Share

Kabanata 3: Pagkamangha

"Kumusta ang pakiramdam mo anak?" tanong ni Aling Tisay kay Sophia ng makaalis na ang nurse na may dala sa dugong nakuha sa kan'ya.

"Medyo nakakaramdam po ako ng onting pagkahilo at panlalata. Pero huwag po kayong mag-alala Inay at normal lang naman po itong nararamdaman ko sa tulad kong nakuhanan ng dugo, tulad ng paliwanag ng Duktor,"

"Oh, siya sige anak, kainin mo itong ipinabili ko sa Itay mong nilagang itlog ng pugo at inihaw na atay ng baboy, makakatulong ito para sa pagbuti ng pakiramdam mo at para mapalitan ang nawala sa iyong dugo," wika nito at kinuha ang kulay brown na paper bag na nakapatong sa mesang puti na nasa kanang gilid ng hospital bed na kaniyang kinahihigaan.

" Salamat po, Inay," wika nito at dahan-dahang bumangon at naupo.

"Maya-maya lang narito na ang Itay mo, tiningnan lang niya iyong mga naiwang prutas sa loob ng puwesto natin at baka may nasira o nabulok na roon. Bukas na lang siya magtitinda, ipahahatid na kita sa bahay mamaya para makapagpahinga ka. Ako na ang bahala dito para mag-asikaso sa pasyente natin," anito na ipinagbabalat si Sophia ng itlog ng pugo.

"Inay ayaw ko pa pong umuwi, dito na lang po muna ako, sasamahan ko po kayo sa pagbabantay,"

"N-naku Sophia hindi maaari ang gusto mo! Kailangan mong magpahinga at hindi biro ang makuhanan ng dugo," ani Aling Tisay na ikinukumpas-kumapas pa ang kamay sa ere.

Natahimik si Sophia at nakaramdam ng lungkot. Ayaw niyang umuwi, gusto niyang naririto lang siya sa ospital upang malaman agad ang kalagayan ng lalaking tinulungan nila. Pero kailangan niyang sumunod sa sinasabi ng kaniyang inay dahil para rin naman iyon sa kan'yang kalagayan.

"P-pero Inay maaari po bang bumalik ako agad bukas ng umaga dito? Hindi rin po kasi ako mapapalagay sa bahay, nag-aalala po kasi ako sa lalaking 'yon. Gusto ko pong malaman agad ang lagay niya," pagsusumamo ng dalaga.

"Naku! Ikaw na bata ka talaga eh, huwag matigas ang ulo, kailangan mong magpahinga sabi ng duktor. Babalitaan na lang kita kaagad sa kalagayan ng lalaking 'yon. Kung makapag-alala ka naman eh para bang kadugo mo ang taong 'yon," litanya ni Aling Tisay.

Hindi rin maipaliwanag ni Sophia ang nararamdaman kung bakit ba ganoon na lang ang pag-aalala niya sa lalaking 'yon.

"Inay sa isang araw po, marahil maaari na po akong bumalik dito? Okay na po siguro ang katawan ko no'n, please," pagpupumilit pa rin niya.

"N-naku! Ikaw talagang bata ka! Ang maipilit eh! Sige ikaw ang bahala, tiyakin mo lang na kaya na ng katawan mo at hindi makakasama sa iyo ang pagbabantay dito." suko ng wika ni Aling Tisay. Kabisado rin kasi nito ang anak, hindi ito titigil hangga't hindi napagbibigyan ang gusto. At tiwala naman siya dito sapagkat hindi pa naman ito napahamak dahil sa ipinilit nitong sariling kagustuhan. Responsable ang anak niya at may tiwala siya dito.

Napangiti ng ubod tamis ang dalaga sa tinuran ng kaniyang inay. "Salamat po, Inay." anito na niyakap pa ito ng mahigpit.

*******************

Pakiramdam ni Sophia napakabagal lumipas ng bawat oras, inip na inip na siya. Totoong nanonood siya ng t.v ngunit hindi niya naiintindihan kung ano ba ang k'wento ng pinapanood niyang korean drama, nakatitig lang siya sa t.v ngunit ang isipan niya ay hindi nakatuon sa pinapanood kundi sa lalaking tinulungan nila. Tumawag ang kaniyang inay kaninang umaga. Magandang balita sapagkat nakaligtas sa tiyak na kamatayan ang lalaki dahil narin sa nasalinan ito kaagad ng dugo na galing sa kaniya.

Napakagaan at ang sarap ng pakiramdam niya dahil sa nalaman.

Ilang ulit na ikinurap-kurap ni Sophia ang kan'yang mga mata, hindi siya makapaniwala. Dinadaya lang ba ang kan'yang paningin nang nakikita niya ngayon sa kaniyang harapan. Parang biglang lumukso ang puso niya sa tuwa at pagkamangha, may kung anong parang naggagalawan sa loob ng kaniyang tiyan.

"Oh, my gosh! Go Yun ikaw ba yan?" manghang wika niya na napatutop pa ang kanang kamay sa kan'yang bibig. "Pero malamang hindi at kamukha mo lang ang idol kong korean actor," bawi rin nito sa sinabi . Bahagya pa nitong inilapit ang mukha sa mukha ng lalaking nakapikit parin at natutulog.

Hindi niya akalain na ito pala ang itsura ng lalaking tinulungan nila. Halos mapuno kasi ng dugo ang mukha nito ng matagpuan nila, kaya hindi siya makapaniwala na ito pala talaga ang itsura ng lalaking 'yon. Medyo makapal ang kilay nito, matangos ang ilong at mapula ang labing may kanipisan pero parang kaysarap humalik. Naipilig bigla ng dalaga ang ulo sa naisip.

Parang hindi pa rin siya makapaniwala kaya kumilos ang kaniyang kanang kamay papalapit sa mukha ng lalaki, sa pamamagitan ng hintuturo nito ay sinaling niya ang pisngi ng lalaki. Namilog ang kaniyang mga mata at napatutop muli ang kamay sa kaniyang bibig. Totoo nga, napakalambot ng makinis at maputi nitong balat.

"Tapos ka na ba at naniniwala ka na?" mahinang wika ng lalaki at onti-onting nagmulat ng kaniyang mga mata at tumingin sa dalaga ang medyo singkit nitong mga mata.

"Ay! Palakang nagsalita! Gulat nito at napasapo ang kamay nito sa kaniyang dib-dib.

Nagtama ang kanilang mga mata, biglang kumabog ang dib-dib ni Sophia at ang bilis ng pagtibok nito. Hindi niya alam kung ano ang unang iintindihin, ang pagkabog ba ng kaniyang dibdib o ang pagkapahiya sa isiping gising na pala ito at narinig na ang kan'yang mga sinabi at naramdaman maging ang pagsaling niya sa pisngi nito. Hindi man niya nakikita pero dama niya na pulang-pula na ang kaniyang mukha sa magkahalong kaba at pagkapahiya.

"Marahil ikaw si Sophia?" mahina ang baritinong boses na tanong ng lalaki.

"Opo, ako nga po," nahihiya niyang sagot na sa kamay niyang nasa kandungan nakatingin dahil dama parin niya ang pagkahiya.

"Ikaw pala ang nagdugtong at pinagkakautangan ko ng pangalawang buhay ko. Salamat Sophia," nakangiting saad ng lalaki.

Napaangat naman ng tingin si Sophia at muling nagtama ang kanilang mga mata. Kita niya ang matamis na ngiti ng lalaki, bagamat bakas pa rin sa mukha nito ang iniindang sakit sa katawan. Pero lalong napatunayan ng dalaga na kamukha ito ng iniidolong korean actor. Ang mata nitong medyo singkit na para siyang matutunaw sa tingin nito, "Napaka-guwapo talaga!" sigaw ng isipan niya.

Pitik sa harapan ng kaniyang mukha ang gumising sa parang inihehele niyang isipan.

"Sophia, okay ka lang?" nakangiti pa rin ito sa kan'ya.

"H-ha, opo okay lang po ako," alanganin siyang napangitti dito. Nadagdagan pa tuloy ang nararamdaman niyang pagkapahiya.

"Huwag ka ng maglagay ng po, tingin ko hindi naman ganoon kalayo ang agwat ng edad natin. Tsaka isa pa gusto kong 'wag ka ng maging pormal sa akin lalo ikaw ang naging tagapagligtas ko. Ituring mo akong dati ng kakilala para 'wag ka ng mailang sakin," nakapaskil pa rin sa labi nito ang bahagya pero matamis na ngiti.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status