ログインLimang taon na ang nakakalipas.
Sa isang malawak at kilalang gusali sa maynila,sa malaking espasyo ng bulwagan kung saan naroon nagkakatipon ang mga kilala at mahahalagang tao para dumalo sa isasagawang events.
Ang babaeng naka suot ng isang napakagandang kulay pula na saya,ang mga buhok na nakatali at natatakpan ng isang manipis na maskara sa muka na halos hindi maaninag ang tunay na ganda pero nakikita sa bawat galaw at pagkilos nitong napakahinhin at malamig na pananalita.
Maayos at buong kumpyansa nyang ipinakilala ang sarili na nasa gitna ng entablado at bawat manonood ay kanyang kanyang hiyawan sa kani kanilang mga kinauupuan at sabay sabay na nagbibigay ng malaking suporta.
Sa ikalawang palapag kung saan naroon si Zach na nagmamasaid sa buong silid ay nakatingin sa kanya.
"Sya ba ang babaing pilit na hinahanap at gustong makita ni lolo?"
"Opo,sya nga po," habang iniaabot ang mga documeto. "Ang pangalan nya po ay Amethyst" Dagdag pa ng assistant. "Sumali po sya sa kumpanya bilang isang fashion model limang taon na po ang nakalilipas,sa unang pagkakataon ng pag sali nya ay umani sya ng malaking halaga sa pagtatanghal nang nagkakahalaga ng 2milyon na halos domuble pa ito sa anim napung milyon kaya mabilis po syang nakilala sa buong bansa."
"Bakit di sya nagpapakita ng muka?lagi ba syang naka suot ng maskara?" Nakayukong nakapikit at nakahawak sa noong tanong ni Zach sa assistant.
Sandaling tumigil ang assistant at nagisip." Yes Sir,marami po akong nasagap na information tungkol sa kanya,may mga taong nagaalok at handang magbayad ng malaking halaga para lang alisin at hubarin nya ang kanyang suot na maskara pero mariin nyang itinatanggi,may ilan din na nagsasabi na panget daw ang kanyang mukha kaya ayaw nyang hubarin ang kanyang takip sa muka."
Pinatay ni zach ang kanyang sigarilyo at tahimik na pinagmasdan ni Zach ang babae na nakatayo sa taas.
" Ang ganda ng kanyang mga mata,paano mo nasasabing panget ang ganitong tao na may taglay na napakagandang mga mata?"
"Sa tingin mo? Sino kaya ang kamukha nya...
"Gusto ko syang makita, dalhin mo sya rito sakin mamaya. "
Kasabay nun,ay tumayo na rin si Zach at humakbang ng ilang beses at huminto sabay tanong sa kanyang assistant.
" Hanggng ngayon ba,wala ka pa ring nakakalap na balita tungkol kay Vhianne?
"Wala pa po Mr.Zach,pasensya na po." Magalang na tugon ng assistant.
Limang taon na rin ang nakalipas magmula nung biglang nawala na parang bula ang kanyang asawa matapos itong makipag devorce sa kanya at ipalaglag ang kanyang anak at hindi na muling nagpakita pa sa loob ng limang taon.
"Maghanap ka pa.," sambit ni Zach na biglang sumakit ang ulo.
Sa mga sandaling yun,determinadong gustong gusto na mahanap ni Zach ang kanyang asawa,gumugol ng mahabang taon para lang mahanap ito.
Maraming mga tanong ang gumugulo sa kanyang isipan na gusto nyang iparating at itanong sa kanyang asawa kung bakit nga ba ito nakipaghiwalay at tuluyan nang nawala .
Umalis si Zach na baon baon ang kanyang determinasyon at paninindigan na mahanap nya ang kanyang dating asawa.
Ang assistant naman nyang nangangatog na sa sobrang kaba at takot, butil butil na malalamig na pawis ang pumapatak mula sa kanyang mukha habang nakatayo , Hinalughog na nya ang lahat ng lugar ,at kung saan saan na rin sya nakarating para maghanap pero kahit anong gawin nya ay wala pa rin syang natatagpuang kahit anong bakas ni Vhianne.
Halos mawalan na nang pag asa sa pag hahanap si ginoong Gian sa limang taon nyang paghahanap.
"Ang hirap naman nito,sambit nya na halos di na alam ang gagawin," Ms.Vhianne nasaan kana ba?"bulong nito sa sarili habang nagiisip ng paraan kung paano nya mahahanap si Ms.Vhianne.
Limang taon na ang nakalilipas mag mula nung umalis sya at pumunta ng abroad para ayusin ang sarili at doon magsimula ulit ng panibagong landas, umuwi sya ng pinas at sumali sa isang grupo ng companya bilang isang fashion designer at supermodel. Bawat pag kakataon na humaharap sya sa mga tao ay palagi na nyang tinatakpan ang kanyang muka, pinalitan ang pangalan ng amethyst para hindi mag dulot ng kahit anong gulo at para na rin sa kanyang pagkakakilanlan at seguridad.
Nang makarating na sa opisina.
"Mommy!!! " Sigaw ng isang batang babae na tumatakbo palapit sa kanya para salubungin sya.
Bumungad ang isang napakaganda at maamong muka ni Vhianne sa kanyang anak at hinalikan ito s magkabilang pisngi.
"Kumuzta ang babygirl ko?" Tanong nya sa kanyang anak, nainip ka ba sa pag hintay kay mommy? Asan mga kapatid mo? "Dagdag pa nya.
" Lumabas po sila kuya mommy,di po nila ako sinama,maglalaro daw po sila ng larong panlalaki."tugon ng bata
" Kawawa naman ang yanyan ko na yan... "
Na nooy nasa sinapupunan pa lamang nya ang bata ay agad syang nakaramdam ng pagka awa sa anak at napagtanto na di nya kayang mawala ang sariling anak nang makita nya ang operating room para dun sana nya ipalaglag ang bata.
Di pa man ganun katagal mag mula nung makabalik sya ng bansa ay nanganak sya ng tatlong napakaganda at gwapong mga anak,isang babae na si yanyan at dalawang lalaki na si Jero at Mark.
Si jero ang panganay na anak, si mark naman ang pangalawa at si yanyan naman ang pinaka bunso sa magkakapatid.
Mariing pinagmamasdan ni Vhianne ang kanyang anak na si yanyan habang nakangiti dahil sa hindi pag tuloy nito sa kanyang plano na ipalaglag ang bata.
"Mommy,hulaan mo sino ang nakita namin kanina nila kuya." Tanong nito sa ina habang buhat buhat nito sa mga kamay.
"Sino?"
"Nakita po namin si daddy,isa po syang masama...masamang daddy,yung nasa tv,ang pangalan nya ay Zach Guerrero,hindi po sya mabait."
Dahil sa narinig nya muli ang pangalan ng kanyang dating asawa ay nakaramdam sya na kaunting paninikip ng dibdib na noon pa man ay wala na halos syang balita tungkol sa lalaking ito sa nagdaan na mga taon.
Sa loob ng mahabang panahon ay tuluyan na nya itong nakalimutan ngutin dahil sa narinig nya ulit ang pangalan ng kanyang dating asawa ay bigla syang nakaramdam ng lungkot at bigat sa nakaraan.
"Pero bakit andito si Zach?anong ginagawa nya dito?" Pabulong na tanong nya sa bata ng biglang syang makarinig ng katok mula sa pintuan na nagpatigil sa paguusap ng mag ina.
"Sino yan!?"
"Vhianne may naghahanap sayo, pinapatawag ka ng Manager, may isang taong kilala na gusto kang makita at makausap ."
"Sino ang taong ito?" Tanong nito sa sarili. "Oo sige maunan kana, susunod ako." Tugon nya.
Agad naman nyang ibinaba si yanyan sa sofa at pinaupo saka inabutan ng makakain.
"Yanyan, anak? Aalis lang muna saglit si mommy okay? Be good, hintayin mo si mommy dito."
"Magtatrabaho ba ulit si mommy?" Tanong nito sa ina na nakunot ang noo.
"Be good okay?, hintayin mo si mommy dito,kumain kana muna, mamaya aalis tayo, kakain tayo sa masarap na kainan kasama mga kapatid mo. Okay,? "
Pag kaalis ni Vhianne ng silid , ay agad namang bumaba si yanyan at tumakbo upang silipin sa bintana ang tanawin sa labas.
" Umalis na naman si mommy,"nababagot na saad ni yanyan sa sarili." Pero anong magagawa ko,di ko pwede abalahin Si mommy sa trabaho nya."dagdag pa nya.
Tinawagan nya ang kanyang mga kapatid na agad din naman itong tumugon sa kanya at ibinigay kung nasaan sila naroon.
Sa parking lot:
Habang nandun ang dalawang magkapatid na si jero at mark na nakatayo sa tabi ng isang mamahaling sasakyan na nagbabalak na tangkain nilang gasgasan ang kotse ng kanila ama.
"Sigurado ako, saksakyan to ni daddy,. Nakita ko sya bumaba galing dito kaya sa kanya to , walang duda."
Dahil sa inis ni Mark, sinulatan at ginasgasan nya ang itim na kotse ng kanilang ama gamit ang hawak nitong matalim na bagay. " Ayan! Ayos! Astig ! "Natatawang sambit nito sa kapatid .
... Biglang nakaramdam si Vhianne ng labis na kalungkutan sa kanyang puso, at namutla ang kanyang mukha dahil sa pakiramdam na mukhang di na niya matatakasan pa si Zach at wala na siyang mitatago pa. Itinaas niya ang kanyang ulo at tumingin sa mga mata ni Zach habang namumutla at sinabi. "Ano ba ang gusto mo na dapat kong ipaliwanag sayo? “ aniya na nanginginig ang boses. Tinitigan ni Zach si Vhianne sa mga mata na may namumuong galit sa kanyang mukha at may kakaibang titig nito sa kanya. Hindi niya lubos na inaasahan na ang taong makagagawa nito ay wala iba kundi si Vhianne. " Wala na akong dapat na ipaliwanag pa sayo Zach!, ano pa ba ang gusto mo? " Sambit ni Vhianne. Kahit na nanginginig ang boses ni Vhianne, ay pilit niyang pinapakalma ang sarili at kumikilos na parang hawak ang sariling mundo at katatagan. Mas lalong nakita sa mga titig ni Zach ang pagkagalit nito sa kanyang puso na agad namang naramdaman ni Vhianne ang kakaibang init nito sa kanya
"sir, nandito po ba tayo para mag paternity test? Tanong nito habang hawak ang telepono na naka on call. " Uhmm.... " " Sir.. sino po ang kasama? "Tanong nito habang naguguluhan sa nangyayari. " Bakit ba ang dami mong tanong, manahimik ka nalang diyan at sumunod. " " Pero sir, may nangyayari po sa kumpanya, mukhang mas mahalaga po ito na malaman nyo at kayo po mismo ang mag ayos personal." Sambit ni Gian habang takot at nangangamba sa mga nangyayari sa loob ng kompanya. Kumunot ang noo ni Zach at tumaas ang kilay," Bakit, ano ba yun? Anong nangyayari sa kompanya?"Tanong niya. Sa mga sandaling ito, patuloy ang pag play ng video sa malaking screen sa loob at labas ng gusali na pag mamay ari ng Luther Corp. Isang uri ng video na nakasuot ng pang kasal sina Zach at Mia na edited at pawang mga gawa sa AI Animation.Malakas ang tugtog ng speaker ng screen sa lobby at malinaw na kitang kita ang mga mukha nina Zach at Mia na AI generated at sumasayaw na parang mga baliw at lok
Kinagabihan, nagsalo salo ang lahat para sa isang hapunan, hiniling ng matanda kay Vhianne na pagkatapos niyang maghapunan ay mamalagi na muna siya sa bahay. Ngunit, tinanggihan ni Vhianne ang alok ng matanda dahil nag aalala rin ito sa dalawang anak na lalaki na nasa lumang bahay niya ngayon. At kapag mas tumagal pa siya sa bahay ay baka mas lalong maghinala ang matanda at si Zach. "Hindi na po lolo,aalis na po ako pagkatapos ko." Magalang na sagot nito sa matanda. Aalis din naman si Mia kaya panatag ang kanyang loob na iwan muna si Yanyan sa Kamay ni Zach. "Oh sige, kung yan talaga ang gusto mo, di na kita pipilitin pa." Sagot ng matanda, "mag iingat ka." "Opo." Pagkatapos ay tumayo na si Vhianne at kinuha ang kanyang gamit matapos na kumain. Palihim namang sumulyap si Vhianne kay Yanyan. Habang paalis na si Vhianne, agad naman na nagpaalam si Yanyan kay Vhianne. "Paalam po tita!" Sigaw nito habang kinakaway kaway niya ang kanyang mga kamay na nakataas. Ngumiti si Vhianne at
Tumango ang matanda. "Oo, ganun na nga." "Kapag natapos na ang paternity test, tiyak na magiging malinaw at maayos na ang lahat, masasagot na ang lahat ng mga paghihinala at pagdududa." Tahimik na nakakunot ang noo ni Zach at sandaling nag isip. "Ang sabi mo, hindi pa naman nakokontak ang magulang ni Yanyan. Ngayong nakabalik na si Vhianne, ang pagdating ni Yanyan mag isa sa airport, hindi ba't kahina hinala iyon?“ dahan dahang sambit ng matandang lolo. Gayunpaman,sa kabila ng mga kahina hinalang ito, palaging may makatwirang paliwanag dito kaya hindi malaman agad ang totoo sagot. " Wala naman sigurong mawawala diba, kung susubukan natin, kaya marapat lang na gawin natin ang paternity test para malaman natin ang totoo. Iyon nalang ang nakikita kong sagot para malutas ang lahat ng pagdududang iyan." Paliwanag ng matanda. Tumango si Zach. "Naiintindihan ko." Sumang ayon si Zach sa gusto mangyari ng matanda. Pagkatapos nilang mag usap ay agad na tumayo so Za
Malinaw ang kuha ng surveillance, kitang kita na kinuha ni Mia ang takure at inilipat malapit sa tabi ni Yanyan. Ilang sigundo lang ang lumipas ay tumayo siya ulit at nagkunwaring may kukunin na anumang bagay at sinadya niyang tabigin ang takure para mahulog papunta sa bata. Nang mapanood ni Zach ang buong Video, napapikit siya ng mariin pagkatapos ay tumingin kay Mia. Napailing si Mia, medyo nataranta na parang hindi niya alam ang gagawin habang tumutulo ang mga namumuong luha sa kanyang mga mata. "Zach, hindi... mali ang iniisip mo, hindi ganun,maniwala ka sa akin, inilipat ko ang takure dahil nangangamba ako na baka matabig at mahulog ng bata kaya nilagay ko sa ligtas na lugar, hindi ko alam na ganito ang mangyayari, aksedente lang." Biglang nanlamig ang ekspresyon ng mukha ni Vhianne. "Nahuli kana nga , nagsisinungaling ka pa rin? ang lakas ng loob mo, ang linaw linaw ng kuha ng surveillance pilit mo pa ring itinatanggi? Kapal ng mukha mo!" Gigil na sabi no Vhianne. Umil
Agad namang naabutan ng magulang ang kanyang mga anak at mabilis na humingi ng tawad."pasensya na po." Sambit ng ina ng mga bata. Tumango si Zach habang nakatingin sa mga bata, "wala lang yun,ayos lang." Walang kahit na anong bakas na emosyon sa kanyang mukha. Pagkatapos ay umalis na sila na may hiya dahil sa pagkakabangga ng kanyang mga anak at nagpatuloy na rin sa paglakad si Zach palayo. Inakala ni Zach na iyon na ang mga bata na mabilis niyang sinusundan kanina ngunit hindi pala. Samantala, natagpuan na ng dalawang magkapatid sina Vhianne at Yanyan sa pasilyo ng ospital. “Mommy, Yanyan! “sigaw ng dalawa. Napalingon si Vhianne sa kanyang bandang likuran. Nakarating sila ng ligtas at nahanap nila ito ng buong sikap mula sa lungsod hanggng sa makarating ng ospital. Mabilis naman silang sinalubong ng Ina at agad na inakay papunta sa gilid ng hagdan ang tatlong maliliit na bata. "Kuya, ang galing mo, the best ka talaga! Nahanap mo kami ni mommy." Sabay palakpak si Yanyan p







