Share

KABANATA 9

Author: Allecorianna
last update publish date: 2026-08-02 18:00:48
LAURA

Pagdating ko sa bahay ay agad kong naamoy ang nilulutong adobo. Mukhang nauna ngang nakauwi si Hazel dahil naroon na ang sapatos niya sa may pintuan. Pagkapasok ko sa loob ay nadatnan ko siyang nakaupo sa sala habang nakataas ang dalawang paa sa sofa at nanonood ng kung ano sa telebisyon. Nang mapansin niya ako ay agad niyang pinatay ang TV at mabilis na tumayo.

"Aba! Dumating na rin sa wakas ang bagong empleyada ng Sterling Group. Kumusta ang unang araw mo? Huwag mong sabihin sa akin na
Allecorianna

Basahin din ang kwentong - MAID FOR THE BOSS -

| 1
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (2)
goodnovel comment avatar
Allecorianna
Yes po. Salamat sa pagbabasa! Puwede niyo rin basahin ang isa ko pang akda MAID FOR THE BOSS
goodnovel comment avatar
Ańàp>Śè
ito bah ay araw araw may update
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • My Husband's Biggest Regret    KABANATA 12

    GRAY Hindi ko agad inalis ang tingin ko sa screen. Ilang minuto akong nanatiling nakaupo habang iniisip kung bakit ko pa gustong malaman ang mga ginagawa ni Laura sa Sterling Group. Kung tutuusin, wala naman akong pakialam kung anong trabaho ang pinasok niya o kung sino ang mga kasama niya roon. Matagal na kaming hiwalay at hindi na ako bahagi ng buhay niya. Kung gusto niyang magsimula ulit, wala akong karapatang pigilan iyon. Pero hindi ko rin maintindihan kung bakit parang hindi ako komportable sa ideyang nagtatrabaho siya sa kumpanya ni Cassian. Siguro dahil magkalaban kami sa negosyo. Kilala ko si Cassian at alam kong hindi basta-basta kumukuha ng mga taong hindi niya nakikitang may kakayahan. Kung napansin niya si Laura at tinanggap siya sa Sterling Group, ibig sabihin ay may nakita siyang potensiyal sa kanya. Wala naman iyong masama. Trabaho lang iyon. Iyon ang paulit-ulit kong sinasabi sa sarili ko habang inaayos ko ang ilang documents para sa susunod kong meeting. Makalipa

  • My Husband's Biggest Regret    KABANATA 11

    GRAYILANG araw na ang lumipas mula nang dumalo ako sa corporate charity gala sa Grand Monarch Hotel, ngunit hanggang ngayon ay hindi ko pa rin maiwasang maalala ang pagkikita namin ni Laura. Hindi ko naman sinasadyang isipin siya. Sa totoo lang, ilang beses ko nang sinubukan na alisin sa isip ko ang nangyari nang gabing iyon, pero sa tuwing tahimik ang opisina at wala akong ibang ginagawa, kusa na lamang bumabalik sa akin ang mukha niya.Hindi na siya katulad noong huli ko siyang nakita sa bahay.Noong mga panahong iyon, palagi siyang namumugto ang mga mata dahil sa pag-iyak. Madalas ko siyang makita sa kusina na tahimik na naghahanda ng pagkain kahit hindi ko naman hinihingi. Kapag kinakausap niya ako, halatang nag-iingat siya sa bawat salitang sasabihin dahil baka lalo akong magalit. Ilang beses ko siyang nakita na gustong magsalita pero pinipigilan ang sarili dahil alam niyang ayaw kong marinig ang paliwanag niya.Ngunit noong gabing iyon, ibang Laura ang nakita ko.Parang ang taa

  • My Husband's Biggest Regret    KABANATA 10

    LAURAISANG LINGGO ang lumipas mula nang magsimula akong magtrabaho sa Sterling Group. Pakiramdam ko ay unti-unti na rin akong nakaka-adjust sa bagong kapaligiran. Hindi na ako ganoong kinakabahan sa tuwing papasok sa opisina dahil mababait naman ang mga katrabaho ko. Madalas din akong tulungan ni Hazel kapag may mga bagay akong hindi pa naiintindihan. Kahit papaano ay nagiging maayos na ang takbo ng bagong buhay ko.Bandang alas dos ng hapon ay bigla akong tinawag ni Hazel."Laura, may ipapasabi si Sir Cassian. Huwag ka na raw umuwi mamaya pagkatapos ng office hours. May corporate charity gala ngayong gabi sa Grand Monarch Hotel. Kailangan ng Marketing Department na may kinatawan doon at gusto niyang sumama ka."Nagsalubong ang kilay ko."Ako? Bakit naman ako? Isang Linggo pa lang ako rito. Baka mas may dapat sumama kaysa sa akin."Umiling si Hazel habang inaayos ang mga dokumentong hawak niya."Iyan din ang sinabi ko sa kanya. Ang sabi niya, magandang experience raw iyon para sa iyo

  • My Husband's Biggest Regret    KABANATA 9

    LAURA Pagdating ko sa bahay ay agad kong naamoy ang nilulutong adobo. Mukhang nauna ngang nakauwi si Hazel dahil naroon na ang sapatos niya sa may pintuan. Pagkapasok ko sa loob ay nadatnan ko siyang nakaupo sa sala habang nakataas ang dalawang paa sa sofa at nanonood ng kung ano sa telebisyon. Nang mapansin niya ako ay agad niyang pinatay ang TV at mabilis na tumayo. "Aba! Dumating na rin sa wakas ang bagong empleyada ng Sterling Group. Kumusta ang unang araw mo? Huwag mong sabihin sa akin na pinahirapan ka agad ng mga katrabaho mo. Oh baka naman si Sir Cassian ang nagpatawag sa iyo ulit? Kanina pa talaga ako curious. Hindi ako mapakali sa opisina dahil gusto kong malaman kung ano ang nangyari pagkatapos kitang iwan." Napangiti ako habang inaalis ang sapatos ko. "Nakakaloka ka naman! Kararating ko lang, ang dami mo na agad gustong malaman! Chismosa yarn?” "Huwag mo nga akong binibitin. Simula kanina pa ako naghihintay sa iyo. Pagkatapos kong matapos ang meeting namin, gusto na ki

  • My Husband's Biggest Regret    KABANATA 8

    LAURA"Alam mo naman sigurong matagal nang magkalaban sa negosyo ang Sterling Group at Ashford Corporation.""Yes po.”"Dahil pareho kaming kabilang sa iisang industriya, normal na nagkakasama ang mga CEO ng malalaking kumpanya sa mga business conferences, investors' meetings at corporate gatherings. Hindi man kami malapit sa isa't isa, hindi rin maiiwasang may mga napag-uusapan tungkol sa mga kumpanyang kabilang sa industriya."Nanatili akong nakatingin sa kanya. Hindi na rin ako magtataka kung kakalat agad ang balita na naghiwalay na nga kami ni Gray. Hinihintay ko na lang ang approval ng divorce namin."Kapag may malaking nangyari sa isang kilalang pamilya sa business world, mabilis din iyong nakakarating sa amin. Hindi dahil tsismis ang pakay namin, kundi dahil minsan ay naaapektuhan din nito ang negosyo, reputasyon at maging ang galaw ng mga investors."“Yes. Hiwalay na nga kami ng impaktong iyon. Kapal ng pagmumukha ng siraulong iyon. Magsama silang dalawa ng Vivian landi na iyo

  • My Husband's Biggest Regret    KABANATA 7

    LAURAMabilis akong sumunod kay Hazel habang naglalakad kami sa mahabang hallway patungo sa executive floor. Habang papalapit kami sa opisina ng CEO, lalo namang bumibilis ang tibok ng puso ko. Hindi ko maintindihan kung bakit ako pinapatawag gayong wala pa nga akong isang oras sa kumpanya. Hindi pa man ako nakakaupo nang maayos sa magiging workstation ko, heto at nasa harapan na agad ako ng pinakamakapangyarihang tao sa buong Sterling Group.Napansin yata ni Hazel ang kaba ko kaya bahagya niya akong siniko."Huwag kang ganyan. Para kang dadalhin sa execution.""Paano ba naman kasi? Unang araw ko pa lang dito. Baka may mali agad akong nagawa.""Imposible. Hindi ka pa nga halos nakakakilos.""Eh bakit kaya ako pinapatawag?"Nagkibit-balikat siya."Ewan ko. Hindi naman sinabi ni Sir Cassian. Ang sabi lang niya, kapag dumating ka na, ihatid daw kita sa opisina niya.""Sana naman walang problema.""Huwag kang mag-overthink. Kilala ko ang boss ko. Hindi siya iyong tipo ng taong nagpapatawa

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status