PAULINE
Dalawang araw bago ako umalis sa probinsiya namin ay nakipagkita muna ako sa dalawang mga kaibigan ko na sina Leslie at Jasmin. Magpapaalam na rin muna ako sa kanila pansamantala dahil aalis na nga ako patungong Maynila para doon mag-aral ng kolehiyo. Matagal-tagal bago kami muling magkita ngunit hindi 'yon ang huli na pagkikita namin. Namasyal kami sa iilang mga pasyalan dito sa amin sa probinsiya na hindi namin kailangan na gumastos. Bonding time na rin naman namin 'yon bago kami maghiwa-hiwalay. Nagpaalam na rin ako sa kanila. Kaming tatlo ay nalulungkot na maghihiwa-hiwalay muna kami ngunit kailangan namin na tanggapin 'yon. Magkikita naman kami ngunit hindi namin alam kung kailan. "Walang limutan tayong tatlo kahit ano ang mangyari sa atin, maliwanag ba 'yon sa inyo?" ani Jasmin sa aming dalawa ni Leslie. Nagkatinginan kaming dalawa bago nagawa namin na tumango sa isa't isa. Naunang nagsalita si Leslie bago ako. Naunahan niya akong magsalita. Wala namang problema 'yon dahil magsasalita naman ako pagkatapos niya. "Oo. Hindi tayo makakalimutan kahit hindi muna tayo magkikita-kita lalo ka na Pauline. Malayo ka sa amin dito sa probinsiya kaya kahit gustuhin ka man namin na puntahan ay hindi namin magagawa dahil malayo ka nga compare mo naman kung nandito ka sa probinsiya. Kahit anong oras ay mapupuntahan ka namin," sabi ni Leslie na dumako muli ang tingin sa akin. Parehas na silang dalawa ni Jasmin nasa akin ang buong paningin. Ako kasi ang malalayo talaga sa kanilang dalawa. Malayo man silang dalawa ngunit nandito pa rin sila sa iisang probinsiya na madaling magkita kumpara naman sa akin na nasa Maynila. Ilang oras ang kailangan na gugulin sa biyahe bago makarating. Mahirap talaga kapag ganoon. Napalunok ako ng aking laway at tumango-tango matapos na marinig ang sinabing 'yon niya sa harapan ko. "Magkakaibigan pa rin naman tayong tatlo kahit ano ang mangyari. Naiintindihan n'yo ba? Ipangako natin 'yon sa isa't isa." Nagawa pa ngang magpahabol ni Leslie. Akala ko ay tapos na siya sa sasabihin niya ngunit hindi pa pala. Magsasalita na nga sana ako. "Walang dahilan upang magkalimutan tayong tatlo. Maghihiwa-hiwalay muna tayo ngunit ang pagkakaibigan natin ay mananatili pa rin sa ating mga puso. Iyon ang ating pakatatandaan. Hindi tayo magkakalimutan. Hindi ko kayo makakalimutan. Pinapangako ko 'yon sa inyong dalawa. Sa ngayon talaga ay kailangan muna natin maghiwa-hiwalay lalo na ako. Isipin natin na para sa ating kinabukasan ang gagawin natin, 'di ba? This is not the last na magkikita tayong tatlo. Hindi man natin alam kung kailan tayo magkikita muli ngunit magkikita pa rin tayo sa tamang panahon na ating pagkikita-kita. Sigurado ako na marami tayong mapagkukuwentuhan n'yan tungkol sa ating mga karanasan sa buhay habang hindi natin nakakasama ang isa't isa. Maraming kailangan na mangyari ngunit tayo pa rin ay iisa—magkakaibigan pa rin. Mahal na mahal ko kayo. Magpapaalam na muna ako sa inyong dalawa na mahal kong mga kaibigan," sabi ko sa kanilang dalawa na naluluha. Nahawa ko na tuloy sila ng aking pagluha habang sinasabi ko 'yon sa kanila kaya naluluha na rin sila kagaya ko. They didn't speak but instead they hugged me so tight. Nagyakapan kaming tatlo na magkakaibigan. Nangako kami sa isa't isa na hindi kami magkakalimutan kahit ano pa ang mangyari. Hapon na ako nakauwi sa bahay namin. Halu-halo ang emosyon na nararamdaman ko pag-uwi ko. Nalulungkot na natutuwa ako dahil sa nakasama ko ang dalawang mga kaibigan ko na sina Leslie at Jasmin bago ako umalis patungong Maynila. Nangako pa nga sila sa akin na ihahatid raw nila ako sa bus station kapag paalis na ako. Ayaw ko na nga silang sumama pa na hahatid sa akin ngunit wala naman akong nagawa kundi ang hayaan sila dahil gusto naman nila na gawin 'yon. Magtampo pa sila n'yan kapag hindi ko sila pinayagan na ayaw ko naman mangyari. Ayaw ko na umalis na masama ang loob nila sa akin. Dapat ay masaya kahit papaano. Kinagabihan ay nagsimula na akong mag-impake ng mga damit na dadalhin ko pag-alis ko dito sa probinsiya namin sa susunod na araw. Kaunti lang naman ang dadalhin ko na mga damit ko dahil iilan lang naman ang meron ako. Isang malaking bag at isang maliit ang madadala ko papunta sa Maynila. Medyo kinakabahan ako ngunit nakapagdesisyon na ako. Pumayag naman na ang mga magulang ko sa nais kong mangyari na mag-aral ng kolehiyo sa Maynila. Hindi pa naman nila binibigay sa akin ang pera na pinangako nila sa akin at least ay may hawak-hawak na ako na pera na mismong bigay sa akin ng ex-boyfriend ko na si Miguel. Nagpapasalamat talaga ako sa kanya nang sobra dahil kung wala siya ay siguro wala pa akong pera na hawak-hawak na hindi galing sa mga magulang ko. Limang libo lang ang sinabi ko sa kanya ngunit ginawa na niyang sampung libo 'yon bilang tulong na rin sa akin. Kailanma'y hindi ko talaga makakalimutan ang lalaking 'yon kahit wala na kami dahil sa tulong niya na naibibigay sa akin. Kung may nararamdaman pa talaga ako sa kanya ay baka nakipagbalikan pa ako ngunit wala na talaga, eh. Wala na akong nararamdaman na pagmamahal sa kanya. Halata naman sa kanya na gustong-gusto pa niya ako. He wants us to be together again. Sa mga pananalita pa lang niya ay mahahalata na kahit sabihin na dinadaan-daan lang niya sa biro. Mabait naman si Miguel ngunit wala na talaga. Wala na siyang pag-asa pa sa akin kahit na ano pa ang gawin niya. Isang kaibigan na lang siguro ang maituturing ko n'yan sa kanya sa kabila ng lahat. Kinausap ako ng mga magulang ko no'ng huling gabi ko sa bahay bago ako umalis patungong Maynila. Pinaalalahanan nila ako ng mga hindi dapat at nararapat kong gawin kapag nandoon na ako sa Maynila. Huwag ko raw pababayaan ang sarili ko. Mag-aral lang raw ako nang maayos. Marami silang sinabi sa akin na dala-dala ko kahit saan man ako mapunta. Nangako naman nga ako sa kanila na susundin ko ang mga sinabi nila. Hindi ko sila susuwayin. Binigay na rin nila sa akin ang perang kailangan ko. Nagpasalamat naman ako sa kanila. Niyakap ko sila nang napakahigpit. Hindi ko na naman tuloy maiwasan ang maluha ng mga sandaling 'yon habang yakap-yakap ko nga silang dalawa. Mami-miss ko silang lahat nito lalo na hindi ko alam kung kailan ako makakauwi muli. Mabuti sana ay kung marami akong pera na kahit kada tatlong buwan ay uuwi ako ngunit hindi, eh.PAULINE Kumain kami ng lunch kasama siya. Hindi ako masyadong nagsasalita sa kanya. Nawawalan na naman kasi ako ng gana dahil sa nakita ko. Nagsasalita lang ako sa kanya kapag may itatanong siya at kapag wala naman ay hindi naman. Mabuti nga ay hindi niya pinupuna 'yon na sigurado ako na napapansin niya. Kahit napapansin man nga niya 'yon ay huwag na siyang magtanong o pumuna pa. At saka kumakain kami ng lunch, hindi dapat panay pag-uusap ang inaatupag namin.Pagkatapos namin na kumain ng lunch ay hindi naman na kami nagtagal pa na nagsasama-sama na tatlo dahil may kailangan pa kaming gawin ng kaibigan ko na si Angeline.Hinayaan naman nga niya kami at hindi naman niya pinigilan. Ba't naman niya kami kailangan na pigilan? Siya nga ay hindi ko pinipigilan sa gusto niya, 'di ba? Nagpasya kaming dalawa ng kaibigan ko na doon muna tumambay sa paboritong tambayan namin kapag tanghali kung saan marami ring mga estudyante ang tumatambay dahil hindi mainit at saka tahimik. Puwede kang mag-st
MACYSa wakas ay pinatawad na rin ako ni Matthew sa mga kasalanan na nagawa ko sa kanya. Akala mo matatagalan pa ako bago ko makuha ang pagpapatawad niya sa akin ngunit hindi naman pala. Siguro binigyan siya ng kalinawan ng Panginoon ng kanyang isip para patawarin ako. Palagi ko kasing pinagdarasal 'yon na sana patawarin na niya ako sa mga kasalanan na nagawa ko sa kanya. Hindi naman nga ako binigo ng ating Panginoon kahit malaki ang kasalanan na nagawa ko. Actually, bago talaga ako humingi ng tawad kay Matthew ay sa Kanya na muna. Nagkasala rin naman ako sa Kanya at hindi lang kay Matthew. Ramdam ko naman na pinatawad na ako ng ating Panginoon.Walang paglagyan ang tuwa na naramdaman ko dahil sa pagpapatawad niya sa akin. Kulang na lang ay tumalon ako sa sobrang tuwa. Ang totoo nga n'yan ay hindi ako makapaniwala na pinatawad na nga niya ako. Ang madalas pa naman niyang sabihin sa akin ay kailanma'y hindi niya ako patatawarin ngunit hanggang salita lang pala 'yon. Hindi naman pala ni
PAULINE Walang training si Matthew sa mga football players ngayong araw ng Lunes kaya ang gagawin niya ay pupunta siya sa bangko para magwithdraw ng pera. Didiretso rin siya sa opisina niya dahil may aasikasuhin raw siya. Sabay lang naman kaming dalawa umalis sa bahay niya. Magkaiba lang talaga ang aming pupuntahan.Nag-iisip-isip ako kung sasabihin ko ba 'yon kay Angeline na kaibigan ko. Sa bandang huli ay napagpasyahan ko na hindi sabihin 'yon sa kanya. Sa akin na muna 'yon. Hindi naman importanteng malaman niya ang tungkol doon tutal hindi naman siya involved at saka sasabihin ko lang naman sa kanya 'yon. Hindi muna sa ngayon pero kapag nangyari na ay saka ko lang sasabihin. Bago kami kumain ng lunch ni Angeline ay tumawag sa akin si Matthew. Tamang-tama nasa labas na kami kaya nasagot ko kaagad ang tawag niya. Sinabi kaagad niya sa akin na naka-withdraw na raw siya ng six million pesos. Tinatanong niya ako kung kumain na kami ng lunch at ang sagot ko naman kaagad sa kanya ay hin
PAULINE He gave me a quick nod after I answered him. I'm hopping for good. Magtagumpay sana ang plano ko bago pa niya ako maunahan. He breathes deeply before he speaks to me again. "Huwag mo nang problemahin pa 'yon, Pauline," wika niya sa akin. "Ano'ng ibig mong sabihin, huh?" tanong ko sa kanya na kunwari ay wala akong ideya o hindi ko alam ang puwedeng gawin niya. He'll give me money. Syempre ay hindi ako puwedeng magpakita ng mga bagay na magiging dahilan para malaman niya ang totoong binabalak o pinaplano ko. I have to pretend. "Bibigyan kita ng pera, Pauline," sabi niya sa akin. Nilakihan ko ang aking mga mata sa sinabi niyang 'yon, nagkukunwari na hindi ako makapaniwala."Talaga ba, Matthew?" tanong ko sa kanya.He nodded immediately."Oo, Pauline. Bibigyan kita ng pera. I'll give you six million pesos, okay?" sabi niya sa akin na ikinagulat ko matapos na sabihin niya na bibigyan niya ako ng six million pesos na hindi ko naman inaasahan na ibibigay niya 'yon. Five million
PAULINE "Ayos ka lang ba, Pauline?" tanong sa akin ni Matthew pagkapasok namin sa loob ng kuwarto niya. We're going to sleep now. Napangiwi ako sa tanong niyang 'yon kahit may ideya na ako kung bakit ganoon ang tanong niya sa akin. Napansin siguro niya ang kinikilos ko kanina. I wasn't surprised with that. Inaasahan ko naman na 'yon kahit papaano na mapapansin niya lalo na ang pag-iwas ko sa kanya. Sigurado ako na napansin rin niya 'yon kaya nga siya nagtatanong sa akin kung ayos lang ba ako. Kung hindi niya napansin ay hindi siya magtatanong sa akin nito, 'di ba?Nagpakawala muna ako nang malalim na buntong-hininga bago sumagot sa kanya. Dahan-dahan lang ang pagsasalita ko sa harapan niya."Oo. Ayos lang naman ako, Matthew. Halata ba na hindi ako okay, huh?" sinunggaling kong sagot sa kanya. I have to lie with him, right? Hindi puwedeng magsabi ako ng totoo sa kanya kaya nagsisinungaling ako na ayos lang ako.Kumunot ang noo niya sa sagot ko. "Talaga ba?" tanong niya sa akin na
PAULINE Pagkarating ko sa bahay ni Matthew ay kinausap ko 'yong tatlong kasambahay niya na huwag sasabihin sa kanya na lumabas ako. Just in case na tanungin sila kung lumabas ako ay sabihin nila na hindi naman ako lumabas. Dito lang ako sa bahay niya. Nangako naman nga sila na hindi sasabihin ang totoo kay Matthew kahit ito pa ang amo nila. Natuwa naman nga ako sa kanila kahit papaano. Nakakaasa ako na hindi nila ako isusumbong kay Matthew na lumabas sa bahay niya. Kapag kasi nalaman niya na lumabas ako ay magtatanong siya sa akin kung saan ako pumunta. Ayaw ko na magtanong pa siya ng kung anu-ano kaya mas mabuti na huwag na sabihin sa kanya ang totoo. Magsinunggaling na lang sa kanya tutal 'yon naman ang ginawa niya sa akin. I'm so disappointed with him. I was hurt because of what he did to me. Tumaas kaagad ako sa kuwarto niya at hindi ko na naman tuloy napigilan ang mga luha ko sa pagbuhos kaya lumuluha muli ako. Oras na para kumain ng lunch ngunit hindi pa rin ako kumakain. L