Share

Chapter 58

HINDI maipaliwanag ni Bien ang kanyang sarili ngunit may anong kaba siyang naramdaman nang sandaling makita niya si Anna.

“Anna…is that you?” paninigurong tanong nito na mas lalong tumindi ang nararamdamang kaba nang sandaling iyon.

Nakita niya ang pag-angat at pagbaba ng balikat ni Anna bago siya nilingon nito ngunit laking gulat niya nang makita niya ang malaking pagbabago sa katawan ng dating kasintahan.

“Anna? W-what happened?” nauutal niyang tanong na halos hindi pa mag-sink in sa kanyang utak ang mga nakikita niya nang sandaling iyon.

Hindi umimik si Anna nang sandaling iyon at pinagmasdan lamang ang gulat na reaksyon ni Bien. Ngunit makalipas ang ilang saglit ay saka ito nagsalita.

“I don’t think that’s not the reason why we’re to talk,” malamig na saad ni Anna.

“But—”

“Take your seat so we can discuss our matters properly.”

Naguguluhan man ay walang nagawa si Bien kung ‘di ang sundin na lamang ang sinabi ni Anna at naupo sa katapat na upuan ng dalaga. At ngayon na nasa harap s
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status