Share

Chapter 22. Tatayong Ama

JIHAN'S POV

Dalawang buwan na rin ang lumipas mula ng lumipat kami dito ni Trina sa Japan.

Tinutulungan naman kami ni Grey at Myer kung paano makapag-adjust dito. Hindi na rin nila kami sinisingil ng bayad dito sa unit namin dahil pagmamay-ari naman ito ni Grey. Tumatanggi kami nung una pero nagpupumilit sila kaya kahit nakakahiya man. Wala na kaming magawa ni Trina. Sabagay kung si Trina ay okay lang dahil boyfriend nya na itong si Myer.

Ako? Medyo okay naman na ang puso ko. Unti unti ko nang natatanggap sa sarili ko na hindi talaga kami para sa isa't isa ni Hyder.

Ano kayang ginagawa nya ngayon?

Namimiss kaya nya ako?

Nagkabalikan na kaya sila ni Alexa?

Siguro naprocess na ni Hyder ang divorce paper na iniwan ko. Wala na kasi akong balita. Hindi ko naman pwedeng tawagan si Atty. Javier dahil baka magtanong sa kanya si Hyder

"Ahhh nakakainis!" sambit ko at nagtalukbong pa ako ng kumot ko.

Tinatamad akong bumangon ngayon. Gusto ko pang matulog pero nangungulit na si Trina.

"Hoy bruh
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status