MasukGRAYHindi ko naman talaga planong magtagal sa event na iyon. Isa lamang iyon sa mga regular na business gatherings na kailangang puntahan ng mga executive ng Ashford Corporation, kaya wala akong ibang pakay kundi makipagkita sa ilang investors, makipag-usap sa business partners at asikasuhin ang ilang bagay na may kinalaman sa kumpanya. Pagpasok ko pa lang sa ballroom ay agad na akong sinalubong ng ilang kilalang negosyante, kaya naging abala ako sa pakikipagkamay at pakikipag-usap habang paminsan-minsan ay may lumalapit na nagpapakilala o nagtatanong tungkol sa expansion plans ng kumpanya.Nang matapos ang unang serye ng mga usapan, nakita ko si Vivian na papalapit sa akin. Nakasuot siya ng eleganteng gown at gaya ng dati ay maayos ang bawat detalye ng kanyang appearance. Matagal ko na siyang kilala at sanay na rin ako na madalas siyang kasama sa mga ganitong gatherings dahil matagal nang konektado ang pamilya namin sa pamilya nila, kaya hinayaan ko lamang siyang lumapit at makipag-
LAURANang marinig kong kasama mismo ni Gray Ashford ang mga representatives ng Ashford Corporation, sandali akong natigilan. Pero hindi ko hinayaang makita iyon ng mga kasama ko. Ilang Linggo na rin mula nang tuluyan akong umalis sa buhay niya. At kahit hindi ko maitatangging may bahagi sa akin na kinakabahan sa unang pagkikita namin pagkatapos ng divorce. Mas malakas ngayon ang kagustuhan kong ipakita sa sarili ko na kaya kong humarap sa kanya nang hindi na bumabalik sa dati kong estado.TATLONG ARAW ANG lumipas. Pagpasok namin sa conference room, abala ang lahat sa paghahanda ng mga dokumento at presentation materials. Nakita ko si Cassian sa kabilang bahagi ng mesa na may kausap na dalawang executives, habang nasa tabi naman niya ang ilang miyembro ng Marketing Department. Nang tuluyan akong makapasok, saka ko nakita si Gray na nakaupo sa kabilang side kasama ang mga representatives ng Ashford Corporation.Nagtagpo ang mga mata namin. Hindi ako ngumiti at hindi rin ako umiwas ng
LAURAHindi ko na hinintay na mawala ang excitement ko bago ko buksan ulit ang laptop ko. Sa halip na umuwi agad pagkatapos ng meeting, nanatili muna ako sa conference room at isa-isang binasa ang mga dokumentong ibinigay sa amin. Habang mas binabasa ko ang details ng campaign, mas naiintindihan ko kung bakit sinabi ni Sir Cassian na mahalaga ang project na iyon para sa kumpanya.Malaki ang budget, malawak ang target market, at maraming department ang kailangang magtulungan para maging successful ang buong campaign. Hindi puwedeng puro magandang concept lang dahil kailangan ding isipin kung paano ito tatanggapin ng mga tao at kung paano namin mapapanatili ang interest nila hanggang sa actual launch.Nagsusulat ako ng ilang notes nang marinig kong bumukas ang pinto ng conference room.“Hindi ka pa umuuwi?” tanong ni Hazel habang nakasandal sa pintuan at nakatingin sa akin.“Hindi pa. Gusto ko munang intindihin nang mabuti itong project bago ako umuwi. Ayokong bukas pa ako magsisimulan
LAURA SANDALI akong natulala bago nakasagot.“Talaga? Hindi ko pa alam iyan. Wala namang sinabi sa akin ang manager namin kahapon tungkol sa bagong project, kaya baka hindi pa final ang lahat. Pero kung sakaling mabigyan talaga ako ng malaking responsibility, gagawin ko ang lahat para maging maayos ang trabaho ko. Ayokong isipin ng mga tao na binibigyan lang ako ng pagkakataon dahil bago ako…. o dahil napapansin ako ni Sir Cassian. Gusto kong patunayan na kaya kong gawin ang trabaho at kaya kong panindigan ang anumang responsibilidad na ibigay sa akin.”“Iyan nga ang gusto ko sa iyo. Kaya huwag mong isipin na kailangan mong maging perfect agad. Matuto ka lang at huwag kang matakot magtanong kapag may hindi ka alam. At kung kailangan mo ng tulong, alam mo naman na nandito lang ako. Kahit minsan ay inaasar kita at pinapagalitan kita kapag mabagal kang kumilos, alam mong kakampi mo ako,” aniya sabay kindat.“Alam ko naman iyon. Kaya nga nagpapasalamat ako sa iyo dahil kahit ang dami mon
LAURA“HOY! ANONG PETSA na! Wala ka bang balak bumangon?” bulyaw ko kay Hazel dahil anong oras na, hindi pa rin siya bumabangon.“Ito naman! Napakaepal mo! Natutulog pa ako!”“Anong epal? Gaga! May trabaho pa tayo! Kailangan nating pumasok sa trabaho!”“Oo na! Hays! Bakit ba kasi hindi ako pinanganak na mayaman!” aniya bago dahan-dahang bumangon sa kanyang kama.Napailing ako habang pinagmamasdan siyang halos nakapikit pa habang naglalakad papunta sa banyo. Ilang minuto rin akong nakatayo roon, habang hinihintay siyang tuluyang magising. Dahil kung hindi ko siya gigisingin nang paulit-ulit ay malamang na hapon na siya makakarating sa opisina.“Hindi naman kailangan maging mayaman para hindi ka mahirapang bumangon sa umaga. Kung natulog ka nang maaga kagabi at hindi ka nag-iikot sa social media hanggang alas-dos ng madaling-araw, hindi ka sana mukhang inaagawan ng kaluluwa ngayon,” sabi ko habang inaayos ko ang ilang gamit na nakalagay sa ibabaw ng mesa.“Madali para sa iyo na sabihin
GRAY Hindi ko agad inalis ang tingin ko sa screen. Ilang minuto akong nanatiling nakaupo habang iniisip kung bakit ko pa gustong malaman ang mga ginagawa ni Laura sa Sterling Group. Kung tutuusin, wala naman akong pakialam kung anong trabaho ang pinasok niya o kung sino ang mga kasama niya roon. Matagal na kaming hiwalay at hindi na ako bahagi ng buhay niya. Kung gusto niyang magsimula ulit, wala akong karapatang pigilan iyon. Pero hindi ko rin maintindihan kung bakit parang hindi ako komportable sa ideyang nagtatrabaho siya sa kumpanya ni Cassian. Siguro dahil magkalaban kami sa negosyo. Kilala ko si Cassian at alam kong hindi basta-basta kumukuha ng mga taong hindi niya nakikitang may kakayahan. Kung napansin niya si Laura at tinanggap siya sa Sterling Group, ibig sabihin ay may nakita siyang potensiyal sa kanya. Wala naman iyong masama. Trabaho lang iyon. Iyon ang paulit-ulit kong sinasabi sa sarili ko habang inaayos ko ang ilang documents para sa susunod kong meeting. Makalipa







