Share

Kabanata 2

MAHIGIT isang taon na simula noong maikasal si Ace kay Athena. Ilang buwan na rin niyang pinagtitiisan ang pamilyang Lazarus at umaabot na nga sa punto si Ace na nais niya na sila paslangin subalit matitigan lamang niya ang magandang mukha ng kaniyang asawa ay napapawi ang galit sa kaniyang dibdib.

Isang taon na rin pala ang lumipas simula noong iwanan niya ang totoong buhay niya sa kadahilanang ninais niyang manahimik at mamuhay malayo sa katotohanan. Sa mga oras na ito ay kasalukuyang ginagawa ni Ace ang trabaho sa loob ng bahay. Wala ang kaniyang asawa dahil mayroon itong inaasikaso sa kompanya kaya nakakakuha nang tiyempo ang kaniyang mga manugang para api-apihin at utus-utusan siya.

"Ano pa ang ginagawa mo riyan, Ace! Kumilos ka na at marami ka pang gagawin! Huwag kang tatamad-tamad!" Umalingaw-ngaw ang matilis na boses ng ina ni Athena sa buong pasilyo ng mansion. Halos malalaking butil na ng pawis ang tumutulo sa kaniyang mukha dahil sa walang tigil nilang utos sa kaniya. Halos naman liparin ni Ace ang daan papunta sa Ginang.

"May ipapagawa ka pa ba sa akin, Mama?" Tanong ni Ace sa biyenan kaya naman ay nag-iba ang timpla ng mukha nito.

She said, "Don't call me, Mama dahil wala akong manugang na kasing-dukhang katulad mo," aniya kaya isang malakas na buntong-hininga ang pinakawalan ni Ace. Mas pinili na lamang ni Ace na huwag na pansinin ang pangmamaliit niyq sa kaniya dahil ninais niyang iwasan na mas lalo pa itong magalit sa kaniya.

"Sabihin niyo lang sa akin ang gusto ninyong iutos, Mama," aniya kaya biglang ngumisi ito.

"Wala ang maid ngayon kaya gusto ko na ikaw magtapon nang sandamakmak na basura sa labas," utos niya kaya tumango na lamang si Ace at kaagad na hinanap ang lagayan ng mga basura saka hinakot ito sa labas ng bahay. Nakatayo siya sa harap ng gate habang hinihintay ang kukuha sa mga basura nang biglang may kotseng kulay itim na huminto sa harapan niya.

"I should not be mistaken. It was you, Mr. Luther," ani ng lalaki na ikinataas ng kaniyang dalawang kilay.

"I don't know who you are talking with. Umalis ka na at baka may makakita pa sa iyo," sambit niya at akmang tatalikod na sana nang biglang magsalita itong muli.

"Hindi ako maaaring magkamali. Kilala kita at totoo itong nakikita ko. Anong nangyari at bakit ka nagpapanggap na isa na lamang mahirap na lalaki?" Napakuyom ang kaniyang kamao kaya naman ay hinarap niya ang lalaki saka ito kinuwelyuhan. 

"Huwag na huwag ka nang babalik rito. Ano mang nakita mo ay hindi maaaring lumabas kung ayaw mong patayin kita. Naiintindihan mo ba?" May pagbabantang wika niya sa lalaki kaya naman ay namumutlang itinango niya ang kaniyang ulo. Napaurong naman ang dila ng lalaki dahil na rin sa takot niya kay Ace kaya naman ay binitawan niya na ang lalaki saka hinarap ito na may blankong expression.

"A-Aalis na po ako, Mr. Luther," sambit ng lalaki at hindi man lang hinintay ang kaniyang sasabihin at kumaripas na ito nang alis dala ang kaniyang sasakyan.

"Ace?"

Para namang humiwalay ang kaluluwa ni Ace sa kaniyang katawan nang biglang marinig niya ang boses ng asawa sa kaniyang likuran. Hindi niya napansin ang presensiya ng asawa at palihim na nagdarasal na sana ay wala itong narinig sa mga sinabi niya sa lalaki kanina.

"A-Athena, kanina ka pa ba riyan?" Tanong niya pagkaharap sa asawa. Pansin na rin ni Ace ang kursiyudad sa mukha ng asawa kaya naman ay kinakabahan na siya.

"Sino ang lalaking iyon? At bakit kumaripas na lamang iyon sa pag-alis?" Tanong niya kaya ipinulupot niya ang kamay sa baywang ng asawa at inaya itong pumasok na sa loob ng bahay habang palingon-lingon pa siya sa likuran para siguraduhin na walang nagmamasid sa kaniya. Walang dapat na makaalam ng buong pagkato niya kahit pa ang asawa.

Masyadong delikado at nakahanda si Ace na magpanggap sa iba-ibang katauhan para lamang hindi malaman ang kaniyang tunay na pagkatao. Limitado lamang ang nakakakita sa mukha niya kaya ipinagpasalamat niya iyon.

"Huwag mo na masyadong intindihin iyon. Nagtatanong lamang ang lalaki ng direksiyon," sagot niya sa asawa kaya naman ay napatango na lamang ito.

"Bakit nandirito ka pa, Ace! Ano bang—" hindi na natapos pa ang ano mang gustong sabihin ng babaeng biyenan nang makita ang asawa niya. "Nakauwi ka na pala, Athena," dagdag pa nito.

"Ano na naman ba ang ginawa ninyo sa asawa ko, Mama? Pinagtatrabaho niyo na naman ba si Ace rito?" May himig na inis sa boses ni Athena nang sabihin niya iyon sa ina.

"Please, Athena," aniya sa asawa na pilit pinipigilan ito sa balak gawin.

"Hindi, Ace. Sumo-sobra na kasi sila sa iyo. Akala ba nila ay hindi ko alam ang kanilang ginagawa? Alam ko ang mga bagay na pinagagawa nila sa iyo habang wala ako at namumuro na ang mga ito sa akin. Kahit pa magulang ko sila ay hindi ko palalagpasin ang ginagawa nila. Dapat siguro ay ilabas ko na sa publiko ang baho ng pamilyang ito!" Banta ni Athena kaya gayoon na lamang ang pagkagulat ng ina. Hindi niya alam kung anong gagawin. 

"Huwag anak, please! Pangako hindi na namin pahihirapan pa ang asawa mo," sabi ng Ginang kaya naman ay napangiti si Athena.

"Great. Ayoko makita na pinapahirapan ninyo ang buhay ni Ace. Asawa ko siya at sa ayaw at sa gusto ninyo ay parte na siya ng pamilyang ito," sabi ni Athena sa ina kaya ganoon na lang ang pagkuyom ng kamao ni Ginang Lazarus.

"Fine, Athena. Pero hindi mo kami mapipilit at mapipigilan na tratuhin ng ganiyan ang asawa mo dahil kahit na anong mangyari ay hindi namin siya tanggap!" Sambit ni Ginang Lazarus at kasabay no'n ang pag-alis niya palayo sa kanilang dalawa. Isang malakas na hininga ang pinakawalan ni Athena kaya naman ay hinarap ni Ace ang asawa niya.

"Huwag mo nang isipin iyon, Athena dahil okay lang ako. Nakahanda akong tiisin ang lahat dahil mahal kita at nakahanda akong gawin kung ano man ang gusto ng pamilya mo ngunit ang hiwalayan at lumayo sa iyo ay hindi ko magagawa," sabi ni Ace at kasabay no'n ang pag-iyak ng asawa niya kaya hinapit niya ang baywang ng asawa saka ito niyakap ng sobrang higpit.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status