Share

Chapter 5: Jamir meets her Idol

"Naririto na tayo Jamir," wika ni Mang Na'to pagkahinto ng sasakyan nilang minamaneho nito.

Kita ni Sophia na parang nabigla pa sa paglingon si Jamir sa kaniyang tatay na katabi nito na nakaupo sa unahang upuan. Marahil nalibang ito sa pagmamasid sa kanilang dinaraanan pauwi sa kanila.

Maganda kasi ang kanilang lugar lalo kung ang makakakita ay tulad ng binata na sa siyudad naninirahan. Nakakawala ng pagod at nakakapagbigay ng kapanatagan sa puso, kapag ang makikita ay malawak at maberdeng kapaligiran dahil sa malawak na palayan at punong nakahanay sa gilid ng daan.

Iba't-ibang klase ng puno tulad ng aratilis, akasya at puno ng mangga ang makikita papasok sa kanilang lugar.

"Pagpasensiyahan mo na ang lugar at bahay namin, maliit lang ito iho," malumanay na wika ni Mang Nato bago nito binuksan ang pintuan ng sasakyan at nauna na ng bumaba.

Sumunod na ring bumaba si Jamir.

Kasunod si Sophia at Aling Tisay.

"Okay lang po, Mang Nato. Maganda po ang lugar niyo, maliit man po ang bahay niyo pero mukhang masarap at payapang tumira dito,"

sinserong wika nito.

Maliit lang talaga ang bahay nila Sophia na gawa ang kalahati sa bandang ibaba sa semento at ang kalahati sa itaas naman ay sawali. Pero maganda ito at maayos kahit maliit.  Malawak ang bakuran nila. Maraming punong nakatanim kaya malilim at malamig dito.

"Pumasok na tayo iho nang makapagpahinga ka," wika ni Aling Tisay na katabi na ni Jamir. "Sophia anak, maghanda ka muna ng mamimeryenda natin," baling naman nito kay Sophia na nasa likuran nito.

"Sige po, Inay," anito na humakbang na patungo sa loob ng kanilang bahay. Ngunit nakakailang hakbang pa lang siya nang huminto ito at lumingon sa gawi ni Jamir. " Welcome sa aming munting bahay Jamir," aniya na ngumiti ng bahagya sa binata at pagdaka'y pumihit na muli patungo sa kanilang bahay.

Habang inaayos ni Sophia sa pagkakalagay sa malaking babasaging plato na kulay berde ang putong puti at kutsinta. Kasabay no'n ang 'di maipaliwanag na lungkot na nararamdaman. Sa loob ng isang linggong nakasama niya si Jamir, ang laki na ng puwang at epekto nito sa kaniya.

Napakabait at mabuti itong tao. Kung ibabase sa panlabas nitong itsura ay malayo sapagkat mukha itong suplado at napaka-seryoso na parang wala itong simpatya sa iba.

Tatlong araw pa itong mamamalagi sa kanila bago ito tuluyang bumalik ng Maynila.

Nakaramdam siya ng pag-iinit sa paligid ng kaniyang mga mata. Kasunod no'n ang pagpatak ng ilang butil ng luha. Tumingala siya at mariing pumikit upang mapigilan ang pagpatak ng mga ito. Ipinilig niya ang kaniyang ulo. Hindi niya maintindihan ang kaniyang sarili, kung ano ba ang nangyayari sa kaniya. Nalulungkot siya sa nalalapit na pag-alis ni Jamir.

Humugot siya ng hangin tsaka iyon ibinuga ng dahan-dahan. "Sophia, umayos ka. Hindi siya taga-rito. Tanggapin mo na at 'wag kang maapektuhan." Saway niya sa sarili pagkatapos ay pinahid ng likod ng palad ang mga matang nabasa ng luha.

Kinuha niya sa mesa ang tray na naglalaman ng inihanda niyang meryenda. At nagtungo na sa kanilang sala.

"Meryenda po muna tayo," anitong nakangiti. Isa-isa niyang inilapag sa mesitang gawa sa kawayan ang dalang putong puti, kutsinta, ginataang bilo-bilo at melon shake.

"Jamir iho, magmeryenda ka na. Si Sophia ang nagluto ng lahat ng 'yan bago ka namin sinundo kanina. Masasarap ang mga 'yan," buong pagmamalaking wika ni Mang Nato.

Kita naman ni Sophia ang kuryosidad sa mukha ni Jamir.  Na isa-isang tiningnan ang mga pagkaing nakahain sa harapan nito.

"Bago lang po sa paningin ko ang mga iyan maliban sa putong puti na natikman ko na nang minsang umuwi sa probinsiya ang mayordoma namin at nag-uwi ng ganyan pagbalik niya.

"Ito ang tikman mo iho, masarap ito," wika ni Aling Tisay na ang itinuturo ay ang ginataang bilo-bilo na nakalagay sa isang malaking mababasaging mangkok na kulay pula.

"Mukha nga pong masarap, at ang bango po ng amoy Aling Tisay," anito na inilapit pa ang mukha sa kinalalagyan ng ginataang bilo-bilo at inamoy iyon. "Nakakaakit po ang amoy at nakakagutom," dugtong pa nito at napahawak pa sa kaniyang tiyan at hinimas-himas ito.

Natawa nang malakas si Mang Nato dahil sa ikinilos na yon ni Jamir. "Siya sige, Sophia ipagsalin mo nga sa mangkok ng ginataang bilo-bilo si Jamir nang mapatunayan niyang masarap talaga 'yang niluto mo," tatawa-tawa nitong wika.

Kaagad namang tumugon sa ama si Sophia at ipinagsalin sa mangkok ng ginataang bilo-bilo si Jamir. At pagkatapos ay inilapag ito sa harapan ng binata.

"W-wow! Napakasarap nga po ng lasa nito, Mang Nato, Aling Tisay," anito matapos matikman ang ginataang bilo-bilo. "Puwede kang maging chef Sophia, ang sarap mo pa lang magluto," pagdaka'y baling nito sa dalaga at nginitian ito ng matamis.

Ngiting nakapagpabilis ng tibok ng puso niya, at nakapagpapula rin sa mukha nito dahil sa papuring iyon sa kaniya ni Jamir.

"Pasensiya na sa kuwarto ko Jamir, maliit lang ito. Baka kung ikukumpara sa kuwarto mo ay sulok lang ito," pabirong sabi ni Sophia pagkapasok nila sa kaniyang kuwarto.

"Hmm, okay lang. Maliit man pero maayos. Maganda, kasing ganda mo," pagkasabi no'n ay nilingon siya nito at nginitian ng matamis.

"Nambola ka pa! Wala akong panlibre!"  ganting biro niya upang maikalma ang muling pangangatog na naman ng kaniyang tuhod dulot ng ngiting iyon sa kaniya ng binata.

Isinara niya ang pintuan ng kaniyang kuwarto at pagdaka'y naglakad papunta sa kaniyang kama upang ilapag ang hawak na bag na naglalaman ng damit at personal na gamit ni Jamir.

"Siya pala si Go Yun?"

Biglang napalingon si Sophia kay Jamir. Nakita niyang nakatingin ito sa malaking poster ni Go Yun na nakadikit sa pintuan ng kaniyang kuwarto.

"Kilala mo siya?"

Nakangiti ito ng may kahulugan nang humarap  ito sa kaniya.

"Bukod sa nabasa kong nakasulat ang pangalan niya diyan sa poster, narinig ko ng malinaw ang sinabi mo nung una tayong magkita sa ospital," nakangiting wika nito.

Napatutop ang kamay ni Sophia sa kaniyang bibig. Nag-iinit ang kaniyang mukha. Alam niyang namumula ito dahil sa nararamdamang hiya. "Totoo ba, narinig mong lahat-lahat mula simula yung sinabi ko no'n?" alanganin siyang nakangiti.

"Oo naman. Gusto mo bang ulitin ko lahat ng sinabi mo no'n para lang maniwala ka?" nakangiti nitong wika.

"Hmpt! Hindi na, naniniwala na ako!" kunwa'y galit niyang sabi upang mapagtakpan ang nararamdamang kahihiyan. Hindi niya akalain na hindi pala ito tulog noon.  Na pinakikiramdaman at pinakikinggan lang nito lahat ng sinasabi niya. "Gising ka naman pala no'n, bakit hindi ka nagdilat agad ng mata?" nakasimangot nitong sabi.

"Namumula ka, nakakatuwa kang bata," sabi nito na lumakad papalapit sa kaniya at naupo sa gilid ng kama nito.

"Hmpt!"

"Hahaha!" pumuno sa buong kuwarto ni Sophia ang tawang iyon ni Jamir. Pagpasensiyahan mo na ako no'n, kung bakit hindi agad ako dumilat no'n ay dahil ang akala ko ay isa ka sa mga nurse na naka-assign no'n sakin. Nagkukunwari lang akong tulog kasi kadalasan titingnan lang naman nila ang nakalagay saking dextrose, o kaya itsetsek nila ang blood pressure ko. Kaya hindi ako nagdilat ng mata. Tsaka lahat ng nurse na naka-assign sa'kin do'n, nakita mo naman kung paano makatingin at makangiti. Naiilang ako at ayaw ko ng ganoon," paliwanag nito.

"Oh, 'di ikaw na ang guwapong suplado!"

"Hahaha! Ikaw na bata ka pinasasaya mo ako,"

"Pero nagmulat ka rin naman ng mata no'n,"

"Oo, kasi napagtanto ko na hindi ka kasama sa mga nurse na naka-assign sa'kin. Natandaan ko ang boses mo nang kausap ka ni Aling Tisay no'n sa phone. Naaliw ako sa iyo, sa mga sinasabi mo kaya pinili kong huwag munang magdilat ng mata,"

"Eh, 'di hindi pala agad maganda ang unang impresyon mo sa'kin? Kasi tulad ng sinabi mo kanina ayaw mo sa mga tulad ng naka-assign sa iyong nurse na kung makatingin at makangiti sa'yo," wika ni Sophia na hindi naitago ang kalungkutan. Napaupo na rin ito sa kama niya na parang biglang nawalan ng lakas dahil sa pagkadismaya sa naisip na hind maganda ang unang impresyon ni Jamir sa kaniya.

"Hmm, hindi naman, iba ka naman sa kanila. Parang ikaw lang kasi yung bunso kong kapatid na babae. Pareho kayong nahuhumaling sa mga K-pop star at Korean actor. Kaya marahil kapag nagkita kayo no'n, magkakasundo kayong dalawa," nakangiti nitong wika.

"Okay," maikli niyang sagot. Bigla ang pagbalik ng saya sa buong sistema niya sapagka't hindi naman pala katulad ang impresyon sa kaniya ni Jamir sa mga nurse na naka-assign dito no'n sa ospital.

"Totoo bang kamuka ko si Go Yun?" Nakangiting wika ni Jamir.

Hindi namalayan ni Sophia na nakaalis na pala ito sa pagkakaupo sa kama niya at nagpunta na ito sa pintuan kung saan nakadikit ang poster ni Go yun. Ginaya nito ang post ng idolo niya na medyo naka-side view at nakangiti ng matamis.

"Hmmm," ang tanging sagot niya.

"Ang guwapo ko pala kung kamukha ko siya," anito na sinundan ng malakas na pagtawa.

"Huwag kang ma-feeling, yung puti lang ang kamukha mo sa kaniya," aniya sabay tawa rin ng malakas...

"Hmpt!" kunwa'y wika ni Jamir.

Pagkatapos ay magkasabay silang nagkatawanan...

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status