Share

Chapter 8

last update Terakhir Diperbarui: 2022-05-22 22:42:04

Inchie's POV

Bakit ba ganito ang nangyayari? sa loob ng tatlong araw na pagsasama namin sa iisang bahay wala manlang akong pwedeng paglibangan.

walang na ngang maids na pwedeng makausap manlang, wala pang pwedeng makausap na matino.

Baka sa susunod pang mga araw mental na ang labas ko nito.

Hay naku, nakakaburyong. Saka ako nagbuntong hininga ng medyo malakas.

Dagdag pa na napaka tagal pa ng 2days bago ulit ako maka pasok sa school. alam kasi ng lahat ng mga ka school mates ko at ng teacher ko na kakakasal ko lang, kaya pumayag ang mga teacher ko na may one week akong bakasyon, para daw sa honeymoon namin ni kaze.

yuck kami mag ha honeymoon? Di mangyayari 'yon i'm sure dahil never akong papayag.

naku ha, sa totoo lang ayokong mag bakasyon noh ang hirap kayang may kasamang monggoloid sa bahay nakaka praning na nga nakaka bwisit pa.

pero anong magagawa ko, hindi naman ako pinapayagan ni monggoloid na pumasok sa school.

Ewan ko ba kung anong problema ng isang yon, hindi nga niya ako pinapansin buhat ng kunin niya ako sa bahay namin.

Tapos siya pang may ganang mag inarte, gilitan ko kaya ng leeg ito ng makita niya hinahanap niya?

Wala pa naman sina daddy ng araw na pumunta ako sa bahay non. dahil nag out of town nga daw ang mga ito, sana sinama nalang nila ako.

kesa doon pa kami sa bahay nila daddy mag away mas pinili kona ang sumama kay kaze ng sunduin niya ako dahil no choice din naman ako dahil asawa kona ito.

Pero ang ipinagtataka ko lang kasi sa ngayon ay ang pag alis alis nito sa bahay ng hindi naman niya sinasabi ang dahilan.at kung saan siya nagpupunta mahirap kayang mag hintay sa taong monggoloid 'yung tipong antok na antok kana tapos may biglang magdodoorbell sa gate parang gusto ko talagang pumatay pag ganon.

Sabagay sino nga naman ako diba?

Minsan nga umalis ito ng bahay at ng umuwi lasing na lasing naman. Ganito ba talaga ang buhay may asawa? Tanong ko na naman sa sarili ko.

Nakaka praning pala.

baka bago pa ulit ako pumasok nito sa school may kreng kreng na ang ulo ko.

'' hay kasumpa sumpa nga namang buhay. May kasama ka ngang lalake pero daig pa babaeng nireregla,

Tapos wala manlang makain dito, gutom na ako anu bang pwedeng kainin sa bahay na ito?'' naisatinig ko pala ang mga sinabi ko.

kaya naman nagulat ako ng marinig kong may nagsalita buhat sa likuran ko.

''sinong kasumpa sumpa ako ba?'' tanong ng nag iisang tao na kasama ko sa bahay.

''Ay kabayo?'' sabi ko dahil sa sobrang gulat ko.

Habang ito naman ay nagdirediretso lang sa ref at kumuha ng ice water saka tinungga.

''bat kaba kasi nang gugulat huh?'' tanong ko dito... Na kinamot kamot pa ang ulo...

''hindi kita ginugulat noh asa ka.'' sabi nito saka lumakad palapit sa akin At saka ako tinitigan sa mukha. Medyo matagal ang pagkakagdtitig na iyon kaya tinaasan kona ito ng kilay sabay sabing.

''problema mo? Lumayo ka nga dyan'' sabi ko sabay tulak dito.

Pero ngumiti lang ito sa akin.

''nananaginip kaba?'' tanong ko saka ko siya hinawakan sa laylayan ng kamiseta niya..

''hoy naingkanto kaba'' sabi kong muli.

Pero nakangiti parin ito sa akin, kaya naman nainis na ako dahil parang wala akong kausap kaya minabuti ko nalang na talikuran ito kesa makipag titigan dito.

''bahala kana nga dyan monggoloid talaga.'' sabay talikod ko pero nagulat ako ng hawakan nito ang braso ko. Kaya napatingin ulit ako dito.

''ano may dila kana magsasalita kana ba?'' tanong ko, pero imbis na sumagot hinila ako nito. Hanggang sa may garahe.

''t-teka saan tayo pupunta?'' sabi nito. Habang si kaze naman binuksan ang kotse at pinasasakay ako.

''ano ba pipe kaba? Magsalita ka naman.. Kanina pa kita tinatanong kung san ba kako tayo pupunta diba?'' sigaw ko na...

''diba sabi mo gutom kana? So kakain tayo sa labas, at sasamahan mo akong mamili sa super market.'' sabi nito na ikinalaki ng mata ko.

Wehhhh.... Di nga?

''sigurado ka lalabas tayo? Baka etchos lang yan huh? Pero teka anong gagawin natin sa super market?'' tanong ko pa ulit dito.

''hay nako natural mamimili ng mga gagamitin natin sa bahay. Tuwalya sabon toothbrush at marami pang iba... Hindi ko naman kasi alam mga gusto mo...'' sabi nito na habang naka ngiti.

''tikom mo nga yang bibig mo baka pasukan ng insekto...'' nakangiting sabi nito... Saka pina andar ang sasakyan di ko namalayan napa nganga pala ako sa mga sinabi nito kanina kaya agad kong tinikom ang bibig ko at saka tahimik nalang na tumingin sa kalsada.

Parang may mali talaga, ang bait kasi ng halimaw nakakapagtaka.

''ehem baka matunaw naman ako nyan? May itatanong kaba?'' tanong nito.

''w- wala, nagulat lang ako kasi parang bumait ka yata.'' sabi ko saka ko napakagat labi bakit ba kasi tumingin tingin kapa eh.

Nang bigla itong tumawa ng malakas as in malakas.

''hahahaha kala ko gwapong gwapo kana sa akin eh sabagay talagang gwapo naman talaga ako.'' sabi nito saka sabay ngiti.

Shit bakit ang pogi nga nya ata talaga ngayon?

Hindi ko nanaman pala napansin na nakatingin nanaman ako dito.

''matutunaw na talaga ako nyan pag di ka pa tumigil ng pag tingin sa akin.'' sabi nanaman nito.

''tsiii..yabang....'' sabi ko nalang dito nang bigla itong magpreno dahilan para masubsob ako ng bahagya napatingin tuloy ako dito at sabay bulyaw dito.

''papatayin mo ba ako'' sigaw ko dito pero diretso lang ang tingin nito at hindi manlang ako nililingon.

''monggoloid talaga sala sa init sala sa lamig...'' sabi ko na may bahagyang inis..

Sinapian nanaman ata ang isang to haisst pero ang pinagtataka ko bakit iba ang galit na nakikita ko sa mga mata ni kaze ano bang problema nito? Tanong ko sa sarili ko saka ko sinundan ng tingin ang tinitignan nito.

Kaze POV

Inaya kong lumabas si inchie ngayong araw, at habang nasa byahe kaming dalawa ni inchie nakikita kong sumusulyap sulyap ito sa akin.

Kaya naman ng mahuli ko talagang nakatingin ito sa akin ay biniro ko ito,

Hahaha Sa totoo lang nag i enjoy na akong kasama ito, kahit may mga pinagtatalunan kaming dalawa at madalas nag aasaran, nag uusap parin kami,

gaya ngayon kasama ko ito sa kotse at pasimple akong tinititigan,

Kaya pasimple ko din itong inaasar..

Ano kayang nasa isip nito? Tanong ko sa sarili ko Ng may hindi ako inaasahang makita, na naging dahilan para matapakan ko ang preno at bahagyang mapasubsob si inchie, galit na galit ito sa akin pero di ko iyon pinansin. Mas matindi ang galit ko sa nakikita ko.

si kian kasama si rachelle na ex girlfriend ko at naging dahilan ng mabilis kong pagpayag sa isang kasal, kahit hindi ko pa noon kilala si inchie.

Tama ito ang naging dahilan kung bakit kasal na ako kay inchie ngayon.

nakipag break ito sa akin dahil hindi na daw niya ako mahal at meron na siyang iba..

Sa totoo lang ang sakit sakit kaya nang sabihin niya yon sa akin dahil ng mga panahon nayon mahal na mahal ko ito.

pero ngayon makikita ko ito na si kian ang kasama, si kian ba ang tinutukoy niya na mahal niya.. Imposible....

Sa totoo lang masyado akong nasaktan sa mga sinabi niyang hindi na niya ako mahal, kaya naman ng sabihin sa akin ni daddy na may kailangan akong pakasalan na mula sa marangya at kilalang pamilya ay bigla nalang akong pumayag.

dahil ang inisip ko noon baka maghabol ito sa akin at makiusap na mag balikan kami,

pero dumaan na ang ilang araw hanggang sa araw na nga ng kasal ay hindi parin ito nagpapakita sa akin, kaya naman sa sobrang galit at inis ko.

Ipinagpatuloy ko nalang ang kasal namin ni inchie kahit alam kong labag din sa loob nito ang pakasal sa akin..

Pero ang pinagtataka ko ngayon ay kung bakit magkasama ang dalawang ito.

Akala ko ba gusto nito si inchie?

pero bakit iba ang kasama nito ngayon.?

Mas lalo pa akong nagulat ng makita kong yumuko si kian tapos bigla itong hinalikan ni rachelle..

Putcha Para saan naman kaya un?

Nang biglang nagsalita si inchie, na ikinaigtad ko..

Grabe naman ang gulat ko, kaya napatingin na ako kay inchie na kasalukuyan narin nakatingin sa akin.

''hoy natulala kana dyan?'' narinig kong sabi ni inchie sa akin.... Saka nito kinaway kaway ang mga kamay nito sa mukha ko...

''May nakalimutan pala ako sa bahay.

pwedeng sa susunod nalang tayo lumabas? Importante lang kasi ung nakalimutan ko kaya pasensya na talaga ?'' sabi ko dito saka walang anu anong ini uturn ko ang kotse.

nakita ko pa ang pagkunot ng noo ni inchie habang nakaharap sa akin at halatang inis...

''ano? mag aaya aya kang lumabas tapos sasabihin mo, may nakalimutan ka at kailangan mo lang talaga na mabalikan? Nang gagago kabang talaga o niloloko mo lang talaga ako mula pa kanina?'' sabi nito saka mabilis na kinuha ang kanyang bag sabay hampas sa akin, saka muling nagsalita..

''ihinto mo ang kotse kaze bababa ako.'' mahina pero may diing sabi nito. Kaya inis akong humarap dito.

''Pwede ba? May nakalimutan lang ako.'' sabi ko dito..

''ibaba mo ako kanina pa ko gutom kaya wag mo akong pigilan, kung balak mo magdiet at wag kumain mag isa kang mag pakamatay..'' gigil na sabi nito na bahagyang ikinangiti ko.

Grabe pala ang saltik na babaeng to, pag gutom.

''hindi pwede inchie mamaya naĺang ipagluluto nalang kita?'' sabi ko pero tinignan ako nito nang masama saka muling nagsalita.

''ihihinto mo ba ito o tatalon ako dito...'' nakasigaw na sabi nito, kaya bigla kong nai hinto ang kotse saka ko ito hinarap.

''ano bang problema mo inchie? Nasisiraan kana ba? Sabi ko naman sayo diba may kailangan lang akong balikan dahil may nakalimutan lang akong kunin sa bahay mahirap bang intindihin yon huh?..'' nakasigaw ko ng sabi dito.

pero talagang mas matindi pala ang saltik nito,

Dahil imbis na masindak ito lalo lang din nitong inilakas yung pagsigaw nito sa akin..

'' Oo nahihirapan akong intindihin yon, pati ang utak mo na may sayad. dahil talagang nagugutom na ako. Kaya bababa na ako. Ngayon kung gusto mong umuwi sa bahay bahala ka basta ako kakain sa labas..'' sigaw nito saka mabilis na lumabas ng kotse at mabilis na sumakay sa pinarang niyang taxi...

''grabe palang magutom ang isang yon''' bulong ko nalang sa sarili ko at nang makaalis na ito at makasakay ng taxi ay saka ko din pinatakbo ang kotse.

Kailangan kong maka usap si kian at matanong kung anong relasyon nila ni rachelle at kung ano ba talaga sa buhay niya si Inchie.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • My Jerk Husband   29

    Si shugine ikakasal na sa ex nito? na isang sikat na korean aktor sa bansa nila? 'yon ang huling balita ko dito matapos kong wasakin ng pinong pino ang laptop ko matapos kong mabalitaan iyon. ''Tsiii hindi ka magtatagumpay.'' naibulong ko.Patay ka talaga sa akin pag nakita kita. Hintayin mo lang ako pupuntahan talaga kita d'yan sa korea.Bulong ko bago ako sumakay sa kotse ko at iniwan si Blake.1week later.Bakit ba napakatagal ng celebrity na 'yon?Masyado naman siyang paimportante alam ba niyang marami akong ginagawang project ngayon na dapat maagang matapos ng makalipad na ako sa korea at ng masundo ko na ang lintik na babaeng mahal ko!''Direk matagal paba?'' tanong ko kay direk...''Malapit na 'daw siya. Teka ayan na pala siya.'' sabi ni direk saka kami napatingin sa kotseng parating.Bumilis ang tibok ng puso ko, parang may kung anong mangyayari.At tama nga ako napatayo na lang ako habang lumalabas ang pigura ng isang babae na matagal ko ng gustong makita.Pero teka. May bu

  • My Jerk Husband   28

    Kian's POINT OF VIEW''FOCCUS'' Malakas na sigaw ng photographer sa akin habang walang tigil ang pagkuha nito.Maya-maya pa ay sumigaw na ito ng''Okay Kian ang galing mo talaga.Break tayo ng Five minutes okay? Pahinga ka na muna.ayusin n'yo na rin si Blake at siya na ang susunod.'' sigaw muli ni direk bago nito pinasadahan ang mga kuha ko sa screen ng computer.Lumabas na muna ako at nag pahangin ng mapansin ko ang bag ko kung san naka lawit ang isang doreimon na key chain sa zipper ng bag ko.''Totoo pala.'' bulong ko sa sarili ko ng may tumapik sa balikat ko.''Totoo ang alin?''''Wala wag mo na lang akong pansinin.'' sabi ko saka ko tinanggap ang tubig na inaabot nito.''Kahit 'di mo sabihin sa akin, alam kong na mimiss mo siya tama?''''Tumigil ka nga d'yan. Sino bang tinutukoy mo?''''Sino paba sa tingin mo? Edi si Shugine.''''Paano mo naman nasabi 'yan huh?''''Bakit hindi ba? Alam mo bang kalat na kalat na sa korea na ikakasal na si shugine sa korean actor na nabalitang ex

  • My Jerk Husband   27

    Rachelle's Point of view.Halos ilang oras akong nagbabad sa shower. Para lang maalis ang lagkit sa katawan ko.Bukod don ito rin ang paraan ko para marelax ako sa nakakastress na pangyayari ngayon sa buhay ko.Hindi ko kasi inaasahan na makikita ko si Larry ngayon, halos anim na taon itong nawala kaya naman talagang nagulat ako sa pagdating nito.Ano bang dapat ang maramdaman ko ngayon? Dapat ba akong maging masaya? O dapat magalit ako?Nasa ganun akong pag iisip ng may marinig akong nag doorbell.Ini expect ko si Cjmilĺe kaya naman nag tapis nalang ako.Pero laking gulat ko ng hindi si Camille ang napagbuksan ko kundi si Larry, si Larry na pilit kong iniiwasan pero hinahanap ng puso ko at ng isip ko. Si Larry na laging nasa panaginip ko na mahal na mahal ko.''Mag usap tayo.'' At ngayon nakatayo ito sa harapan ko, mapungay ang mata at halatang lasing, ano bang dagat kong gawin? Naguguluhang sabi ko sa sarili ko.Pero sa bandang huli mas pinili ko nalang papasukin ito.Marahil gust

  • My Jerk Husband   26

    Rachelle's Point of view...Sobrang rinding rindi na ang tenga ko sa best friend kong si Camille sa kakadaldal nito tungkol sa tinakasang kong ka blind date na siya mismo ang nag set.Sa totoo lang matagal ko ng sinabi sa kanya na ayokong munang makipagdate o pumasok sa isang relasyon.Hindi naman sa bitter ako, hindi palang talaga ako handang makipag relasyon sa ngayon.Pati nga si Zig na halos tatlong taon ng nanliligaw sa akin ay di ko sinasagot dahil ayoko pa talaga hindi pa ako handa.Pero itong si Camille hindi sumusuko dahil wala pa rin itong tigil ng kaka set ng date na lagi ko namang hindi sinisipot.Kaya eto talak na naman ito ng talak.''Pwede ba Camille ang ingay mo.Kasalanan mo naman kung bakit ka napahiya di'ba? Umpisa palang sinabi ko na sa iyo na ayoko munang pumasok sa pakikipag relasyon pero sumisige ka pa rin, kaya kasalanan mo 'iyan.'' sabi ko dito na sinimangutan agad nito.Tumayo ito at umikot ikot sa loob ng opisina ko.''Eh kung si Mayor Dion kaya? Di'ba inaan

  • My Jerk Husband   25

    8 YEARS LATER.Padilim na ang kalangitan ng maisipan kong lumabas at tignan ang papalubog na araw.''ang ganda...'' bulong ko ng bigla akong mapasinghap ng malalim ng maramdaman ko ang lakas ng hangin.Muli ko nanamang naalala ang mga nangyari sa mga nakalipas na anim na taon.Flashback...Inchie's Point of view..Labing isang bwan ng coma si kaze pero hindi pa rin ito nagigising mula ng maoperahan ang tumor nito sa ulo.kaya naman ng mga panahong yon hindi kona alam ang gagawin ko, maliliit pa lang ang kambal ko, na madalas na nasa pangangalaga ng byanan ko, dahil ako ang madalas nagbabantay kay kaze sa hospital ayoko kasing iwan ito dahil baka bigla itong magising ng hindi ako ang katabi..''hindi kapaba magpapahinga ate?'' tanong ng hipag ko. Kasalukuyan din itong nagbabantay sa kapaTid nya para maging kapalitan ko.Pero ewan koba, parang may nagtutulak sakin na wag akong umalis at iwan ang asawa ko ng bigla kong matanawan ang kamay ni kaze na gumalaw kaya naman.''kaze?'' lapit k

  • My Jerk Husband   24

    Inchie's POV.Nasa kwarto ako, kung saan nakahiga at nagpapahinga si kaze, alam kong pagod na pagod ito dahil kakatapos lang ng chemo nito,, halos araw araw kung sumuka ito at dumadalas narin ang pag sakit sakit ng ulo nito.. Sa totoo lang napaka laki na ng ipinayat ni kaze, unti unti narin nalalagas ang buhok nito.. At halos wala narin itong kulay dahil sa sobrang kaputlaan..Sa totoo nga nyan halos araw araw akong naiiyak sa tuwing nakikita ko ang mabilis na pag laglag ng katawan ni kaze. Lalo na sa tuwing dumadaing at namimilipit na ito sa sobrang sakit ng ulo.Nakikita ko nga minsan na sinusuntok na nito ang ulo nya, dahil siguro sa sobrang kirot at sakit na nararamdaman nito.. alam kong lumalaban si kaze para sa akin... Kahit alam namin na napaka baba na ng porsyento nito para maka survive.Ay di parin ako nawawalan ng pag asa may dyos na pwedeng maghimala.Kahit na sinabihan narin ako ng doktor na maslalo pa daw lumalala ang pagkalat ng cancer nito sa buong katawan ay di parin

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status