Share

Chapter 23

Habang nasa kaniyang opisina ay tahimik na nag-iisip si Blaine. Kahit ano ang gawin niya ay hindi na niya mababago pa ang katotohanan na baog siya at walang kakayahan na mabigyan ng anak ang kaniyang asawa. Araw-araw ay iyon ang bumabagabag sa kaniyang isipan. Gusto na niyang sabihin kay Mikaela ang totoo, ngunit may isang bahagi sa puso niya ang pumipigil sa kaniya na gawin iyon. Napabuntong hininga siya nang malalim.

Ang ginawi niyang iyon ang eksena na nadatnan ni Dave, si Dave ang senador na asawa ng kaniyang kapatid na si Emily at matalik niyang kaibigan simula pa noong nasa elementarya sila.

"You look so serious, is there any problem?" tanong ni Dave. Sanay na siya na kapag pumapasyal sa opisina ni Blaine ay dire-diretso lang at hindi na ginagawa pang kumatok.

Agad naman napabaling ang tingin ng kongresista sa hindi niya inaasahan na bisita, sumilay ang ngiti sa kaniyang labi ng makita ang kaniyang kaibigan. Matagal-tagal na rin simula ng huli silang magkita. Kahit maraming okas
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status