Share

Chapter 48

NASA loob na ng sasakyan sina Anna at Vivienne ngunit nanatiling walang kibo ang dalaga. Pilit niya man na hindi magpaapekto sa ginawang pagtrato sa kanya ni Jax ay hindi niya magawang hindi, dahil alam niya sa sarili niya na gusto niyang maging maayos ang lahat sa kanilang dalawa lalo na at magkakaroon na sila ng anak. Napatingin si Anna sa kanyang sinapupunan dahilan para gumuhit ang lungkot sa kanyang mukha. Naawa siya sa kanyang sarili lalong-lalo na para sa kanya anak. Kung ngayon pa lang ay ganito na siya tratuhin ni Jax paano na lamang sa kanilang anak? Magiging mas masahol pa ba ang gagawin nito rito?

Samu’t saring agam-agam ang gumugulo sa isipan ni Anna nang sandaling iyon at hindi iyon makakawala sa mga mata ni Vivienne.

“Anna, are you okay?” tanong ni Vivienne na umagaw sa atensyon ng dalaga nang hawakan nito ang kanyang kamay.

“Ah?” wala sa ulirat na kanyang tugon ngunit mabilis na ikinumpas ni Anna ang kanyang sarili.

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status