Share

Chapter 39

Narinig ni Fiero ang pagdating ng sasakyan ni Blaine kaya dali-dali siyang bumaba para salubungin ito.

Pagtapak ng paa niya sa pinakahuling baitang ng hagdan ay siya namang pagpasok ni Blaine. Nagulat siya ng mabibilis ang mga hakbang na lumapit ito sa kaniya at inundayan siya ng malakas na suntok, tumama iyon sa kanang panga niya. Dahil sa labis na pagkabigla at walang kahandaan ay nawalan siya ng balanse at bumagsak sa sahig.

"Oh, my gosh, Sir, bakit mo sinuntok si Fiero?" Mababakas ang labis na pagkagulat sa mukha ni Maureen, kasama ito ni Blaine nang dumating nasa likuran ito ng kongresista at hindi niya inasahan na susugurin nito ng suntok si Fiero. Dali-dali siyang lumapit sa binata para daluhan ito, inalalayan niya ito na makatayo. Dumudugo ang labi nito na tinanamaan ng mabigat na kamao ni Blaine.

Hindi pinansin ni Blaine ang tanong na iyon ni Maureen. Matalim ang mga tingin na ipinukol niya kay Fiero.

"You backstabber! How dare you?! How could you steal my identity? How could
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status