Kian's POINT OF VIEW''FOCCUS'' Malakas na sigaw ng photographer sa akin habang walang tigil ang pagkuha nito.Maya-maya pa ay sumigaw na ito ng''Okay Kian ang galing mo talaga.Break tayo ng Five minutes okay? Pahinga ka na muna.ayusin n'yo na rin si Blake at siya na ang susunod.'' sigaw muli ni direk bago nito pinasadahan ang mga kuha ko sa screen ng computer.Lumabas na muna ako at nag pahangin ng mapansin ko ang bag ko kung san naka lawit ang isang doreimon na key chain sa zipper ng bag ko.''Totoo pala.'' bulong ko sa sarili ko ng may tumapik sa balikat ko.''Totoo ang alin?''''Wala wag mo na lang akong pansinin.'' sabi ko saka ko tinanggap ang tubig na inaabot nito.''Kahit 'di mo sabihin sa akin, alam kong na mimiss mo siya tama?''''Tumigil ka nga d'yan. Sino bang tinutukoy mo?''''Sino paba sa tingin mo? Edi si Shugine.''''Paano mo naman nasabi 'yan huh?''''Bakit hindi ba? Alam mo bang kalat na kalat na sa korea na ikakasal na si shugine sa korean actor na nabalitang ex
Si shugine ikakasal na sa ex nito? na isang sikat na korean aktor sa bansa nila? 'yon ang huling balita ko dito matapos kong wasakin ng pinong pino ang laptop ko matapos kong mabalitaan iyon. ''Tsiii hindi ka magtatagumpay.'' naibulong ko.Patay ka talaga sa akin pag nakita kita. Hintayin mo lang ako pupuntahan talaga kita d'yan sa korea.Bulong ko bago ako sumakay sa kotse ko at iniwan si Blake.1week later.Bakit ba napakatagal ng celebrity na 'yon?Masyado naman siyang paimportante alam ba niyang marami akong ginagawang project ngayon na dapat maagang matapos ng makalipad na ako sa korea at ng masundo ko na ang lintik na babaeng mahal ko!''Direk matagal paba?'' tanong ko kay direk...''Malapit na 'daw siya. Teka ayan na pala siya.'' sabi ni direk saka kami napatingin sa kotseng parating.Bumilis ang tibok ng puso ko, parang may kung anong mangyayari.At tama nga ako napatayo na lang ako habang lumalabas ang pigura ng isang babae na matagal ko ng gustong makita.Pero teka. May bu
Inchie KimNatatakot ako 'yun ang nararamdaman ko ngayon. gusto kong tumakbo at lumayo, pero hindi ko magawa dahil malalagay sa kahihiyan ang buo kong pamilya ng dahil sa kasunduan na ito.Dag-dag pang handa na ang lahat para sa kasal, katunayan nga n'yan nakasuot na ako ng wedding gown, at ilang minuto na lang ay mag uumpisa na akong mag-lakad patungo sa aking ka sumpa-sumpang buhay may asawa.Grabe hindi ko talaga ma-feel ang kasal na ito feelings ko track and field runner ako na ready ng tumakbo ang bata kopa para maikasal sa lalaking ni minsan ay hindi ko pa nakikita.Naaawa talaga ako sarili ko pero wala akong magawa. Naisip ko tuloy si Kian.Sana pigilan nito ang kasal ko.Nasa ganun akong pag iisip ng makita kong pumasok si Mommy sa kwartong akupado ng bride.''Inchie anak two minutes na lang magsisimula ka ng lumakad, ang mga abay ay nakahanda na. kaya mag-handa kana rin huh?'' wika ni mommy na lumapit agad sa akin saka agad akong niyakap kaya niyakap ko din ito ng sobrang hi
Inchie KimNakatingin ako sa mga bisita habang napapaisip sa mga nangyari kanina. Natapos din ang sakalang naganap sa wakas.Tama sakalan at hindi kasalan dahil wala namang pagmamahal sa pagitan naming dalawa Pero hindi ang sa recepcion ng kasal, dahil hindi talaga ako nito tinigilan, grabe itong mang inis, panay ang haplos nito sa likod ko at pang aasar na nakakapagpataas talaga ng balahibo ko sa katawan. Saka ito ngingiti ng nakakaloko pag nakikita niyang nagagalit na tlga ako.Kainis na buhay ito, napakalakas palang mang high blood ang isang ito, lagi itong naka dikit sa akin para lang asarin ako, feeling niya ata close kaming dalawa.Hindi ba niya alam na hindi na niya kailangan pang sirain ang buong araw ko dahil mula ng pag usapan ang kasalan na ito ay talagang nasira na nito ang buong buhay ko, bukod sa sira na yung buhay ko. pinapatay niya ako sa inis.Pero sadya atang manhid ang isang ito, dahil hinawakan na naman ako nito sa braso ko at saka ako nito hinila sa mga kaibigan ko
Kaze Nandito ako ngayon sa may lobby at mag isang umiinom habang nakatingin sa ilang mga bisita sa paligid. matapos kasi akong tawaging orocan at plastic ni Inchie, sa harapan nila daddy at mommy, iniwan pa niya ako at pumunta sa mga kaibigan nito, takenote, dala pa rin nito 'yung stuff toy na regalo ng manliligaw nito. Sa totoo lang naiinis ako, hindi ko alam kung bakit tila inis na inis ako.''Kainis nasaan na ba ang babaeng iyon? ginagawa naman niya akong katatawanan sa harap ng mga bisita, naturingang kinasal kami na sa mga barkada naman niya ito.'' inis na sabi ko sa sarili ko saka ko inihagis yung baso sa sahig. Tumalsik ng bahagya ang bubog sa kamay ko kaya nakaramdam ako ng konting kirot.Saka ako mabilis lumakad para hagilapin si Inchie.mayamaya lang ay may natanawan akong mga anino sa may di kalayuan. at habang papalapit ako unti unti kong nakikita kung sino ang mga ito Si Kian hawak hawak ang mga kamay ni Inchie habang umiiyak eto.Ano naman kaya kakaiyak bang magpakasa
Inchie's POVBUSET........Bakit ba ang daming nangyari ngayong araw, ikinasal ako sa lalakeng maagang papatay ata sa akin. At lalaking di ata marunong gumalang sa babae. WHAAAAAAAAA!!!!Hiyaw ng utak ko dahil hindi ko magawang sumigaw kahit pakiramdam ko mamamatay na ako sa sobrang inis ko sa halimaw na lalakeng to.Dahil matapos nito akong pag tripan sa lobby kung saan ginanap ung reception namin,Nakuha pa niya akong tabihan sa higaan, dahil hindi daw siya natutulog sa lapag or kahit sa sofa.Pero ng sabihin ko naman sa kanyang ako nalang ang sa sofa, bigla naman nito akong hinila at inihiga sa kama, at ng magpilit akong tumayo dinaganan lang naman ako nito. Saka sabay sabing.''Subukan mong tumayo ngayong araw na ito may mangyayari sa atin.'' banta nito kaya napatingin ako sa kanya, kitang kita kong seryoso mga mata nito at hindi nagbibiro.''Seryoso kabang lalake ka? Patatabihin mo ako dito sa tabi mo? Nasisiraan kana ba talaga?'' tanong ko dito, pero ngumiti lang ito.''Bakit hi
Kaze POVGrabe na ang antok ko, dahil sa babaeng ito hindi ko magawang matulog.Ewan ko ba, sanay naman akong makatulog na may kasamang babae sa kwarto, pero bakit ngayong gabi hirap na hirap akong matulog.Samantalang itong babaeng ito ang sarap na ng tulog. Parang walang kasamang lalake sa kwarto sanay ba talaga itong matulog na may lalaking katabi? bulong ko sa sarili ko habang naiiling na napapatingin dito.At nakanganga pa talaga siya huh? Bahagya kong inilapit ung mukha ko dito para matignan ko ito ng maigi, saka ko nakumpirmang maganda pala talaga ang mukha nito, maamo ang mukha nito at makinis at pantay ang kulay ng balat.Nasa ganun akong sitwasyon ng Bahagya itong kumilos at napayakap pa sa akin.kaya naman bumalik ako sa pagkakahiga. para kung sakaling magising na nga ito, isipin na lang nitong na tulog pa rin ako.Maya maya pa naramdaman kong bumangon ito at dahan dahang kumikilos paalis. so gising na talaga ito maya maya pa ay biglang huminto ito sa pagkilos.mukhang tini
Kaze Mahigit isang oras na ako dito sa kwarto na ito, napatingin na nga ako sa wall clock at nakita kong 10 a.m na.''Saan ba umorder ng pagkain ang babaeng 'yon sa ibang planeta?'' nasabi ko saka ko biglang hinagis ang remote at padabog na tumayo para lumabas. Nakakainis Bukod sa nagugutom na ako, sa lahat pa ng ayoko ay yung pinag hihintay ako kaya mabilis akong lumabas ng pinto.Pero sa pag bukas ko ng pinto para lumabas ay may nakasalubong akong delivery man, na may mga dalang boxes ng pagkain. Pero lumakad pa rin ako ng bahagya bago muling lumingon,doon ko napansin na tumapat ang delivery man doon sa room namin ni Inchie.Kaya naman bumalik ako para ma confirm ko kung nag utos nalang si inchie na magdala ng pagkain sa kwarto.''Excuse me may kailangan ka ba?'' tanong ko.''Ay opo kayo po ba si Mr. Kaze Fardo?'' tanong nito sa akin''Oo bakit?'' sabi ko''Ay Sir. Eto po pala 'yung pinapadeliver ng kaibigan nyong si Miss. Inchie kim, sabihin ko daw po sa inyo na don na daw po sil