Share

Chapter 9: Siyudad

Marahang tapik sa pisngi ang nagpagising sa nakatulog nang si Sophia. Hindi niya akalain na hihilahin siya ng antok sa sobrang haba ng oras ng biyahe nila. Nakadagdag pa ang lamig ng aircon kaya lalo siyang hinila ng pagka-antok. Tumuwid siya ng upo sapagkat nakasandal na pala siya sa balikat ni Jamir. "Pasensya na nakatulog pala ako," aniya na kinusot-kusot pa ang kaniyang mata.

"Malapit na tayo," mahinang wika ng nakangiting si Jamir.

Tumingin sa labas ng bintana si Sophia. Nasa siyudad na nga sila. Nalula siya sa nakikita at nadadaanang malalaki at naggagandahang building. Sa probinsya nila pinaka-mataas na ang dalawang palapag na nakatayo roon. Pero itong mga nakikita niya ngayong mga building tingin niya ay nasa mga limampung palapag ang taas ng mga ito. Hindi niya akalain na makakakita siya ng ganito sa personal. Sa telebisyon at mga magazine lang niya kasi nakikita ang mga ito dati.

"Ang ganda! Napakataas ng mga building. Ang unlad talaga ng Maynila," manghang wika nito.

"Ma
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status