PAULINE
Mahigit sampung oras ang naging biyahe ko mula sa probinsiya namin patungo dito sa Maynila kung saan ako mag-aaral ng kolehiyo. Napagod ako sa buong biyahe. Pagkababa ko sa bus na nasakyan ko ay tinanong ko kaagad ang sarili ko kung saan na ako pupunta nito. Tumigil muna ako sa paglalakad. Binitawan ko muna 'yong dala-dala kong bag at inilapag sa may pahabang upuan na walang umuupo. May umuupo naman na tao ngunit doon sa kabilang banda. Dali-dali kong kinuha ang cell phone ko sa loob ng maliit kong bag para tawagan ang mga magulang ko at sabihin sa kanila na nandito na ako sa Maynila. Ako'y nakarating nang maayos at walang aberya sa aming biyahe. Pinangakuan ko pa naman sila na kapag nakarating na ako dito sa Maynila ay tatawagan ko kaagad sila. No'ng una ay hindi kaagad nila sinasagot ang tawag ko ngunit hindi ako tumigil hangga't sagutin na nila 'yon. Si mama ang may hawak ng cell phone kaya siya ang sumagot sa tawag ko. Nakahinga ako nang maluwag. Tinanong kaagad ako ni mama kung kumusta raw ang naging biyahe ko at mabilis ko naman na sinagot 'yon. Sinabi ko sa kanya na maayos naman ang naging biyahe ko at wala namang naging aberya sa daan. Sinabi ko pa sa kanya na kararating lang namin dito sa Maynila at sabihan na lang niya si papa at mga kapatid ko na nandito na ako. Ilang minuto lang ang naging pag-uusap namin ni mama sa kabilang linya. Pagkatapos na makausap ko siya ay tinawagan ko sumunod ang dalawang kaibigan ko para i-inform sila na nandito na ako sa Maynila. Hinatid nga nila ako sa terminal ng mga bus kahapon dahil 'yon ang sabi nila sa akin. Pinaalalahanan nila ako nang sasakay na ako sa loob ng bus na tawagan ko raw sila pagkarating ko dito sa Maynila. Um-oo naman nga ako sa kanila. At kahit hindi nila ako paalalahanin ay gagawin ko naman talaga 'yon dahil mga kaibigan ko sila at gusto ko na malaman nila kung ano na ang nangyayari sa akin. Mabilis rin lang naman ang naging pag-uusap namin. Tinatanong nila ako kung saan na ako pupunta. Wala akong ibang sinabi sa kanila ay kundi ang maghanap ng matutuluyan ko. Hindi puwedeng sa kalye o park ako matulog. Kahit boarding house ay okay na sa akin. At least ay may matutuluyan naman ako kahit papaano. Aarte pa ba ako n'yan? Syempre ay hindi na. Naisipan ko na tingnan kung nasaan ang university na papasukan ko kaya nagtanong-tanong ako sa mga taong nakakasalubong ko kung saan 'yon. Ang alam ko lang ay address ngunit hindi ko naman alam kung nasaan talaga 'yon. Mabuti kung kabisadong-kabisado ko ang buong Maynila. Hindi ako mahihirapan nito. First time ko pa naman dito sa Maynila. Kahit nakakatakot sa isang kagaya ko ay nilalakasan ko na lang talaga ang loob ko. Nagpapasalamat naman ako sa bawat matatanungan ko kung saan nga ang hinahanap ko na university na pag-aaralan ko ng kolehiyo. Sumakay pa nga ako ng Jeep para makapunta doon. Namamangha ako sa dami ng mga taong nakikita ko lalo na sa mga nagsisigandahang mga sasakyan. Marami rin na nagsisitaasan na mga gusali na nakakatakot na umakyat lalo na kung nandoon ka na sa pinakataas. Tinginan sa akin ang mga pasahero sa loob ng Jeep lalo na sa dala kong malaking bag. They know that I came from the province. Iyong isa ngang babae kung makatingin sa akin ay para bang kakainin niya ako ng buhay sa sama ng tingin. Wala naman akong ginagawang masama sa kanya. Pagkababa ko sa nasakyan kong Jeep ay sumalubong sa akin ang isa sa mga pamosong pamantasan dito sa Maynila na ang ganda-ganda. Nasa labas pa lang ako ng campus ngunit tanaw na tanaw ko na ang ganda nito. Namamangha ako sa aking nakikita. Napapansin ko na sa akin ang tingin ng mga taong nakakakita sa akin lalo na 'yung mga naglalakad malapit sa akin habang nakatayo ako sa labas ng gate ng university na 'yon na manghang-mangha sa aking nakikita. Iyong iba nga tinaasan pa ako ng kilay. Hindi ko alam kung bakit. Iyong iba naman kung makatingin sa akin ay para bang nandidiri sa hitsura ko. Palibhasa ay halata naman na galing ako sa probinsiya. Hindi ko naman na nga sila pinansin pa. Hinayaan ko na lang sila habang ako ay ninanamnam ko ang mga sandaling kaharap ko ang pamantasan o university na pag-aaralan ko na sigurado akong magiging daan para matupad ko ang lahat ng mga pangarap ko sa buhay. Naiiyak ako sa tuwa habang nakatingin pa rin ako doon. Sabihan na ako ng mga taong nakakita sa akin na nababaliw na ay wala akong pakialam. Pakialaman nila ang buhay nila. Palibhasa ay hindi naman nila nalalaman kung gaano ako kasaya ngayong nandito na ako sa Maynila lalo na kaharap ko ang pamantasan na sigurado ako na magiging daan para matupad ko ang mga pangarap ko. Ilang minuto na akong nakatayo doon habang tumutulo ang mga luha ko sa tuwa. Mayamaya ay unti-unti ko na ngang tinutuyo ang mga luha ko gamit ang aking panyo na dala-dala nasa bulsa ko lang naman. Panay sulyap na nga sa akin ang ilang security guards na nandoon sa may malaking gate ng university na 'yon hanggang isa sa kanila ay nilapitan ako. "Maaari ka po bang matanong, miss?" tanong sa akin ng isa sa mga security guards. Binasa ko muna ang ibaba kong labi gamit ang dila ko at huminga nang malalim bago nagsalita sa kanya. Napunasan ko na rin ang mga luha ko bago siya tuluyang nakalapit sa akin. "P-Puwede naman po," nauutal na sagot ko sa kanya. Nanginginig ang dalawang tuhod ko sa kaba dahil baka pagalitan niya ako. "A-Ano po ang itatanong mo sa akin?" "Ano po ba ang ginagawa mo dito sa tapat ng pamantasan na 'to? Kanina ka po namin napapansin na nakatayo na nakaharap sa loob ng campus. Napansin pa po namin na umiiyak ka, miss. May problema ka po ba? Nakapagtataka nga lang po na umiiyak ka na nakaharap sa loob ng pamantasan na 'yan. Ano po ba ang iniiyakan mo, miss? Hindi ka ba nakapasa sa pagte-take ng exam?" sunod-sunod na tanong ng security guard sa akin. Matatawa ba ako o maiinis sa mga tanong niya sa akin lalo na sa panghuling tanong niya kung hindi ba ako nakapasa sa pagte-take ng exam? Nilawakan ko na lang ang pang-iintindi ko dahil wala naman siyang alam kaya ganoon ang naitatanong niya sa akin. Muli akong huminga nang malalim bago sinagot ang mga katanungan niya at sasabihin ko na rin sa kanya na nakapasa ako sa exam at kaya ako naluluha ay dahil sa tuwa. I can't believe that I'm here.PAULINE Kumain kami ng lunch kasama siya. Hindi ako masyadong nagsasalita sa kanya. Nawawalan na naman kasi ako ng gana dahil sa nakita ko. Nagsasalita lang ako sa kanya kapag may itatanong siya at kapag wala naman ay hindi naman. Mabuti nga ay hindi niya pinupuna 'yon na sigurado ako na napapansin niya. Kahit napapansin man nga niya 'yon ay huwag na siyang magtanong o pumuna pa. At saka kumakain kami ng lunch, hindi dapat panay pag-uusap ang inaatupag namin.Pagkatapos namin na kumain ng lunch ay hindi naman na kami nagtagal pa na nagsasama-sama na tatlo dahil may kailangan pa kaming gawin ng kaibigan ko na si Angeline.Hinayaan naman nga niya kami at hindi naman niya pinigilan. Ba't naman niya kami kailangan na pigilan? Siya nga ay hindi ko pinipigilan sa gusto niya, 'di ba? Nagpasya kaming dalawa ng kaibigan ko na doon muna tumambay sa paboritong tambayan namin kapag tanghali kung saan marami ring mga estudyante ang tumatambay dahil hindi mainit at saka tahimik. Puwede kang mag-st
MACYSa wakas ay pinatawad na rin ako ni Matthew sa mga kasalanan na nagawa ko sa kanya. Akala mo matatagalan pa ako bago ko makuha ang pagpapatawad niya sa akin ngunit hindi naman pala. Siguro binigyan siya ng kalinawan ng Panginoon ng kanyang isip para patawarin ako. Palagi ko kasing pinagdarasal 'yon na sana patawarin na niya ako sa mga kasalanan na nagawa ko sa kanya. Hindi naman nga ako binigo ng ating Panginoon kahit malaki ang kasalanan na nagawa ko. Actually, bago talaga ako humingi ng tawad kay Matthew ay sa Kanya na muna. Nagkasala rin naman ako sa Kanya at hindi lang kay Matthew. Ramdam ko naman na pinatawad na ako ng ating Panginoon.Walang paglagyan ang tuwa na naramdaman ko dahil sa pagpapatawad niya sa akin. Kulang na lang ay tumalon ako sa sobrang tuwa. Ang totoo nga n'yan ay hindi ako makapaniwala na pinatawad na nga niya ako. Ang madalas pa naman niyang sabihin sa akin ay kailanma'y hindi niya ako patatawarin ngunit hanggang salita lang pala 'yon. Hindi naman pala ni
PAULINE Walang training si Matthew sa mga football players ngayong araw ng Lunes kaya ang gagawin niya ay pupunta siya sa bangko para magwithdraw ng pera. Didiretso rin siya sa opisina niya dahil may aasikasuhin raw siya. Sabay lang naman kaming dalawa umalis sa bahay niya. Magkaiba lang talaga ang aming pupuntahan.Nag-iisip-isip ako kung sasabihin ko ba 'yon kay Angeline na kaibigan ko. Sa bandang huli ay napagpasyahan ko na hindi sabihin 'yon sa kanya. Sa akin na muna 'yon. Hindi naman importanteng malaman niya ang tungkol doon tutal hindi naman siya involved at saka sasabihin ko lang naman sa kanya 'yon. Hindi muna sa ngayon pero kapag nangyari na ay saka ko lang sasabihin. Bago kami kumain ng lunch ni Angeline ay tumawag sa akin si Matthew. Tamang-tama nasa labas na kami kaya nasagot ko kaagad ang tawag niya. Sinabi kaagad niya sa akin na naka-withdraw na raw siya ng six million pesos. Tinatanong niya ako kung kumain na kami ng lunch at ang sagot ko naman kaagad sa kanya ay hin
PAULINE He gave me a quick nod after I answered him. I'm hopping for good. Magtagumpay sana ang plano ko bago pa niya ako maunahan. He breathes deeply before he speaks to me again. "Huwag mo nang problemahin pa 'yon, Pauline," wika niya sa akin. "Ano'ng ibig mong sabihin, huh?" tanong ko sa kanya na kunwari ay wala akong ideya o hindi ko alam ang puwedeng gawin niya. He'll give me money. Syempre ay hindi ako puwedeng magpakita ng mga bagay na magiging dahilan para malaman niya ang totoong binabalak o pinaplano ko. I have to pretend. "Bibigyan kita ng pera, Pauline," sabi niya sa akin. Nilakihan ko ang aking mga mata sa sinabi niyang 'yon, nagkukunwari na hindi ako makapaniwala."Talaga ba, Matthew?" tanong ko sa kanya.He nodded immediately."Oo, Pauline. Bibigyan kita ng pera. I'll give you six million pesos, okay?" sabi niya sa akin na ikinagulat ko matapos na sabihin niya na bibigyan niya ako ng six million pesos na hindi ko naman inaasahan na ibibigay niya 'yon. Five million
PAULINE "Ayos ka lang ba, Pauline?" tanong sa akin ni Matthew pagkapasok namin sa loob ng kuwarto niya. We're going to sleep now. Napangiwi ako sa tanong niyang 'yon kahit may ideya na ako kung bakit ganoon ang tanong niya sa akin. Napansin siguro niya ang kinikilos ko kanina. I wasn't surprised with that. Inaasahan ko naman na 'yon kahit papaano na mapapansin niya lalo na ang pag-iwas ko sa kanya. Sigurado ako na napansin rin niya 'yon kaya nga siya nagtatanong sa akin kung ayos lang ba ako. Kung hindi niya napansin ay hindi siya magtatanong sa akin nito, 'di ba?Nagpakawala muna ako nang malalim na buntong-hininga bago sumagot sa kanya. Dahan-dahan lang ang pagsasalita ko sa harapan niya."Oo. Ayos lang naman ako, Matthew. Halata ba na hindi ako okay, huh?" sinunggaling kong sagot sa kanya. I have to lie with him, right? Hindi puwedeng magsabi ako ng totoo sa kanya kaya nagsisinungaling ako na ayos lang ako.Kumunot ang noo niya sa sagot ko. "Talaga ba?" tanong niya sa akin na
PAULINE Pagkarating ko sa bahay ni Matthew ay kinausap ko 'yong tatlong kasambahay niya na huwag sasabihin sa kanya na lumabas ako. Just in case na tanungin sila kung lumabas ako ay sabihin nila na hindi naman ako lumabas. Dito lang ako sa bahay niya. Nangako naman nga sila na hindi sasabihin ang totoo kay Matthew kahit ito pa ang amo nila. Natuwa naman nga ako sa kanila kahit papaano. Nakakaasa ako na hindi nila ako isusumbong kay Matthew na lumabas sa bahay niya. Kapag kasi nalaman niya na lumabas ako ay magtatanong siya sa akin kung saan ako pumunta. Ayaw ko na magtanong pa siya ng kung anu-ano kaya mas mabuti na huwag na sabihin sa kanya ang totoo. Magsinunggaling na lang sa kanya tutal 'yon naman ang ginawa niya sa akin. I'm so disappointed with him. I was hurt because of what he did to me. Tumaas kaagad ako sa kuwarto niya at hindi ko na naman tuloy napigilan ang mga luha ko sa pagbuhos kaya lumuluha muli ako. Oras na para kumain ng lunch ngunit hindi pa rin ako kumakain. L