Share

Kabanata 4

HINILA niya si Magnus paalis saka sinuntok ito. Nandidilim na ang kaniyang paningin. Nakahanda siyang pumatay kapag asawa niya na ang pag-uusapan. Kaawa-awa na ang mukha ni Magnus at malapit na itong mapaslang ni Ace nang bigla siyang pigilan ng asawa kaya nahimasmasan ito.

Kumaripas naman nang takbo si Magnus dahil sa ginawa ni Ace sa kaniya. Kaya naman ay hinarap ni Ace si Athena at ang kaniyang pamilya na ngayon ay pagkagulat ang rumehistro sa mga mukha nila.

"Paanong..." hindi na natapos pa ng kapatid ni Athena ang kaniyang sasabihin nang magsalita si Ace.

At sabi niya, "Nakahanda akong pumatay kapag tungkol na kay Athena. Hindi ako kagaya ninyo na walang mga pakialam sa anak ninyo," at dahil sa sinabi ni Ace ay tumayo ang haligi ng tahanan ng mga Lazarus saka ito sinuntok. Hindi nanlaban si Ace.

"Papa, ano ba! Bakit mo ginawa iyon?" Sambit ni Athena at kaagad siyang tinulungan sa pagtayo.

"Hindi ko gusto ang tabas nang pananalita ng asawa mo, Athena! Kaya habang maaga pa ay paalisin mo ang lalaking iyan!" Sambit nito kaya naman ay pinahid na lamang ni Ace ang dugo sa gilid ng labi niya. Hinila naman siya ni Athena palayo at pumasok sila sa kuwarto nila.

Kaagad naman na ginamot ni Athena ang kaniyang sugat sa mukha. Hindi maiwasan ni Ace na makaramdam na nang galit sa pamilya ni Athena. Pakiramdam niya ay namumuro na ang mga ito. Madali lang para sa kanila ang apihin siya at saktan dahil sa kaniyang estado sa buhay. Ngunit nararamdaman ni Ace na kaonting-kaonti na lang at ang lahat ay magwawakas na. Lahat nang paghihirap niya sa kamay nila ay may hangganan.

Nabaling naman ang kaniyang atensiyon nang magsalita ang asawa habang ginagamot siya.

"Sana sa susunod, huwag mo na lang sila patulan, Ace. Hindi ako sanay na gano'n ka kanina. Kamuntikan mo nang mapatay si Magnus," sambit ni Athena kaya naman ay napabuntong-hininga siya.

"Hindi ko rin gusto ang ginawa ko kanina, Athena subalit may binabalak siyang masama sa 'yo at hindi ako puwedeng tumayo lang doon. Dapat may gawin ako at higit sa lahat... Hindi ako makakapayag na saktan ka. Kaya ko pang akuin ang lahat nang pagpapahirap at huwag lamang ikaw. Ayokong padapuan ka kahit pa ng insekto at pinapangako ko iyan sa 'yo," dahil sa sinabi ni Ace, bigla namang napaiyak si Athena. Pakiramdam niya tuloy ay siya ang dahilan ng mga luha niya. 

"Nakakainis ka na, Ace! Bakit ba kasi ang bait-bait mo? Bakit hindi ka lumaban sa mga magulang ko? Alam mo bang nakakapagod ka na minsan ipagtanggol?" Sambit ni Athena kaya naman ay napaawang ang bibig niya.

"Patawarin mo ako, Athena. Ayoko lang talaga nang gulo kaya't hanggang maaari ay hindi ako lalaban sa kanila. Higit sa lahat, mga magulang mo sila," sambit ni Ace.

Ngunit lingid sa kaaalam ni Athena ay gustong-gusto nang patayin ni Ace ang mga magulang niya dahil sa pinanggagawa nila sa kaniya. Kayang-kaya ni Ace silang pabagsakin ngunit naisip niya na ang mga iyon ay magulang ng taong mahal niya kaya hindi siya puwedeng gumawa nang masama. Pagtitiisan na lamang niya ang mga ito hangga't kaya niya.

"Ace naman, e. You need to fight. Huwag mo sila hayaang apihin ka. Pero pangako hangga't nandirito ako, hindi ako mapapagod ipaglaban ka," sambit ni Athena kaya napangiti na lamang si Ace saka ito hinalikan. Ang kaninang naudlot nilang ginawa ay naipagpatuloy. Pansamantala ay kinalimutan ni Ace ang mga nangyayari kanina saka itinuon ang buong sarili kay Athena.

KINAUMAGAHAN ay maagang nagising si Ace. Ipagluluto niya si Athena na ngayon ay mahimbing pa ang pagkakatulog. Lumabas na siya sa kuwarto saka pumunta sa kusina subalit nadatnan niya doon ang dalawang biyenan na ngayon ay ang sama na ng tingin sa kaniya.

"Akalain mo nga naman at masisira pa ang araw ko," sambit ni Ginang Lazarus kaya nagbuntong-hininga na lamang siya. Akmang may iuutos sana si Ginoong Lazarus nang biglang magsalita si Athena na kinagulat ni Ace.

"Good morning, Ma, Pa," wika ni Athena kaya naman ay hindi natuloy ang gusto sanang sabihin ng ama niya. 

"Bukas ay kaarawan ng iyong mama kaya maraming bisita. Pagtrabahuhin mo ang asawa mo para naman may silbi ang lalaking iyan," sambit ng ama ni Athena at akmang magsasalita pa lamang si Athena nang pigilan siya ni Ace. Nakaalis na rin ang kaniyang dalawang biyenan ngunit sinamaan muna siya nang tingin ng mga ito bago tuluyang lumabas ng kusina.

"Malapit na malapit na talaga—" hindi na ni Ace hinayaang makapagsalita ang asawa dahil hinalikan niya na ito sa labi.

At sabay sabing, "Good morning, Love," kaya naman ay napangiti si Athena saka binati siya pabalik.

"Good morning. Bukas ay kaarawan ni Mama at mamimili tayo ng regalo para sa kaniya. Hindi mo gagawin ang sinabi ni papa at wala silang magagawa para pigilan ako," sabi ng asawa at gusto sana kontrahin ni Ace ang sinabi niya ngunit ayaw niya naman masaktan ang asawa kaya tumango na lamang siya. Sigurado si Ace na maraming tao bukas at sigurado na rin siya na ipapahiya lamang siya sa mga bisita ngunit nakahanda na siya sa mga bagay na iyon.

Kaagad naman na inihanda ni Ace ang kanilang almusal at saka pagkatapos no'n ay naglakad na sila papunta sa malapit na mall para bilhin ang regalo para sa mama ni Athena. Naging mabilis lang ang kanilang lakad sa kadahilanang may mga pamilyar na mukha si Ace na nakita sa mall kaya kinaladkad niya paalis ang asawa na kinatataka ng asawa. Mabuti na lamang at tapos nang mamili si Athena.

"Bakit ba kasi tayo nagmamadali, Ace?" Takang tanong ni Athena sa kaniya pero hindi kumibo si Ace. Naroon ang kaniyang mga tauhan at hindi sila puwedeng makita.

"Basta. Huwag na maraming tanong, Athena," sambit ni Ace. Sa isip-isip naman ni Athena ay hindi niya maiwasang magtaka sa mga kinikilos ng kaniyang asawa subalit ipinilig na lang ang ulo saka pilit na inalis ang mga kursiyudad sa kaniyang isipan.

"Ano ba ang nangyayari sa 'yo, Ace at bakit tila nag-iba na ang kinikilos mo ngayon? May lihim ka ba sa akin?" Tanong ni Athena sa kaniyang isipan habang nakatitig sa seryosong mukha ng kaniyang asawa at habang ito ay nagmamaneho ng sasakyan pabalik ng mansiyon.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status