Home / Romance / My Husband Wants Me Back After Divorce / CHAPTER THREE:Ang Muling Pagkikita

Share

CHAPTER THREE:Ang Muling Pagkikita

Author: Keichan
last update publish date: 2026-02-08 19:08:16

Agad namang napatampal sa noo ang kapatid nyang si jero habang nakatingin ito sa kanya.

"Bakit mo naman ginawa yan!lagot tayo!

" Wag mong alalahanin yan kuya,hindi naman malalaman ni daddy ang ginagawa natin!" Sabay guhit ng isa pang napakahabang linya nito sa gilid ng mamahaling kotse habang tuwang tuwa sa kanyang ginagawa.

Bagamat hindi pa nila nakikilala ang kanilang ama sa personal,ay madalas na rin nila itong nakikita at napapanood sa tv kasama ang mga magagandang babae habang nagsasaya ito sa mga nagdaang taon.

Kaya nang makita nila ito personal sa unang pagkakataon ay agad na rin nila itong nakilala. 

Ayaw ni Vhianne na magbanggit ng kahit na anong bagay sa mga bata patungkol sa kanyang dating asawa dahil sa mga ginawa nitong pananakit ng damdamin sa kanilang ina. 

Kaya alam ng mga bata ang tungkol sa ibang impormasyon ng kanilang ama dahil na rin sa matalik nilang kaibigan na si Rio. 

Kaya hindi rin lingid sa kaalaman ng mga ito ang ginawang pananakit ng kanilang ama sa kanilang ina. 

Nang makarating si yanyan sa parking lot kung saan naroon ang kanyang mga kapatid ay sumigaw ito habang tumatakbo papalapit sa kanila.

"Kuya mark ano po ang ginagawa nyo?? " 

Agad naman itong tinakpan ng kamay ang bibig ni yanyan" shh wag kang maingay!hinaan mo lang boses mo! Ginagasgasan ko ang kotse ni daddy," pabulong nitong sabi sa nakababatang kapatid.

Na agad rin namang napatakip ng bibig ang bata at hindi na gumawa ng kahit anong ingay.

" Kuya ano bang ginagawa mo?baka pagalitan tayo!"ulit na tanong ni yanyan sa kapatid.

" Wag mo alalahanin yan,ayos lang yan,astig diba?"sabay hagikgik nito habang nakatakip ang bibig na tuwang tuwa.

"Nasaan na ba si mommy?tapos na ba sya sa kanyang trabaho?"tanong ni mark sa kapatid.

Na agad namang tumugon,"hindi pa po, umalis po sya ulit, pinatawag po ng kanyang manager." 

Sa Office:

Nang makarating si Vhianne sa opisina ng kanyang Manager, natagpuan nya ang babaeng si Mia na nakaupo sa sofa,ang babaeng no'oy mahal n mahal ng kanyang dating asawa na si Zach. "Amethyst , halika tuloy ka! Sambit ng manager habang kumakaway. 

"Ito nga pala si Mrs.Guererro , sya yung naghahanap sayo." Pagpapakilala ng manager sa bisita. "Mrs. Guerrero?si Ms.Amethyst,sya po ang aming super model ng companya at pinaka magaling na fashion designer.

"Oh Hi! ikaw pala, nice to meet you Mrs. Guerrero" 

Pag bati nya sa bisita habang napipilitang ngumiti. 

"Sya nga yon! Matapos akong makipag hiwalay ay agad nga naman pala talaga silang nagpakasal," bulong nito sa sarili. 

Hindi na nagpaligoy ligoy pa Si Mia sa kanyang sadya kay Vhianne bilang isang modelo ng companya.

"Ms. Amethyst , hindi na ako magpapaligoy ligoy pa," sambit nito habang ibinababa ang tasa ng kape na i iinom nya. "Gusto ko sanang suriin mo at tingnan ang ilan sa mga magagandang saya at gown namin." Sabay titig nito sa mukha ni Vhianne na no'oy natatakpan pa rin ng manipis na maskara. 

Sumikat at nakilala si Vhianne sa buong bansa online dahil sa angking talino at ganda nito sa larangan ng fashion bilang modelo ng ibat ibang mga kasuotan. 

"Balita ko ,hindi ka lang daw basta isang modelo kundi isa ka ring Fashion designer, tama ba? ....

Gusto ka sana naming imbetahan at kunin para sumama sa amin ng ilang araw para tignan ang aming mga edenisenyong mga kasuotan,sabihin mo kung magkano,handa ka naming bayaran ng malaki "dagdag pa nito.

Buong kumpyansa naman at pagtitiwala ni Mrs.Guererro na walang kahit na sino ang makakatanggi sa kanyang iniaalok kasabay ng pag higop sa tasa ng iniinom nyang kape habang naghihintay sa sagot ni Vhianne.

Isa ngang kahanga hangang fashion designer at modelo si Vhianne ngunit sa kasamaang palad ay hindi nila ito napapayag na sumama sa kanila. 

"Pasensya na Mrs. Guerrero, hindi ko matatanggap ang iniaalok ninyo.... Oo isa nga akong fashion designer pero pagiging modelo ang profession ko, kung gusto nyo maari naman kayo maghanap ng iba at tanggapin ang alok ninyo. "

Paumanhin po pero kailangan ko ng umalis." Dugtong pa nya. 

" Teka sandali lang muna!"sigaw na pagpigil kay Vhianne sa pag alis." Hindi mo ba alam kung sino ako? Di mo ba ako kilala? "Tanong nya kay Vhianne." Baka pwedeng pag isipan mo muna ang presyo bago ka umalis. "

" Oo alam ko ang sinasabi ko, alam kong tumatanggi ako, di ko n kailangan pag isipan pa!. Sagot ni Vhianne. 

.

Tumayo si Mrs.Guerrero at hinawakan ang mga bisig ni Vhianne na sa sandaling iyon ay desperadong mapapayag nya si Vhianne na sumama. 

Agad namang kumunot ang kanyang noo at dahan dahan na ibinaba ang kanyang tingin sa mga kamay na nakahawak sa kanyang bisig ng mahigpit.

" Teka sayo ba ang luxury watch na yan? "Tanong ni Vhianne nang makita nito ang suot ni Mia na relo na agad naman nyang nakilala ang kanyang gamit. 

" Oo, bigay sakin to ng asawa ko."bakit may problema ba?" 

Agad na nakaramdam ng paninikip ng dibdib at kirot dahil sa nalaman nito. Alam nya na mga gamit nya ito subalit pinakialaman ng kanyang dating asawa at ibinigay sa babaeng pinakasalan nya. 

Kasabay nun,ay pumiglas si Vhianne sa pagkakahawak nito sa kanya ni Mrs.Guererro.

" Ibinigay yan sakin ng aking ina,ang sama ng ugali nyo."bulong nito sa sarili .

Nagmamadaling umalis si Vhianne nung mga sandaling iyon dahil sa sakit at kirot ,poot na kanyang nadarama kaya naiwan nya ang pamana ng kanyang ina limang taon na ang nakararaan kaya ngayon,nasa kamay na ito ni Mrs. Guerrero.

Makaraan ang ilang saglit ay dumating si Zach sa pinto at nagtama ang kanilang mga mata ni Vhianne;nagkatitigan na para bang may galit at poot ,bumalik lahat ng kirot sa dibdib ng ilang taon. 

Napakiyom ng kamao si Vhianne ng makita ang dating asawa.

"Zach Guerrero!! ikaw nga!" Bulong nito sa sarili na may halong galit at poot. 

Tama nga ang sinabi ng kanyang anak na si yanyan na totoong nakita ng magkakapatid ang kanila ama . 

Di inakala ni Vhianne na pagkalipas ng limang taon ay muling magtatagpo ang kanilang mga landas, ayaw na nya sana itong makita dahil sa kanyang nakaraan. 

Hindi pwedeng malaman ni zach ang tungkol sa kanyang mga anak dahil alam niya na kapag nalaman nya ang tungkol dito ay maaring kunin nya ito at bawiin sa kanya, ito na rin ang kanyang naging buhay matapos syang magpakalayo layo. 

Ito rin ang naging dahilan kung kaya't mas lalong naging maingat si Vhianne sa mga nagdaang taon. 

Napayuko si zach sa kanya na para bang pilit na gustong makita ang kanyang mukha na natatakpan ng manipis na maskara. 

Dahilan ng pag kabog ng puso ni Vhianne at takot sa kanyang nararamdaman.

Kinabig ulit ni Mrs. Guerrero ang bisig ni Vhianne at sandaling nabago ang ekspresyon nito sa muka. 

"Zach, nakausap ko na sya pero ayaw pumayag ni Ms. Amethyst, pakiramdam ko minamaliit nya ang pamilya natin," sambit nito sa kanyang asawa . 

"Babayaran ka namin,magkano ba?" 

Sagot ni Zach habang mariin itong nakatitig sa kanyang dating asawa .

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • My Husband Wants Me Back After Divorce    Chapter 26

    ... Biglang nakaramdam si Vhianne ng labis na kalungkutan sa kanyang puso, at namutla ang kanyang mukha dahil sa pakiramdam na mukhang di na niya matatakasan pa si Zach at wala na siyang mitatago pa. Itinaas niya ang kanyang ulo at tumingin sa mga mata ni Zach habang namumutla at sinabi. "Ano ba ang gusto mo na dapat kong ipaliwanag sayo? “ aniya na nanginginig ang boses. Tinitigan ni Zach si Vhianne sa mga mata na may namumuong galit sa kanyang mukha at may kakaibang titig nito sa kanya. Hindi niya lubos na inaasahan na ang taong makagagawa nito ay wala iba kundi si Vhianne. " Wala na akong dapat na ipaliwanag pa sayo Zach!, ano pa ba ang gusto mo? " Sambit ni Vhianne. Kahit na nanginginig ang boses ni Vhianne, ay pilit niyang pinapakalma ang sarili at kumikilos na parang hawak ang sariling mundo at katatagan. Mas lalong nakita sa mga titig ni Zach ang pagkagalit nito sa kanyang puso na agad namang naramdaman ni Vhianne ang kakaibang init nito sa kanya

  • My Husband Wants Me Back After Divorce    Chapter 25

    "sir, nandito po ba tayo para mag paternity test? Tanong nito habang hawak ang telepono na naka on call. " Uhmm.... " " Sir.. sino po ang kasama? "Tanong nito habang naguguluhan sa nangyayari. " Bakit ba ang dami mong tanong, manahimik ka nalang diyan at sumunod. " " Pero sir, may nangyayari po sa kumpanya, mukhang mas mahalaga po ito na malaman nyo at kayo po mismo ang mag ayos personal." Sambit ni Gian habang takot at nangangamba sa mga nangyayari sa loob ng kompanya. Kumunot ang noo ni Zach at tumaas ang kilay," Bakit, ano ba yun? Anong nangyayari sa kompanya?"Tanong niya. Sa mga sandaling ito, patuloy ang pag play ng video sa malaking screen sa loob at labas ng gusali na pag mamay ari ng Luther Corp. Isang uri ng video na nakasuot ng pang kasal sina Zach at Mia na edited at pawang mga gawa sa AI Animation.Malakas ang tugtog ng speaker ng screen sa lobby at malinaw na kitang kita ang mga mukha nina Zach at Mia na AI generated at sumasayaw na parang mga baliw at lok

  • My Husband Wants Me Back After Divorce    Chapter 24

    Kinagabihan, nagsalo salo ang lahat para sa isang hapunan, hiniling ng matanda kay Vhianne na pagkatapos niyang maghapunan ay mamalagi na muna siya sa bahay. Ngunit, tinanggihan ni Vhianne ang alok ng matanda dahil nag aalala rin ito sa dalawang anak na lalaki na nasa lumang bahay niya ngayon. At kapag mas tumagal pa siya sa bahay ay baka mas lalong maghinala ang matanda at si Zach. "Hindi na po lolo,aalis na po ako pagkatapos ko." Magalang na sagot nito sa matanda. Aalis din naman si Mia kaya panatag ang kanyang loob na iwan muna si Yanyan sa Kamay ni Zach. "Oh sige, kung yan talaga ang gusto mo, di na kita pipilitin pa." Sagot ng matanda, "mag iingat ka." "Opo." Pagkatapos ay tumayo na si Vhianne at kinuha ang kanyang gamit matapos na kumain. Palihim namang sumulyap si Vhianne kay Yanyan. Habang paalis na si Vhianne, agad naman na nagpaalam si Yanyan kay Vhianne. "Paalam po tita!" Sigaw nito habang kinakaway kaway niya ang kanyang mga kamay na nakataas. Ngumiti si Vhianne at

  • My Husband Wants Me Back After Divorce    chapter 23

    Tumango ang matanda. "Oo, ganun na nga." "Kapag natapos na ang paternity test, tiyak na magiging malinaw at maayos na ang lahat, masasagot na ang lahat ng mga paghihinala at pagdududa." Tahimik na nakakunot ang noo ni Zach at sandaling nag isip. "Ang sabi mo, hindi pa naman nakokontak ang magulang ni Yanyan. Ngayong nakabalik na si Vhianne, ang pagdating ni Yanyan mag isa sa airport, hindi ba't kahina hinala iyon?“ dahan dahang sambit ng matandang lolo. Gayunpaman,sa kabila ng mga kahina hinalang ito, palaging may makatwirang paliwanag dito kaya hindi malaman agad ang totoo sagot. " Wala naman sigurong mawawala diba, kung susubukan natin, kaya marapat lang na gawin natin ang paternity test para malaman natin ang totoo. Iyon nalang ang nakikita kong sagot para malutas ang lahat ng pagdududang iyan." Paliwanag ng matanda. Tumango si Zach. "Naiintindihan ko." Sumang ayon si Zach sa gusto mangyari ng matanda. Pagkatapos nilang mag usap ay agad na tumayo so Za

  • My Husband Wants Me Back After Divorce    Chapter 22

    Malinaw ang kuha ng surveillance, kitang kita na kinuha ni Mia ang takure at inilipat malapit sa tabi ni Yanyan. Ilang sigundo lang ang lumipas ay tumayo siya ulit at nagkunwaring may kukunin na anumang bagay at sinadya niyang tabigin ang takure para mahulog papunta sa bata. Nang mapanood ni Zach ang buong Video, napapikit siya ng mariin pagkatapos ay tumingin kay Mia. Napailing si Mia, medyo nataranta na parang hindi niya alam ang gagawin habang tumutulo ang mga namumuong luha sa kanyang mga mata. "Zach, hindi... mali ang iniisip mo, hindi ganun,maniwala ka sa akin, inilipat ko ang takure dahil nangangamba ako na baka matabig at mahulog ng bata kaya nilagay ko sa ligtas na lugar, hindi ko alam na ganito ang mangyayari, aksedente lang." Biglang nanlamig ang ekspresyon ng mukha ni Vhianne. "Nahuli kana nga , nagsisinungaling ka pa rin? ang lakas ng loob mo, ang linaw linaw ng kuha ng surveillance pilit mo pa ring itinatanggi? Kapal ng mukha mo!" Gigil na sabi no Vhianne. Umil

  • My Husband Wants Me Back After Divorce    Chapter 21

    Agad namang naabutan ng magulang ang kanyang mga anak at mabilis na humingi ng tawad."pasensya na po." Sambit ng ina ng mga bata. Tumango si Zach habang nakatingin sa mga bata, "wala lang yun,ayos lang." Walang kahit na anong bakas na emosyon sa kanyang mukha. Pagkatapos ay umalis na sila na may hiya dahil sa pagkakabangga ng kanyang mga anak at nagpatuloy na rin sa paglakad si Zach palayo. Inakala ni Zach na iyon na ang mga bata na mabilis niyang sinusundan kanina ngunit hindi pala. Samantala, natagpuan na ng dalawang magkapatid sina Vhianne at Yanyan sa pasilyo ng ospital. “Mommy, Yanyan! “sigaw ng dalawa. Napalingon si Vhianne sa kanyang bandang likuran. Nakarating sila ng ligtas at nahanap nila ito ng buong sikap mula sa lungsod hanggng sa makarating ng ospital. Mabilis naman silang sinalubong ng Ina at agad na inakay papunta sa gilid ng hagdan ang tatlong maliliit na bata. "Kuya, ang galing mo, the best ka talaga! Nahanap mo kami ni mommy." Sabay palakpak si Yanyan p

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status