“Sigurado ka bang kaya mo nang umuwi?” Tanong ni Grace kay Alex, na ngayo’y nagliligpit ng kanyang gamit.Hindi na pumayag si Alex na magpalipat ng ospital at napagpasyahan niyang umuwi na lamang kahit na kakagaling lang niyang maraspa.“Kailangan kong umuwi at may mga tatapusin pa ako sa trabaho. Kailangan ko ring makipag-usap kanila tito at tita.” walang emosyong sagot ni Alex.Hindi pa rin niya tanggap ang pagkawala ng kanyang anak sa sinapupunan.“Makikipaghiwalay ka na ba ng tuluyan kay James?” Hindi umimik si Alex, sa halip ay pinagpatuloy niya ang pagliligpit. Nang matapos sa kanyang ginagawa, ay inaya na niya si Grace na umuwi.“Umupo ka dito. Kahit papaano ay pasyente ka parin.” Utos ni Grace sa kaibigan sabay turo ng wheelchair na dala-dala ng isang nurse na kakapasok lamang sa kanilang kwarto.“Okay lang ako, Grace.” Pagtanggi ni Alex sa wheelchair na inaalok ni Grace sa kanya.Nagtaas ng kilay si Grace at binigyan ng masamang tingin ang kaibigan. Maputla ang mga labi ni Al
Isang oras ang binyahe nila Kenneth at Alex papuntang Taguig upang dalhin si Alex sa sinasabi ni Kenneth na surpresa ni James para sa kanilang kasal.Nakatayo sila sa isang tatlong palapag na mansion na ayon kay Kenneth ay 200 square meter ang lawak ng lupa nito. At ipinadesenyo ito ni James sa isang sikat na enhenyerto upang masunod ang pangarap na bahay ni Alex. Gamit ang susing dala ni Kenneth, binuksan ni Alex ang wooden main door gamit ang passcode na numero ng petsa ngayon, ang araw ng kanilang kasal. Kahit papaano ay naantig si Alex sa ginawa ni James.Isang aesthetic modern design ang interior ng bahay. Pinaghalong cream white, at brown ang kulay ng bahay maging ang mga kagamitan sa loob, at mga muwebles dito. “Talaga bang para samin ito?” HIndi makapaniwalang tanong niya.Naalala ni Alex nang tanungin siya noon ni James tungkol sa kung anong desenyo ng bahay ang gusto niya nang makita niya ang kanyang iginuhit na bahay sa isang bondpaper, na ngayo’y nakaframe at nakasabit sa
“A resignation letter?!” Napataas ang tono ni Cynthia.“Hush!” Agad namang tinakpan ni Alex ang bibig ng matabil niyang assistant. “Ang ingay mo!” Sita niya rito sabay lingon sa mga staff na dumadaan at napatingin sa kanila.“Sorry naman. Pero seryoso, miss… Bakit ka magreresign?”Hindi sumagot si Alex. Ayaw niyang sagutin pa ang mga katanungan dahil ang rason ng kanyang pagreresign ay personal.“Miss, dahil ba yun sa kumakalat na isyu dito?”Napakunot ang noo ni Alex sa pagtataka. “Issue? Anong isyu?” Tanong niya.“Bali-balita kasi rito na may babae si sir James. At ang kwento pa, buntis yung girl.” “Paano naman nila nasabi?” Tanong ni Alex.“May isang empleyado nakakita kay Sir James sa isang ospital at nagpapacheck up sila sa ob gyne.”Hindi na muling nagtanong si Alex at di na rin siya nag-usisa. Dahil alam niya kung sino ang tinutukoy nila. “Kaya huwag kang mag-alala, miss. Sayo ang loyalty ko. Kung ano man ang dahilan ng pag reresign mo, susuportahan kita. Ayoko sa lahat iyon
“Ano?! Ginawa niya lahat ng iyon?” Di makapaniwalang tanong ni Mary Anne kay Alex.Samantalang tahimik na nakaigitng ang panga, at nakakuyom ang mga kamay ng ama ni James na si Anthony. Hindi ito kumikibo habang nakikinig sa sinasabi ni Alex.Kinwento ni Alex sa kanila kung bakit di niya itinuloy ang pagpaparehistro ng kasal nila ni James. At dahil doon ay dismayado ang mag-asawa sa ginawa ng kanilang anak na si James kay Alex. Kinwento na rin ni Alex na siya ay nakunan kaya di siya agad nakauwi ng bahay.“Anthony, hindi ba at alam mo ang nangyayari sa kompanya? Bakit itong balitang kumakalat sa kompanya mo ay hindi mo man lamang nalaman?” Inis na sumbat ng ginang sa kanyang asawa.Kahit na CEO ang kanilang anak na si James, ay si Anthony pa rin ang Chairman ng kanilang kompanya. At kahit hindi siya madalas na pumapasok sa kompanya, ay mayroon siyang pinagkakatiwalaan na nagrereport sa kanya sa loob man at labas ng kanyang kompanya. Lalo na kung involve ang kanilang anak dito.Pinakat
Walang tigil sa pagbagsak ang mga luha sa mata ni Alex. Wala na siyang pakialam kung pagtitinginan siya ng mga taong nakakasalubong niya. Dala-dala ang kanyang maleta, pumara si Alex ng taxi patungo sa airport. Kinakagat na lamang niya ang kanyang labi upang tumigil siya sa paghikbi hanggang sa makasakay siya. Agad siyang kumuha ng ticket na papuntang Butuan, ang probinsya ng kanyang mga magulang. Bago pa man niya patayin ang kanyang phone, ay tumawag ang kanyang kaibigan na si Grace.“Hello, girl… Saan ka ngayon? Kanina pa kita tinatawagan para sana sa follow up check up mo. Bakit di mo sinasagot tawag ko?” Tanong ni Grace.“Sorry. Nasa byahe kasi ako.”“Byahe? Saan ka papunta?” tanong ni Grace.Welcome aboard! This is flight 5J65 going to Butuan…“Wait! Nasa eroplano ka?! Saan ka papunta?” Bakas sa tono ng boses ni Grace sa kabilang linya ang pagkataranta.“Pauwi ako sa probinsya nila mama. Mamaya ipapaliwanag ko sayo pagnakarating na ako sa bahay. Kailangan ko nang patayin ang taw
Humiga na si Alex matapos niyang makainum ng gamot, upang makapagpahinga siya. Ngunit kahit na anong pikit niya, ay hindi pa rin siya makatulog. ‘Namamahay siguro ako. O dahil matigas ang hinihigaan ko at di ako komportable. Tingin ko kailangan ko bumili ng kutson bukas.’ Umupo na lamang is Alex sa kanyang hinihigaang katre, at naalalang magbukas ng kanyang telepono. At dahil bago ang kanyang sim, ay sinubukan niyang magbukas ng kanyang social media.Sunod-sunod naman ang mensaheng natanggap ni Alex sa kanyang messenger galing sa kanyang kaibigan na si Grace. At kahit kay Cynthia ay nakatanggap rin siya ng mga mensahe.Isa isa niyang binsa ang mga mensahe bago niya naisipang tawagan ang kaibigan.“Hello, girl! Buti na lamang at tumawag ka. Mamamtay ako sa pag-aalala sayo. Ininum mo ba ang gamot na nireseta sayo?”“Huwag ka mag-alala iniinum ko po ang nireseta mong gamot, doktora.” Nakangiti niyang sagot sa kaibigan.“Mabuti naman… Ay siya nga pala, tumawag ba ang Ex mo sayo?”“Hindi.”
“Kay gandang pagmasdan ng tanawin, hindi ba?” Napatalon sa gulat si Alex nang biglang bumulong sa tenga niya si Nanay Meding.“Nanay, nakakagulat naman po kayo.” Sabay hawak ni Alex sa kanyang kumakabog na dibdib.Natawa na lamang ang matanda nang makita ang mapula-pulang pisngi ni Alex.“Iha, huwag ka mag alala. Huli ka man ay hindi ka makukulong.” Pang-aalaska pa ni Nanay.Kulang na lamang ay magpalamon na si Alex sa lupa sa kahihiyan nang mahuli pa siyang titig na titig sa lalaki.“Gagamit ka ba ng banyo?” Walang emosyong tanong ng binata sa kanya.“Ah-oo.” Nahihiya niyang tugon. Nagmamadaling pumasok ng banyo si Alex upang maitago ang kahihiyan na nangyari sa labas.“Nakita mo ba mukha niya?” Tanong ni Nanay at matawa tawa pa sa pangyayari. “Pulang-pula si Alexandra. Nahuli ko siya nakatitig sayo. Mukhang mahahanapan na kita sa wakas ng nobya.”“Si Nanay talaga.” Napailing na lamang na nangingiti si Brandon sa kalokohan ng Ginang.“Nagluto nga pala ako ng agahan sa bahay. Pumunt
“Oh. Bakit ikaw lamang ang pumarito?” Tanong ni Nanay Meding nang mapansing mag-isa lamang si Brandon na pumunta sa kanyang bahay.“Busog raw po si Alex,” sagot ni Brandon.“Naku… Kaya ang payat niya at maputla eh. Hindi siguro nagkakakain iyong batang iyon.” Bulalas ni Nanay Meding habang naghahanda ng pagkain sa hapag.Tumulong na din si Brandon sa paglalagay ng mga kubyertos dahil di naman na siya bago sa bahay ng matanda. Itinuring na ni Brandon na pangalawang magulang ang mag-asawang De Silva dahil tatlong taon na rin siyang nanirahan ssa lugar na iyon. Mula nang magpahinga siya sa pagiging sundalo ay doon na siya tumira.Matapos nilang kumain ay nag-alok na si Brandon na hugasan ang kanilang pinagkainan bago bumalik sa kabilang bahay.“Brandon, Iho, dalhin mo na lamang itong champorado kay Alexandra. Baka nahihiya lamang iyon na pumunta rito.” Bilin ni Nanay Meding sa binata, matapos nito maghugas ng plato.“S-sige po.” Nag-aalangan man, dahil baka hindi rin kainin ni Alex ang c
Napaawang ang bibig ni Alex at hindi makapaniwalang tiningnan si Brandon.Lalalabas na sana sila ng bahay nang huminto si Alex at binawi ang kanyang kamay mula sa pagkakahawak ni Brandon.“Ganyan ka ba sa lahat ng babae?”Napalingon si Brandon kasabay ang pagkunot ng noo nito? “Hah?” nagtatakang tanong ni Brandon.“I mean… Hindi mo lang siguro napapansin, at naiintindihan ko naman na lalaki ka at nagiging maginoo ka sa lahat ng babae. Pero ganyan ka ba sa lahat ng nakakasalamuha mo na mga babae?”Tila nagugulumihanan pa rin si Brandon sa mga nangyayari. Hindi niya alam kung saan patungo ang tanong ni Alex. “Anong ibig mong sabihin?” tanong ni Brandon.“Yung ganito… Aasikasuhin ako… Papayag ka na maging nobyo ko kahit pagpapanggap lamang ang lahat ng ito. Iyong aalagaan ako. Sinisigurado mong nakakain na ko, at ngayon… H-hinahawakan ang kamay ko. Ganyan ka ba sa iba?” Tanong ni Alex na tila naguguluhan na din sa kanyang nararamdaman. Bumibilis ang tibok ng kanyang puso sa tuwing nakaka
Natapos ang kanilang usapan nang mapansin ni Alex ang orasan na nakasabit sa pader ng kaniyang bahay.“Alas siyete na pala. Kailangan ko nang mag-ayos.” Palusot ni Alex sa kanyang kausap.“Okay, miss. Ingat po sa lakad mo. Enjoy mo nalang ang party. Huwag mo na pansinin si Boss James. He-he.” Natatawang sambit ni Cynthia.Natawa na lamang din si Alex sa sinabi sa kanya ng kausap. “Sige na. Babay na.” saad nito bago pinatay ang tawag.Saktong pagpindot nito ng end button sa kaniyang selpon, ay narinig naman nito ang pagbukas ng pinto mula sa katabing pintuan.‘Kararating lang ni Brandon… Mauuna na lang siguro ako. Message ko nalang siya na magkita na lamang kami sa entrance ng hotel.’ Sabi ni Alex sa sarili.Lumabas si Alex at napansing, nakaawang ng bahagya ang pintuan ng bahay ni Brandon.‘Ano ba itong lalaking ito… Bakit di niya man lang sinarado ang bahay niya. Tapos na din kaya siya? Sinuot na kaya niya ang binili kong damit para sa kanya?’ MAraming katanungang pumapasok sa isipa
“Lalo na kapag andito si boss… Naku! Manggigil ka sa sobrang pagkalambot niya… Nasobrahan sa pagkakapakulo sa kaniya. Alam mo yun!!! Kaunting kilos… Kunwari mahihimatay… Tapos itong si Boss James naman… Todo alalay sa kanya. Para bang pinaparamdam niya sa mga tao dito na anak ni Boss James ang dinadala niya.” Dagdag ni Cynthia.“Malay natin. Baka nga.” Sagot ni Alex.“Talaga ba?!” Tila nagulat si Cynthia sa sinabi ni Alex. “Kung talagang anak nga iyon ni Boss James… Ibig sabihin.. Matagal ka na nga palang niloloko ni Boss?”Bumuntong hininga si Alex sa kabilang linya.“Pero miss… Kung talagang anak ni Boss James ang ipinagbubuntis niya… Sa ugali niya, malamang ipangangalandakan niya iyon. At hndi siya magmamalaki, dahil nilokoko ka nila. Pero hindi eh… Lagi niya sinasabi sakin na may utang na loob daw siya sayo. At malaki daw iyon.” dagdag ni Alex.Napakamot ng sintido si Alex sa narinig mula kay Cynthia.“Nasa kanya na iyon… Siguro naman alam niya kung sino ang nakabuntis sa kanya. A
Hindi nakapagsalita si Ivy na naiwang nakanganga ang bibig, habang nakatingin kay Alex na papalayo ng boutique. Hanggang sa mapagtanto niyang hindi siya nakaganti ng salita sa babae.“Grrr!!!” Nagngitngit sa galit si Ivy na ngayo’y masama na ang titig kay Alex.“Pakibilisan ng pagbalot!” Naiiritang pasigaw na utos ni Ivy sa mga staff ng boutique.‘May araw ka din sa akin, Alex.’ sabi niya sa isip.***Salamantala… Habang si Alex ay naglalakad palabas ng mall… Napansin niyang tumunog ang kanyang telepono. Nang makita niya kung sino ang tumatawag, ay agad niyang sinagot.“Hello,”“Hello… Nakalimutan ko palang itanong… Anong oras pala mamaya at saang lugar?”“Sa hotel ng mga Lopez. Alas otso ng gabi.” Sagot ni Alex kay Brandon sa kabilang linya.“May kailangan ba akong dalhin?” tanong ni Brandon.Napatingin si Alex sa dala niyang bagong binili na pangreregalo sa magdiriwang ng kaarawan.“Hindi na kailangan. Nakabili na rin ako.” Sagot ni Alex.“Sige… Susunduin na lamang kita ng alas siye
Bumalik si Alex sa mall, at napagdesisyunang pumunta sa isang luxury brand ng mga aksesoryang panlalaki. At naisipan niyang bilhan ng cufflinks si Anthony Lopez. Alam niyang mahilig itong magsuot ng mga tuxedo at iba pang suits at isa sa mga aksesorya niya ang cufflinks.Lumapit si Alex sa babasaging estante kung saan mayroong nakalatag na cufflinks na may iba’t ibang desenyo.“Magandang araw po. Ano pong maitutulong ko? Ano pong hinahanap niyo?” Tanong ng isang sales staff nang may magiliw na ngiting iginawad sa kanya.Ngumiti din si Alex bilang ganti. “May bagong designs kayo ng cufflinks?” Tanong ni Alex.“Pwede ko bang malaman para kanino ang cufflinks?”“Para sa tito ko.” sagot ni Alex.Tumango ang sales staff at umalis ito. Sa kanyang pagbalik, kasama na nito ang kanilang manager na may hawak na cufflinks na nakasilid sa nakabukas na kahon na tila ba ingat na ingat. May dala rin ang sales staff na kausap ni Alex. Ngunit ang kumuh ng kanyang atensyon ay ang cufflinks na hawak ng
‘Wala akong dapat na ikatakot. At pawang mga katotohanan ang sinabi ko bukod sa balitang magnobyo kami. Dahil lahat ng ito ay nangyari sa amin ni Brandon. At mas kapani-paniwala ang aming relasyon kung ito ang sasabihin ko.’ Sabi ni Alex sa sarili.Ang kaninang mahigpit na pagkakahawak sa braso ni Alex ay unti-unting lumuwag. Ngunit mariing tinitigan parin ng lalaki si Alex at tinatya kung ito nga ba ay nagsasabi ng totoo. Ngunit nang mapagtantong totoo nga ang mga sinabi ni Alex, tuluyan na siyang binitawan ni John. Yumuko ito upang hindi mapansin ng dalaga ang malungkot nitong mga mata. Ngunit pansin naman sa kanyang katawan ang panginginig, dahilan upang mapakunot ng noo si Alex at pilit na titigan si John sa kanyang mata.Namumula ang mga ito, at tila ba ay maiiyak na. Naglalabasan na din ang mga ugat sa kanyang noo, dala ng pagpipigil ng kanina pang gustong sumabog na emosyon.Sakit, pagkadismaya, at pagsisi… Pagkadismaya dahil kung bakit palagi na lamang siyang nahuhuli… Pagsisi
“Nobyo ko, kuya. Boyfriend ko in english.” Sarkastiko nitong pag-uulit sa sinabi.Tila nanigas si John sa pasabog na balita ni Alex, dahilan upang hindi ito agad makapagsalita.Alam ni Alex na maigiging ganito ang reaksyon ni John. Lingid sa kanyang kaalaman na may gusto ito sa kanya at sinabi niya iyon noon. Bakas sa mukha ni John ang sakit ng malaman niya iyon. Ngunit para kay Alex, makabubuti na ito upang tigilan na siya ni John, James at ng kanilang ina sa pagpupumilit sa kanya at magising sila sa katotohanang ayaw na niya.“S-sino siya?” Nauutal nitong tanong na tila ba hindi pa rin makapaniwala sa balitang pinasabog ni Alex.“Si Brandon,” Agad nitong sagot.Ang kaninang hindi maipintang mukha ni John ay mas lalong kumunot.“Alex…”“Tama ang pagkakarinig mo, Kuya. Si Brandon Montenegro.” Pag-uulit ni Alex.“Pero…”“Kuya John, naiintindihan ko ang gusto mong sabihin. Pero hindi ako nakikipagbiruan pagdating sa relasyon. Masaya ako sa piling niya ngayon. Sana masaya din kayo para sa
Nang maalala ni Alex ang kanyang magiging pakay sa pamamahay ng mga Lopez, ay agad niyang ipinaalam ito kay John.“Kamusta na pala sila Tito at Tita?”“Aray ko naman… Ako ang andito pero sila ang hinahanap mo.” Pagbibiro nito na ikinairap ng mga mata ni Alex.“Okay lang naman sila. Namimiss ka na nila. Pero mas namiss kita.” Hirit pa ni John.“Tigil-tigilan mo na nga ako sa pagbibiro mo, kuya.” Inis na sambit ni Alex.Tumawa na lamang ang lalaki. Maya-maya pa ay matagal niyang tinitigan si Alex. “Ikaw, kamusta na?” tanong nito.Sa titig pa lang ni John, alam na ni Alex na may alam ang lalaking nasa kanyang harapan ang pinaggagawa ng kapatid nito. “Sa totoo lang… Hindi okay…. Kasi…”“Kasi ano?” Naningkit ang mga matang nakatingin si John kay Alex habang naghihintay ito ng sagot.Humugot ng malalim na hininga ang dalaga. “Alam mo ba na ang kapatid mo ay iniipit ang kompanyang pinagtatrabahuhan ko ngayon?” Tanong nito.Bakas sa lalaki na hindi na ito nagugulat sa sinabi ni Alex. Kaya na
Dahil sa nangyari, hindi na hininitay ni Alex ang isa pang araw at nilapitan na niya si Ezekiel upang maipagbigay alam sa mga boss nito ang nangyayaring crisis sa kompanya.“Sir… Pasensya na po pero kailangan niyo na pong malaman. At alam ko pong kasalanan ko lahat ng ito. Kung hindi dahil sa akin, hindi mag-aalisan ang mga investors sa project na pinahawak mo sa akin.”Ngumiti si Ezekiel at tinapik ang balikat ni Alex upang aluin. “Huwag mong sisihin ang sarili mo. Normal lang ang ganyang bagay sa industriyang ito. Kung nagsialisan sila, ibig sabihin hindi sila para atin. Ipagpatuloy mo lang ang paggawa mo at pagdevelop ng mga bagong ilaw. Makakahanap din tayo ng investors para diyan. At huwag ka magpaapekto sa problema ngayon.”Gumaan ang loob ni Alex sa sinabing pampatibay ng loob ni Ezekiel. Na kahit sa kabila ng pambabatikos ng ibang mga kasamahan niyang nawalan ng tiwala sa kanya, ay may isang taong naniniwala sa kanyang galing at kahusayan sa larangang ito.“Maraming salamat sa