Share

You're Special

"You're Different and Special"

ERNIST never let go of my hand 'til we got inside the store.

I felt awkward, naiilang ako. Hindi ko rin maintindihan pero feeling ko may milyong boltahe ang palad nito animo'y nakukuryente ako na hindi ko mawari?

Yes. I am a romance author, I write not through experiences instead I write through research, reading, and watching movies.

Ang nararamdaman ko ngayon ay unang beses ko palang naranasan at naguguluhan ako?

Is this normal? Maybe yes, maybe no—first time kasing may humawak sa akin na opposite sex. And to think about it we're not really close, natural na makadama ako ng pagka-ilang at nakukuryenteng parang tanga.

"Yes, tama!" mahinang kumbinsi ko sa sarili ngunit narinig parin iyon ng Ernist.

"Ano 'yon?"

Umiling ako saka maingat kong binawi ang palad ko na hawak nito. Napahinto ito sa paglalakad at binalingan ako.

"Hindi dapat tayo magkahawak kamay," saad ko na pinamulahan at napayuko.

"Hindi ka ba komportable?"

"H-Hindi naman sa ganun, unang beses kasing may humawak sa akin—

"Sorry, I didn't mean to scare you," sabi nito.

"I am fine, it's a new experience," bawi ko na ngumiti ng pilit.

For the first time in my life I speak almost three sentences. Sa taong hindi ko naman ka close.

Am I getting comfortable with this man?

Parang tanga lang, kahapon ko palang to nakita eh, komportable agad?

Naglalandi lang talaga ako, I think. Ikaw ba naman hawakan ng malamacheteng lalaki, diba mangingisay ka din.

"A new experience—" ngumuso si Ernist na tila nag-iisip, "—let's experience once more, then," muli ay hinagip nito ang palad ko.

I can feel his palm land and touch mine.

Lintik! Wala sa oras na napa-igtad ako dahil nandun na naman ang kuryente na akala mo'y mas malakas pa's super saiyan ni Guko.

Hindi ako nakahuma agad at blankong nakatitig lang ako dito.

Ngumiti ito at dumukwang upang matitigan ako. "Can I hold your hands?" he asked.

Tanga neto parang di-nag grade two, paano ako makatatanggi kong nakahawak na ito sa kamay ko. Parang tanga lang.

"As if I have other choice, you already holding me," sumbat kong nakatuon sa mga kamay nitong nakasakop sa kamay ko.

Damn, parang naging madaldal na ang peg.

Kahit gusto ko nalang mangisay dahil sa tension ay pinilit kong pinanatili ang aking composure.

Mas lalo akong naiilang dahil halos lahat ng tao sa loob ng tindahan ay nakaw tingin dito. I don't like being in a center of attention at dahil sa lalaking ito lahat ay napapatingin at syempre bilang kasama ni Ernist dadaan talaga ang paningin ng mga tao sa akin.

Pero mukhang hindi man lang ito apektado sa mga taong nakaw sulyap dito. Para wala lang, wow.. How can he able to handle all the eyes? May looks pa, may confidence pa, sana all.

"Then, I guess I consider that as a yes," pagkasabi niyon ay inakay na ako nito papunta sa grocery section.

Hindi ako kumontra at sumunod lang ako. Natuloy tuloy kami sa sadya ko. Tinanong nito kung ano ang bibilhin ko.

"Bigas," tipid na sagot ko sa hinagip ang isang shopping cart. Naging maagap si Erning at tinulungan ako.

Magkasabay ang aming hakbang na nilibot ang buong bilihan. Bumili ako ng gulay at prutas baka mapagalitan na naman ako ni Pily kung palagin instant ang maabotan nito.

As a matter of fact kahit naiilang ako ay wala akong karapatang mag-inarte dahil niligtas ako nito kay Lucas kanina.

"Baka naabala kita," hindi nakatiis na sabi ko na tiningala ito. Nakapila kami upang magbayad.

"Nah, wala naman akong ginagawa," he answered with a smile.

Walang ginagawa eh nagkalat pa ang mga gamit nito sa sahig.

You can't lie to an introvert I am a good observer.

"Akala ko ba may sadya ka dito?" Pa-inosenteng muli kong tanong.

Hindi ko maintindihan ngunit hindi ko mapigilang maging madaldal. Lintik!

"Honestly, wala naman talaga akong sadya."

Naguguluhang napatitig ako sa gwapong mukha nito.

"Sinundan talaga kita," amin ni Erning na inisa-isang hinagilap ang mga produkto nang matapat kami sa kahera.

"Bakit?" hindi ko alam kong ikatuwa ko ba ang narinig.

"Well, gusto ko lang makipagkaibigan."

Nagulat ako sa narinig. Parang tanga lang, biglang sumikdo ang tibok ng puso ko. Sobrang kainis! Parang napakalaking bagay.

Oo. Siguro sa iba maliit na bagay lang, ang meron taong gustong makipagkaibigan pero sa'kin, it is big thing. I have limited count of friends. And I am aloof and unsociable and because of that people around me never dare to get close to me.

"Why me?"

When I was in grade school I don't have a friend even a single maliban lang sa ate kong si Samantha.

Pag-uwi galing school palaging may nakabuntot sakin na mga batang lalaki at tinutukso ako na mukha raw akong manyika dahil malaki daw mata ko. Maputi pero hindi iyong mamula-mula ang balat ko. Maputla, ganun!

It was really traumatic that I lost my self-confidence. Bumaba ang self-esteem ko dahil pagmay lumapit na bata sa akin hindi agad ako makapagsalita at di-makatingin ng deritso.

Since then, no one pays attention to me simula't sapol not until today. Not until this guy came. Do I have to feel grateful? Mariin akong napahugot ng hininga.

"You caught my attention, Mari," he said with emphasis.

As if hindi ako nakafocus dito at pinaghahalungkat ko ang cash sa wallet ko.

"Because you're different—

Naiangat ko ang titig dito. Oo, different naman talaga ako. Gloomy, unfriendly, mahirap pakibagayan basta kung anu-ano pang hindi kanais-nais na katangian meron ako.

"When I saw you on the elevator yesterday, I was shocked!"

Biglang namula ang tainga at pisngi ko sa hiya. Remembering those tragic and full of embarrassment scenario. Yes.Shookt talaga dahil sa dildo scene. The design is so tigang!

Kaya hindi ko na ito nilingon pa, mabilis kong kinuha ang mga plastic bag at deritsong iniwan ang lalaki.Hindi ko alam kung paano harapin ito.

"Mari—

Habol habol ako ni Erning nang maabotan ako nito ay isa-isa nitong kinuha ang dala ko.

Lihim akong nakahinga ng maluwag ang bigat te, may 5kls.of Conchita rice akong binili.

"Ikaw naman, I am not talking about what—

Hindi ako nagsalita at nagtuloy-tuloy ng hakbang.

"Fine," sumusukong sang-ayon nito na sumunod na humakbang sa akin.

Lihim akong napangiti, ewan ko pero gusto ko ang aura ni Erning hindi nakakapagod o baka gwapo lang ito kaya hindi nakakapagod. The design is very landi.

May nakita akong stall ng ice cream kaya huminto ako sa tapat.

"Choose." tipid kong utos.

"You mean it?" Sabik na turan ni Erning. Saka nilapag sa paanan namin ang mga dala."You will treat me? Is that mean tinanggap mo na ang pakikipagkaibigan ko?" sunod-sunod na tanong nito pero hindi ko pinansin.

It's too uncomfortable to say yes. Let him answer it on him own.Ito nga lang ang mag-iisip sa sagot ko.

Napangiti ako habang nakamasid dito. He was too excited, parang bata lang na binilhan ng mama.

"Gusto ko ng keso," he declared with excitement in his eyes.

Wow, gusto ko din ng cheese. Any food in the world basta may cheese hindi ako aayaw.

Ngayon ko lang din napansin ang biloy nito sa pisngi. That adds to his good looks.

Ano ba 'yan parang naging oa na ako,maliit na bagay pinupuna ko? Silly!

Nag-order din ako ng kaparehong flavor, saka kami naupo sa nakalaan upuan, magkaharap kami sa isa't isa.

As I look at him, my heart beats so fast.

It's not a heartbeat that's afraid or uneasy.

Instead, it's a heartbeat that feels like I am enjoying it.

Beat that doesn't exhaust me,

Beat that builds confidence and security.

Napapangiti ako ng wala sa oras.

I was spacing out without me even realizing it. I am staring at his handsome face while he's digging his ice cream.

He keep talking to me however I didn't understand a single word of it, I just focused on my heart which went unstable at this moment.

Saglit ay napag-igtad ako sa gulat nang makadama ako ng malamig na bagay na dumampi sa aking pisngi.Dinampi nito ang malamig na daliri sa akin.

And when I recovered his eyes were on me. A teasing smile appeared on his lips.

"Am I too handsome for you to space out?"

Dali akong nag-iwas ng tingin,hindi ko nga napansin na tumutulo na pala ang sorbetes ko.Lintik! Nakakahiya!

"No—not at all," tanggi ko na pilit nilangkapan ng lamig ng boses.

"Ohhh," he sounds disappointed upon hearing my answer.

Halatang hindi nito inaasahan ang sagot ko.

Ang kapal din ng mukha ko, to say he's not good looking,nah better lie than to tell him the truth, nakakahiya.

Ilang saglit ng matapos kaming kumain ay tumayo na ako't kinuha ang ilang pinamili at naunang humakbang.

Sumunod lang ito sa akin. "Hindi ko inaasahan ang sagot mo."

Hindi ko ito nilingon pinagpatuloy ko lang hakbang hanggang nakalabas na kami ng tuluyan sa store.

"You're the only person I know that doesn't find me handsome!" giit nito sa likod ko.

Kahit hindi ko balingan ito, alam kong nakanguso at nagmamaktol ito.

"That's why... you're different, Mari. You're special."

Napinto ko bahagya ang hakbang sa narinig pero dali akong nagbawi at binilisan ang lakad na hindi na muling kina-usap si Ernist.

NARATING namin ang condo. Nakasunod si Ernist sa akin hanggang tumapat kami sa pinto ng bahay nito.

Dali ko itong binalingan at akmang kuhanin ang mga grocery bags nang iniwas nito.

"Hayaan mo akong tulungan kita," he insisted na nauna nang humakbang patungo sa tapat ng pintuan ko.

Napabuntong hininga nalang akong hinayaan ang lalaki.

Sumusukong pinapapasok ko ito ng bahay.

Mabuti nalang at nakapaglinis si mama kung hindi ewan ko nalang, baka ito na mismo ang makasaksi sa kadugyutan kong taglay.

Pina-upo ko ito sa sofa saka ako nagtungo ng kusina.

I am anxious, very uneasy.

Tang ina hindi ko alam kong ano ang lulutuin ko, o ano ang gusto nito? It's new to me to have someone in the house, wala akong alam paano ito e.entertain.

Sa isiping iyon parang na di-drain ang utak ko. Gusto ko nalang maglumpasay at mangisay sa sahig o kaya magkulong sa kwarto at hayaang din itong mangisay sa sala. Hindi naman ako ganun kasarap magluto. Bwisit na buhay to'.

Wala sa oras na natataranta ako, kinuha ang cp sa bulsa at nagsearch;

'How to entertain a guest?'

Napangiwi ako nang kung anu-ano nalang ang lumabas sa search engine. Parang tanga lang ang peg.

Humugot ako ng hininga at kinalma ang sarili. I have to think straight.

Sa naalala ko kadalasan na ginagawa ni mama ay naghahanda ito ng maiinom. Pero ang mama ko madaldal at nakikipag-usap, ay bahala na nga.

Kaya nagtimpla ako ng juice pagkatapos ay madalian akong tumalilis sa sala upang ilapag sa mesa.

Naabotan ko itong tinitingnan ang pile ng libro ko sa shelves. Not to mention ang sala ko ay may madaming libro. Malapad ang shelves. Kadalasan ay nauubos ang oras ko sa pagbabasa.

Napansin ako nito at bumaling sa direksyon ko si Ernist.

"I never thought you are a reader," manghang sabi nito sa sinuyod ang iba't ibang klase ng libro kong nakahelera.

May marami pa iyan sa study room ko at sa silid ko."Not just a reader but a writer too," dagdag ko sa utak.

Nakahawak ito sa libro na ako ang may akda. Sa dinami-dami namang pwede tingnan ang libro ko pa na puro kahalayan ang laman.

Damn! Dali akong lumapit sa kinatatayuan nito. Kinuha ko ang libro saka binalik sa shelves.

"Maupo ka muna at mainom ng juice, maghahanda lang ako ng tanghalian," sabi ko without even bother to think if tama ba ang lumabas sa bibig ko.

Pagkatapos ay mabilisan akong kumaripas at bumalik sa kusina. Napasandal ako sa dingding.

I was so naive. Ngayon nagsisi ako kung bakit sinabi ko pang maghanda ng pananghalian. Mas lalong tatagal ang kumag sa bahay ko.

God damn it! Parang ito na talaga ang oras na kamuhian ko ang pagka-introvert ko. Idiot!

Now? What should I do? Having a guest is draining me!

Hindi ko alam, hindi ko na alam!

Kaya natataranta na lumapit ako sa harap ng lababo.

Ini-on ko ang faucet kahit wala naman talaga akong huhugasan, I am thinking yes I do.

On-off... On-off God, ano ba? Naririndi ng ang gripo sa ginawa ko tuloy bumigay ang gripo at tumilansik ang tubig sa mukha at katawan ko.

Napatili ako ng hindi sinasadya dahil sa gulat. Tarantang hinarang ko ng palad ang nagleak ng gripo.

Now, I am really in trouble! The water soaked my shirt.

A few seconds passed Ernist barged in.

"Anong nangyari?" gulat ang mukha nito. His hazel brown eyes were on my wet figure.

And What's worse was my 34-cup C bra was visible at the moment.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status