“SUCCESS para sa bagong libro ni Anna!” sigaw ni Krystal habang nakataas ang baso niyang may laman ng alak. “Success!” Sabay-sabay na sigaw ng mga katrabaho nila at kumalatong ang mga baso dahil sa pagbabanggaan ng mga nito. Napangiti naman si Anna sa kanyang nakita. “Thank you. Salamat sa support na ibinibigay niyo sa akin sobrang nakakataba ng puso,” pasasalamat ng dalaga. Inakbayan naman siya ni Krystal na may malawak na ngiti. “Aba! Syempre susuportahan ka namin! Ikaw kaya ang magdadala ng Nobel Prize Award para sa DRB!” At sabay-sabay na sumang-ayon ang lahat na naroon dahilan para makaramdam si Anna nang labis na hiya. “Krystal, ano bang sinasabi mo? Nakakahiya sa makaririnig,” nahihiyang awat ni Anna kay Krystal. “Anong nakakahiya sa sinasabi ko? Naiuwi mo nga ang Katie Fforde Debut Romantic Novel Award galing U.K, Nobel Prize Award pa kaya?” saad ni Krystal na buong-buo ang kumpyansa. “Krystal ang tagal na noon.” “Matagal man pero nagawa mong makuha iyon kaya hindi mala
Sinuri ng dalaga ang mukha ng binata dahilan para makaramdam ng tensyon si Bien at makalipas ang ilang saglit ay saka nagsalita si Anna. “Ang lamig-lamig pero pinagpapawisan ka. Sigurado ka ba talagang ayos ka lang?” tanong ng dalaga na hindi mapanatag nang sandaling iyon. Kinuha ni Bien ang dalawang kamay ni Anna at ikinulong iyon sa kanyang mga palad saka binigyan nang matamis na ngiti ang dalaga. “I’m really fine, Anna,” mahinahong saad ni Bien at hinawakan ang pisngi ng dalaga at hinaplos iyon gamit ang kanyang hinlalaki. “Are you really sure?” paninigurong tanong ni Anna na hindi nawawala ang pag-aalala sa kanyang mukha. Inilapit ni Bien ang mukha nito sa dalaga na halos isang pulgada na lamang ang layo at mahahalikan niya na ang kanyang kasintahan. “You don’t have to be extremely worried about me because I am fine,” nakangiting tugon ni Bien sa kanyang kasintahan. “Let’s go to our room where you can rest. You’d had a long day, and it’s not good for a lady like you to be stre
ILANG ARAW na napapansin ni Anna na kakaiba ang mga ikinikilos ni Bien maging ang pakikitungo nito sa kanya ay tila ba hindi na tulad ng dati. Kasalukuyang nagbabasa si Anna ng libro sa study room ni Bien kung saan naroon din ang binata at abala sa pagsusulat nito. Pinagmasdan niya ang kanyang kasintahan at sinuri ito kung may pagbabago ba sa physical nito dahilan para maapektuhan ang emosyonal na pakikitungo nito sa kanya simula ng siya’y dumating. “Guni-guni ko lang ba ang lahat?” tanong ni Anna sa kanyang isipan habang patuloy na pinagmamasdan ang kanyang kasintahan. “Hindi kaya nagsasawa na siya sa akin?” Biglang sumagi sa kanyang isipan ang mga katanungang iyon. “Hindi kaya?” mahina niyang usal. Biglang napailing si Anna nang matauhan sa kanyang naisip. “Impossible! Hindi niya magagawa sa akin ang bagay na ‘yon,” mahina at mariing saad ni Anna sa kanyang sarili na napailing muli para ituwid ang kanyang isipan. “Hindi magagawa ni Bien ang bagay na ‘yon, hindi.” Bagamat nas
Nanatili siyang tahimik habang namimili nang makakain ang mag-asawa samantalang siya ay pinagmamasdan lamang ang mga ito. Naagaw naman ang kanyang pansin sa batang babae na kanina pa nakatingin sa kanya na siya niya ring tinitignan. “Ang cute naman ng batang ‘to,” wika niya sa kanyang isipan. Naalis ang mga tingin ni Anna sa bata nang magsalita ang kanyang ina. “It’s been a long time, Anna. How are you doing?” tanong nito na tila ba walang naging masamang nangyari sa kanilang dalawa. “I’m fine, Mom,” mahinahong sagot ni Anna na pilit tinatago ang tuwa na kanyang nararamdaman nang sandaling iyon dahil matapos ang lahat ay nagawa siyang kumustahin ng kanyang ina na para bang may pakialam na ito sa kanya. “So, anong trabaho mo ngayon?” diretsahang tanong ng kanyang ina kay Anna. Hindi umimik si Anna at binasa ang kilos ng kanyang ina na ibang-iba kumpara noong huli silang nagkita. “Siguro okay lang na sabihin ko sa kanila? Okay lang ‘di ba?” Napayuko si Anna at lihim na napangiti
LUMIPAS ang mga araw at mas lalong naging malamig ang pakikitungo ni Bien kay Anna. Pilit mang unawain ni Anna ang sitwasyon ng kasintahan ay may kakaiba pa rin siyang nararamdaman na hindi niya dapat maramdaman. Matagal na ang pinagsamahan nila ng binata at ayaw niya iyon masira dahil lang sa hindi niya maipaliwanag nararamdaman at maling hinala. Alam niya rin sa kanyang sarili na imposible at hindi magagawang saktan siya nito dahil alam nito ang sakit at hirap na pinagdaanan ng dalaga at higit sa lahat ay mahal siya ni Bien. “Trust him, Anna. Trust him!” mariing saad ni Anna sa kanyang sarili habang nasa sala siya dahil pinalabas siya ni Bien ng study room dahil sa gusto nito mapag-isa. “Hindi siya galit sa ‘yo, okay? Gusto niya lang makapag-focus kaya ka niya pinalabas ng study room ‘yon lang ‘yon at wala ng iba. Huwag kang praning, okay?” pangungumbinsi niyang kausap sa kanyang sarili. Mangilang hinga-buga ang ginawa ni Anna para ikalma ang kanyang sarili ngunit hindi niya mapig
LUMIPAS ang mga oras ng pakikipag-usap niya sa binata at nakailang baso na rin si Anna ng alak dahilan para tamaan na siya ng kanyang kalasingan. “I believe I’ve had my fill. I think I should leave,” wika niya sa binata. “I think so,” wika ng binata. Inabot ni Anna ang bayad sa alak na kanyang ininom. “Here’s my payment,” wika ni Anna na bakas sa kanyang boses na tinamaan na nga ito ng kalasingan. “No, it’s my treat,” nakangiting saad ng binata kay Anna dahilan para mapakunot ng noo ito. “Huh? Why would you even treat me?” nagtatakang tanong ni Anna. “Let’s say I had fun talking to you,” nakangiting wika ng binata. “But—” “No more buts, Mi’lady. It’s better for you to go home because it’s getting late. I don’t want to get in trouble if something bad happens to you,” pasaring na saad ng binata. “What did you say?” tanong ni Anna na hindi nagawang marinig ng klarado ang sinabi ng binata dahil sa malakas na musika. Pumunta ang binata sa tabi ni Anna at saka inalalayan ito. “Let
HINDI MAIKUMPAS ni Anna ang kanyang sarili nang sandaling iyon—tanging paninikip ng kanyang dibdib at panginginig ng kanyang mga kalamnan at tuhod ang kanyang nararamdaman. Parang dinudurog ang kanyang puso habang pinapanuod ang kahayupang ginagawa ng kanyang kasintahan habang siya’y nakatalikod. “Why did you this, Bien?” nanghihinang tanong ni Anna na biglang nawalan ng balanse at mapasandal sa pintuan dahilan para makagawa ito ng ingay. Kapwa natarantang napatingin si Bien at ang babaeng k********t nito sa direksyon ni Anna. Nanlaki ang mga mata ng dalaga nang makita niya ang mukha ng babaeng sarap na sarap sa kababuyang ginagawa nito ng kanyang kasintahan. “Hayacinth?” hindi makapaniwalang usal ni Anna. Paanong— Hindi mawari ni Anna kung pinaglalaruan ba siya ng kanyang mga mata dulot ng alak na kanyang ininom o totoo talagang si Hayacinth ang babaeng pinaparausan ni Bien. Sa kinadami-rami hindi niya inaasahang si Hayacinth ang babaeng makakahati niya sa lalaking mahal niya nan
MABIGAT ang katawan ni Anna nang magising siya sa isang k’wartong kanyang binayaran para palipasan niya ng gabi. Pakiramdam niya ay lalagnatin siya nang sandaling iyon makalipas ang ilang oras makalipas nang nangyari sa kanila nina Bien at Hayacinth kagabi. Ramdam niya rin ang pananakit ng ulo niya buhat ng paglalasing niya kagabi at idagdag pa ang naulanan siya kagabi habang naghahanap ng murang hotel na kanyang matutuluyan. Napatingin si Anna sa orasan na pasado alas otso na ng umaga. Nagpakawala siya nang malalim na buntong-hininga. “I need to move,” mahina niyang saad sa kanyang sarili at pinilit ang sarili na bumangon sa kanyang pagkakahiga kahit na sobrang sakit ng kanyang buo katawan dulot ng hangover at mainit na pakiramdam ng kanyang katawan. Pilit na ikinumpas ni Anna ang kanyang sarili ngunit ramdam niya talaga ang sakit ng kanyang katawan at maging ang kanyang puso at sa tingin niya ay hindi niya pa kayang makiharap sa kahit na sino pa man—sa ngayon. Kung kaya kinuha niya