Share

Chapter 22

Lumabas ng kusina si Fiero, inutusan siyang pumunta sa stock room para kunin ang sako ng repolyo. Pasan niya sa kaniyang kaliwang balikat ang sako. Habang naglalakad ay hindi niya inaasahan na bigla na lamang may babangga sa kaniya, laking gulat niya ng mapagsino ang bumangga sa kaniya. Ni sa hinagap ay hindi niya naisip na magku-krus pang muli ang landas nila ng babaeng sa unang kita pa lamang ay hinangaan na niya. Ang babaeng iyon ay walang iba kung hindi ang volunteer na namimigay ng relief goods na dumalaw sa kanilang bayan sa San Marcelino. Napangko siya sa pagkakatayo, nakatitig lamang siya sa mukha ng magandang babae. Kita niya ang labis na pagkabigla sa mukha nito. Hindi niya alam kung natatandaan pa siya nito ngunit base sa reaksiyon ng mukha nito ay parang naaalala nga siya nito.

"Ma'am, a-ayos ka lang ba?" tanong niya, gusto niya sanang siguraduhin na hindi ito nasaktan sa pagkakabangga sa kaniya ngunit hindi niya maibaba ang pasan na sako, hindi rin niya nagawang makalapi
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status