แชร์

Ikalawang Kabanata

ผู้เขียน: alyn14
last update วันที่เผยแพร่: 2026-01-18 21:08:42

"Who told you to go out? Stay where you are," dumadagundong na boses niya.

Nangilabot ako at napatingin sa kanya, napabalik tuloy ako sa aking upuan. Nagsitayuan ang mga balahibo ko sa aking katawan, natakot ako bigla. Tumingin ako sa kanyang mga mata at ngayon ko lang napansin ang nakakakilabot niyang aura. Sino ba siya at bakit nakakatakot siyang tumingin.

"Ano bang kaylangan mo sa akin? Isa lang ho akong waitress dito kaya pwede po ba huwag na ninyo akong takutin at palabasin na lang dito," ani ko. Tinatagan ko ang aking sarili kahit na natatakot na ako pero kaylangan.

"Mukhang ngayon lang ako nakaharap ng isang taong hindi natatakot sa akin...hhhmmm," ani nito at tumayo nakita kong papunta sa akin. Kaya sa takot ko tumayo ako at biglang tumakbo pero hindi ko inaasahang sing bilis yata siya ng kidlat dahil nasa harapan ko na siya agad.

"Not so fast....Hhhmmm," ani nitong sinandal ako sa pader at inamoy ang aking leeg. Nangilabot ako at nangatog bigla ang aking mga paa. Iiwas ko sana ang aking mukha pero pinigil niya ito.

Mukhang nakahanap yata ako ng katapat, sabi ko na kasi sayo na magtigil ka at iwasan mong mangealam pero ginawa mo pa rin. Paano ka na ngayon niyan? Nakatapat ka tuloy ng taong may pagka manyak, baka hindi lang manyak...baka mamatay tao pa, paano na ako nito sabi ko sa aking sarili.

"What do you want? Wala naman akong ginagawa sa inyo kaya pakawalan na po ninyo ako," sagot ko dito, tinatagan ko ang aking sarili kahit na ramdam ko ang takot na kumukubli sa aking buong katawan.

"Are you sure of that? Huwag ka nang magpakipot pa dahil alam kong isa ka sa pinadala sa akin," bulong nito sa nakakatakot na boses.

"Ano bang pinagsasabi mo diyan? Para sabihin ko sayo isa akong waitress lamang na gustong magtrabaho ng marangal kaya pwede ba bitawan mo na ako," sabi ko. Nawala na ang takot ko dahil sa inis na narinig. Ayoko pa man din sa lahat ay ang sinasabihan ako ng sinungaling.

Nagulat ako ng bigla ako nitong sakalin kaya nataranta ako. Nagpupumiglas ako pero talagang malakas siya. Kita ko sa kanyang mga mata ang nakakatakot na aura. Mukha na siyang demonyo sa paningin ko.

"Talk or else I will kill you right now..." he said sa dumadagundong boses.

Nagpapalag ako at kinalmot kalmot siya sa kanyang likod hanggang sa mabitawan niya ako. Habol habol ang hiningang hawak ko ang aking leeg. Sinamaan ko siya ng tingin at walang babalang sinipa ang itlog nito. Sisigaw na sana pero tinakpan ko ang bigbig niya. Napadapa siya sa sahig at namilipit sa sakit na hawak hawak ang ari nito.

Kumuha ako ng tali na nakita ko sa isang tabi saka ko siya tinalian sa bunganga habang may nakapasak ditong panyo. Akala ata nito hindi ko kayang lumaban, doon siya nagkamali dahil isa din akong palaban na babae. Natuto akong mabuhay dito ng ilang taon kaya pinag aralan ko lahat pati na ang pag aral ng martial art. Kaylangan ko lang naman itong gamitin if ever man na nasa panganib ako gaya nito.

"Walanghiya kang animal ka...anong akala mo sa akin takot sayo? Porke ba mahirap lang kami at isa lang na waitress dito sa bar na to kayang kayanin niyo na. At saka sinabi ko na sayong hindi ako pinadala dito para sayo, hindi ka pa rin naniwala. Anong akala mo sa iyong sarili na lahat ba ng mga tao kaya mo. Hayyyyy naku, nakakagigil ka..." mahaba kong pahayag dito at nagbabalak ng umalis at baka maabutan pa ako ng mga asungot ng lalaking to. Baka mapatay nila ako sa ginawa ko sa kanilang amo.

"Bye Mr. pogi....sana huwag na tayong magkita pa. Pagaling ka at mukhang nawarak na ata ang itlog mo," ani ko pa.

Mukhang gusto niya akong dakmain pero hindi niya magawa dahil sa iniinda niyang sakit. Dahil matagal na ako dito sa trabahong ito kaya alam ko na ang pasikot sikot dito. Dumaan ako sa Isang exit tan na alam kami lang nakakaalam na mga trabahador dito.

Binilisan ko ang pag alis dito at hindi na pinansin pa ang damuho na nasa sahig. Bahala siya sa kanyang buhay, total mayaman naman siya kaya magpadoctor na lang baka sakaling magamot pa nila ang itlog nito.

May pakanta kanta pa ako ng nasa labasan na. Nagulat lang ng biglang magsara ang buong club at mukhang nagkakagulo. Makiki-usyoso sana pero nagpigil ako at naalala na naman ang ginawa ko sa lalaking yun. Kaylangan ko ng umalis dito at baka matunton ako ani ko sa aking isipan.

Sumakay agad ako sa taxi na parating. May pakanta kanta pa ako hangang sa makarating ako sa aking inuupahang apartment. Naglalakad ako ng makita ko ang aking mga kapitbahay na nagtatakbuhan kaya ng may makita akong bata hinila ko ito at tinanong

"Anong nangyayari? Bakit sila nagtatakbuhan bata?" Tanong ko sa batang nakiki usyoso din.

"May mga naka itim na dumating at kinakausap si Aling Tessa," ani ng bata.

Nagulat ako at nangunot ang noo nang marinig ko ang pangalan ng landlady ko. May atraso ba si Aling Tessa at hinahanap ito sa isip isip ko.

"Bakit daw? Ano daw ang kaylangan nila kay Aling Tessa? " Tanong ko ulit dito.

"Mukhang may hinahanap nila sa kanya. Hinahanap nila ang nagngangalang Issa yata yun.

Hindi ko kasi kilala ang mga border ni Aling Tessa sa sobrang dami na nila," madaldal na sabi ng bata. Natigilan ako sa narinig, hindi ako nagsalita or nagpakilala man lang at baka malaman nilang ako ang hinahanap ng mga dumating. Nagpasalamat ako sa bata at binitawan na ito. Mabuti na lang at may sumbrero akong dala lagi kaya hindi ako mamumukhaan. Nagsuot ako ng jacket sabay lapit sa mga taong nakiki-usyoso din. Hindi naman ako mahahalata dahil sa suot ko at sa dami ng tao na nasa paligid.

Nagpunta ako sa isang tabi ng marating ko ang aking apartment at tinitigan ko ang mga taong naka suot ng black tuxedo. Nangunot ang aking noo ng hindi ko sila mamukhaan. Lalabas na sana ako at lalapit sa mga ito ng mamukhaan ko ang isang lalaki na lumabas. Siya lang naman ang lalaking tauhan ng nakasagupa ko kanina. Mukhang nalaman agad nila ang tinitirhan ko. Napamura ako lalo na ng marinig kong pinagbantaan si Aling Tessa kaya sa nerbiyos ko unti unti akong umalis doon.

 

อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป

บทล่าสุด

  • My Hot Tempered Man   Ika-128

    Namumutla ako, para akong nahuling nagnakaw na hindi mo maintindihan. Nag init ang dalawa kong mga pisngi na hindi makatingin dito ng maayos. Hindi tuloy ako makatingin sa kaniya ng deretso, pinirmi ko ang aking kamay dahil nanginginig ito habang pinupulot ang aking cellphone.Nagulat ako ng naunahan niya akong pulutin ito. Napakunot noo siyang nakatingin sa aking cellphone sabay abot ito sa akin."You look pale...something wrong," aniya na lalong kina pula ng aking pisngi."N- nothing...Just you know, ahhhmmm...." ani ko habang nauutal hindi ko alam kung paano ito i-explain sa kaniya."What? Go on speak..." maawtoridad niyang sabi. Ganito ito maprepressure ka sa kaniya kaya napalunok ako bago nagsalita.Nanginginig pa ako noong una, nakaka pressure kasi ang tingin pa niya sa akin kaya natataranta ako pero ng maalala kong wala naman akong ginawang hindi maganda kaya sinagot ko ito ng deretso."Pasensiya na, curious lang kasi ako kaya ko nagawang picturan ang mga relo mo. Gusto ko lang

  • My Hot Tempered Man   ika-127

    Nagtataka lang ako sa taong ito napakarami niyang mga alalay lagi. Marami siyang mga asungot na naka antabay dito. Napakarami din niyang mga katulong sa kahit na saan niya ako dalhin na bahay. Mas malaki nga lang ang isang pinagdalhan niya sa akin noon. Parang palasyo yun kalaki, may mga tauhan siya everywhere doon at kung hindi ka magtatanong sa bahay na yun baka mawala ka lang kapag. Maluwang din ang likod nun, napasulyap ako minsan sa likuran ng bahay na yun.Nagkalat din ang mag tauhan ni satanas doon, mas marami doon kaysa dito. May mga iba't ibang bahay din sa likod nun at may mga naka antabay sa gate nito bago ka makakapasok sa mismong bahay. Kaya nga nagtataka ako kung ano ba talaga ang lalaking ito. Dinaig pa ang presidente sa dami ng mga body guard. Tapos kung magluto naman ang mga kasambahay niya parang laging may piyesta. Hindi ba ito nasasayangan sa mga pagkain na napakarami.Pumasok ito sa isang kwarto kaya pumasok din ako dito. Ayoko sanang sumunod sa kwarto nito pero

  • My Hot Tempered Man   Ika-126

    Dinala ako ni Satanas sa Forbes park dito sa makati isang exclusive na subdivision dito sa makati. Isa itong pang mayaman na lugar lang, pang sa mga billionaire na area lang. Nakita ko na ito sa magazine kaya alam ko. Gusto ko sana siyang kausapin kanina para magtanong about sa lugar na ito pero napipi ako. Nahiya ako bigla, kung ano ano na ang pumapasok sa aking isipan pero kumalma ako. Ayokong magsalita na naman ng kung ano ano at baka mali na naman ako. I know he's rich but I didn't know that he's filthy rich. Nalulula ako ng bumaba kami at ayain ako sa loob. Ni ayoko ngang tumayo at lumabas dito sa sasakyan pero ang gago tinakot ako kaya dali dali akong lumabas."Don't make me comback there and take you. You will never know what I will do to you," naka ngisi nitong sabi.Nataranta ako sa narinig kaya dali dali akong tumakbo palabas, hinabol ko ito ng mabilisan hanggang sa makarating ako sa kaniyang likuran. Wala sa sariling umabrisiyete ako sa kaniya na kinahinto nito. "Bakit k

  • My Hot Tempered Man   Ika-125

    KARL POV:"Dammit," bulong ko ng yakapin niya ako ng mahigpit. Pinipilit kong baklasin ang kaniyang kamay para sana ilayo siya sa akin pero lalo lang niya akong niyakap ng mahigpit. Nakaramdam ako ng pag iinit ng aking katawan lalo na ng maramdaman ko ang kaniyang dibdib na naipit sa aking likuran. Ang lambot nito na nag bounce sa likod ko kaya hindi ko makontrol ang aking sariling tigasan.I felt my groin harden from my pants and shit I can't control myself. Ang lakas ng karisma niya, ito yung iniiwasan ko sa kaniya. "Not now...dammit," bulong ko ng makaramdam ako ng walang pagsidlan na init."Mec, ta zone de l'aine se voit à travers ton pantalon." (damn dude, you're groin shows on your pants.)..." ika ni Raven sa seryosong tinig.Wala sa sariling kinuha ko ang bag ni Issa at palihim na nilagay ko sa aking harapan ito. Wala namang kaalam alam ang magkakaibigan sa mga pinag uusapan namin lalo na sa nangyayari sa akin kaya kaming magkakaibigan lang ang nakakaalam nito.Nagtawanan nama

  • My Hot Tempered Man   Ika-124

    Naiiling ako ng makita si Satanas na nakisali na rin sa pagkain ng barbeque pero ang balot, iniwasan nilang magkakaibigan. Hindi daw makain yun kaya sa mga tauhan na lang daw nila at kaylangan nila ng lakas.KIta mo na ang ugali ng mga gagong to, palibhasa hindi nila alam kung ano ang masarap na pagkain sa hindi. Pagkatapos kong kumain, dumiretso ako sa banyo saka naghugas at nag tooth brush. Nangangamoy ang kinain namin kaya kaylangan kong maghugas.Nagulat ako ng paglabas ko nakita ko ang aking mga kaibigan na masayang nakikipag kwentuhan sa mga kaibigan ni satanas. Feeling nila close na close na sila sa kanila na para bang walang nangyari kagabi sa mga gagang to."We will go home later together," ani satanas kaya napataas ang aking kilay. Dadakdakan ko sana ang gago ng bigla kong maalala ang usapan naming dalawa. Naitikom ko din agad ang aking bibig ng maalala yun. Kaylangan ko palang maging mabait dito."Can I stay at my condo for today? Bukas na lang ako pupunta sa-" hindi ko na

  • My Hot Tempered Man   Chapter123

    Halos masuka sila sa kanilang mga hitsura ng makita ang sinubo ni Jasmin kay Raven. Tawang tawa kami ni Khristel ng sinubo nito ng buo ang sisiw ng balot kay Raven. Hindi naman ito nagreklamo pero kitang kita sa mukha niya ang pamumula. Sinubo niya ito sabay lunok agad saka dali daling kinuha ang softdrinks na hawak hawak ni Jasmin.Halos maubos niya yung inumin, putlang putla ang mukha. Halata talagang hindi pa sila nakakita ng ganito. Nakakatakot silang tingnan lalo na sa tuwing nagsasalita sila at sa mga action pero sa isang balot lang pala sila tumitiklop.Pakainin ko kaya ang mga ito ng balot araw araw para naman bumait sila sa amin lalo na sa akin. I am sure na magkikita na kami ng madalas ang mga to lalo na ngayon na may usapan kami ni Satanas. May isang salita naman ako no, lalo na ngayon na kaylangan ko rin siya para sa aming protection ng aking kaibigan. Napapatitig nga ako kay Raven at Jasmin, may chemistry ang dalawang to. Nagtataka nga ako kung bakit napakain ni Jasmin

  • My Hot Tempered Man   Ikalimang Kabanata

    "She's too arrogant to the point that I want now to kill her," Ika ng isang naka-itim ang suot. Masungit ang lalaking ito, siya ang laging nagbibigay ng mga hawak nitong papel sa lalaking nakakatakot. Nakita ko ang katabi nitong gwapo din pero napapa-iling sa akin."Tu vas le sentir, alors pose ton

  • My Hot Tempered Man   Ikaapat na Kabanata

    Kinabukasan, naligo agad ako dito at nagpalit. Naalala kong mayroon pa pala akong mga gamit dito dahil sa tuwing nagpupunta ako dito, iniiwan ko na ang iba kong mga gamit para kahit na bumalik ako dito may mga damit akong magagamit kapag. Ganoon din ang iba kong mga kaibigan, rotation kami kapag pa

  • My Hot Tempered Man   Ikatlong Kabanata

    Tumayo ang aking balahibo sa katawan ng makita ko ang lalaking sinipa ko ang itlog kanina. Mukhang sa mukha talaga ako ang pakay nila dito. Nalaman agad nila kung saan ako nakatira, mukhang hindi basta basta ang lalaking ito. Paano na kaya ako ngayon sa isip isip ko habang naglalakad paalis sa lugar

  • My Hot Tempered Man   Simula

    Ako si Issa Moreno, I am currently in 3rd year college, taking BSED (Batchelor of Science in Secondary Education) at nag aaral sa (FEU) Far Eastern University. I am already 29 years old at dahil sa kahirapan ng aming buhay hindi agad ako naka pag aral. Tumulong ako sa aking mga magulang, apat kamin

บทอื่นๆ
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status