Share

Chapter 37

Napadilat si Fiero. Ang buong akala niya ay panaginip lang ang lahat, ngunit nang ilibot niya ang mga mata sa paligid ay naroon pa rin siya sa hindi pamilyar na silid. Lumingon siya sa kaniyang tabi, mag-isa na lamang siya sa kama, wala na si Mikaela, ngunit nanunuot pa rin sa ilong niya ang mabangong amoy nito na kumapit na sa higaan at sa balat niya.

Bigla siyang kinabahan nang maisip si Blaine, paano kung dumating na pala ito? Paano kung maabutan siya nito sa silid na iyon? Napasarap ang tulog niya at ang balak na pagtakas kagabi ay hindi na niya nagawa. Araw ng Linggo ngayon, sa pagkakaintindi niya sa sinabi ni Madam Claudia ay Lunes pa raw ang balik ni Blaine.

"Gising ka na pala, good morning, honey!"

Napamaang siya ng marinig ang boses ni Mikaela, hindi niya namalayan na nakapasok na pala ito sa silid dahil sa lalim ng iniisip niya. Tangkang babangon siya ngunit hindi niya naituloy, nabigla siya sa ginawa nito, lumapit ito sa kaniya, sumampa sa kama at dumagan sa ibabaw niya. Hin
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status