Share

My Island (The Strict CEO)
My Island (The Strict CEO)
Author: SleepyGrey

Chapter 1

NAPUNO ng napakaraming ilaw ang event hall ng Novotel London West kung saan daan-daang mga kilala at mga baguhang manunulat ang naroon para sa gaganaping Romantic Novelists’ Association’s Winter Party and Industry Awards ceremony. Lahat ay abala sa pakikipag-usap sa kanilang mga kapwa manunulat ay isang binata ang pinagkumpulan ng mga kababaihan.

“Woah! This still blows my mind!” manghang saad ng isang dalaga na hindi maalis ang tingin sa binata. “You’re J. Alexander!”

“I had no idea the person behind the super romantic and heart-wrenching story “Chased” was such a young handsome man who is now standing in front of us!” nakangiting wika ni Charlotte, isa sa mga sikat na batang manunulat.

“I’m completely engrossed in your story, Alexander. Your talent for capturing women’s hearts is truly impressive,” puri ng isang babae. Ngunit sa kabila ng mga papuri na natatanggap ni Jax ay nanatiling siyang walang kibo.

Isa sa mga babaeng nasa kanyang harapan ay biglang inangkla ang braso sa kanyang braso dahilan para maituon ang atensyon niya sa babae.

“No one can truly outdo you in terms of attractiveness, Alexander,” malanding saad ni Vivienne, isa sa manunulat na nakilala na baliw na baliw sa kanya. Sabay tingin sa mga babaeng nasa kanilang harapan na may mga tinging nagsasaad ng, “Back off, bitches! He’s all mine!” dahilan para ang iba ay mapaatras ngunit may iba na hindi nagpatinag sa kanya para maningkit ang kanyang mga mata at mapataas ang isa niyang kilay. “And for a handsome man like you, only a girl with beauty, elegance, and wits like me will do.” Sabay tingin sa binata dahilan para magkasalubong ang kanilang mga tingin at binigyan niya ito ng pagkatamis-tamis na ngiti na gumuhit sa kanyang mga labi.

Ngunit sa kabila ng panlalanding ginawa ni Vivienne ay nanatiling blangko ang ekspresyon sa mukha ni Jax. Ibinaling ng binata ang kanyang tingin sa kamay ng dalaga na nagpapahiwatig na alisin ang pagkakapulupot nito sa kanyang braso ngunit parang hindi iyon naiintindihan ni Vivienne na siyang ikinatalim ng mga tingin ni Jax sa kanya.

“Yes, darling?” tanong nito na may pakurap-kurap ng mga mata.

“Take your hands off of me,” mariin nitong saad na nakatingin sa braso ni Vivienne.

Nabigla ang dalaga at akmang aalma ngunit mabilis na dumating si Lax, ang nakakatandang kapatid ni Jax o mas kilala bilang si Leandro Alexander na isang kilalang hotelier sa industriya pagdating sa hotel services. Bago pa uminit at makagawa ng eksena ang kanyang kapatid ay maingat na inalis nito ang kamay ni Vivienne na nakapulupot sa braso ng kanyang kapatid.

“I’m sorry, ladies, but please excuse us,” magalang na pasintabi nito sa lahat ng babaeng naroon saka inilayo ang kanyang kapatid sa lugar na ‘yon.

Nang masiguro na ni Lax ang distansya nila ng kanyang kapatid ay hinarap niya ito.

“Jax, naman alam mo namang importanteng event ‘to para sa ‘yo hindi mo ba kaya na pakitunguhan man lang kahit konti ang mga taong kakausap sa ‘yo?” tanong ni Lax na nasisiphayo sa inaasal ng kanyang kapatid.

“Lax, you knew who I was. I will not interact with anyone unless it benefits me,” diretsahang saad ni Jax sabay kuha sa champagne sa tray ng waiter na dumaan sa kanyang harapan.

Lumagok ito nang konti. “Such a waste of energy.” At nang akmang sisimsiming muli ang champagne ay kinuha iyon ni Lax sa kanyang kamay.

“Sino may sabing p’wede kang uminom, Juan Alexander?” paninitang tanong ni Lax sabay nilagok ng buo ang natitirang champagne sa kopita.

Napapalatak at napairap na lamang ng kanyang mata si Jax sa inasal ng kanyang kapatid.

“It’s only a glass of champagne, Lax, and I’m already 17.”

“It is, indeed, champagne. A type of liquor that is not appropriate for minors like you,” pagbibigay diin ni Lax.

Muli ay napapalatak si Jax at naupo na lamang sa table kung saan siya naka-assign at hindi na nagsalita. Napahugot na lamang nang malalim na paghinga si Lax at naupo sa katabing upuan kasunod kay Jax.

“When are you going to grow up, Jax? Hindi naman masama na pakitunguhan mo ang taong lumalapit at gustong makipag-usap sa ‘yo.”

“It’s just a waste of time, as I just said. I’d rather use my energy wisely,” sagot ni Jax sabay pikit ng kanyang mga mata.

Hindi na nagsalita si Lax dahil alam niyang sa sandaling ipinikit na ni Jax ang kanyang mga mata ay wala na itong balak na makipag-usap at lalong-lalo na ang makinig. Nanatili silang tahimik hanggang sa magsimula ang program.

***

SA KABILANG BANDA, habol naman ang hininga ni Anna sa labis na pagmamadali sa paghahanap ng masasakyan na taxi.

“Shit! Late na ako!” nagmamadaling saad ni Anna sa kanyang sarili habang iginagala ang kanyang paningin sa paligid habang inaayos ang kanyang buhok.

Nagpalinga-linga siya sa buong paligid hanggang sa may nakita siyang taxi at dali-dali itong pinara.

“Novotel London West,” mabilis niyang sabi sa taxi driver na agad namang pinaandar nito.

Napatingin siya sa kanyang relo at pasado alas quatro na ng hapon at tatlumpung minuto na siyang late para sa ceremony.

“Super late na ako,” bulong niya sa kanyang sarili habang patuloy sa pagpadyak ng kanyang paa na animo’y isang mananahi sa labis na gigil na kulang na lang ay paliparin niya na iyon.

“Kailangan mong kumalma, Anna!” awat niya sa kanyang sarili kasabay nang paghugot niya nang malalim na paghinga. Ngunit hindi niya magawa dahil sa sinisisi niya ang kanyang sarili.

“Anong katangahan ba naman ang ginawa mo, Anna! Alam mong may event kang pupuntahan ngayong araw nagpuyat ka pa kagabi imbes na matulog nang maaga nagsulat ka pa nang nagsulat!” pangangaral niya sa kanyang sarili.

Napasapo na lamang siya ng kanyang noo habang patuloy sa pagpadyak ang kanyang paa sa hindi mapakaling nararamdaman dahil sa kanyang kaengutan.

“Ito ‘yong pinakahihintay mong pagkakataon para mapatunayan mo sarili sa magulang mo, ang pinakaimportanteng event ng buhay mo tapos mahuhuli ka pa? Anong katangahan ito, Anna?” nasisiphayong sabi niya sa kanyang sarili dahilan para mapapikit siya ng kanyang mata nang napakariin sabay tinuktukan ang kanyang ulo.

“Tanga mo talaga!”

***

MATAPOS ang halos tatlumpung minutong biyahe ay nakarating na rin siya sa hotel. Muli siyang napatingin sa kanyang relo at isang oras na siyang late.

“Shoot! Sana ‘di pa ako tinatawag,” anas ni Anna sa kanyang sarili.

Lakad-takbo ang kanyang ginawa dahil sa pinagtitinginan siya ng mga taong naroon pero nilakihan at binilisan niya ang kanyang mga hakbang para mabilis siya na makarating sa event hall. Buti na lamang ay naka-baggy pants, puting turtleneck sweater, parka at ankle boots ang suot niya dahilan para mas kumportable at mabilis siyang gumalaw. Matapos ang ilang lakad-takbo ay nakarating din siya sa event hall kung saan bumungad sa kanya ang masigabong palakpakan ng mga taong naroon.

Shit! Sana ‘di pa ako natatawag.

Nag-flash sa malaking screen ang mga nominee para sa sunod na category.

“Chased by J. Alexander, You will Always be Mine by Vivienne Collins, Where Two Hearts Go After Break Up by Anna Quinn.”

“Let’s give a round of applause to this year’s newcomer, the Katie Fforde Debut Romantic Novel Award goes to “Where Two Hearts Go After Break Up” by Anna Quinn!” masayang anunsyo ng emcee.

Hindi pa man nakakahabol si Anna ng kanyang paghinga ay mabilis niyang ikinumpas ang kanyang sarili at humugot ng isang malalim na paghinga at ibinuga iyon nang malakas kasabay ng kanyang kabang nararamdaman. Matapos noon ay naglakad siya papunta sa gitna na may ngiti sa kanyang mga labi. Lahat ng tingin ng mga taong naroon ay nasa kanya hindi dahil sa pagkamangha kung ‘di pagtataka kung paano niya nakuha ang award na iyon.

“Really? Is she the one who won the award? That is absolutely unbelievable!”

“How did she win the award? Alexander and Vivienne are far better as compared to her novel.”

“This is absurd!”

Samu’t saring negatibong komento ang kanyang narinig ngunit walang pakialam si Anna, ang importante sa kanya nang sandaling iyon ay mapapatunayan niya na sa kanyang pamilya na hindi lang isang basura at aksaya sa oras ang kanyang pagsusulat, may mararating siya gamit ang kanyang papel at tinta at ang kanyang malawak na imahinasyon. Walang ibang importante nang sandaling iyon kung ‘di mahawakan niya ang magpapatunay ng kanyang sarili sa kanyang magulang. Ngunit ang ngiti sa labi ni Anna ay biglang naglaho nang patirin siya ni Vivienne at muntikang mawalan siya ng balanse at lumanding ang kanyang mukha sa isang matigas na bagay. Narinig niya ang mahinang tawanan ng mga taong naroon lalo na ang mga kababihan. Subalit hindi nagpatinag si Anna at mabilis na itinayo ang kanyang sarili at doon niya lang napansin na ang nilandingan ng kanyang mukha ay ang dibdib ng isang lalaki.

“I’m sorry,” mabilis niyang paghingi ng tawad nang hindi na nag-atubiling tignan ang binata at mabilis na nagtungo sa stage para kunin ang kanyang award.

“Thank you! I’m incredibly honored to be here tonight and grateful to be the recipient of this award. I face a lot of difficulties, rejection, and criticism; I know many people are better than me, but I don’t think I’d be able to win this award if I wasn’t truly qualified. Thank you to everyone who supports me and my work. Thank you so much for this honor once more,” saad ni Anna na may ngiti sa kanyang labi at dedma lang sa taong napapairap at nagbubulungan sa kanyang maikling mensahe. Para sa kanya, hindi niya kailangang patunayan ang kanyang sarili sa ibang tao kung meron man siyang taong kailangan patunayan ang kanyang sarili walang iba kung ‘di ang kanyang mga magulang, wala ng iba.

“Again, congratulations!” bati ng emcee sa kanya at saka nakipagkamay sa kanya na may malawak na mga ngiti na siya niya ring tinugunan.

Matapos noon ay bumaba na siya ng stage ngunit pagkababa na pagkababa niya ay narinig niya ang malakas na pagpalatak ni Vivienne.

“You don’t deserve that award, so don’t get ahead of yourself,” mainit at inis na pasaring ni Vivienne nang dumaan si Anna sa kanyang harapan.

Ngunit siya si Anna Quinn, isang babaeng walang pakialam sa ibang sasabihin sa kanya. Kung kaya natikman niya ang isang malaking pandededma na ginawa ni Anna sa kanya na animo’y hanging dumaan lang sa harap ni Vivienne dahilan para lalong manggalaiti ito sa inis sa dalaga.

“She really annoys me!” naiinis na paghihimutok ni Vivienne sa kanyang kinauupuan.

Bumalik si Anna sa kanyang upuan na may ngiti sa kanyang mga labi na hindi maalis ang kanyang tingin sa plaque na hawak nito.

“Magiging proud din kayo sa akin, Mom, Dad,” mahina niyang usal sa kanyang sarili.

Hindi pa man natatapos ang ceremony ay lumabas si Anna para tawagan ang kanyang mga magulang para ipagmalaki ang kanyang nakuhang award.

“Mom, Dad!” masaya niyang bungad sa kanyang magulang nang sagutin nito ang video call niya. “Look! I got the Katie Fforde Debut Romantic Novel Award!” Sabay ipinakita sa mga ito ang plaque na hawak-hawak ng dalaga.

Ngunit imbes na batiin at matuwa ang mga ito ay isang masakit na panunumbat ang kanyang natanggap.

“Iyan ba ang pinagmamalaki mo, Anna? Pumunta ka lang diyan sa London para sa kapirasong salamin na ‘yan? Oo, may pera tayo, Anna, pero hindi ibig sabihin noon mag-aaksaya ka ng pera para sa mga bagay na walang k’wenta!” inis na pagbubunganga ng kanyang ina.

“Hindi naman po ito walang k’wenta, Mom,” pagdedepensa ni Anna sa kanyang sarili ngunit pinatiling mahina ang kanyang boses.

“Anong hindi walang k’wenta ‘yan? Bakit papakainin ka ba ng pagsusulat mong ‘yan? Mabubuhay ka lang niyan sa ilusyon! Hindi ka niyan bubuhayin ng pagsusulat mo!” mariing sabi ng kanyang ina na labis na ikinasama ng loob ni Anna.

“Can’t you be proud of me at the very least? Achievement po ito hindi basta walang k’wentang bagay, Mom.”

“Achievement? Bakit may pera ka bang nakuha riyan, ‘di ba wala? Ikaw pa ang nagastusan sa pagpunta mo riyan sa London?”

Nagsimulang mangilid ang mga luha sa mata ni Anna ngunit pilit niyang pinigilan ang pagbuhos nito at pilit na huminahon nang sandaling iyon.

“Dad…” tawag niya sa kanyang ama na tila humihingi ng tulong ngunit abala ito sa mga binabasa nitong papeles.

“Anna, listen to your mother. You should prioritize your studies over activities that will not benefit you in any way,” saad ng kanyang ama na nanatiling nakatuon ang atensyon sa papeles na binabasa nito at hindi man lang siyang nagawang tignan nito kahit isang segundo. “I’ve already enrolled you in UST for your business school, so get yourself together and focus on our business.”

Hindi na nagsalita si Anna dahil alam niyang hindi rin siya pakikinggan ng kanyang mga magulang. Akala niya ay mapapatunayan niya na ang kanyang sarili sa kanila ngunit nagkakamali pala siya dahil para sa kanila walang k’wenta ang kanyang ginagawa. Ibinaba na niya ang tawag nang hindi nagpapaalam sa mga ito kasabay noon ay ang pag-agos ng kanyang mga luha na kanina niya pa pilit na pinipigilan. Durog na durog ang kanyang puso sa mga narinig niya mula sa kanyang ina at ama. Wala silang ibang inisip kung ‘di pera. Alam niya namang mahalaga ang pera pero kahit man lang sana ay magawa nilang suportahan siya sa bagay na gusto niya hindi iyong ganito.

“Wala na ba silang alam kung ‘di pera?” tanong niya sa kanyang sarili na patuloy ang pagbuhos ng luha sa kanyang mukha.

Pinagmasdan niya ang hawak niyang plaque na ngayon ay natutuluan na ng kanyang mga luha.

“Why bother proving yourself to them if they’re not going to acknowledge it?”

Napatingin si Anna sa kanyang kanan nang marinig niya ang boses ng isang lalaki na sabay nag-abot ng panyo sa kanya ngunit hindi niya kinuha iyon.

“You’re completely clueless. You’re not in my shoes, so you have no idea what I’m going through.”

“I know, and you and your life suck.”

Tumalim ang mga tingin ni Anna sa binata dahil sa kagaspangan ng ugali at pakikipag-usap nito sa kanya.

“Nagagawa mo akong pagsalitaan kasi hindi mo alam pakiramdam ng ganito. Hindi mo alam kung gaano ako nasasaktan!” maramdaming saad ni Anna sa binata.

“I don’t need to feel it because just seeing you tells me everything I need to know.”

Napakagat ng labi si Anna nang mapagtanto niya ang sinabi ng binata sa kanya. Ganoon na ba ako ka-miserable? Iyon ang tanong na pumasok sa kanyang isipan nang sandaling iyon.

“You should not let anyone dictate your life. The only one responsible for your life is you not anyone nor your family.”

Kinuha ng binata ang kamay ni Anna at inilagay roon ang panyo na kanina pa inaabot sa kanya.

“Wipe your tears.”

Napatingin ang dalaga sa panyong nasa kanyang kamay.

“If you want that kind of life then so be it. Say my greetings to Satan.”

Matapos noon ay tinalikuran na siya ng binata at naiwang tulala si Anna sa kanyang kinatatayuan dahil sa mga sinabi sa kanya ng binata. Napakuyom siya ng kanyang kamay at alam niyang tama ang sinabi sa kanya noong binata. Nakakasakal, nakakapagod at nakakaubos na ng sarili ang paulit-ulit niyang ginagawa para lang makumbinsi at mapatunayan ang kanyang sarili sa kanyang magulang. Napayuko na lamang siya at muling bumuhos ang kanyang mga luha ngunit sa pagkakataong iyon hindi niya iyon hinayaang mahulog sa sahig, sa pagkakataong iyon ang panyong hawak niya ang sumalo sa pait at pighati na kanyang naramdaman.

He’s right. My life sucks.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status