na pinatawad na ako ng ating Panginoon.Walang paglagyan ang tuwa na naramdaman ko dahil sa pagpapatawad niya sa akin. Kulang na lang ay tumalon ako sa sobrang tuwa. Ang totoo nga n'yan ay hindi ako makapaniwala na pinatawad na nga niya ako. Ang madalas pa naman niyang sabihin sa akin ay kailanma'y hindi niya ako patatawarin ngunit hanggang salita lang pala 'yon. Hindi naman pala ni
PAULINE Walang training si Matthew sa mga football players ngayong araw ng Lunes kaya ang gagawin niya ay pupunta siya sa bangko para magwithdraw ng pera. Didiretso rin siya sa opisina niya dahil may aasikasuhin raw siya. Sabay lang naman kaming dalawa umalis sa bahay niya. Magkaiba lang talaga ang aming pupuntahan.Nag-iisip-isip ako kung sasabihin ko ba 'yon kay Angeline na kaibigan ko. Sa bandang huli ay napagpasyahan ko na hindi sabihin 'yon sa kanya. Sa akin na muna 'yon. Hindi naman importanteng malaman niya ang tungkol doon tutal hindi naman siya involved at saka sasabihin ko lang naman sa kanya 'yon. Hindi muna sa ngayon pero kapag nangyari na ay saka ko lang sasabihin. Bago kami kumain ng lunch ni Angeline ay tumawag sa akin si Matthew. Tamang-tama nasa labas na kami kaya nasagot ko kaagad ang tawag niya. Sinabi kaagad niya sa akin na naka-withdraw na raw siya ng six million pesos. Tinatanong niya ako kung kumain na kami ng lunch at ang sagot ko naman kaagad sa kanya ay hin
PAULINE He gave me a quick nod after I answered him. I'm hopping for good. Magtagumpay sana ang plano ko bago pa niya ako maunahan. He breathes deeply before he speaks to me again. "Huwag mo nang problemahin pa 'yon, Pauline," wika niya sa akin. "Ano'ng ibig mong sabihin, huh?" tanong ko sa kanya na kunwari ay wala akong ideya o hindi ko alam ang puwedeng gawin niya. He'll give me money. Syempre ay hindi ako puwedeng magpakita ng mga bagay na magiging dahilan para malaman niya ang totoong binabalak o pinaplano ko. I have to pretend. "Bibigyan kita ng pera, Pauline," sabi niya sa akin. Nilakihan ko ang aking mga mata sa sinabi niyang 'yon, nagkukunwari na hindi ako makapaniwala."Talaga ba, Matthew?" tanong ko sa kanya.He nodded immediately."Oo, Pauline. Bibigyan kita ng pera. I'll give you six million pesos, okay?" sabi niya sa akin na ikinagulat ko matapos na sabihin niya na bibigyan niya ako ng six million pesos na hindi ko naman inaasahan na ibibigay niya 'yon. Five million
PAULINE "Ayos ka lang ba, Pauline?" tanong sa akin ni Matthew pagkapasok namin sa loob ng kuwarto niya. We're going to sleep now. Napangiwi ako sa tanong niyang 'yon kahit may ideya na ako kung bakit ganoon ang tanong niya sa akin. Napansin siguro niya ang kinikilos ko kanina. I wasn't surprised with that. Inaasahan ko naman na 'yon kahit papaano na mapapansin niya lalo na ang pag-iwas ko sa kanya. Sigurado ako na napansin rin niya 'yon kaya nga siya nagtatanong sa akin kung ayos lang ba ako. Kung hindi niya napansin ay hindi siya magtatanong sa akin nito, 'di ba?Nagpakawala muna ako nang malalim na buntong-hininga bago sumagot sa kanya. Dahan-dahan lang ang pagsasalita ko sa harapan niya."Oo. Ayos lang naman ako, Matthew. Halata ba na hindi ako okay, huh?" sinunggaling kong sagot sa kanya. I have to lie with him, right? Hindi puwedeng magsabi ako ng totoo sa kanya kaya nagsisinungaling ako na ayos lang ako.Kumunot ang noo niya sa sagot ko. "Talaga ba?" tanong niya sa akin na
PAULINE Pagkarating ko sa bahay ni Matthew ay kinausap ko 'yong tatlong kasambahay niya na huwag sasabihin sa kanya na lumabas ako. Just in case na tanungin sila kung lumabas ako ay sabihin nila na hindi naman ako lumabas. Dito lang ako sa bahay niya. Nangako naman nga sila na hindi sasabihin ang totoo kay Matthew kahit ito pa ang amo nila. Natuwa naman nga ako sa kanila kahit papaano. Nakakaasa ako na hindi nila ako isusumbong kay Matthew na lumabas sa bahay niya. Kapag kasi nalaman niya na lumabas ako ay magtatanong siya sa akin kung saan ako pumunta. Ayaw ko na magtanong pa siya ng kung anu-ano kaya mas mabuti na huwag na sabihin sa kanya ang totoo. Magsinunggaling na lang sa kanya tutal 'yon naman ang ginawa niya sa akin. I'm so disappointed with him. I was hurt because of what he did to me. Tumaas kaagad ako sa kuwarto niya at hindi ko na naman tuloy napigilan ang mga luha ko sa pagbuhos kaya lumuluha muli ako. Oras na para kumain ng lunch ngunit hindi pa rin ako kumakain. L