Share

Chapter 19

LUMIPAS ang mga araw at mas lalong naging malamig ang pakikitungo ni Bien kay Anna. Pilit mang unawain ni Anna ang sitwasyon ng kasintahan ay may kakaiba pa rin siyang nararamdaman na hindi niya dapat maramdaman. Matagal na ang pinagsamahan nila ng binata at ayaw niya iyon masira dahil lang sa hindi niya maipaliwanag nararamdaman at maling hinala. Alam niya rin sa kanyang sarili na imposible at hindi magagawang saktan siya nito dahil alam nito ang sakit at hirap na pinagdaanan ng dalaga at higit sa lahat ay mahal siya ni Bien.

“Trust him, Anna. Trust him!” mariing saad ni Anna sa kanyang sarili habang nasa sala siya dahil pinalabas siya ni Bien ng study room dahil sa gusto nito mapag-isa.

“Hindi siya galit sa ‘yo, okay? Gusto niya lang makapag-focus kaya ka niya pinalabas ng study room ‘yon lang ‘yon at wala ng iba. Huwag kang praning, okay?” pangungumbinsi niyang kausap sa kanyang sarili.

Mangilang hinga-buga ang ginawa ni Anna para ikalma ang kanyang sarili ngunit hindi niya mapig
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status